+++++++++++++++++++++++++++++++
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental
+++++++++++++++++++++++++++++++
Ang nakaraan
Nagising nalang ako ng may dumagang na maliit na katawan pero may kabigatan sa aking ibabaw. Kaya agad akong napamulat ng aking mata at napahawak sa anak kong dinapaan ako ng higa.
Kitang kita ko ang mukha nito habang nakahiga siya sa akin dibdib at nasa tabi naman ang kasintahan kong si Kc na hawak hawak ang likuran ng anak namin.
” Look baby…. Ginising mo si daddy bear” ang sabi ni kc sa anak namin. Nakangiti naman si Olivia habang hinahawakan nito ang aking pisngi.
” Daddy bear!!!!” ang sabi ni Olivia at bigla nalang ako nito inakap ng mahigpit na akala mo talaga ay ako ung laruan niya. Ganun kasi si olivia sa mga teddy bear at stuff toys nito. Dadapa siya ibabaw nila at aakapin niya ito.
“Hmmn. kung ako daddy bear? Ikaw mama bear?” Tanong ko kay Kc na may tunog ng bagong gising. Napangiti naman si Kc at pinalo ako nito sa akin braso.
” Okay lang basta hindi ako magiging katawan oso” ang sabi ni Kc sa akin at napatawa naman ako sa sinabi nito.
” Katawan oso ka man o hindi… mamahalin kita” ang sabi ko kay Kc at tumayo naman ito tsaka niya ako hinalikan sa labi tas si olivia naman sa pisngi.
“Ikaw muna magbantay kay Olivia babe.. sasamahan ko si mama flor na magluto sa labas at umuwi kasi ung katulong natin sa probinsya” nakangiting sabi naman ni Kc sa akin. Napatitig naman ako kay olivia ngayon na tuwang tuwa pa rin na nakayakap sa kanyang daddy.
Pumayag naman ako sa kanyang hiling. Tutal ay literal na ginagawang teddy bear naman ako ng aming anak at bago kami nito iniwan sa silid namin ay binigyan ako nito ng mainit na halik sa labi. Premyo daw sa pagtulong ko sa pag-aalaga.
“Uhhmn slurrpp slurp uhhm aahh slurrp uhhm aah” Nag-eeskrimihan ang mga dila namin ni Kc habang papalit palit kami ng pagsipsip ng mga laway namin na nasa dilang nakaipon.
Hanggang sa tuluyan ng lumabas itong si Kc sa kwarto namin. Naiwan na lamang kami ni olivia dito. Enjoy na enjoy si Olivia sa akin dahil bukod pa sa paggawa niya sa akin bilang teddy bear ay pinaupo ko pa ito sa akin tiyan.
Tas papagalawin ko ito na tila ba nasa roller coaster ito. Kaya naman panay ang hagikgik nito. Kahit ako ay napapahagikgik na din dahil sa nakakahawang tawa nito.
Halos trenta minutos din ang nakalipas ng pumasok na muli si Kc sa amin kwarto at sinabi na kakain na daw kami. Kaya naman tumayo na ako habang karga karga ko ang anak namin at sabay kaming lumabas tatlo sa kwarto.
Naabutan namin si Mama Flor, Jc at daisy na nakaupo na sa hapagkainan. Tulad ng dati ay pumwesto na kami sa amin upuan dito. Sumalo na rin si tata dens sa amin.
Pasimula pa lamang kami sa aming pagkain ng biglang tumunog ang doorbell ng gamit namin.
” Ding Dong!! Ding Dong!!”
+++++++++++++++++++++++++++++++++++
” Ding Dong!! Ding Dong!!” ang malakas na tunog na nagmula sa labas ng gate. Tatayo sana ako para buksan ito pero mabilis na sumingit si tata dens.
” Ako na” ang sabi ni Tata dens at sabay tayo nito. Lumabas naman siya at wala pang dalawang minuto ay may kasama ito. Isang lalaking nakaitim na suit. Medyo kataka naman na lumapit sa akin si Tata dens at bumulong.
” Hinahanap ka iho” ang sabi nito sa akin at kaagad ko naman nilapitan itong lalaki na nakatayo sa sala habang nakaharap ito sa mga larawan doon. Pinagmasdan ko muna ito. Tipikal na abugado ang pormahan niya. Naka coat and tie. May dalang attache case. Kaya naman agad ko inassume na abugado ito.
” Hinahanap mo daw ako” ang malakas kong usal dito. Nanginig naman ito dahil sa akin boses. Naramdaman ko na lang na nakahawak si Kc sa akin likuran. At bigla itong kumapit sa akin braso.
