This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental
++++++++++++++++++++++++++++++
Ang nakaraan
Sinaluhan ako ni Kc ngayon na umiinom ng red wine sa tabi ng pool. Dito sa may sun lounge area. Halos naka one fourth na ako sa iniinom kong wine. Napakasarap naman nitong wine na iniinom ko pero parang may iniisip pa din ako ng mga oras na iyon na hindi magbigay sa akin ng kapayapaan.
” Babe…… what are you thinking?” ang tanong ni Kc sa akin ng lumipat siya mula sa katapat kong sun lounge tungo sa akin tabi. Pinalupot nito sa akin ang kanyang mga kamay sa akin beywang. Ramdam ko ang mainit na katawan ni Kc sa malamig na simoy ng hangin dito sa calatagan.
” Am I being an ungrateful son?” ang tanong ko kay Kc habang nakatitig ako sa napakalinis na kalangitan. Habang ang kamay ko ay nakapatong lamang sa hita ni Kc ngayon.
” Yes and no babe” ang sagot ni Kc sa akin. Napatingin naman ako dito dahil sa mga sinabi niya. Parang nakakalito at hindi ata tama ang narinig ko. Kaya mas lalo ko ito tinignan ng maigi at hinintay ang explanation niya sa sagot nito sa akin.
” Bakit?” ang tanong ko dito at uminom muli ako sa wine na hawak ko. Habang si Kc naman ay tila ba nag-iisip ito ng matagal sa aking tanong sa kanya. Kaya naman napangisi na lang ako at mukhang pinagtritripan lang ako ng aking kasintahan.
” Yes…… ” ang maikling sagot ni Kc. Napatigil naman ako sa aking pag inom dahil sa narinig ko. Tiyak ako na may magandang paliwanag itong si Kc sa akin.
“kasi what ever mistake na nagawa man ni tita sa iyo in the past” ang patuloy na sinabi ni Kc sa akin at tila ba tumatakbo sa akin kaisipan ngayon ang alaala ng mga panahon na nahuli ko si mommy na nagpapagangbang sa aming bahay.
Ang sakit na dulot nito ay unti unting bumalik sa akin ulirat. Sakit ng makita mo ang sarili mong ina na binababoy ng mga kalalakihan na alam mo naman ang balak nila.
“At kung ano man na pagkukulang niya sa iyo… whether noong down ka sa buhay mo or kung ano pa man yun…… mommy mo siya” ang sabi ni Kc na akala mo ay anak niya ako ngayon kung sermonan nito pero nakinig lang ako sa mga sinasabi niya.
” Kung hindi dahil sa kanya at sa mga na experience mo…… Kami ni Olivia ay hindi magkakaroon ng katuwang sa buhay na kasing responsible mo at kasing mapagmahal mo” ang sabi ni Kc sa akin habang hinahaplos nito ang aking mukha. Ramdam ko ang haplos nito ay puno ng emosyon at pagmamahal sa akin. Habang hinahaplos ni Kc ang aking mukha ay tila ba ang mga salita niya ay humahaplos din sa akin puso.
” Kung hindi ka man natulungan ni tita noong mga panahon na walang wala ka… noong mga panahon na iniwan kita at tila ba nasa malaking kawalan ang buhay mo……..” at bumalik sa akin alaala ang mga pang aalisputa na inabot ko sa mga taong tinuring kong kaibagan. Ang mga taong tinuring kong katuwang sa buhay sa bandang huli pala ay katuwang ko lang sa saya
“Nagpapasalamat pa nga ako sa kanya” ang sabi ni Kc sa akin. Napatingin ako dito. Sa tagal na namin na magkakilala at magkasintahan ni Kc. Alam na alam ko kapag seryoso siya sa mga sinasabi niya.
At isa ito sa mga moments na iyon. Kahit litong lito ako dahil bakit siya nagpapasalamat doon ay hinayaan ko na lamang ito magpatuloy.
