Extra Jump! Ang Mga Hari Ng Basketball (Ep. 2)

Extra Jump! Ang mga Hari ng Basketball (ep. 2)

author: cloud9791

Names and persons in this story are entirely fictional. They bear no resemblance to anyone living or dead.

SPG content: This story posted in this page/website may include pictures and materials that some viewers may find offensive or violent. If you are under the age of 18, or if such material offends you or if it is illegal to view such material in your community please exit the page or stop reading now….

© 2020 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

======================================

Kay Bea DelaVen…

Nagmamadali ako papunta sa School. Sa gym namin! Eto na ang start ng bagong season! Nakaka-excite!! Nakaka-sabik! Dito na babangon ang San Gabriel!! Malapit na ko sa Gym! Maraming magta-tryout! Maraming magagaling na players na makukuha si Captain!

BAG!! Talsik ang utak ko sa semento! Nagdilim ang paningin ko saglit. Anong nangyari?? May

bumangga sakin!!

Nakita ko ang isang lalaki sa harapan ko!

“Sorry! Sorry! Di ko sinasadya!” Ang sabi nya sakin.

Hindi sya pangit, pero hindi rin naman sya gwapo. Mukha syang… Lo… Ay hinde kawawa! Yung tipong naabuso sa klassroom. Pero mukha naman syang mabait. Akala ko tutulungan nya ko…

Biglang kumaripas ng takbo si Tanga!!

“HOY!! HIT AND RUN!!” Sigaw ko.

Aray ang sakit ng puwit ko! Tuloy-tuloy pa rin si Gago!

“LECHE KA!!” Ang sigaw ko uli sa Tantadong yun.

Nakita ko nakakalat ang laman ng bag ko sa semento. Ka-salbahe ng lalaking yun!! Ni-hindi man lang tinulungan ang isang beauty-ing katulad ko!! Sige-sige lokohin mo pa ang sarili mo lalo bea!! Ni-wala nga pumupormang lalaki sayo!

Masakit ang katawan kong pinilit kong damputin ang mga gamit ko. AY SHET!! Ang napkin ko! Dinampot ko agad yun! Sana wala nakakita. Bakit nga ba may napkin sa bag ko??

BILISAN MO Bea!! Magagalit na naman si Captain! Kawawa naman si Coach! Eto ang unang

try-outs para sa bagong season tapos late ka!? Tayo LECHE!!

Pag-sabit ko ng bag ko, takbo ulit ako! Ayan na malapit ka na sa gym!! Kamusta ang itsura mo bea!? Maayos ba? Puro mga boys ang nandun! Kusang kumilos ang isang kamay ko para ayusin ang buhok ko habang karipas ako sa pagtakbo. Dapat nag-retouch ka! Baka puro ka na pawis!

Binuksan ko agad ang pinto ng Gym. Eto na ang pag-asa ng San Gabriel! Batiin mo ang mga new players na magtatryout!!

BAAGGG!! Sapol ang mukha ko sa isang likod!

Aray ko ang ilong ko!! Pango na nga yun pa ang tumama! Pagtingin ko kung sino ang nabangga ko…

IKAW!!?” Ang halos sabay namin na hiyaw!

Eto yung lalaki kanina bumangga sakin! Nakaharang pa sa entrance ng gym ang tukmol!

“Ay Miss… So-“

Inirapan ko! Napaka-ungentleman ng mokong nato! Hmp!! Dyan ka na!! Kelangan asikasuhin ko pa ang mga bagong papasok sa team. Nilagpasan ko nag

Naalala ko ang kwento sakin ni Coach. Ang San Gabriel nun ang pinakamalakas na team sa buong bansa! Ang Kampion! Ang mga Hari ng Basketball! Pero last season kami nag pinakawawa! Kulelat! Ang sakit pakinggan! Pero hindi ngayong season. Maraming sasali sa team namin magagaling!

Naglakad ako sa may table namin para sa registration. Andun na si Vice-Captain namin naka-ngiti sakin.

