Ex Marks A Spot…in The Hotel

This is just a work of fiction. Fiction lang po ito. Patnubay ng magulang ay kailangan.

—————————————

”Thank you for flying Philippine Airlines, the heart of the Filipino” sabi ng stewardess as the plane taxied the runway to NAIA Terminal 2.

‘Its good to be back, Manila’ sabi ko sa sarili ko. I switched off my phone’s airplane mode, and in a second his message pinged.

‘I’m outside the arrivals area na’ said the text message. I smiled, giddy with excitement. I grabbed my bags, and lumakad palabas ng eroplano along with the other passengers.

While waiting for my luggage to exit the carousel, I was browsing through social media pages when my phone pinged again.

‘San ka na?’

I called him agad, nakakapagod mag text. ”Hi, just waiting for my luggage lang then exit na ako afterwards”

”Siguraduhin mo, nakakastress magbakla-baklaan dito”

Natawa ako. ”Eh bakit naman kasi, you don’t have to do that”

”Baka may espiya ex at tatay mo dito. Basta masundo lang kita, gagawin ko ang lahat”

I smiled. ”O ayan na bagahe ko, wait for me okay?”

”Bilis, ghurl, ang inetch dito, lam mo yun?”

Napatawa ako ng bongga, napalingon tuloy ibang pasahero sakin. Okay, behave lang tayo, incognito mode is on.

Sa arrivals area, hanap ako ng hanap sa lalaki na nagpapanggap na bakla. Pero lam mo yun, di ko naman inexpect na naka black shirt, cargo pants at tsinelas? Naka black wayfarers pa. San yung bakla-baklaan dun?

”Girl tulungan mo naman ako sa bagahe ko, putek ang init dito to think 4PM na, bakit dito ka tumambay?”

”Bakit andami mong dala 3 days ka lang dito ah?” balik tanong niya sa napakasungit na boses.

”Napaghahalataan ka sa boses mo girl,” tawa ko na sabi, ”Tsaka getaway nga diba? Kulang pa nga yan eh, mag sha-shopping pa ako mamaya”

”Ay gusto ko yan, shopping!” Sabay lingon sa likod while dragging my maleta. ”Di ka naman siguro nasundan diba?”

”If meron man, hinarang na tayo for sure,” I giggled.

”Tawa ka dyan, pero iyak ka ng iyak sakin kagabi,” He turned to me. ”Okay ka lang ba? Wait, of course di ka okay,”

I smiled at him. I met Eli at a social function 5 years ago with some of my medical professional friends, and even though mas matanda sya sakin ng 8 years nagclick kami agad as barkada. Siya yung takbuhan ko whenever I have problems. I was that comfortable with him. And this time around, isang malaking problema kinakaharap ko.

My fiance cheated on me. Well, ex-fiance.

”Wag ka mag alala, nagpaalam ako ni mama na mag wawal-wal ako. Alam niya pa Manila ako. I’ll update her later.”

”Eh si erpats?”

”Syempre wala lang sa kanya, ginawa niya kay mama before diba?” kibit balikat ko, ”And he knows umalis ako, di ko lang sinabi sa kanya san ako pupunta, di naman din sasabihin ni mama sa kanya”

”Eh si batuta?” Batuta tawag niya kay ex, kasi daw sundalo pero kung umasta parang pulis. Di ko sya magets minsan, parehas lang naman sila. Mga manloloko.

”Hanapin niya ako sa impyerno kung gusto niya”

”Ay di mo ba alam, impyerno ang Manila ngayon, ang init.” He said while storing my luggage sa sasakyan niya. ”So san tayo, Miss?”

”Sa langit”

Natawa sya. ”Be careful what you wish for”

”Oh, I intend to”

He smiled at that.

Habang nasa daan na kami papunta sa hotel na nabook ko sa Makati, we were catching up. The last time we saw each other was the year before, nung pinuntahan niya ako sa Cebu to celebrate my birthday. Tanong sya ng tanong nun bakit wala yung ex ko nun. Sabi ko on duty. Yun pala, nakaduty sa ibang babae.

”So let me get this straight — ”

”Wag na natin pag usapan please”

”Pero you do know that one way or another, you have to vent it out. Kasi yung narinig ko kagabi hikbi mo lang at gibberish mo na pagsasalita”

”Bwiset ka talaga kahit kailan!” Hinampas ko kamay ko sa balikat niya. Nung tumawag kasi ako sa kanya the other night, I was so mad and sad and frustrated di ko nga siguro na straighten out yung pinagsasabi ko.

Hinuli niya yung kamay ko gamit yung right hand niya, and grasped it tightly. ”But kidding aside, I’m glad ako yung una mong tinawagan. At sa akin ka pumunta para sumilong muna”

I looked at him, and saw he was looking at me too. His eyes were intense, yet warm at the same time.

”Sabi ko kasi sayo, ako na lang,”

Tumawa ako, ninenyerbos. ”Gago ka, di tayo talo Ser. Teka, how’s Sienna? Nagpaalam ka ba sa kanya?” Nilihis ko yung usapan.

I knew he had feelings for me before dahil he confessed to me nung kakakilala pa lang namin. I turned it down kasi kaibigan lang talaga yung turing ko sa kanya noon. Plus I was having the time of my life with my then first boyfriend before, and then when he knew I had a relationship with the now ex-fiance, nag joke sya na bakit di daw ako nakapaghintay sa kanya.

”Di ko ba nasabi sayo?” Sumipat sya sa side mirror nya. ”Wala na kami.”

”Ha, kelan lang? Eh kakasabi mo lang last month nag celebrate kayo ng monthsary nyo ah”

”Yun na nga, monthsary lang, di umabot ng taon,” tawa pa niyang sabi.

”Ano nga nangyari…