author: cloud9791
#cloud9791extrajump
Names and people in this story are entirely fictional. They bear no resemblance to anyone living or dead.
SPG content: This story posted on this page/website might include pictures and materials that some viewers may find offensive or violent. If you are under the age of 18, or if such material offends you or if it is illegal to view such material in your community, please exit the page or stop reading now….
© 2023 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner without the expressed permission of the author by any means available.
—————————————————–
Student Sportswriter… April…
“EYAAAAHHHH!!!” The huge shouting of the fans when I entered one of the biggest coliseums in the Philippines.
It’s the Final Four!! The building is full of fans old and young alike! Clearly there were two sides. One was for the perennial Final four team. Atelier University. Full of rich parents and their students. The other side the dark horse of the Tournament, San Gabriel University!
Oo! Tama ang sinabi ko. Ang dating kulelat at laging lagapok na team sa tournament. ISa na ngayon sa kasali sa Conference Finals! Ilang buwan lang ang nakakaraan. Hindi mo masasabing makakapasok sa Conference Finals ang team na ito. Pero here they are! By some miracle or magic.
Nakita ko na naman ang kanilang mga patay-gutom look na mga studyante. Pero they seemed better looking now. Sa naging success ng kanilang basketball team. Pumasok ang ilang sponsors sa school! Ang dating malapit na magsarang university, na-inject ng panibagong excitement!
“SAN GABRIEL! SAN GABRIEL!!” Ang shout ng unruly fans nila.
Samantalang reserved and proper lang ang mga fans ng Atelier University. Andun ang kanilang mga banderitas at malalaking tarpaulin na hawak ng ilan nilang students. AS expected of the students of one the biggest and exclusive schools of this country.
“Go! GO! ATELIER!!” Ang ingay ng kanilang mga cheerers sa taas.
May kasama pang pag-bombo ng mga malalaking mala-drums. May iisang uniform ang mga nag cheer dun sa taas.
“WEE YOOOOW ATELEYERS!!” Ang paulit-ulit na hiyawan ng kanilang fans.
Atelier University; isa sa mga pinakamatagal ng schools sa Pinas at isa sa mga richest schools. Hiyawan ang kanilang mga students both highschool and colleges alike. Iba talaga ang dating ng aura ng atmosphere na dala ng Final Four conference. Sanay na dito ang Atelier University. If not sa Final four. Palagi silang nasa Finals. Kalaban ang strongest team sa Nationals. Ang University of St. Johns!
Biglang mas lalong naging magulo ang mga fans ng San Gabriel. Kaya pala. NAgsimula nang magpasukan ang mga players ng San Gabriel Kings!
“WOOOHHHHOOOO! SAN GABRIEL! SAN GABRIEL!!” Ang malakas na hiyawan ng kanilang mga student fans at mukhang andito rin ang parent’s ng mga studyanteng to!
First pumasok ang ilan sa kanilang bench players. Hanggan sa sunod pumasok ang kanilang first five. Halos dumagundong ang napakalaking coliseum na to.
Ang captain ng San Gabriel Kings. Ang may pinaka-solid built na katawan na nakita ko. 6’8 Captain ng San Gabriel Kings… Captain Zeb Jacinto! May maiksing buhok at moreno. Serious ang pagpasok nya loob court! Finally, bago sya mag-graduate, isa na sa mga top teams ng bansa ang San Gabriel!
Kasunod na pumasok ang isa sa mga rookie ng San Gabriel. Ang kanilang 6’10 power forward/center. ISa sa mga kinikilalang top defensive specialist na ngayon sa buong liga. Si Rudy Macario! Nakatingala parang hindi makapaniwala ang pagpasok nya sa court. Di mo rin sya masisisi. Ngayon lang nakapasok ang rookie sa ganitong kalaking stage! Rudy Macario di mo akalaing isa na sa mga top rebounders at blockers sa league today!
Sumunod ang kanilang 6’3 na ngayong pointguard and still growing! Hiyawan pa lalo ng malakas ang kanilang mga fans! Si Glen Torio! Ang dating unknown player unti-unti ng nakikilala sa buong bansa! Ilang buwan lang nakakaraan halos hindi kilala. Para lang din ang kanilang school na San Gabriel. Dating halos malubog na sa obscurity. NGayon isa na sa mga tinuturing na rising stars!
Sunod sa kanya ang kanilang parang inaantok na 6’4 na shooting guard. Ang isa pa sa kanilang hindi halata pero defensive specialist at streaky three-point shooters. Si Allan Tristo! Tulad ni Glen isa ring rookie at isa rin long range three pointer specialists. Kaya naman namamayagpag na ngayon ang San Gabriel Kings dahil sa duo na to!
