Family Love : XVII

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

James’s Pov.

” excuse me…. Anong news mo regarding my mommy’s health” ang sabi ko sa parang doktora na dumating at mukhang balak pang sirain ang masayang okasyon na ito. Hinawakan naman ni Kc ang aking kamay at tiyak ako na ramdam nito ang lamig mula sa aking mga palad.

Nakita ko naman sa mukha ni mommy lyka ang tila ba takot at pag-aalala. Ayaw ko man isipin pero parang may idea na ako sa mga sasabihin ng doktora na ito. Pilit ko na pinipigilan ang sarili ko na sigawan o di kaya komprontahin ang doktora.

” Donya lyka…. Can I talk to you in private?” ang tanong nitong babae sa akin. Parang nabastusan naman ako sa asal nito. Tinignan ko si mommy lyka para humingi ako ng permiso dito. Pero hindi ito nakatingin sa akin kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko. At sumagot na muli ako

” You can speak here…. Ano ba ang dapat namin malaman sa health ng mommy ko?” ang tanong ko dito na akala mo ay nakikipag away ako sa kanya. Kita ko sa mukha ng mga kasamahan namin ang takot dahil sa isang balita na ayaw na ayaw namin marinig ang maaring dala ng nasabing doktora.

” Donya lyka?” ang tanong nito sa aking mommy at hindi talaga ako nito inaaddress ng doktora na ito. Kaya naman napatingin na lamang ako kay mommy lyka at jasper. Jasper ngayon ay katulad ko. Kinabahan din at halos di makapagsalita habang naka akap sa baywang niya si jc.

” It’s okay Jessa…. We can talk here in front of them” ang sabi ni mommy lyka at agad naman lumapit ito sa amin kinatatayuan. Pinaupo kami ni mommy lyka sa dining table. Ako on her right side and the doktor on her left.

” What is it jessa? I am dying today?” ang diretsong tanong ni mommy lyka sa doktor. Rinig ko ang collective gasps namin dito sa lamesa habang hinihintay ang sagot ng doktor. Ako naman ay hinawakan ko na lamang kamay ng aking mommy.

” Actually…it’s quite the opposite” ang sabi ni Jessa. Napatingin naman ako dito at halos di ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Last update kasi na naalala ko kay jasper ay almost 6 mos na lang ang life expectancy ni mommy.

Kita ko sa mukha ni mommy ang pagkagulat din nito sa balita na kanyang narinig. Kahit siguro ako ay magugulat kung ganoon ang maririnig ko sa aking doktora. Ganun rin ang mukha ng mga tao na kasama namin ng mga oras na iyon.

” our lab made some critical lapse in judgement” ang sabi ni Doktora jessa na mas lalo namin kinagulat. Kaya naman hindi ko na napigilan pa sumingit na naman ako.

Gustong gusto ko sigawan ng ang doktora ng mga oras na iyon. How can they make a critical lapse in judgement kung buhay na ang pinag uusapan dito.

” What do you mean?” ang tanong ko dito na may halong pagtataka. Napatingin naman ito sa akin at seryoso itong sumagot.

” One of lab technicians made a mistake…test samples were mixed up and labels were compromised” ang sabi ni Doktora jessa at nagulat ako sa mga rebelasyon niya. Ayaw ko muna mag assume pero parang maganda ang kahihitnan nito.

Pero kung ganoon nga ang nangyari. Ay baka mapatay ko mismo ang technicians na iyon sa sobrang inis ko. Para kasing pinaglalaruan niya lang kami. Kung hindi maganda ang sasabihin ng doctora ngayon ay I would convince my mommy to press legal charges on the institutions and all persons involved would be held liable in court.

Di pwedeng mapalampas ito, dahil paano kung isang mahirap na tao ang mabiktima ng ganito eksena, paano sila lalaban sa mga palpak na hospital na tulad nito. I would make sure this time that our influences in the hospital community as well as in the local and national government would be put in great use

” He accidentally mixed up your lab samples with another patient we have that died a few weeks ago” ang sabi ni doktora jessa. Kita ko sa mukha ni mommy lyka ang gulat at sa mga kasama namin ay pagkalito. Ako naman ay tahimik lang na nagmamatyag.

Para akong isang galit na galit na leon ng mga oras na iyon. Galit na galit ako na marinig na ang isang institution na inaasahan mo na magbibigay sa iyo ng 100% factual at accurate datas ay nagkaroon ng sample mixed up. Di ko tuloy alam sa sarili ko kung dapat pa ba namin paniwalaan ang mga sinasabi ng doktora na ito ay tumawag na lang kami ng police para arestuhin ito on the spot.

” He is already facing criminal charges and as well a case with PRC for possible revocation of his license” ang pagpapatuloy ni Doktora jessa. Kahit papaano ay natuwa naman ako sa sinabi ni Doktora. If hindi nila pinanagot ang nagkamali ay baka ako mismo ang pumunta doon sa hospital nila at dinala ko ang lab person nila sa pnp.

