Extra Jump! Ang Mga Hari Ng Basketball Ep. 20

Extra Jump! Ang mga Hari ng Basketball ep. 20
author: cloud9791

#cloud9791extrajump

Names and people in this story are entirely fictional. They bear no resemblance to anyone living or dead.

SPG content: This story posted on this page/website might include pictures and materials that some viewers may find offensive or violent. If you are under the age of 18, or if such material offends you or if it is illegal to view such material in your community, please exit the page or stop reading now….

© 2023 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner without the expressed permission of the author by any means available.

—————————————————–

Kay Bea…

Eto na! Pumuwesto na ang referee sa gitna! Saglit na parang natahimik ng kaunti ang crowd sa loob ng stadium to. Na isa sa mga tinuturing na pinaka-premiere at matagal na sa gitna ng Metro Manila.

Ang Atelier University isa sa dalawa sa perennial finalist at champions sa Basketball league. Nagpapalitan lang sila ng University of St. Johns sa National Championship! Eto ngayon kaharap ng isa sa pinakamalakas na teams… Ang Team Namin!! WOOOHOOOO!!!! Ang San Gabriel!!

“GOO GLEN!!” Ang hiyaw ko!

Ay PUTAH!! Parang ako lang yata ang humiyaw ng ganun! Teka bakit yun ba kasi ang nasigaw ko!? PArang namula ang pisngi ko sa hiya. Ang dapat kong isisigaw ay, GO San GABRIEL!!

Parang sobrang laki ng dipererensya sa laki at tangkad ng sentro ng Atelier ang MVP ng season si Akambe laban sa sentro namin, si Rudy Macario! Bukod sa kaitiman na parang uli nitong si Akambe ay di hamak na mas malaki at muscle ng katawan nitong negrong player ng Atelier! PArang lugi kami!! Matigas ang katawan ni Rudy Macario sa kanyang pagka 6’10, pero parang maliit ito tingnan sa harap ni Akambe na 7 footer!!

Dun na nag-akmang ibabato na ng referee ang bola sa itaas. NAghanda na ang mga mag-jumpball. Grabe ang tensyon sa Stadium!! Ang laban ng isa sa mga pinakamalakas sa Nationals Atelier University laban sa Dark horse ng liga… Ang team namin! ANG SAN GABRIEL!!

Paghagis ng bola sa itaas ng referee… Grabe ang taas ng talon ni Macario!! Kahit ako napalunok sa taas ng talon nya!! Ang duo nila ni Ace ang isa sa mga promising sa liga!! Ang Super rookie scorer na si Ace Mendoza at ang super rebounder/blocker na si Rudy Macario! Halos pantay lang ang mga kamay ni Macario at Akambe sa pag-abot sa bola!

Nagfa-flashback sakin ang mga paghihirap ng team ng San Gabriel sa mga nakaraang taon. Kulelat at laging early exit sa season palang! Ngayon ang player namin nakikipag-jump ball na sa Semifinals ng pinaka-prestigious na National league!!

MACARIO!! Ang makapigil hiningang first possession!

NO!! Nang matip ng malaking negro na si Akambe ang bola sa kanilang isa pa sa magagaling na player ng Atelier na si Martin Denevic!! Hiyawan ang mga estudyante ng Atelier University!! Ilang segundo palang ang dumadaan grabe na ang tensyon! NAkikita ko sa mga mukha nila Glen ang parang kaba at pinagpapawisan na agad sya simula palang.

Teka bakit ba laging kay Glen manyak ako nakatingin!? Syet baka mahuli ako nila Jenny at Alexa!! Ang dalawang babae na pinaka-close ngayon kay Glen! Bakit parang may inggit ako nararamdaman!? Pilit ko iniiwas ang tingin kay Glen nang mapansin ko ang isa pang teenager na sobrang solid fan ni Glen!! Ang maputi at kayganda ring batang estudyante na si Maricor! Ang nakababatang kapatid ni Captain Zeb! Sigaw ito ng sigaw sa hindi kalayuan!

Cool lang sa pag-dribble ang isa sa mga tinuturing na best players sa liga, si Martin Denevic! A constant triple threat player si Denevic! May kaunting balbas sa kanyang gwapong mukha.

Binabantayan sya ng nakasimangot na kagwapuhan ni Ace Mendoza! Ang isa sa mga tinuturing na deadly scorers ng liga ngayon kahit rookie palang. Yan si Ace namin! Seryoso sya sa pagbabantay kay Martin! Kapansin-pansin ang mas matangkad na frame ni Denevic laban kay Ace namin! 6’9 lang si Ace, samantalang 6’11 si Denevic! Mas matangkad ito di hamak sa aming 2 rookie na si Macario at Mendoza!