“Bea!” Tawag nya sakin.

Lumapit agad ako papunta sa kanya. Nang biglang nanlambot ang katawan ko sa nakita. Kaunti lang ang sumali para sa gustong pumasok sa basketball team. Ang sigla at saya ko kanina ay biglang nawalang parang bula. Bumagal ang paglakad ko papunta sa lamesa. Pito o walo lang ang nabilang ko. Kasama pa yung lalaking nambunggo sakin kanina. BLEH! Hinding-hindi kita irerecommend!! Di kita bati!! Ang mga sigaw ko sa isip ko.

“Ok lang yan Bea. Sabi nga ni coach. Wag tayo susuko. Pasasaan ba’t iige din ang record natin.” Si

Vice Captain, sabay himas sa may balikat ko.

Naawa ako kay sir Bong Alolor. Tulad ni Captain, malaki ang inaasahan nya sa papasok na mga rookie. Pero sa unting sumali… Parang dismal na naman ang season namin neto. Malamang sa madalas, puro talo na naman kami nito. Ah basta!! Bahala na si Batman!!

Maya-maya pinalapit na ni Sir Bong ang mga highschool boys. Pinilit ko nalang ngumiti para iwelcome ang mga interesado. Ang una sa pila…

“Welcome po sir…” Bati ko. Napanganga nalang ako at napatingala.

Ang tangkad!! Kahit si Vice-Captain napatingala ng husto. Sa tantiya ko mga 6’9 siguro ang height nya! Pagka-kita ko isang pagka-gwapong lalaki! Ang bagsak ng itim na buhok nya ay nakakahalina!

Pero nakakatakot ang mukha nya. Halos magsalubong na kasi ang kilay nya. Sayang gwapo sana. Pagkatapos nyang kamayan si Sir Bong. Iniabot ko rin ang kanang kamay ko. Feeling ko nag-init ata ang mga pisngi ko. Landi mo!! Kahit may mga sugat sya sa mukha na naka-bandaid. Lumalabas pa rin ang lakas ng appeal nya!

Pero pahiya ako ng hindi ako pinansin ni pogi!! Tinago ko nalang uli ang kanang kamay ko pagkapahiya!! Napatingin pa ko sa dala kong maliit na salamin. Ganun na ba ako kapangit!? Sabay dumiretso sa may gitna na ng court ang supladong yun.

“Bea!! Nakikita mo ba ang nakikita ko?”Turo ni Vice Cap sa nakasulat sa form.

Ang pangalan nakalagay dun… Ace Mendoza. ACE MENDOZA!! Ang nabalitang magaling na player! Totoo ba to!? Andito na sya sa team namin!!

Coach, Captain at Vice Captain. Huhu. Ang pag-asa ng team natin!

Mauna ka na! Sigurado ka? Uu! Mauna ka na! Ang narinig kong pagtatalo ng dalawang binata. Sabay parang itinulak ng isang lalaki ang isa pang lalaki galing sa likod papunta sa harap ng lamesa namin!

“Ah… Glenn… Glenn Torio po” Ang pagpapakilala ng pangalawa sa pila na halos mapa-sungaba na sa

lakas ng pakakatulak sa kanya.

Nawala ang pagmumuni-muni ko ng makita ko kung sino!

IKAW!! Ang sigaw sa loo isip ko. Ano bang meron sa araw na to at tatlong beses ko pa talaga makita sa isang araw ang mokong nato.

“Hmp!” Ang mahinang boses at simangot ko.

“Bea kaunti na nga lang sasali satin tatakutin mo pa” Mahinang paalala ni sir Bong.

Huminahon naman kahit kaunti ang loob ko . Oo tama si sir bong. Hindi ito ang tamang panahon para simangutan ko ang mga gustong sumali.

“WE-welcome. You may pass your information form and go over ther please.” Feeling ko ngising aso

ang hitsura ko ngayon.

“Te-Thank you po!” Si mokong pakamot-kamot pa.