” He admitted in providing us with tampered results to cover his tracks” ang sabi ni doktora jessa sabay pakita sa hawak niyang envelope.

” Here is the correct result of your original biopsy we conducted as few weeks ago” Inabot niya ito kay mommy at manginig nginig itong kinuha ni mommy lyka. Halos hindi niya mabuksan ang brown envelope.

Daig ko pa ang nanood sa laban o bawi sa kaba. Ung tipong, nasa 1 million or 1 peso na lang choice ko at inaangat na ni vic sotto kahon para sa pwesto ng 1 million. Pikit mata na lang ako at patuloy pa din sa pahawak sa kamay ni mommy lyka.

Ramdam ko na parehas ang kamay namin na nanginginig ngayon. Nginig dahil sa gusto kong maging okay na ang lahat. At sana isang malaking pagkakamali lang ang lahat.

Binuka ko ang aking mata para tignan kung nabuksan na ni mommy ang results. Hawak na nito ang papel. Ang envelope nasa lamesa na. At halos mapatalon ako sa akin upuan ng biglang tumalon si mommy sa tuwa.

” Nak……… I’m cancer free all along” ang sigaw ni mommy lyka sa akin. Halos di naman ako maka react dahil sa sobrnag saya ko. Kita ko sa paligid na sila mama flor at tata dens ay magkayakap na ng mahigpit habang si daisy at kc ay nag apir pati na rin ang anak kong si olivia.

Si jc at jasper ay napahalik nalang sa isa’t isa. Habang ako naman ay nakaupo pa rin. Kita ko na inakap ni Doktora si Mommy lyka ng mahigpit. Ramdam na ramdam ko sa akin pwesto na parang nabunutan sila lahat ng tinik.

Hanggang sa naramdaman ko na niyakap ako ni mama mula sa akin likuran.

” I love you nak…….. Babawi si mommy sa iyo at kay olivia… pati na rin kay kc at sa mga magiging future apo ko” ang sabi ni mommy lyka sa akin sabay halik sa magkabilang pisngi ko na parang noong bata pa ako. Dito ay parang natauhan na ako at natuwa na lamang ako dahil sa wala ng sakit si mommy.

Parang isang malaking party naman ang nangyari dahil kahit ang mga katulong at mga security namin nagtatalon sa tuwa dahil ang amo nilang minahal at pinagsilhihan ay magaling na.

Inakap ko din si Doktora jessa at nagpasalamat ako dito. Dahil sa narinig namin na balita ay ininvite na namin ito na mag almusal kasama namin. Napakasaya at napakasarap naman ng hinandang almusal ng mga katulong namin ngayon.

Itlog na maalat, tocino, tapa, longganisa at tuyo samahan mo pa ng fried rice sa isang boodle fight setup ang nangyari. Kitang kita ko sa mukha ni mommy lyka ang tuwa dahil sa makakasama niya pa ng matagal ang apo niya at ang magiging apo pa niya.

” Extend pa kayo till monday…sagot ko na sahod at expense ng resto” ang sigaw ni mommy lyka at natuwa naman kaming lahat dahil sa matagal pa kami makakapag bakasyon dito. Kita ko sa mukha nilang lahat ang saya. Lalo na ang anak kong si olivia na ngayon ay karga karga ng lola lyka niya. Kahit hindi nito talaga naiintindihan ang sitwasyon ay parang alam nito sa puso niya kung ano ang sinasabi ng lola niya.

Matapos ang lahat ng party at kainan na nangyari ay hinila ako ni mommy lyka sa tabi at inaya ako nito na maglakad lakad muna. Naglakad lakad naman kami tabing dagat habang nag-uusap kami.

” nak… ito tatanungin kita bilang isang ina na may care anak niya… sana wag ka magalit” ang sabi nito sa akin habang nasa tapat kami ngayon ng isang napalaking buhay na bato. Napatingin naman ako dito habang nagpupulot ako ng maliit na bato at binabato ko ito sa dagat.

” ano yun mommy?” ang tanong ko dito habang patuloy pa rin ako sa akin ginagawa ngayon. Si mommy naman ay tila ba nag-iisip sa tabi ko, Kala ko tuloy ay may malaking problema na naman itong sasabihin o itanong sa akin.

” mag 4 years old na si olivia…… wala ka bang balak pakasalan si kc?” ang tanong nito sa akin. At naalala ko nga pala na hihingi dapat ako ng tulong dito pero nakalimutan ko na dahil sa biglaan pagdating ni doktora.

” meron naman mommy kaso gusto ko kasama kayong lahat” ang sabi ko dito at napatingin naman ito sa akin na puno ng ngiti. Sa lahat ng bagay ay malakas ang loob ko. Pero sa usapang tulad nito ay parang wala akong lakas ng loob.

” sabihin mo lang at ako bahala diyan” ang sabi ni mommy lyka sa akin. Kaya naman napangiti na ako dahil sa tuwa. Alam ko na kaya akong tulungan nito dahil sa gusto ko na pasabog talaga ang paghingi ko sa kamay ni Cassandra.