” Nakikita ko na kapag tinulungan ka ni Tita noong mga panahon na iyon…. Binawi ka niya sa mga taong nag alipusta at iniwan ka….. Yes… you would come out victorious but you would still be that spoiled brat james” ang sabi ni Kc sa akin. Dito ay napaisip ako ng malalim sa mga sinabi niya. Tama siya Kung siguro ay tinulungan ako ni mommy lyka noon. Baka lalong tumaas ang tingin ko sa akin sarili.
” Isipin mo na lang babe…. Dahil sa pangyayari na iyon….. You come out of that harsh environment na tulad niyan iniinom mo ngayon….” ang sabi ni Kc sa akin at kinuha nito ang baso ng wine na iniinom ko.
Uminom ito ng kaunti tsaka siya muling nagsalita.
” alam naman natin that best wine ay gawa ng hard work at matinding pressure….. Pressure ng machine or some people na paa pa rin nila ang ginamit nila para durugin at pigain ang mga ubas na ito…. At sabi nga…. Mas madiin daw ang pagpress mo sa ubas…mas lumalabas ang katas nito…..” ang sabi ni Kc at inabot muli nito sa akin ang baso ng iniinom ko.
” You became my dream husband, dream partner in life and dream father kay Olivia after mong makabalik doon sa pressure at naging isang fine wine ka na……. You became the best version of yourself dahil doon” ang sabi sa akin ni Kc habang patuloy lamang ako sa pakikinig dito. Hindi ko man lang makagawa ng anuman ingay o salita dahil parang nalunlun ko ang dila ko.
Lahat ng sinasabi ni Kc ngayon ay tama. Kahit sino naman magagalit sa dinanas ko mula ng mawala ako sa boder nila mommy lyka. Ang pagkakatutu ko na gamitin ang aking katawan para maka angat sa buhay.
Hanggang sa nabalot ako ng inis sa aking mommy na hindi man lang ako tinulungan noong nakadapa ako kahit alam kong powerful naman siya at influential. Yet ito si Kc, seeing always the positive out of the negative.
Nagpapasalamat siya dahil sa mga ito at naging best version ako. Hinaplos ko na lang din ang pisngi ni Kc na parang nagpapasalamat ako dito dahil sa kanyang mga sinabi sa akin.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
” and no… you were not being ungrateful in terms of …. kahit galit na galit ka sa kanya….. Hindi ka sumasagot pabalik sa kanya…. Hindi mo siya sinisigawan …. Or pinagtaasan man lang ng kamay……” ang sabi ni KC sa akin at narealize ko na tama nga siya. I could have screamed my lungs out kay Mommy lyka but i choose not to. Pwede ko saktan ito ngayon dahil alam kong mahina na siya. Pero hindi ko ginawa.
” You just proved to me james oliver tan…… I can be certain na kahit anong galit at inis mo….. Hindi mo kayang manakit ng tao na alam mong hindi kayang lumaban sa iyo” ang sabi nito sa akin na mas lalong nagbibigay liwanag sa ngayon ay medyo maliwanag ng pag-iisip ko.
Tila ba pinaghalong Kc at tata dens ang kausap ko ngayon. Kc with her great analysis of situation just like her accounting degree would at ung mga words of wisdom ni tata dens na nakatouch talaga ng puso kahit ayaw mo.
” And by doing that… you also assured me na magkaroon man tayo ng misunderstanding or tampuhan ay hinding hindi mo ako pagbubuhatan ng kamay” ang sabi ni Kc. ang mga salita nito ay parang bala ng baril na tumatagos sa aking puso ngayon. Napapikit na lamang ako at napailing dahil sa mga naririnig ko.
I maybe older kay Kc in terms of age pero right now. Kc is showing me a different level of maturity. Something that really compliments my weakness as a person and as her partner in life.
” James oliver tan…. Alam ko deep down here….. Hindi mo kayang saktan ang mga taong mahal mo……” ang mga salita ni Kc habang ramdam ko ang pagdutdut nito sa akin puso. Kahit na sa labas lang ito ay tila ba ramdam ko pa rin ang mga ito kahit sa kaloob looban at kasuluk sulukan ng aking puso.
