Extra Jump! Ang Mga Hari Ng Basketball!!

Extra Jump! Ang mga Hari ng Basketball!!

author: cloud9791

Names and persons in this story are entirely fictional. They bear no resemblance to anyone living or dead.

SPG content: This story posted in this page/website may include pictures and materials that some viewers may find offensive or violent. If you are under the age of 18, or if such material offends you or if it is illegal to view such material in your community please exit the page or stop reading now….

© 2020 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

======================================

Kay Glenn…

“Sorry talaga Glenn… Friends?” Ang sweet na ngiti nya sakin na parang napilitan lang.

Parang nasamid ako sa sagot nya sakin… Ang crush ng buhay ko sa high-school si Janesse! Janesse Rivera. Hindi sya ang pinakamaganda sa highschool namin pero, nainlove pa rin ako sa kanya!

FRIENDS‘ Eto na siguro ang pinaka-unang salita na pinaka-ayaw marinig ng isang binatang tulad

ko, galing sa isang dalaga nililiyag nya!

“Ah… Ah… Friends!! FRIENDS! Ahehehe!” Ang pilit na naisagot ko nalang sa sinabi sa akin ni

Janesse.

Sabay talikod sya. Ang mahaba nyang buhok na parang model sa isang shampoo na lang ang nakikita ko. Para akong kawawang tuta na sunod-sunod tingin nalang sa amo nya habang iniwan sa isang tabi! Eto na ba yung busted? Di pa nga ako nakakaporma. Haay ang galing mo talaga Glenn!

Pero ang sakit ah!! Kahit pang-walong basted ko na to. Parang eto pa rin ang una! Alam mo yung nagsisikip ang dibdib ko.

Hawak ko ngayon ang isang chocolate bar at isang tangkay ng rose na bulaklak na binili ko pa gamit ang baon ko. Parang alam ko na patutunguhan ng sitwasyon na to. Pamilyar na ako sa mga ganitong pangyayari eh. Na-friendzoned na naman ako!!

FRIENDZONED!? Eto na siguro ang pangalawa sa pinakamasasakit na salita na maririnig ng isang binata galing sa isang babae sa buong buhay nya!

Eto na naman ako nakatayo mag-isa sa isang tabi ng kampus. Kawawa! Loser! Sakit BHOI!!! Hawak ko pa rin ang chocolate na binili ko. Ang kaisa-isang tangkay ng rosas na nakayanan ng budget ko. Buti pa kainin ko nalang yung chocolate? Kainin ko nalang kesa masayang! Napaupo ako sa isa sa mga upuan na gawa para sa mga estudyante.

Habang kinakain ko ang mamahaling chocolate na umubos ng baon ko. Napatingin sakin ang 3 babaeng schoolmates, nagtatawanan habang nakatingin sakin. Halatang ako ang pinagtatawanan nila! Bahala nga kayo dyan, sabay talikod nalang ako sa hiya.

Teka bakit ba nila ako pinagtatawanan?? Pag-tingin ko sa repleksyon ko sa salamin. Ay Sha!! Dami kong luha ako at nagkalat ang chocolate sa pisngi ko! Kaya naman pala!!

Pero napansin ko sa gitna ng awa ko sa sarili ko. Yung nasa gitnang babae. Ang pinaka-maganda sa kanila. Parang syang isang kaygandang korean!! Nakita ko kung paano nya pinipigilan ang dalawang pa nyang kasama para tawanan ako. Kahit paano nawala ang awa ko sarili.

Hanggan sa… Kingina mo! Ayan ka na naman eh! Kaya ka lagi nababasted eh! Dali mo mahulog sa mga kahulugan na wala naman!!

Mula ngayon Glenn. Titigilan mo na yang mga babae na yan! Tama na! Sobra na! Ang bagong motto mo sa buhay. No woman, No cry!!

Pagpunas ko sa sipon ko sabay tayo,”Sneeeft!! Mula ngayon iiwas na ko sa mga babae!!”

Ang bulong ko sa sarili ko!! Nang mapansin ko napa-ngiti sakin yung babae sa gitna. Napalakas ba boses ko!?

HINDEE!! Malikmata mo lang yun Glenn! Tigilan mo na ang mga babae para hindi ka na umiyak! Mula ngayong araw na eto! Ang simula ng pagbabago sa buhay mo Glenn! Sigaw ko sa sarili ko!!

© 2020 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

===========================================

Kay Glenn pa rin…

Pagpasok ko sa classroom may biglang bumunggo sa sa katawan ko! Di ako makahinga! Nasikmuraan ata ako. Bagsak ang mga gamit ko sa sementong sahig. Bagsak din ako!

