Family Love : VII

SANA NAMAN UMABOT NG 50 likes and 50 hearts ang chapter na ito para mas sipagin pa ako ng magupdate araw araw. Yun na lang po sana ang way natin para makita ang appreciation sa ating mga writers dito. Di lang po sana sa aking mga likha kung hindi sa lahat ng mga likhain dito sa FSS

Ito na lang po kasi ang nagiging kabayaran niyo sa amin sa pagsulat ng likhain namin dito. Pero Kung ayaw niyo po talaga, maraming salamat pa din po

++++++++++++++++++++++++++++++++

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

+++++++++++++++++++++++++++++++

Ang nakaraan

mas nananaig pa din sa akin ang pagmamahal ko sa kanya bilang anak.

Kaya naman pinunasan ko na ito at sinuotan na lamang siya ng robe niya tsaka ko siya hiniga sa kama niya. Habang ako naman ay napaupo na lamang sa maliit na upuan malapit sa mga lamesa na lagayan niya ng kanyang lotion at beauty products.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa lamesa at nagising na lamang ako ng may mainit na yakap na nagmula sa akin likuran. Napatingin ako at si mommy lyka pala ito.

” anak….bumalik ka” ang sweet na sabi ni mommy lyka sa akin. Kita ko sa mukha nito ang pag-aalala pero bumalik sa akin kaisipan ang kanyang mga naging aksyon kanina. Kaya naman imbes na matuwa ako ay parang nainis pa ako dito.

” Gising ka na pala…aalis na ako” ang sabi ko dito at pilit kong inaalis ang pagkakapit nito sa akin katawan. Pero makapit ito kaya naman kahit hirap na hirap ako ay lumakad ako papunta sa pintuan ng kwarto niya na naka kapit sa akin si mommy lyka.

” nak…. Please…wag muna iwan si mommy” ang maluluha nitong pakiusap sa akin. Napatigil naman ako sa akin paglalakad at napatitig ako sa kanyang mga mata.

” One chance…….. Bakit mo nagawa ang magpagamit sa mga lalaking iyon?” ang tanong ko kay mommy lyka. Kita ko sa mukha nito ang pagkagulat niya sa akin mga tanong.

Tila ba nalulon nito ang kanyang dila kaya naman akmang aalis na sana ako pero pinigilan ako nito muli.

” kasi kailangan ko ito gawin para mag survive tayo” ang sabi ni mommy lyka sa akin.nagulat naman ako sa sinagot nito sa akin. Parang hindi totoo ang mga sinasabi nito.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++

” what? Survive? We have all the riches on the world” ang tanong ko kay mommy lyka at bumitaw ito sa pagkasabit sa akin. Nilibot ko naman ang kwarto niya na tila ba tinuturo dito ang mga bagay na nasa kwarto nito na may halaga.

Mga paintings, antique vases, mga mamahalin na furnitures. Anything na makita mo dito sa bahay na ito ay may value kaya hindi ko magets kung ano ang ibig sabihin niya.

” Sa tingin mo, paano namin nakuha ng daddy mo ang lahat ng ito…….” ang sabi ni mommy lyka sa akin. Nagulat muli ako sa mga sasagot niya. Nalilito tuloy ako kung ano ba talaga ang gusto niya iparating.

” Yung bahay natin sa baguio, sa boracay, sa europe all of those. Nakuha namin ng daddy gamit ang katawan ko” ang pagpapatuloy ni mommy lyka na mas lalong nagpalito sa akin.

Alam ko naman na matalino sila mommy at daddy pero ano itong sinasabi niyang gamit ang katawan niya. Ibig sabihin ba nito ay binebenta niya ang laman niya.

” what do you mean by that?” ang tanong ko dito at napaupo ako sa gilid ng higaan niya at nakatitig lamang ako dito. Titig na puno ng tanong. Nakatingin din naman sa akin si mommy. Ang titig niya ay punong puno naman ng katanungan.