” Si mama….. Si tata dens…… si Jasper…… si Daisy…. Si jc….. Mahal mo sila eh…. Kaya hindi mo sila kaya saktan talaga” ang sabi ni Kc habang bawat pangalan na babanggitin nito ay dinudutdut niya ang puso ko.
” Ako…. Si Olivia …… and even si Tita lyka….. Alam ko mahal na mahal mo” ang sabi ni Kc habang dinudutdut nito ang aking puso. Baon na baon na lahat ng sinasabi nito sa akin ngayon.
Di ko alam pero ang mga dutdut na ginawa ni Kc sa puso ko ay parang bumasag sa lahat ng mga masasamang nangyari sa buhay ko. Lahat ng galit kay Mommy ay parang unti unting nadudurog at naglalaho.
” kahit alam ko na puno ng galit ito” ang sabi ni Kc habang ngayon ang sintido ko naman ang kanyang dinudutdut. Para talagang may magic ang kamay ni kc dahil sa bawat parte ng katawan ko na tamaan nito ay parang nalilinis.
” Hindi mo hinayaan na lamunin niya ang napaka busilak at bait mong puso para sa mga taong minahal mo” ang huling salita ni Kc na tila bumasag sa huling tanikala sa akin puso. Pumatak na ng tuluyan ang aking mga luha na tila ba isang ibon na phoenix na ayon sa mga matatanda ay ang luha nito ay nagpapagaling sa lahat ng sakit.
Ang bawat patak ng luha ko ay tila ba hinilihom nito sa akin puso at isip ang lahat ng sakit at hinanakit ko sa aking mommy lyka.
” huhuhuhuhuhuhuhu” ng tuluyan na akong lumuha at naramdaman ko na lang na nakaakap na sa akin si Kc ngayon at hinahaplos haplos nito ang aking likuran na parang kapag umiiyak ang anak namin.
” babe….sana hindi pa huli ang lahat huhuhuhuhuhu” ang sabi ko kay Kc habang patuloy lang ang pagpatak ng luha ko. Alam ko na di na magtatagal ang buhay ni Mommy lyka yet nakipagmatigasan pa ako sa kanya.
Oo, marami siya nagawang mali sa akin mula noon hanggang ngayon. Ang pagbenta nito ng laman niya para sa amin pamilya at sa paglago ng negosyo namin, Ang hindi nito pagtulong sa akin noong mga panahon na kailangan ko siya. Ang pakikipag kutsaba nito kila Kc at sa pamilya nito.
Pero sa tulong ng mahal kong si Kc, narealize ko na at the end of the day. Isa lang ang nanay mo sa mundo. Tho marami ka pwedeng tawagin na nanay dito. Isang tao lang talaga ang masasabi mong nanay mo.
” babe….. It’s never too late love someone back” ang sabi ni Kc sa akin at binuka ko ang mata ko sabay na sa di inaasahan na pagkakataon ay naka kita ako ng isang shooting star.
” Sana… gumaling si mommy at makasama niya pa lahat ng magiging apo nito” ang sabi ko sa shooting star na dumaan at napangiti na lang ako. Umalis sa pagkayakap ko si Kc at hinalikan ko ito sa labi niya.
” You are always my guiding light babe” ang sabi ko kay Kc at tumayo na kami para pumasok sa amin kwarto. Nahiga kami ni Kc ng may malaking ngiti sa aking mukha. Ngiti ng isang anak na handa ng magbalik.
++++++++++++++++++++++++
Sa kwarto naman ni Donya Lyka
Lyka’s Pov.
” Apo……. Sleep na tayo ah….. Maaga pa tayo tomorrow….. Punta tayo dagat para doon tayo mag swim” ang sabi ko sa akin apo na nakahiga na ngayon sa tabi ko at tinapik tapik ko ito para makatulog.
” swim!!!! swim yoya!!” ang sabi ni Olivia sa akin. Kahit hindi pa ako nag papakilala dito bilang lola niya ay alam na agad niya na ako ang lola niya. Natuwa naman ako naluha dahil sa napaka talino ng batang ito.
Ilang minuto ko rin tinapik tapik ang likod nito hanggang sa nakatulog na siya. Pinagmasdan ko kung paano ito matulog at kuhang kuha niya lahat ng gesture ng ama nito at anak kong si James.