May tangkad din si tukmol. 5’9? 6-footer? Parang lelembot-lembot!! Hindi naman ganito ugali ko, pero kakainis kasi!! Yung ginawa nya sakin di ko makalimutan!!

Kakamayan pa ko ni Glenn Tukmol… Este ni GLENN TORIO pala pero hindi ko inilabas ang kamay

ko. CHE! Manigas ka dyan!! Hanggan sa naglakad na sya papunta dun sa gitna.

May isang mabilis na pumunta sa harapan ng mesa namin ni Vice-Kap.

“Ako si Rudy sir!! RUDY MACARIO!! Ang magdadala sa team na to!! Ang malakas na pagpapa-

kilala ng pangatlong binata.

Ang gulat ko dito sa lalaking to! Kelangan ba talaga sumigaw?? Pero matangkad sya! Mas matangkad pa siguro ng kaunti dun kay Ace! 6’10?? Pwede eh! Naka-tingala kami parehas ng sobra ni Vice Captain. Medyo maitim ang kutis kayumanggi nya. May itsura sana, kaya lang yung mukha nyang parang walang gagawing maganda. Kakatakot!!

“Sige Rudy salamat sa pagsali mo ha! Kailangan ka talaga namin sa basketball team.”

“HE! HE! HE!!” Ang halakhak nya. Muntanga lang!! Ano ba tong mga sumasali samin puro mga

weirdo!!?

“Next po.”Tawag ko.

“Allan… Allan Tristo.“Ang mahinang boses ng isang lalaki.

Isa pa to!! Feeling ko may sapak din to!! Haaay!!! Mukha naman syang lalaking tahimik at nakayuko pa ng kaunti. 6’5? 6’6? Di ko masyado matantiya kasi nakayuko sya. Yung vibes na nakukuha ko sa kanya parang serial killer na bigla ka nalang sasaksakin.

“Salamat! Salamat sa pagsali mo Allan.” Bati ni Vice Captain Bong.

Ganun pa rin sya naka-yuko papunta sa gitna ng court. Tumingin ako hindi naman mukhang kulungan ang basketball gym namin ah? Bakit puro mga sanggano ang sumali samin?

“Next po”Ang sigaw ko.

Natigilan nalang ako ng mapansin ko wala na pala kasunod. Yung tatlong susunod pa sana, palayo na. Tinitingnan nila ang paligid ng Gym namin. Medyo luma na nga talaga ang gym namin inaamin ko. Pero hindi dapat yun maging hadlang para hindi sila sumali.

“Hmmmppss…. Sniiift…” Ang sinarili ko nalang na lungkot.

Kasama ang mga regular namin na anim, sampu lang kami sa lineup namin! Yun ay kung papasa pa tong apat na to!

“Okay lang yan Bea.”Ang nakangiting Vice Captain namin.

Isa na siguro sa pinakamabait na lalaking nakilala ko. Last year na nya. Ang gusto lang ni Sir Bong ay mapa-angat lang ang win rate ng team. Pero mukhang mapupurnada pa ata.

“Halika na…”Si Sir Bong sabay tumayo.

Alam ko malungkot din sya tulad ko. Pero iiyak ko nalang sa loob at itatawa.

“Okay guys start na tayo.”Tawag ni Vice Captain sa kanilang lahat.

Luminga-linga si Sir Bong sa kakaunting sumali. Naka-linya ang mga ito sa gitna. Hawak ko ang mga papel ko pang-scout.

© 2020 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

————————————————————————–

Kay Jenny Eunyee…

Was hanging out with my friends and I saw this kawawa looking boy sitting alone. He looked so sad eating chocolate and holding a flower. My friends laughed but I kinda felt sorry for him. He looked like he’s super broken-hearted. Reminds me of my past.

“Uy tama na yan… Kawawa na nga e.” Saway ko sa mga kaibigan ko.

But still they kept laughing. Well it might be funny sight. But to laugh at someone else desperation. I could almost feel what he’s feeling.

