Family Secrets III (Contract)

Lumipas ang dalawang taon pero hindi parin kami nag kaka-anak ni Alice. Nag-simula na akong magduda na baka isa sa amin ay may problema. Nag-pakonsulta ako sa isang espesyalista; matapos ang ilang linggo dumating ang resulta. Base sa resulta mababa ang bilang ng mga buhay kong semilya kung kaya’t hindi kami makagawa ng anak ni Alice. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa aking misis, tiyak na malulungkot s’ya at baka maging sanhi pa ito ng aming hiwalayan. Mahal na mahal ko ang aking asawa at gagawin ko ang lahat para hindi mangyari ‘yun.

Nag-simula akong mag basa-basa ng mga alternatibong paraan para mabuntis ang aking misis. Nakita ko ang isang article patungkol sa in vitro pregnancy ngunit napakamahal nito at walang kasiguraduhan na magiging matagumpay ito. Nakita ko din ang isang article patungkol sa sperm bank ngunit ayaw ko naman na kung kani-kanino lang manggagaling ang semilya na makakabuntis sa misis ko. Mas magiging panatag ako kung kilala ko at malapit sa akin ang makakabuntis kay Alice. Sa huli, na-realize ko na magkakaanak lang kami ni Alice kung may ibang makakabuntis sa kanya. Pero alam ko sa sarili ko na hinding-hindi papayag si Alice na magalaw ng iba at posible pang maging sanhi din iyon ng aming hiwalayan.

– First Family Secret –

Madalas na kung bumisita sa bahay si Seph dahil boto naman ang pamilya namin sa kanya para sa bunso kong kapatid na si Sophia. Sa hindi ko malamang dahilan, bigla nalang pumasok sa isip ko na si Seph ang magiging ama nang anak namin ni Alice. Pero hindi ko alam kung paano mangyayari ‘yun. Makalipas ang ilang taon grumaduate na sila Randy, Seph at Sophia sa kani-kanilang mga kurso. Isang araw dumalaw si Seph sa bahay.

Seph:Kuya Dexter, kamusta na po? Mukhang busy na busy ka po sa work ahh.
Dexter:Oo, madami kasi akong hinahawakan na kaso ngayon sa opisina. Ikaw, kamusta? Napadalaw ka ata, wala dito si Sophia umalis kasama ang mga kaibigan nya.
Seph:Ah, opo Kuya Dexter; nasabi nga po sakin ni Sophia na aalis sya. Ikaw po talaga ang sinadya ko dito.
Dexter:Oh, anong pakay mo sakin?
Seph:Ku-kuya mag po-propose na po ako kay Sophia. Gusto ko po sana hingiin ang kamay nya sa inyo dahil wala ang Parents niyo dito sa Pilipinas sa iyo nalang po ako mag papaalam.
Dexter: Magandang balita yan, alam mo naman na boto kami sa iyo.(Biglang pumasok sa isip ko na ito na ang chance para maisakatuparan ko ang pinaplano ko.)
Seph:Pu