” magpupulong tayo ni mama flor” ang sabi ko kay mommy lyka nginitian naman ako nito.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

” Babe paliguan ko lang si olivia sa room at idlip lang din kami” ang paalam ni Kc sa akin habang nakahiga ako sa sun lounges. Tinaas ko ang sunglasses ko at tumango ako dito.

Ng matiyak ko na nakapasok na ang mag ina ko sa room namin dahil sa nagthumbs up si mommy lyka mula sa terrace ay kaagad ako tumayo sa akin kinahihigaan at lumapit ako kila mama flor. Kasama nito ang dalawang anak niya sa may dining area at tila ba kumakain sila ng meryenda ng mga oras na iyon.

” Ma…. may gusto po sana ako sabihin” ang sabi ko sa likuran ni mama flor. Napatingin naman ito sa akin at napangiti. Ako naman ay napangiti rin sa kanya.

” ano yun nak?” ang tanong nito sa akin na puno ng ngiti at saya sa mukha. Napatitig ako dito bago ako nakapagsalita ng maayos.

” Hihingin ko pa sana sa inyo ang kamay ni Kc” ang sabi ko dito ng buong galang at buong pagmamahal. Gusto ko na rin na lumagay kami ni kc sa tahimik na lugar kaya naman lakas loob na akong nagpaalam sa kanila.

” Oh myyyyy kakakilig” ang sabi ni Daisy at mabilis naman siya na sinaway ni mama flor. Napatahimik naman si daisy dahil dito. Ako naman ay kinabahan. Baka di pumayag ito at baka ungkatin niya ang past namin ni Kc.

” mapapangako mo ba na mamahalin mo ang anak ko?” ang tanong ni mama flor sa akin at napatango naman ako dito.

” Di mo sasaktan?” ang tanong nito sa akin. Napa iling naman ako sa kanya.Nakita ko sa mukha nito na parang hindi siya kumbinsido sa mga sagot ko eh. Anak ng tokwa naman kasi, bakit para nalulon ko ang dila ko sa mga tanong niya.

Mga ilang minuto rin itong nakatingin akin na akala mo ay iniscan nito ang buong katawan ko at bawat sulok. Kinakabahan tuloy ako at mukha di pa matutuloy ang balak ko.

” ano ba maitutulong namin sa iyo” ang sabi nito na nagbigay sa akin kapayapaan sa puso. Halos gusto ko na magsisigaw sa tuwa pero pinigilan ko ang sarili ko at nakita ko si mommy lyka na mula sa terrace na naka thumbs up. At tinapik ko si mama flor para tignan namin si mommy sa taas.

Sumagot naman kami ng dalawang thumbs up sa kanya at napasuntok pa ito sa ere. At mabilis siyang bumaba para pag planuhan namin ang napaka especial na gabi namin ni Kc. Balak ko gawin ito kinabukasan.

++++++++++++++++++++++++++++++

Naging tahimik lang ang araw namin. Kaunting swimming at kantahan dito. Tas nagkayayaan ng mahjong ang magbalae. Sumali naman si tata dens at daisy sa kanila. Kami kami lang naman ang nandito kaya okay lang ang lahat.

Hindi ko naman pinapahalata kay Kc ang mga paghahanda na ginagawa namin. Lahat ay may toka. Si Jasper at tata dens ang bahala sa man power na kailangan. Si Daisy at Jc sa mga props. At si mama flor naman bahala sa pagkain after. At siyempre si mommy lyka daw ang bahala sa budget ko.

Kaya naman kinabukasan ng umaga, sa tulong ng mga connection ni mommy lyka ay napapunta niya ang isang jewelry seller dito. Kami ni mama flor ang kasalukuyan na nagtitingin ngayon kasama si mommy lyka para engagement ring.

Inutusan ko muna si jasper na ipasyal ang mag ina ko kasama sila daisy at jc sa mga magagandang lugar dito sa calatagan. Habang si tata dens ay nasa isang special mission.

Napaka dami ng singsing na nasa harap ko ngayon. Marami rin ang sina suggest nila mommy at mama sa akin na ring pero isang ring lang talaga ang pumukaw sa attensyon ko.

Simple lang ito na singsing. Ang kanyang design ay dalawang infinity sa both side na nagtouch sa gitna. May maliit na diamonds ito sa paligid ng infinity pero ang pumukaw sa akin attention ay ang napaka crystal clear na emerald shape diamond sa center nito.

” Ito po ang gusto ko” ang sabi ko sa kanila at tinuro ko sa jeweller ito. Nakita ko sa mukha nito ang ngiti at ningning.

” Magaling pumili ang anak mo donya lyka. Isa itong VVS diamond cut…. At isa mga pinakamagandang cut ng diamonds sa collection ko” ang sabi ng jeweller. Tumango naman si mommy lyka at hinayaan ko na lamang sila na mag usap doon sa tungkol sa presyo.

Si mommy naman daw ang bahala at pambawi daw niya ito sa akin at sa kasintahan k…