Brent: O Nick eto ang 100. May nagbebenta ng fishball sa kanto. Hindi namaman kaya ng bituka mo anh kumain ng steak at caviar.
Me: Salamat po sir pero busog pa po ako.
Grabe mang insulto ang fianc ni Alyssa kung mang insulto. Super yabang kung umasta eh asa naman sa magulang and he’s dependent on his lolo’s trust fund. Trust fund baby ika nga nila sa States.
Madalas niya akong papasukin ng weekend sa opisina at tatambakan niya ako ng madaming trabaho to her eye’s pleasure.
Tanya: Ahia linggo ngayon ah. Bakit aalis ka? Di ka ba magpapahinga?
Me: Pinapapasok ako ni Ate Alyssa mo. May kailangan daw ako tapusin.
Tanya: nandun siya Ahia?
Me: Pupunta daw siya.
Tanya: uyyyy… bonding hahahah.
Me: ikaw talaga. Sige mauuna na ako.
Tanya: Kuya hinay hinay lang ha hahaha
Pumunta na ako sa opisina upang tapusin ang mga pinagagawa ni Alyssa. We want to bag the marketing contract with Optimum Horizon Bank, one of the leading banks in the country. Malapit na matapos anb kontrata niya with Supreme Advertising, our fiercest rival. She checked everything was ok we parted ways.
We maintained our professional relationship at tipong isang tanong isang sagot lang kami sa isa’t isa. Mas nakikibiruan pa siya sa mga OJT namin kesa sa akin at super special sa kanya si Brent. Minsang kinailangan ko mag overtime ay binigyan niya ako ng mga tira tira nilang pagkain ni Brent. Patago ko itong itinapon sa basurahan nung dumating ang janitor. Ginawa ko na lang ng mabuti ang trabaho ko and I did the extra mile. Pinag aralan ko ang diskarte ng kalaban at marami akong nakitang loopholes which we can use as our advantage. Umulan o bumagyo ay pinipilit kong pumasok kahit na minsan ay masama na ang pakiramdam ko.
Tanya: Ahia medyo maiinit ka ah. Baka matuluyan ka ng lagnat.
Me: Kaya ko to Tanya. Kailangan ko pumasok. Nasa crucial stage na kasi kami sa pag gawa ng marketing plan for Optimum Horizon Bank. Pag di namin nakuha ang kontrata baka masisante kami.
Tanya: ahia uminom ka ng gamot ha.
Me: ok
Pumasok ako upang tapusin ang crucial part ng marketing plan pati ang execution nito. Nang matapos ko ito ay nag undertime na ako sa opisina at umuwi na ako. Masama nga talaga ang pakiramdam ko at tumaas pang lalo ang lagnat ko pag uwi ng bahay.
Kinabukasan ay tinawagan ko si Alyssa to tell her na hindi ako makakapasok dahil inaapoy ako sa lagnat. Naawa ako kay Tanya dahil may tatlong exams siya nang araw na iyon. Nakabihis na siya at handa nang pumasok.
Alyssa: MR NICHOLAS YAO! I DON’T CARE KUNG MAY SAKIT KA! I WANT YOU TO REPORT TO ME RIGHT NOW!
Me: GO TO HELL MS ALYSSA POLICARPIO! YOU BECAME A LUNATIC! INAAPOY NA AKO NG LAGNAT PERO POWER TRIP NA DIN ANG NASA UTAK MO! SISANTEHIN MO NA AKO KING GUSTO MO! GO TO HELL ALYSSA POLICARPIO!
Binagsakan ko siya ng telepono at di maiiwasang napagsabihan ako ni Tanya.
Tanya: Ahia di mo naman kailangan pagsabihan ng ganun si Ate Ayssa.
Me: Grabe siya eh. Pinapapasok niya ako ngayon eh inaapoy na nga ako ng lagnat. Tanya pumasok ka na. Mahirap maghabol ng mga mamimiss mong exams.
Tanya: Ahia di kita pwede iwan at baka mapano ka pa. Ako nang bahala kumausap sa mga professor ko.
After 30 minuites ay mag nag doorbell at lumabas si Tanya sa kwarto upang buksan ito. Narinig ko ang boses ni Alyssa na pasugod.
Alyssa: NASAN ANG MAGALING MONG KUYA!
Tanya: Ate buti dumating ka. inaapoy siya ng lagnat ngayon.
Di niya pinansin si Tanya at rinig ko ang mabigat na yapak ng kanyang paa na sumugod sa kwarto. Di na siya kumatok at agad na pumasok siya sa kwarto. Tumayo ako as a sign of respect at agad niya akong sinampal sa mukha. PAK! Tunog ng kanyang malutong na sampal sa aking mukha. Agad na napasugod si Tanya sa kwarto upang pumagitna sa aming dalawa.
Alyssa: HOY LALAKE! ANO BA GUSTO MO PALABASIN PARA PAGSALITAAN MO AKO NG MASAMA? NA MAGALING KA????
Me: IKAW! ANO PROBLEMA MONG HAYOP KA? TINIIS KO LAHAT NG MGA KATARANTADUHAN AT KAGAGUHAN MO MAGING ANG KABABUYAN MO PERO DI KO NA MAPAPALAGPAS ITO!
Nagulat si Alyssa with my outburst at natahimik siya. Maging si Tanya ay nagulat nang mga oras na iyo…