“Masyado ka mabait Jenny. Wag ganyang bhe.” Sabi sakin ni Lea. Isa sa mga kaibigan ko.

“Hindi naman. Nakakaawa lang kasi sya”

Naglakad na kami papunta sa kanteen. Nakita ko biglang tumayo yung lalake. Tapos parang sumumpa sya ng something sa lhangit. Sabay taas ng kamay! I coudnt stop myself anymore.

PRSSSTT Ahahaha! AHAHAHA!!” I laughed.

He looked at my way. I tried to cover my mouth but too late he heard it. Or not? I smiled back at him to cover my guilt. He seemed like he wanted to smile back but he hesitated. The look in his eyes was the look of someone who had his heart broken a lot of times.

© 2020 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

————————————————————————–

Kay Jenny pa rin…

“Uy sama ka na Jenny. Tingnan natin yung mga bagong basketball players.” Aya sakin ni Lea.

“Ayoko… Di ba may exam tayo bukas?” Sagot ko sa kanya.

“I think it wouldn’t hurt, just for a few minutes Jenny?”Ang isa ko pang kaibigan si Rona.

Nahirapan na ko tanggihan ang dalawa kong kaibigan. Napilitan na rin ako sumama. Napansin ko ang gym namin. Sobrang napababyaan na. Siguro sa mga schools dito area na to. Ang gym na siguro namin ang pinaka-dilapited.

TAG! TAG! TAG!! Ang tunog ng basketball habang papalapit kami sa gym.

Kahit paano nakaramdam ako ng excitement. Hilig ko rin manuod ng basketball. Hila-hila ako ni Lea at Rona. Papasok na kami sa pinto. Pagpasok… Parang walang tao?

“Come Jenny let’s go.”, Si Lea.

“Huh? Why”,Tanong ko.

“It’s the loser.”

Napansin ko rin yung nag-iisang taong natira sa gym. Yung guy kanina!

“Boring. I dont wanna waste my time with him too.” Si Rona naman.

Tulad ni Lea halatang inis na rin ito. Nag-uunahan na ang dalawa palabas ng gym. Pero hindi ko mai-alis ang mga mata ko sa napapanuod. Yung boy kanina. Nag-so-shoot sya mag-isa.

BOG! TAG! Ang tunog ng pagtama ng bola sa ring at tumalbog sa court. Paulit-ulit tatalbog ang bola sa malayo. Kukunin nya at isu-shoot nya uli. Nagpa-practice sya. Sya lang mag-isa! Ang pawis nya tagaktak na sa kanyang panloob na puting t-shirt.

“Jenny!” Ang halos magka-sinabay na tawag ng dalawa kong kaibigan sakin.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko.

ILAAG!”,Hiyaw ng isang lalaki sa gym.

Dun sakto tumalbog pala ang bola papunta sakin. Mabilis ang dating nun! Pero andun pa rin ang basketball sense ko. Agad kong nasapo ang bola ng dalawang kamay. Tumakbo sakin papalapit ang lalaki para kunin ang bola.

“Ay sorry miss” Sabay yuko at kamot sa ulo.

Matangkad pala sya at hanggan balikat lang ata ako. Di ko alam kung anong naisip ko at nasabi kong…

“Do you… Ni-need help practicing? I can help.”Sabi ko sa kanya sabay ang sweet na ngiti ko.

I saw how his eyes sparkled with delight after I offered my help. Then in just a split-second, his eyes went back into those blank expression again. He held out his hands. A gesture that he’s asking for the ball.

“Ano ka ba Jenny. Ang baba naman ng taste mo. Wag yan lalaking yan.” Si Lea.

“Here” I told the guy and threw the ball back to him.

I saw his hands. There were lots of bandages on some of his fingers. Quickly he got the ball,”Salamat”.

and turned around.

“Tara na Jenny hanap tayo ng ibang pupuntahan. Wala… Kulelat ang basketball team natin.” Tapik

sakin ni Rona sa may balikat ko.

