+++++++++++++++++++++++++++++++
Ang nakaraan
Ang mga taong ” BOSS” ang tawag sa akin noon. Pero ngayon ay ” BOSABOS” na ang turing sa akin.
Tinapon lamang ako ng mga ito sa kalsada na kala mo ay masama akong tao. Tinutukan pa ako ng baril ng isa ng magtangka akong magpaliwanag. Umalis na lamang ako na may napakabigat na pakiramdam sa akin loob.
++++++++++++++++++++++++++++++++
Isang tao lang ang naiisip ko na pwede makatulong sa akin ngayon. Ito ang matalik kong kaibigan. Ang kaibigan na naging dahilan para makilala ko ang magkapatid na si Anna at Chie.
Tinangka ko rin na lapitan ang kaibigan ko na nagbibigay sa akin noon ng mga properties na kailangan ibenta. Ang kaibigan ko na binabahigaan ko noon ng mga commission ko.
Nasa parking lot ito at pasakay na siya sa kanyang sasakyan. Pero tulad din ng mga guard sa aking condo unit ay binalewala din ako nito.
” Pare….ako ito… si james ung kaibigan mo” ang sabi ko sa akin kaibigan habang nakatayo ako ngayon sa harap nito.
” Wala akong kaibigan na madumi at mabaho…ang james na kilala ko ay gwapo at malinis….alis” Kahit na nagpapakilala ako dito ay tila ba nakalimot na ito sa lahat ng ” Kumisyon” na binigay ko dito. Isang malaking ” Konsumisyon” na ako sa kanya ngayon.
Sinipa ako nito at napatumba na lamang ako sa parking lot. Ganito pala ang mga tao sa paligid ko. Akala ko ay maganda at mataas ang tingin nila sa akin. Pero, dahil lamang pala iyon sa pera at katayuan ko sa buhay. Hindi dahil sa kaibigan ang turing nila sa akin.
Napaluha na lamang ako ng iniwan ako nito sa parking lot. Nakaluhod ako ngayon sa kalsada. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kung saan ako tatakbo.
Sino pa ang aking lalapitan at handa akong tulungan. Kahit ang dating trabaho ko sa firm ay pinalayas din nila ako. Ni isa ay walang nagtangkang tulungan ako. Mukhang nakarating din sa kanila ang nangyare na insidente sa resort.
Tinignan ko ng mata sa mata ang katrabaho kong babae na noong nangailangan ng pambayad sa hospital ang anak niya ay hindi ako nagdalawang isip na pahiramin ito. Wala man lang itong ka emosyon emosyon sa katawan.
Nakita ko rin na tinalikuran lamang ako ng katrabaho kong lalaki na noong isang buwan lang ay tinulungan ko ang anak niya na makapasok sa UST. Napailing na lamang ako dahil sa mga walang utang na loob ang lahat ng tao na aking tinulungan.
Lumabas na lang ako sa opisina namin ng naka bukot ang balikat at durog na durog na talaga ako ng mga oras na iyon. Kaya naman Naging palaboy ako. Naranasan ko ang buhay ng mga taong tinulungan ko noon. Ang mga taong nililimusan ko noon, ako na ang nanglilimos ngayon.
Ang mga taong inaabutan ko ng pagkain sa kalsada ay ako na ngayon ang nakapalad at handang humingi. Ang mga latang nilalagyan ko noon ng mga barya mula sa akin bulsa ay ako na ngayon ang nanghihingi ng barya ngayon.
Ang dating malinis at malamig na kwarto ng aking condo unit ay napalitan ng madumi at napakabahong kalsada na kung mamalasin ka pa ay maliligo ka sa ulan. Kung swertehin ako ay makakatulog ako sa ilalim ng tulay para maging bubong ko sa malakas na ulan.
Pero andoon din ang takot sa akin na matulad ako sa mga napapabalita na inaanod sa ilalim ng tulay kapag nagsimula ng tumaas ang tubig at magkaroon ng napakalaking pagbaha.
Tulay, parke, kalsada at ilalim ng puno. Ito ang mga nagsilbing pahingahaan ko ng panandalian. Naranasan ko na siguro ang lahat ng hindi ko naranasan noon, ang pagkalam ng sikmura mo.
Ang matulog ng walang laman ang tiyan.Araw, linggo at buwan na walang ligo. Ang dating well groomed look ko ay naging ermitanyo na.
Pero doon ko lang talaga naintindihan na hindi lahat ng tao sa mundo ay katulad ko na handang tumulong sa mga kagaya nila. Naranasan ko na masipa, mabato, mahampas, mamura ng mga taong hinihingian ko ng tulong.
Tila ba nawalan na din ako ng dahilan para mabuhay. Kahit malaki ang aking katawan ay hinahayaan ko lang na kayan kayanin ako ng mga tao sa akin paligid. Mga batang hamog, mga badjao at ung mga bully na pulubi.
Alam ko sa sarili ko na kaya ko ipagtanggol ang aking sarili pero hinahayaan ko na lang sila. Sana nga ay may isang makaisip sa kanila na saksakin ako para matapos na lang ang buhay ko.