Parang sumeryas ito ng play sa kanyang mga kakakamping players. NAg-clear out ang ibang players ng Atelier University! ISO! Kinabahan ako! PEro malaki rin ang tiwala ko kay Ace. Di rin papahuli ang depensa nya kay Macario! Ayaw na ayaw ni Ace na may makaka-score sa kanya!

Nagdribble-dribble ang Fil-Euro player na si Denevic sa harap ni Ace. Matindi ang depensa ni Ace! Hindi makakawala ang Denevic!

Galingan mo Ace! Hindi tayo dapat matalo rito! Eto na ang year ng San Gabriel! Bumabalik na ang mga sponsors para sa School! May mga mayayamang tao na naman ang nagdo-donate satin! Marami ng estudante ang nag-iinquire, ang nagbabalak mag-enroll uli sa School namin dahil sa pinamalas na galing ng aming Basketball team ang Kings!!

Hindi pa rin makawala si Denevic kay Ace! PEro bakit parang cool pa rin ang itsura ni Martin Denevic!? Parang hindi ito nara-rattle sa Semifinals! Could it be!? The Experience factor!? Sanay na ang team na to sa mga laro deep into the playoffs!!

Di ko alam ang nangyari parang biglang naiwan si Ace, pag stepback ni Martin sa lagpas sa three point line!!

TRAVELLING YUN!! Pero bakit hindi pumito ang referee!! HOY REF!! Ang galit na galit na isip ko! PEro sigurado wala yan! Di yan makaka-shoot! Cool na ni-release ni Denevic ang bola…

HAAAAHHHHH!!! Ang malakas na hiyawan ng mga fans ng Atelier University ng maka-shoot si Denevic!! Marami sila!

Di-hamak na mas marami sa mga students ng San Gabriel. Obvious ang mga fans ng Atelier University karamihan sa kanila magara at mamahalin ang bihis. Ang mga estudyante nila mamahalin at magadanda ang bihis. Karamihan mga magaganda at gwapo at iba ang kutis! Karamihan mga mapuputi at mga tisuyin. May mga big-time mayayaman na politiko supporters, merong mga kilalang may-ari ng malalaking kumpanya at ilang mga kilalang lider ng malalaking religious groups. Karamihan pati sa kanila may sasakyan. Pag nag-uusap mga inglisero. Kakainis! Tampalin ko kayo eh!

Samantalang ang mga fans ng San Gabriel galing pa sa mga malalayong lugar. Nag-rent pa ng bus ang may-ari ng school para lang makasama ang mga students sa importenteng game na to. PEro kahit na ganun, sobra ang sigaw ng mga fans namin para ganahan maglaro ang aming mga players.

Habang nag-iisip ako hindi ko napansing, paanong napunta sa Atelier na naman ang bola!? Hawak ng malaking pangit na negro player ng Atelier ang bola na si Akambe. Nasa isolation laban kay Rudy Macario! Nanliit tingnan si MAcario laban sa kanya!

“Kaya mo yan Rudy! Defense!!” Ang malakas na hiyaw ko. Hiyawan ang din ang maraming hindi papatalo na fans ng San Gabriel!

“Yuck. Where did this San Gabriel fans came from? They look PG.” Ang narinig kong bulungan ng mga dalagang halatang student’s ng Atelier University!

“Sinabi mo pa! Skwame!” Bulungan nila pero halos dinig din ng iba naming batang estudyante.

Ansakit magsalita ng hayop na to! Makikita nyo!

“HMp!” Mapapahiya kayo samin! Ang simangot ko nalang.

Nang makita ko fumake ng jump shot si Akambe. Napatalon si Rudy! NOO! Masyadong tight ang mga kilos ng players namin! Kitang-kita sa mga mukha nila ang pagiging tense! Kaya mabilis na naka-drive si Akambe papunta sa basket!

Nakita ko sumubok pa sumalubong sa depensa si Captain Zeb. Pero naka-dunk na agad si Akambe!! Kahit lagpas 7 footer siguro to, pero may dribbling skills! Hiyawan na naman ang fans ng Atelier University! Nag-aapiran pa ang mga lalaking mukhang mayayaman at malalaki tiyan!

“See Dre, I told you his team is a fluke!” Ang mga usapan pa nila. Mga nakangisi ang mga mayayabang na to!

Napatingin ako sa team namin, parang mga pagod na agad na ang mga itsura nila! Ano ba guys!! Anong nangyayari sainyo!?