© 2020 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

————————————————————————–

Kay Bea uli…

Nung una ko makita makita mag-dunk si Ace halos, matagal bago ko naisara ang bunganga ko sa pagkakabuka. Eto na ang isa sa mga pag-asa ng basketball team namin! Grabe ang lipad at tiklop. Halos tumalon sya mula sa freethrow line!! Hindi na sya pinaulit ni Vice Captain.

“You’re in!” Si Sir Bong na kumikislap pa ang mga mata.

Tinaas ko ang kamay ko para apiran sya. Nilagpasan lang ako ng damuho!? Gwapo nga ang sungit naman!! Imbyerna tuloy ang beauty ko! Di pa nga humuhupa ang inis ko kay tukmol Glenn dinagdagan pa nitong si Ace!

Sabagay wala naman kaming ibang pagpipilian pa, aapat lang ang sumali! Saan ka ba naman nakakita ng apat lang sumali sa basketball!? Dito lang sa school namin! Sumunod na tiningnan ni Vice-Kap Bong si silent killer. Si Allan Tristo.

Nagsimulang magpakita si Allan. Observe kami ni Sir Bong. Hmmm. Ayos lang. Magaling sa basics. May tira at kilos. Walang flashy moves. Pwede na!

“Ayos Allan. Eto ba ang contact# mo?” Tanong ni Sir Bong.

“Oo yan nga. Tawagan nyo nalang ako.”

Biglang luminga-linga si Sir Bong.

“Ace! Ace!? Ace Mendoza?” Pero walang nakitang Ace si Vice Kap. Lumayas na agad ang isa pang

weirdo na yun!

“Ako muna. May gagawin pa ko sa bahay e”, Si isa pang kakaiba.

Ang pinakamatangkad sa lahat ng sasali samin. Si Rudy Macario! Hmmm Si Ace 6”9. Etong si Macario 6’10. May matatangkad na kami!! Nung last season ang San Gabriel na yata ang may isa sa mga pinaka-maliit na lineup sa bansa!

BOWV!! Ang malakas na dribol ni Macario. Sabay tumalon… Da-dunk siya!! Katulad ng kanina marami na ako naisulat sa scouting notebook ko tungkol kina Ace at Allan. Marami rin akong maisusulat tungkol dito kay Rudy Macario! Ginaya niya si Ace!! Ang taas din ng talon nya!! Parehas kami ni Sir Bong napanganga uli!! Mukhang lilipad at babangon na uli ang San Gabriel Kings!!

BENG!!! Nang tumama yung bola sa ring!! SHIT!!! Bagsak una puwit si Macario sa court!!

DOOGG!! Ang malakas na tunog nang humampas ang puwit nya sa hardwood ng court! Gawa ba semento ang puwet nito!? Naku kawawa naman ang basketball gym namin! Wala na ngang budget ang school pang-maintain masisira pa!!

Napatakbo tuloy ako dun sa kung saan nasaan si Macario.

“Araaayyy….”Si Macario.

“Okay ka lang?”Ang boses ng isa pang lalaki.

Si Tukmol Glen!! Dalawang kamay tinulungan nya patayo si Rudy Macario. Napa-HMP ako sa isip ko. Dumikit yung braso nya sa braso. Bakit kasi sisingit-singit pa to.

“Oo okay naman ako. Dumulas ata ang kamay ko sa bola e.”

“Rudy… Shooting-shooting ka nga.”Sabi ni Sir Bong.

Parang mejo nag-iba itsura ni Macario. Kumunot ang noo nya. Mejo maitim sya na may maiksing buhok halos semikal. Kulang nalang mag-suot ng orange na uniform ng preso… Haak! Haak! Pero iche-check ko pa rin to!!

Ayuna na nga nag-akmang shoot si Macario. SWISSS!!! Ringless!! Wala manlang tinamaang net! Kapoos!! OMG!! Yung high ko para sa…