” James… kuya” ang sabi ng lalaki ng hinubad nito ang suot niyang itim na salamin. Nagulat naman ako sa akin nakita ngayon sa akin harapan. Ito ang pinsan ko na si Jasper Oscar tan.
Walang kaligaw ligaw itong pinsan ko. Para kasi akong nakatingin sa kakambal ni Joshua garcia ngayon. Mula buhok at sa hilatsa ng mukha nito ay kuhang kuha nito si joshua garcia.
” jasper…anong ginagawa mo dito?” ang tanong ko kay jasper. Kita ko sa mukha ni Kc ang pagkagulat dahil sa pagsulpot ng aking pinsan. Napalingon din ako sa mga kasama ko sa bahay.
Si mama flor ay nakatitig lamang sa akin habang karga karga nito si olivia. Habang si Daisy naman ay nakaupo lamang at hinahalo ang kape nito pero nakatitig ito sa amin. Si Jc naman ay nakatitig sa direksyon namin pero parang hindi ito nakatitig sa akin.
” Pinapasundo ka ni Tita” ang sabi nito sa akin. Nagulat naman ako dahil sa hinahanap pa pala ako ng babaeng yun. Ang babaeng kinalimutan ko na. Hinding hindi ko naisip na hahanapin pa ako nito after all this years at lahat ng pinagdaanan ko.
” Did i heard you right jasper…. The great Lyka tan is looking for me… wow…. That is the biggest miracle of this year” ang sabi ko sa aking pinsan habang pinapalakpakan ko ito. Para tuloy tinutuya ko ito. Ramdam ko kay Kc ang lalim na rin ng paghinga nito dahil sa akin mga nasabi at nagawa ngayon.
” Kuya…. Tita is sick… she wants to see you and your family before she dies” ang sabi ni Jasper sa akin. Di ko alam pero parang walang dating ito sa akin. Kung siguro ay sa iba ito. Makakaramdam na sila ng kaba pero ako ay chill lang.
Ayaw ko talaga makita talaga ang babaeng ito. Nangingibabaw sa akin puso ang galit kesa sa pagkakaroon ng pag-aalala sa kanya. Kala ko ay kaya ko na magpatawad kung kanino man pero hindi pa pala. Muli na naman bumuka ang sugat ng kahapon.
” That’s the best joke na narinig ko jasper hahahahha” ang sabi ko sa akin pinsan . Nakahawak pa din sa akin si Kc at ramdam ko ang kaba nito.nanginginig na din ako sa inis ng mga oras na iyon pero ramdam ko din pinapakalma pa din ako nito.
” kuya… i’m serious…Tita has stage 4 cancer” ang sabi ni jasper. Ang boses niya ay alam kong seryoso na ito. Pero hindi pa din ako maconvince nito.kahit anong sabihin nito ngayon ay wala akong pakialam. Nakikinig ako pero hindi ko ito maabsorb ngayon.
Sobrang lakas ng tibok ng dibdib ko dahil sa sobrang galit. Hindi na ako nakasagot pa sa aking pinsan dahil sa punong puno na ako ng galit. Baka kung ano pa ang masabi ko dito.
” Jasper….. Kc here… siguro hindi pa handa si James pero in due time pupuntahan din namin ang mama niya” ang sabi ni kc ng hindi na ako sumagot pa. Sumenyas naman ako na samahan ni Tata dens si jasper palabas ng bahay.
Habang ako naman ay pumasok sa kwarto namin ni Kc. Nakita ko ang mga gulat na hitsura nila mama flor habang karga karga nito ang aking anak. Sumunod naman si Kc sa akin.
Ako naman ay umupo na lamang sa gilid ng sofa bed ko at napaduko na lamang ako.
” shiiittttt….. Tahimik na ang buhay namin….bakit ka pa dumating” ang sabi ko sa akin sarili habang pinagsusuntok ko ang aking mga kamao. Dito ko binuhos ang galit ko sa taong ayaw ko ng maalala pa pero heto siya ngayon at nagpaparamdam na naman.
Naramdaman ko na umupo si Kc sa akin tabi at nilagay nito ang kanyang kamay sa akin balikat. Andoon ang pamilyar na samyo nito na nagbibigay naman sa akin ng kakaibang calming effect.
” Babe….. You can tell me everything” ang malambing na sabi ni Kc sa akin. Ilang minuto rin ako na hindi nakapagsalita at tahimik lamang ako na nakaduko at nakatitig sa sahig. Ramdam ko na hinahaplos h…