” apo…patawarin mo si lola ah… Kung hindi ako agad nagkalakas ng loob na lapitan kayo ng mommy at daddy mo” ang sabi ko sa tulog na tulog kong apo. Di ko maiwasan na maisip ang mga panahon na nasayang sa buhay ko.
Kung sana nalapitan ko kayo agad ay di sana mas matagal ko pa kayo makakasama at makikilala. Parang isang sira tape na tumatakbo sa isip ko ang mga huling salita ni Dra Jessa sa akin.
” You have only3-6 wks to live” ang sabi noon ni Dra jessa. Kitang kita ko sa mukha nito ang pagka awa niya sa akin kalagayan. Lahat na ng treatment ay ginawa namin. Lahat na ng kayang dalhin ng pera ko ay ginawa ko na pero ito na talaga siguro ang kapalaran ko.
” Tsup” hinalikan ko ang noo ng aking apo na si olivia at dahan dahan akong umalis sa tabi nito papunta sa aking upuan tsaka ko kinuha ang isang malaking envelope na may pangalan ni james.
Kumuha ako ng isang sticky notes at ballpen sa akin lamesa sa ko sinulatan ang sticky note.
” Masaya ako at nahawakan ko na ang aking apo na si Olivia” ang sabi ko sa mensahe at nilagay ko ito sa loob ng envelope.
” Nagpasalamat din sa akin si James kaya naman sobrang saya ko” ang sinulat ko ulit doon sa sticky notes at nilagay ko ito sa envelope. Pinunasan ko ang mangilan ngilan na luha sa akin mata at ako ay bumalik sa higaan at natulog na ako ng may ngiti sa akin mukha.
++++++++++++++++++++++
James’s Pov.
Alas sais ng umaga ng ako ay magising. Nakita ko na nakayakap pa sa aking dibdib ang tulog na tulog na si Kc. Dahan dahan kong inangat ang katawan nito at umalis ako sa tabi niya.
Dumiretso ako sa banyo at naghilamos saglit. Matapos noon ay bumalik ako at nakita ko na tulog na tulog pa rin ang aking asawa kaya naman dahan dahan kong binuksan ang pintuan at lumabas ako ng kwarto.
Napaka lamig at sariwa ng simoy ng hangin. Nakita ko na nagwawalis na sa paligid ang mga katulong namin at bumati naman sila sa akin ng good morning ng makita nila ako. Sinagot ko naman sila ng good morning.
Papunta sana ako sa likod para mag lakad lakad ng makita ko si mommy lyka na nag aalmusal na nakaupo sa table malapit sa pool at kumakain ito ng tinapay at nagkakape.
Kitang kita ko rin ang anak kong isda na sarap na sarap sa almusal niya. Wala itong kaligaw sa akin mata dahil sa kulay orange nitong suot at sa isda suit niya. Sinubuan kasi ito ng lola niya ng tinapay at may hawak naman itong gatas na nakalagay sa bote sa kamay niya.
” Daddy bear!!” ang sabi nito ng makita ako ni Olivia kaya lumapit ako sa kanila para bumati.
” Good morning baby… good morning po” ang bati ko sa anak ko sabay halik sa pisngi nito at pasimple bati ko rin sa akin mommy lyka. Kita ko sa mukha nito ang ngiti dahil sa mga sinabi ko.
“good morning rin sa iyo anak. Halika at sabayan mo ako dito kumain ng tinapay” ang aya sa akin ni Mommy lyka at kaagad naman ako pumunta sa tapat nito at isang katulong ang lumapit sa akin para abutan ako ng tasa na may kape.
Tahimik lang akong kumakain at nagkakape .tumitingin ako sa paligid at nakita ko ang mga katulong namin na patuloy pa rin sa paglilinis ng paligid ng biglang magsalita si mommy lyka.
” mang bastian” ang sigaw ni mommy lyka at isang lalaki na sa tingin ko ay nasa early 50’s na ang lumapit sa amin. Amoy na amoy ko sa kanya ang samyo ng isang mangingisda…