” kung puro ito lang ang gagamitin namin anak…hindi tayo mag susurvive” ang sabi ni Mommy lyka sabay turo sa utak at puso nito. Lalo naman ako nalilito sa kanyang mga pinagsasabi.

” pero kung gagamitin mo ito at ito…tiyak makakasabay tayo sa mga malalaking kumpanya” ang sabi ni mommy lyka sabay turo sa puke niya at dibdib nito. Parang nagets ko na ang gusto ni iparating.

” so… you are selling your self sa mga clients natin?” ang pasigaw kong tanong dito. Nakita ko sa mukha ni mommy lyka ang takot sa mukha nito.

” Yes!!” ang sagot nito sa akin at sa sobrang galit ko ay naibato sa harapan ko ang lampshade na nasa tabi ko. Kita ko naman ang pagkatakot sa mukha ni mommy lyka. First time ako nito nakita ng ganito bukod sa eksena namin sa kusina noong nakaraan.

” arghhhhhh arrrghhhhh so those guys na kasama mo kanina… are all clients” ang halos mapatid litid kong sigaw kay mommy lyka. Halos hindi naman ito makasagot sa akin ngayon. Makatitig nga sa mukha ko ay hindi niya magawa eh.

” Oo” ang sabi ni mommy lyka sa akin. Halos maduwal ako sa akin nalaman at narinig ngayon.

” all this time… yung mga kayamanan natin ay galing lahat sa pag gawa mo ng mga bagay na ito” ang sabi ko kay mommy lyka. Sobrang naiinis ako ngayon kay mommy lyka at kay daddy. Bakit nila nagawa sa akin ito. Ang ipakain sa akin ang pera na galing sa maruming paraan.

Halos hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili. Gusto kong manakit ng mga oras na iyon. Kaya naman nagdesisyon na ako.

” and that also means na you have lost your only son” ang madiin kong sabi at tumayo ako sa kinauupuan ko. mabilis akong lumabas ng kwarto nito. Bago pa tuluyan na makareact itong si mommy lyka.

Iniwanan ko ito sa kanyang kwarto na luhaan. Desido na ako, lalayo na ako sa kanya. Nakakadiri ang babaeng ito. Ang babaeng akala ko ay napakalinis yun pala ay walang kasing dumi

” Blaaagggggg” ang inis ko ay binuhos ko sa vase na nasa sala. Binalibag ko ito ng may buong pwersa. Pinagsisipa ko pa sa inis ang lamesa na pinagdausan ng mga pambababoy nila kay mommy lyka.

Ang mga sofa ay pinagtataob ko. Lahat ng inis at galit ko ay doon ko binuhos. Kinuha ko muli ang dala kong bag na iniwan ko sa kusina at tuluyan na akong lumisan sa bahay na ito.

Wala na akong balak pang balikan ang pamilya ito. Handa na akong mamuhay mag-isa at walang tulong ng pamilya na akala ko ay napakalinis.

++++++++++++++++++++++++++++++

Balik sa kasalukuyan.

” you hate her for doing those stuff…” ang sabi ni Kc. Napatigil ito sa gusto niya sabihin at kita ko sa mukha nito na parang may gusto siya sabihin pero nagpipigil ito. Ramdam ko din ang pagbilis ng kanyang tibok ng puso.

“pero ikaw din naman ginawa mo yun di ba?” ang tanong ni kc sa akin habang nakakandong ito paharap sa akin ngayon. Nagulat ako sa tanong niya. Ito pala ang gusto niyang itanong.

Tila ba tama naman si Kc eh, ung ginawa ng mommy ko na sobrang kinainisan ko. Ginawa ko rin naman yun eh.

Kaya nga nakilala ko sila anna eh at muntikan masira ng tuluyan ang pamilyang binubuo namin ni Kc. Pero alam ko sa akin sarili na may kakaiba sa ginawa namin ni mommy

” babe… different scenario un eh” ang sabi ko kay Kc habang hinahaplos ko ang buhok nito. Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat sa sagot ko.