Dito ko rin maranasan na tumakbo palayo mula sa mga kinauukulan. Dswd, mmda, police at iba’t iba pang sangay ng gobyerno na handa akong tulungan pero heto ako. Ayaw ko ng magpatulong pa sa kanila.
Gusto ko na lang talaga, mawala sa mundong ito. Tutal iniwan na din naman ako ng mga taong natulungan ko noon. Si Kc, ang anak namin, mga inakala kong mga kaibigan
Hanggang sa dumating sa buhay ko si Manang. Isang mangangalakal ito. Kahit na may edad ito ay pilit niya pa rin lumalaban sa buhay ng patas. Mayroon itong bike na may sidecar na puno ng kalakal mula sa karton, bote, at mga sira sirang gamit.
” Iho, kumain ka muna oh” ang sabi ni Manang sa akin. Isang umaga na tirik na tirik ang araw. Naka sandal lamang ako sa isang puno ng acacia. Ang katawan ko ay bugbog sarado na naman.
Kakatapos lamang ng pangbubugbog sa akin ng mga batang kalye. May nag-abot sa akin kanina ng isang takeout mula sa isang fastfood. At parang mga bangaw naman sa bilis ang mga batang kalye na inagaw sa akin ang pagkain at binubogbog ako.
” wag na po manang…. Ayos lang po ako….. Grrrrrrr” ang sabi ko kay manang habang hawak hawak ko ang aking tagiliran. Dahil sa sobrang sakit ng mga bugbog ko pero bigla naman kumulo ang tiyan ko.
” Nako iho…kain ka na” ang sabi ni manang sa akin. Hindi na ako nahiya at kinuha ko na ang binibigay nitong pagkain sa akin. Kinuha ko ang paper cup na may laman lugaw.
Tinabihan ako nito at umupo din siya habang kinain niya rin ang isa pang cup na may laman lugaw.
” Iho…tawagin mo na lang akong manang…ikaw ano pangalan mo?” ang tanong ni Manang sa akin.
” james po” ang sabi ko kay Manang. Napatingin naman sa akin ang matanda tsaka ito nagsalita muli.
” nakita ko ung mga ginawa sa iyo nung mga bata…bakit di ka lumaban?” ang tanong ni Manang sa akin. Napatigil naman ako sa pagkain ko at hindi ko malaman kung bakit ako naluha at nag open up ako dito.
” gusto ko na mamatay manang” ang sabi nito sa akin at napalunok naman ito sa kanyang narinig.
” iho… bakit naman?” ang tanong nito sa akin.
” manang…di ako naging mabuting… kasintahan….ama… wala na gusto tumanggap sa katulad ko…. Mabaho…. Madumi….. makasalanan…. kaya di ko deserve mabuhay” ang sabi ko dito.
” iho…. Sumama ka akin….. Ako tanggap kita kahit ano ka pa….. Kahit man lang sa iyo ay makabawi ako sa akin anak” ang sabi ni Manang sa akin at siya naman ang nagsimula magkwento.
” Napano po ba ang anak niyo manang?” ang tanong ko dito.
” Tulad mo….. Hindi rin siya naging mabuting asawa at ama sa kanyang mag-ina. Nilalayasan siya nito at huli na ng malaman ko na nagpakamatay na pala ito” ang sabi ni Manang habang pinupunasan niya ang kanyang luha.
” Kaya…. Kahit sa iyo man lang ay makabawi ako iho” ang sabi ni Manang. At hinawakan nito ang aking kamay. Sumakay ako sa likod ng bike niya. Kahit madumi at mabaho ako ay hindi inalintana ng matanda ang lahat ng iyon.
At ito na ang naging simula ng akala ko ay bagong buhay ko na. Sinama ako ni manang sa bahay niya sa baseco. Kita ko na medyo sira sira na ito. Walang pintuan na maayos. Walang bintana na maayos. Literal na bahay na tagpi tagpi ito at isang pako na lang ang kailangan mawala ay tiyak na guguho ito.
Tinulungan ko ito at ayusin ang bahay niya. Gamit ang mga kaalaman ko ay naitayo namin muli ang bahay niya na medyo sira sira na talaga. Kinuha ko ang mga tinapon na tarpaulin ng mga politiko noong eletion sa gilid.
Ginawa ko itong pintuan at ang mga bintana niya ay pinako ko muli sa mga bisagra nito gamit ang mga luma at kalawangin na pako na nasa gilid.
Sa sahig lamang ako natutulog dahil sa maliit at sira sirang sofa lamang nahihiga si manang. Binihisan ako nito gamit ang mga lumang damit ng namayapa niyang anak.
Pumasok ako bilang taga igib ng tubig nila sa looban. Limang piso para sa isang timba na kasing sukat noong lalagyan ng pintura. Tas sampo naman kung drum. Gamit ung isang lumang kariton ay kumuha ako ng mga order mula sa loob.
Maswerte na ako kung kumita ng dalawang daan piso. Dalawang daan piso na parang barya lamang sa akin noon. Pero ngayon ay tila ba ginto na ang halaga nito. Ito ang ginagamit namin ni Manang para pambili ng pang araw araw namin.
Unti unti na akong nakakabawi sa buhay pero ang kalibugan ko talaga ang magpapahamak sa akin. Dahil isang araw ay may isang…