++++++++++++++++++++++++++++++

Kay Maricor…

I’m still young daw to be in-love sabi nila. Sabi rin yun sakin nila Mama at Papa. Pati si Kuya Zeb ganun din. PEro hindi nila ako mapipigilan. Love ko si GLEN!! Nakikita ko sya nakatalikod parang gusto kong tumakbo punasan ang basang pawis na likod nya!

Bakit ba ganito nalang ang feeling ko sayo Kuya Glen!? Ambilis ng tibok ng puso ko pag nakikita kita! Tumatakbo uli sila pabalik sa depensa. Hindi naka-shoot si Kuya! Naman Kuya!! Natatambakan na kayo! Bigay nyo kay Glen ang bola!

Sumeryas ng play ang pointguard nilang di ko kilala. PEro ang tingin ko para kay Glen lang! PAg screen nung malaking lalaki sa isa nilang player, na-libre ito… Papa-shoot na ito ng three! Bakit walang bantay!?

SWOOOSH!! PAsok ang 3-pointer ng kalaban! Tambak na tayo! GLEN! PArang sobrang nalulungkot ako sa itsura nya. PAwisan parang hinihingal. Gusto kong yakapin at punasan ang pawis nya sa mukha.

Ilang minuto na ang lumipas… What!! 20-3 na ang score lamang ang Atelier na mayayabang!!! Glen!! Kuya!! Bakit kinakabahan ako ng sobra!? Kinakabahan ako para kay Glen! Di ko na napansin nasa amin na pala uli ang bola. Pinasa ni Kuya Zeb ang bola kay Ace! Ang kuya ko talaga! Ayaw pasahan si Glen HMP!! Inis na ako sayo Kuya!!

Dun nai-cross court pass din agad ni Ace ang bola papunta kay Glen!! Dinouble team kasi agad sya ng Atelier University! Napatalon ako sa side lines! Eto na!! Tulad ko rin ang ibang studyante ng San Gabriel. Matindi ang suporta sa team namin! Lalong-lalo na ako kay Glen!

Makikita nyo ang galing ng Glen ko Atelier University! Ewan ko ba parang sya lang ang nakikita ng mga mata ko! Parang may spotlight na si Glen lang ang nakikita ko. Ang gwapo nyang mukha pag-salo nya ng bola. Dun na ako nag-decide, gusto kong ako ang mapangasawa ni Glen! Gagawin ko ang lahat para maging the best Wife para sayo Glen!!

Pero hindi Shumoot si Glen. WHY!? Pinasa nya ang bola papunta kay antukin! Yung Alan Tristo. Sa itsura nya pag-salo ng bola, parang hindi nya alam ang gagawin nya sa bola! Bakit kasi pinapasok pa yan! Ibalik mo ang bola kay GLEN!!

Tumira shit!! Na-block ng kalaban ang bola. Aantok-antok kasi eh! Ilabas mo na yan Coach!! Ang hiyaw ko sa isip ko! Ano kayang nangyayari!? Kahit si Glen ko, ang future husband ko tentative!

Dun nakita ko tumayo si Coach Dido. PArang may senyas dun sa isang referree. Timeout! Dapat kanina pa Coach! NAkita ko naglalakad na palapit si Glen sa bench namin. Parang automatic nag-ayos ang mga kamay ko sa suot kong dress at skirt. Gusto ko lapitan si Glen at batiin sya!

Pero iba ang tinitingnan nya. Hindi si coach. Hindi sa kin. Hindi sa fans. Kundi sa isang babaeng kayganda doon sa likod lang ng bench ng San Gabriel… Kay Ate Jenny.

© 2023 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner without the expressed permission of the author by any means available.

————————————————————————–

Kay Glen…

Hindi ko alam. Tambak na pala kami. Bakit ganito ako kumilos. Sayang lang narating namin sa playoffs. Parang nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang timeout. Nahinto saglit ang pag-tambak samin ng Atelier University.

Lalim ng hinga ko. PAra bang naglaro na ko ng isang buong game. Pero patapos palang ang first quarter. Bakit hindi ko rin alam. Sobra ang tibok ng puso ko. Nanginginig ang katawan. Natatakot ako! Kinakabahan! NAgtatawanan ang mga studyante at fans ng Atelier University!

Parang lalo ako napayuko sa paglalakad pabalik sa bench. Three points palang ang score namin! Nakakahiya! Dun lang yun sa three point play ni Ace. Naka score sya kahit dalawa ang bumabantay sa kanya! Wala rin sya maggawa kasi kahit ipasa nya sa iba tulad ko,hindi ako makatira! Pag pinasa kay Captain Zeb dinodouble team din. Kahit libre si Allan Tristo, hindi sya maka-shoot. Parang wala sa wisyo ang team namin!