Mas lalong nagulo ang isa sa pinakamalaking colisuem sa pagdating nang isa na sa mga tinuturing na Superstars ng liga. Ang 6-9 premiere Smallforward ng liga… Ang suplado pero may kagalingan na player. Ace Mendoza!! Hiyawan ng malakas ang mga babae at dalaga ng magkabilang teams! Well… Sabagay even me. I cannot deny his dashing idol looks and charm. The Rookie Superscorer… Ace! Grabe halos makalaglag panty pala talaga sya sa malapitan ng makita ko close-look ang mukha nya. Ace Super Rookie Scorer!
Ang San Gabriel Kings dumating na! Nalaman ko nuon maraming taon na nakakaraan, champion may dynasty pala ang team na to? Eto na ba ang pagbabalik ng Hari!? Is this it? The Return of the Kings!?
© 2023 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner without the expressed permission of the author by any means available.
————————————————————————–
Kay Jenny…
Di ko pa rin makalimutan ang eksena. Nahirapan ako na natulala. Hindi ko alam ang gagawin ko nang makita ko si Glen sweet and kissing someone else. PArang nahirapan ako huminga at lumunok. Lalo na nagsimulang mag-kiss sila. I dont know what to do. Do I pursue the man I… I’ve learnt to care for? More than just care… I’ve learned to… learnt to…
“Glen…” Ang abot ko ng kamay sa kanya kahit malayo. Malayo kahit kaylapit lang ni Glen.
Ang sweet nila pumasok na dalawa sa door ng bahay nila Glen. Nakalimutan nila isara ang gate, naka-bukas ng kaunti.
‘Wag mo na ituloy Jenny… Masasaktan ka lang’ Ang sabi ko sarili ko.
Pero sabi ng ibang Jenny sa loob ko sumunod ka. Para makita mo. Ang alin? PAra makita para lang masaktan?
That was a few weeks ago. Sitting here at this place. Ang tagpuan namin ni Glen. Tagpuan? Ang sweet. Ilang beses ko tiningnan ang sarili ko. Sakto lang sa haba na shorts at sando ko. Para ang akong magte-tennis sa attire ko. Pero basketball ang gagawin namin ni Glen.
“Tara na! Jenny!” Ang pamilyar na boses ni Glen.
Naka-basketball gear na sya. Kahit malayo palang nakita ko na ang mukha agad ni Glen. Ewan ko ba bakit parang gumagwapo sya o in… Inlove lang talaga ako? PAano ka maiinlove Jenny? Kasama mo lang naman sya palagi kasi dahil sa basketball training nyo. Kasama mo lang sya palagi dahil sa ikaw ang anak ng may-ari school.
Inayos ko ang buhok ko sa may tenga ko na parang automatic tuwing nakikita ko si Glen. Nag iinit ang buong katawan ko, although, sakto lang ang lamig at init ng araw. Maaga pa. Lagi kaming nagkikita ni Glen tuwing umaga practice sa kanyang iba pang basketball skills.
“Oo Glen…” Ang sunod ko naman agad sa kanya.
Parang happy na ko katabi ko sya naglalakad. Kahit ganito lang masayang-masaya na ko. Alam ko hindi kami. Pero iniimagine ko nalang. Hindi naman masama mangarap di ba. Napatingin ako sa katawan nya. Parang feeling ko naliliit ako o tumangkad pa uli si Glen?
“Ahh… Jenny… Jenny…” Ang parang nahihiya nyang harap sakin.
“Ano yun? Glenn?” Tingin ko naman agad. Ewan ko ba inayos ko uli ang buhok ko pagharap ko sa kanya.
Feeling ko namumula at nagiinit ang mukha ko tuwing nakatingin sya sakin. Kamot-kamot sya sa likod ng ulo nya. Ang cute pa rin nya tingnan yung parang nahihiya sya. Kahit na maraming babaeng humahanga sa kanya.
Kahit naturuan ko na sya ng lahat-lahat ng nalalaman ko sa basketball. Niyayaya pa rin nya ako mag-training sa kanya at gustong-gusto ko naman, sumasama kaagad ako kay Glen pag-niyayaya nya ako sumama sa kanya. Kaygaling na nya mag-dribble at shoot! Para na syang professional basketball player. Syempre proud naman ako, ako kaya ang nagturo sa kanya! Sa steady improvement ni Glen… Steadily improving na rin ang San-Gabriel!
Naka-7 game winning streak ang team sa loob lang ng ilang w…