“Uy Sorry! Di kita nakita tsong!” Ang naka-ngising sabi ng isang classmate ko.

Si Ruel! Mas malaki at matangkad sya sakin! Alam ko mga 5’9 ako, pero mas matangkad pa rin sya sakin at mas malaki ang katawan! Ang katawan ko walang kalaman-laman kumpara sa kanya. Kasama pa ang kanyang grupo. Tatahimik na nga lang talaga ako.

King-ina! Pag minamalas ka nga naman talaga. Malas na sa pag-ibig. Pati ba naman sa classroom malas pa rin? Napapaluha ako na dinampot ang mga naka-kalat kong gamit. Nakita ko ang isang binatang ngayon ko lang nakita sa section namin. Gwapo sya at maputi. Sino kaya to? Nakita nya ang nangyari sakin. Kala ko tutulungan nya ako. Pero umiwas lang sya ng tingin!

Ano pang aasahan ko? Eh ang mga classmates ko nga hinahayaan lang akong binubully ni Ruel. Nang matapos kung damputin ang mga gamit ko. Mauupo na sana ako sa upuan ko.

“Ops wag ka rito Glenn. May nakaupo na rito.” Si Len.

Eto ang babaeng kung sa pelikula laging kontrabida.

“O-okay…” Nalang ako.

Pati babae binubully rin ako. Wala kawawa eh. Naghanap ako ng ibang upuan. Dun nalang sa likod ang wala pang nakaupo. Dun sa may kaliwa ng klase sa tabi ng bintana. Duon nalang ako napaupo. Naglakad ako, masakit pa tagiliran ko sa tama ni Ruel. Kinginang to. May araw ka rin sakin. Kelan pa di mo naman kaya yun?

Maingay na naghahalakhakan ang mga kaklase ko. Habang ako lang ang tahimik. Haay! Napa-pangubaba nalang ako sa arm rest habang nakatanghod sa labas.

“Lagi nalang umuulan…”Ang parang may background song pa sa isip ko. Masaya sila, habang andito ako nagsosolo sa hayskul life ko. Sabi nila highshool ang isa sa mga pinakamasaya sa buhay ng isang tao. Pero wala e. Eto ang buhay na napunta sakin.

Napatingin ako sa labas. Tinitingnan ang magagandang mga halaman sa labas ng classroom namin. Napansin ko may grupo ng kababaihang hayskul naglalaro. Siguro PE nila. Naisip ko sana ganun din buhay ko. Dun ko nakita yung babae kanina. O Glenn-glenn diba pinag-usapan na natin yan. E bakit ba tingin lang naman.

Ang ganda nya!! Parang yung dalagang bida sa isang korean series na hilig panuorin ng kapatid ko. Pero ang mas nakakahumaling, ay yung mga ngiti nya. Ang mga pagiging masayahin nya sa labas. Parang nawawala ang lungkot sa puso ko.

Natigil lang ang paglipad ng isip ko nang…

“Class, Class! Pinakikilala ko nga pala sainyo…” Ang boses ng aming adviser

Dinig mo ang buntong-hininga ng aking mga kaklase. Pagharap namin andun na nga si Mr. Almadrin. Siguro may mga bago kaming kaklase.

“Ngayon lang sila nag-transfer sa school natin at mula ngayon magigi-nyo nang kaklase.” Patuloy ni

Mr. Almadrin.

“Si Ace at Rudy!” Masayang announce ng aming guro.

Naka-nganga pa si Mr. Almadrin pero walang estudyante na mga bago ang nasa harap.

“Mr. Ace? Mr. Ace? Iho tumayo ka nga muna dito.”

Wala. Walang tumatayo sa classroom namin.

“Mr. Ace?”

Dun narinig ang mahinang usad ng silya. Tumayo ang isang lalaki dun. Napatingala ako. Ang tangkad nya!! Yung lalaki kanina na ngayon ko lang nakita. Siguro mga 6’9 to ang tantiya ko sa isip ko. Nakasimangot ito na pumunta sa harapan. Nanliit si Mr Almadrin sa tangkad ng lalaki!! Pagharap nito ang sakto lang sa haba na itim na buhok. Gwapo ang mukha nitong may pagka-suplado. Dinig ko ang hagikgikan ng kilig ng ilang mga klasmate kong babae.

“Ace…” Ang maiksing sabi lang nito.

Napa-nganga ang mga klasmate ko sa pag-iintay ng susunod nitong sasabihin pero wala.

“Can you tell us something about yoursel…