After 12 rounds of beer ay hinatid ko na siya sa bahay nila.
Me: Ok ka lang Alyssa?
Napangiti siya sa akin.
Alyssa: This time walang stir. May tama talaga ako. Hahaha
Me: Samahan na kita pumasok.
Alyssa: Ok
Sinamahan ko siyang pumasok sa kanilang bahay at inalalayan ko siyang maupo sa sofa. Nang maupo na siya ay she gave me a tight hug.
Alyssa: thank you Nick.
Kakaiba ang tibok ng puso ko nang muli kong maramdaman ang mga yakap ni Alyssa. My heart is beating fast that time at iniwan ko na siya nung sinabi niyang ok ba siya.
Kinabukasan ay tinawagan niya ako.
Me: Tatanong mo ba yung nangyari kagabi? Hahaha
Alyssa: SIRA! Concious naman ako kahit na may tama na ako hahahah.
Me: tig dalawang bucket ulit tayo? Hahaha.
Alyssa: Loko lunes bukas. May trabaho. Hahaha. Nick kaya ako napatawag gusto ko sana kayo yayain ni Tanya na mag breakfast sa BGC. Tapos mag stroll tayo, then watch a movie then stroll again tapos dinner. Miss ko na din kasi si Tanya.
Me: Naku matutuwa siya. Sige gigisingin ko siya para makapaghada na kami.
Ginising ko na si Tanya and out of excitement ay naligo na siya agad. Pumunta kami sa BGC and we met with Alyssa.
Alyssa: Tanya! Wow ang ganda mo!
Tanya: Thank you Ate.
Alyssa: di mo naman sinabi na pinili mo ang Ateneo. Edi nakapag bonding sana tayo every week.
Tanya: sudden change of mind Ate. Buti na lang may available slot pa.
Me: at may available pang plane ticket kamo. Hahaha
Tanya: Ahia talaga!
Alyssa: Naku hindi ka pa nasanay dyan sa kuya mo. Hahaha.
Me: alam mo ba na yung one way ticket niya from CDO to Manila eh mas mahal pa kesa sa round trip ticket ng CDO to Singapore? Hahaha
Tanya: Ahia talaga! Hahaha. Actually Ate matagal na kita gusto tawagan kaya lang nahihiya ako dahil sa nangyari sa inyo ni Ahia.
Alyssa: Naku Tanya kalimutan na natin yun. Immature pa kaming dalawa that time.
Tanya: Does it mean na pinapatawad mo na si Ahia?
Alyssa: Well, kailangan muna niyang maging good boy para mas mabilis mag heal ang sugat. Hahaha
Me: Good boy naman ako ah hahaha
Tanya: Oo naman Ahia. Lalo na pag humihilik ka hahaha
Alyssa: Kapatid mo na nagsabi niyan ha hindi ako hahaha.
Me: Sige Tanya cancel ko na lang Anvaya natin next week hahaha
Alyssa: Anvaya kayo next week???
Me: Yes. Bakit? May OT ba?
Alyssa: Wala naman. Pero nandun kami ni Brent next week.
Tanya: Ate sino si Brent?
Alyssa: Fianc ko.
Nalungkot si Tanya nang maggaling na sa bibig ni Alyssa na ikakasal na siya.
Alyssa: Don’t be sad Tanya. Kahit na may asawa at anak na ako pwede pa rin naman tayo mag bonding.
Tanya: Talaga Ate?
Alyssa nodded with a smile.
Tanya: Eh pano kayo ni Ahia?
Alyssa: Well we can still be friends kahit na may asawa at anak na ako.
Tanya: Basta promise mo sa akin Ate mag bobonding pa din tayo ha.
Alyssa: Promise! Tara breakfast na tayo.
We went to iHop for breakfast and nag catch up sila Alyssa and Tanya. Ang daming kwento nila Alyssa at Tanya sa isat isa at nung natapos na kaming mag almusal ay hinayaan ko muna sila mag bonding. I gave them the whole day. While I took the bus going to Glorietta. While strolling around Glorietta ay nagmuni muni ako. Alyssa hugged me twice at sobrang higpit pa. Dito ko na naramdaman na mahal na mahal ko pa rin si Alyssa. I rode a bus going back to BGC at sakto kakatapos lang nilang magbonding. We had an early dinner at the restaurant of their choice at di pa rin natigil ang aming tuwa at saya sa isa’t isa. After our dinner ay biglang nag ring ang phone ni Tanya at gulat na gulat.
Tanya: Ahia, Ate thanks for the dinner but I need to go.
Me: Bakit?
Tanya: we have a lunatic professor. He changed the format of our case study ng ganun ganun na lang. After 2 weeks na ang reporting. We have to rush Ahia. Malapit lang naman Ahia. Dyan lang sa Serendra.
Me: Sino sino kayo?
Tanya: Don’t worry Ahiam 4 girls kami. Hahaha.
Alyssa: Sige na Tanya at hinihintay ka na ng mga groupmates mo.
Tanya: Thank you Ate.
Niyakap niya kami and nag beso siya bago umalis. Alyssa settled the bill and we went out the resto.
Me: Naku Alyssa nakakahiya sa iyo. Ikaw pa naglabas para sa aming magkapatid.
Alyssa: Anu ka ba ok lang yun.
Me: Coffee? Ako taya.
Alyssa: Sure. Seattle’s Best naman tayo. Nalakasawa na Starbucks eh hahaha.
Me: Sure! Sakto may dalawang free drinks ako hahaha.
Alyssa: Kuripot! Hahahah
We went to the said coffee shop at kami naman ni Alyssa ang nagbonding. We had a great chat over a cup of coffee and we decided to stroll around the area. Habang naglalakad ay sinubukan kong hawakan ang kamay niya. Napatingin siya sa akin at tinignan ko din siya, she smiled at me at humawak din siya sa kamay ko. Holding hands while walking pa sway sway pa. We are having a great time nang tumawag na si Tanya at nagpapasundo na.
Alyssa: Nick nag enjoy ako ngayon.
Me: Ako din.
Nagpaalam na kami sa isa’t isa and she hugged me and gave me a smack on the cheek. Nagsitaasan ang mga balahibo ko time.
Alyssa: Sige na. Sunduin mo na kapatid mo.
Sinundo ko na si Tanya at umuwi na kami. Nang makarating kami sa condo ay naligo na kami at nagpalit ng pangtulog nang maglambing sa akin si Tanya.
Me: Matulog ka na. Maaga pa pasok mo bukas.
Tanya: Ahia 1PM pa pasok ko.
Dito na siya nagsimulang mag kwento tungkol sa naging bonding nila ni Alyssa. Dito ko na nakwento na hinalikan ako ni Alyssa sa pisngi.
Tanya: OH MY GOD AHIA! TOTOO???
Kinikilig niyang tanong sa akin at masayang masaya siya.
Tanya: Ahia mahal ka pa rin niya!
Me: Naku ha! Ikakasal na yung tao.
Tanya: Naku Ahia! Hindi ka hahalikan sa pisngi ng isang babae kung hindi ka special sa kanya. Yehey! Magiging hipag ko si Ate Alyssa!
Me: tulog na!
Tanya: Eh…