Isa akong empleado sa Department of Agriculture. Naging assignment ko ang magsagawa ng survey tungkol sa kalagayan ng mga institusyong nagseserbisyo ng agricultural loans sa iba’t ibang probinsiya at nitong huli ay napunta ako sa Aurora. Dalawang linggo ang lumipas at natapos ko rin ang survey.
Pauwi na ako, nakasakay sa isang aircon bus. Sa Cabanatuan ako nakatira at ang aking pamilya. Lunes, luluwas na naman ako ng Manila at mag-oopisina. Mga dalawang beses isang buwan ang uwi ko sa Cabanatuan.
Hindi pa puno ang bus at wala akong katabi sa upuan. May privacy ako sa pagtulog kung sakaling ako’y antukin. Nasa tabi ko ang aking bagahe, isang dark brown na backpack na katamtaman ang laki, naglalaman na aking mga epektos, o gamit.
Palabas na ang bus sa kabayanan ng Baler nang may pumara at sumakay, isang babaeng sa tingin ko’y trenta anyos. Parang pamilyar ang mukha niya sa akin. Ngumiti siya. Pati ngiti ay pamilyar din. Naka-cotton shirt siya, light brown, long sleeved, at nakapantalon ng maong.
Umupo siya sa aking tabi. Kinandong ko ang backpack para makaupo siya nang husto.
“Parang namumukhaan kita,” sabi niya.
“Gano’n din ako.”
Hindi ako maaaring magkamali. Siya si Stella, kaklase ko noon sa kolehiyo sa CLSU.
“Ikaw ba si . . . nasa dulo ng dila ko.”
“Frank, ang dati mong kaklase sa agriculture.”
“Ikaw nga! Ako, hindi mo na kilala?”
“Stella, kahit middle name mo, alam ko. Sino ba ang makakalimot sa dating campus beauty queen? Lalo pang gumanda ngayon.” Nasabi ko iyon dahil napansin kong medyo nagkalaman o tumaba ang dati niyang slim na katawan at doon ako lalong na-attract.
“May asawa na ako,” sabi niya.
“Ako rin,” sabi ko.
Nag-excuse ako, tumayo, at isinalpak ko ang backpack sa lalagyan ng mga bagahe sa bandang itaas, tapat ng ulunan namin. Talagang hindi nagbabago ang kanyang makinis at mala-gatas na kutis, ang pahaba niyang mukha na karaniwang hugis na makikita mo sa mga mestisa o lahing puti.
“Parang kailan lang, ano?” tanong niya.
Nostalgia na may pananabik o pagkayamot o panghihinayang, kahit alin diyan.
“Oo, napakatorpe ko,” sabi ko. “Pangiti-ngiti lang ako sa ‘yo noon na parang moron. May daga sa dibdib.”
“Siguro, wala nang daga ngayon at kaya mo nang sabihin ang gusto mong sabihin.”
Indirect proposal? Pero dati naman siyang gano’n at ako lang ang mahina ang loob.
“Gusto mong sabihin ko?”
Ah, malakas na ang loob ko, pero ilang taon ang aking pinalampas? Gusto kong murahin nang murahin ang sarili ko. Minumura ko na nga.
“Okey lang,” sabi niya.
“Ikaw ang first love ko, maniwala ka’t hindi.”
Nasabi ko rin sa wakas at ang sarap sa pakiramdam, pero noon ko pa sana sinabi iyon.
Namula ang kanyang pisngi, hindi siya nakaimik. Apektado rin siya ng aking rebelasyon. Maya-maya’y biglang nawalan ng ilaw ang bus at napilitan itong tumigil. Delikadong maglakbay nang walang ilaw, lalo na’t mabangin at makipot ang daan. Mga alas-siete na ng gabi. Ayon sa drayber, dito na lang kami magpalipas ng gabi hanggang sa lumiwanag. Naiinip ang ibang pasahero at lumalabas sila sa bus.
“Labas din tayo,” sabi ni Stella.
Nang makalabas na kami at palakad-lakad sa di-kalayuan sa bus, nabanggit niya na bumisita lang siya sa Aurora (taga-Bulacan siya) dahil may kapatid siyang lalaki dito na may malawak na taniman ng kape at niyog at siya ang gagawing farm manager kung gusto niya. Nasabi ko naman ang ginawa kong survey.
“Gusto mo bang maging farm manager?” tanong ko nang maalala ko ang iniaalok na trabaho.
“Parang gusto ko.”
“Mapapalayo ka sa kasama mo.”
“Wala siyang kuwentang kasama.”
“Ah, seloso ba?”
“Napakaseloso. Pero mas inaasikaso pa niya ang kotse namin, pinapaliguan at sinasabon at wala nang inatupag kundi ang bulok niyang barkada. Bakla yata. Baklang engot, mas mahalaga pa sa kanya ang barkada niyang bakla kaysa sa akin.”
“Gano’n pala.”
“Hindi lang iyon. Ako pa ang sinisisi ng ulol kung bakit wala kaming anak, samantalang ayaw naman niyang magpakonsulta sa doktor kung baog. Ako, alam kong fertile ako.” Ngumiti siya na hindi tumitingin sa akin.
“Sino ba’ng napangasawa mo?”
“Kaklase din natin, si Edu Manalilo, iyong trying hard na editor, na matapang ang apog.”
“Iyong pekeng editor?” tanong ko.
“Bakit naman peke?”
“Ako ang ghostwriter niya sa mga poems at essays na nakapangalan sa kanya. Pero iyong mga nakapangalan sa akin ay hindi niya ipinablish. Tuso ang walanghiya. Hindi mo alam na news lang ang kaya niyang sulatin noon?”
“Parang may narinig din ako noon, pero binalewala ko dahil hindi naman siya ang iniisip ko noon.” May kakaibang ningning ang kanyang mga mata, h…