” What’s different? Siya mayayaman na lalaki ang kinakantot niya… ikaw mga babae naman… so same same naman kayo eh” ang sabi ni Kc sa akin habang hinahaplos nito ang mukha ngayon.

” So you are saying na may maganda ka pang explanation why you choose to fuck those girls…… ” ang pahabol na usal ni Kc. Ramdam ko na talaga ang inis sa boses nito. Medyo tumataas na din ang tono nito.

” Kala ko ba…. You fuck them to get the money and the sales….. Anong iba doon sa ginawa ng mommy mo” ang patuloy na pagsigaw ni kc sa akin mukha. Ramdam na ramdam ko ang gigil nito dahil sa umaalog ito sa ibabaw ko ngayon.

” basta babe… may huge difference” ang sabi ko kay Kc na kalmada lang at ayaw ko sabayan ang init ng ulo nito.

Nagulat na lamang ako at bigla itong tumayo sa pagkakakandong nito sa akin. Akala ko ay pupunta lamang ito sa station niya pero hindi dumiretso ito sa pintuan. Hinawakan nito ang handle ng pintuan at tsaka lumingon sa akin.

” tsaka muna ako kausapin…kapag hindi ka na nagmamalinis…. Ayaw na ayaw ko sa lalaki na walang bayag at hindi marunong umamin ng kamalian….” ang medyo inis na sabi ni Kc. Ang boses nito ay kala mo nasa kabilang bundok ang kausap niya. binuksan na nito ang pintuan ng opisina namin tsaka niya malakas itong sinara.

Napatitig naman ako sa pintuan. Tila ba napaisip ako sa aking mga sinabi. Alam ko naman sa sarili ko na hindi naman nagkakaiba ang ginawa namin ng mommy ko pero pinipilit ko na paniwalain ang sarili ko na mas malinis ako sa kanya.

Wala naman ako pakialam talaga sa mommy ko, ang importante ngayon ay magkabati kami ni Kc. Si kc naman ang kasama ko ngayon at possible makasama ko pang habang buhay.

Kaagad ko ito hinanap sa mga kuha ng cctv. Nakita ko na lumipat lamang pala ito sa kwarto ni olivia.

Kaya naman pinakalma ko muna ito ng kaunti. Kilala ko kapag nagalit ng todo si kc. Kailangan mo muna siya pakalmahin tulad noong nangyari sa amin ng una kami magkita dito sa restaurant.

Naka upo lang ako sa harap ng camera at pinagmasdan ito sa mga kuha ng security camera namin.

+++++++++++++++++++++++++++++++++

Habang sa mansyon ng mga tan.

Patuloy pa din sa pag-uusap nila si Jc at jasper. Kasalukuyan nilang pinag-uusapan ang mga maaring maitutulong nila jc para mapalapit si james kay donya lyka. Halos mahigit apat na oras ng nag-uusap si Jasper at Jc.

” Jasper…… kilala ko si james…. Hindi mo basta mapapayag yun” ang sabi ni Jc kay Jasper habang nakatitig ito sa lalaki. Kita sa mukha ni Jasper ang pagkafocus nito sa kanyang goal. Habang si Jc naman ay punong puno ng pagduda ang kanyang mga mukha ngayon.

” I know that for a fact as well jc… but please… pilitin niyo” ang sabi ni Jasper kay Jc habang kinuha ni Jasper ang dalawang kamay nito na nakapatong sa lamesa.

hawak hawak nito ang kanyang kamay na tila isa silang magkasintahan sa ayos nila ngayon. Nakaramdam ng kakaibang pakiramdam si Jc. Pakiramdam na tanging si James ang nakagawa sa kanya. Ang makuryente ito.

” Susubukan ko kausapin sila” ang sabi ni Jc kay Jasper. Pero hindi pa rin binibitawan ng lalaki ang kamay nito. Napangiti naman ng bahagya si Jc dahil dito. Pati rin si Jasper ay napangiti sa sagot ni Jc ng mga oras na iyon.

” tatanawin kong malaking utang na loob ito jc kung sakali man…