Alyssa: O Mr Yao. Bakit nandito ka pa?
Me: Maam pangako ko po kasi sa inyo na babawi ako sa mga pendings ko.
Alyssa: Naku Nick hinihintay ka na ng kapatid mo.
Me: Maam umuwi po siya ng CDO. 1 week po siya dun.
Alyssa: Well kung ganun isara mo na yang computer mo. Save mo na lahat ng files mo sa computer at kakain tayo sa Harvey’s.
Me: Naku Maam mahal po dun. Wala po akong pambayad.
Alyssa: don’t worry ako taya.
Me: naku maam nakakahiya po sa inyo.
Alyssa: ako nga dapat mahiya sa iyo eh. Di ko alam na nasasaktan ko na pala si Tanya sa mga ginagawa kong powertrip ko sa iyo.
Me: Naku Maam wala po yun. Parte naman ng trabaho ko yun eh.
Alyssa: like maglinis ng banyo?
Me: kesa naman ikaw Maam. Naka dress ka that time. Pano ka kikilos? Edi masisilipan ka nila.
Napahinga ng malalim si Alyssa nang mga oras na iyon.
Alyssa: well basta ikaw ang makakasilip hahaha. Mr Yao I insist. Samahan mo ako for some steak and wine. Basta hatid mo ako sa bahay ha. Coding kasi sasakyan ko eh.
Super lambing ni Alyssa at sinamahan ko siya sa Harvey’s. We ate some high grade wagyu beef and drank some expensive wines. While enjoying our wine ay di maiiwasang matanong ko ang fianc niya.
Me: Maam di pa po ba kayo tinatawagan ng fianc nyo?
Alyssa: I called him pero may binuksan daw silang logistics brokerage sa Davao at magtatagal daw siya dun. Good thing for me na din para makapag isip isip ako kung tama bang ituloy ko ang kasal namin or I should step on the brake.
Nanlaki ang tenga ko nang mga oras na iyon sa narinig ko. Mukhang nagkakalaboan na sila ni Brent. She changed the topic at nagsimulang mag kwento tungkol sa bonding nila ni Tanya. Muling lumabas ang mga ngiti niya sa mata mula sa pagkatamlay nang tanungin ko ang fianc niya. Ang daming tawa at ngisi ni Alyssa habang nagkwekwento siya sa naging bonding nila ng kapatid ko sa Japan. Hindi namin namalayan ang oras sa sarap ng aming kwentuhan at nakiusap na ang waiter ng res…