For Formality 10

Author’s Note:

Paumanhin sa boring na ending ng Part 9. Hindi ko kasi alam kung paano mag-sugarcoat ng simpleng eksena. Hindi maaksyon, walang bangayan o kahit ano’ng nakakakulo ng dugo. In this part, ikukwento ko na lang ‘yung nangyari (as is) and I’ll give you guys an update about the side characters and where we are today.

This part will purely be story-telling, there will be no sex/steamy scenes here. This is a closure. Para sa’kin at para sa inyo.

I got home early. Around 2PM. Wala namang tao sa bahay. Nilapag ko ang backpack ko sa gilid ng sofa. Naglakad ako sa bandang kusina kung nasaan ang ref. I was looking at the pictures sa ref, mga bakasyon namin, college pics, at mga seminars na pinuntahan namin. It’s been fun. Naligaw naman ang tingin ko sa ibabaw ng ref, kung saan nakapatong ang isang framed picture naming dalawa. Sa dorm lang ako ni misis nag-propose, pinalabas ko pa siya sa dorm para lang isuot ang mumurahing alahas na pinag-ipunan ko.

…CONTINUATION

I lit the fire, a fire no one can put out. A fire that will consume everything we had… including us both.

Biglang sumikat ang araw, tumama ang sinag nito sa kurtina at sahig na nagsabog ng iba’t ibang kulay. Nagliwanag ang buong bahay, mabagal na nagliliparan ang mga alikabok. Bumalikwas ako at tiningnan ang bawat sulok ng bahay. I’ll surely miss this house. Naglakad ako papunta sa sofa. Muli kong nilibot ang paningin ko at umupo. I guess there’s just no way to break it to her gently. I’m holding onto something I don’t need, itong nararamdaman ko. This has to go. Hindi ko pa man nasasabi kay Keisha, pakiramdam ko mag-isa na lang ako. That wherever I go, I will be alone… but I can’t stay with her anymore.We can’t unbreak what’s broken. To be honest, I don’t have any regrets between me and Keisha except the time we wasted. Parang nagsayang lang kami ng aming kabataan. But it’s done, it’s something na hindi na naming mababawi. We’ll just have to move forward.

This is the part where I should feel glad ‘di ba? Dapat masaya ako, dapat kahit paano ay masasabi ko sa sarili ko na nagtagumpay ako. Pero hindi eh, I should be mad, I should be angry. Do I really have to feel anything? May specific ba akong dapat maramdaman? Hindi niya pa alam kung ano’ng sasabihin ko sa kanya… and I feel so empty already.

Tumayo ako at pumunta sa telepono, tinawagan ko siya.

Ako: “Hi… hello?”

Keisha: “Hey..hi, bakit nasa bahay ka?”

Ako: “ahh umuwi ako, sorry… namiss ko lang ang bahay”

Keisha: “hah?”

Ako: “haha, yaan mo na. Ano’ng oras ang uwi mo? Pwede ka ba umuwi ng maaga?”

Keisha: “yeah, 5PM siguro”

Ako: “Please come home early, magluluto ako ng hapunan”

Keisha: “okay… sarapan mo ha”

Ako: “sige, bye now. I’ll see you later”

No. I can’t tell her over the phone. Kailangan konog sabihin ng personal sa kanya.

I want to be a good husband one last time. I want to cook her dinner.

Kumuha ako ng mga ingredients sa ref, kinuha ko ang kutsilyo at sangkalan. Hinanda ko ang mga gagamitin ko. Naghugas na ako ng kamay at naghiwa, nagsaing at nagluto.

5:20PM. Narinig ko ang gate na bumukas. Si Keisha. Tamang-tama, luto na at mainit pa ang hapunan. Kaya kumuha ako ng mga plato at bowl. Nagsandok na ako ng kanin at ulam. Pagpasok niya ay tumingin agad siya sa’kin habang naghahain ako sa lamesa.

Keisha: “woooww! Ang bango naman nyan!”

Ako: “oh nandyan ka na pala, maghugas ka na ng kamay… kumain na tayo”

Keisha: “Sige babe”

Nilapag niya ang mga gamit niya sa sofa at pumunta sa kitchen sink para maghugas ng kamay. I stood by a chair, hinihintay ko siyang matapos maghugas ng kamay para makaupo na. Nang matapos siya ay inasikaso ko ang upuan niya.

Keisha: “bait naman babe”

Ako: “…..”

Kumain na kami. Lumilipad ang isip ko habang kaharap ko siya sa sa lamesa.

Ako: “kumusta ang trabaho?”

Keisha: “okay lang naman, hindi naman masyadong marami ang ginawa ngayon”

Ako: “Did you know about Steven?”

Keisha: “‘yung katrabaho mo?”

Dahil wala na akong maisip na pag-uusapan namin over meal ay nag-tsismis na lang ako. I turned out good naman. Natapos namin ang hapunan while talking about Steven and Finn. Nang matapos na kami kumain ay tumayo na ako at binuhat ang mga plato at mangkok na hugasan.

Keisha: “Leave it there, ako na maghugas mamaya”

Ako: “ah hindi na, ako na. Magpahinga ka lang dyan, galing ka sa trabaho eh”

Tumayo si Keisha at pumunta sa sofa. Umupo siya at nag-cellphone muna. Ako naman ay nag-umpisa na maghugas ng pinggan. Ilang minuto ang lumipas, natapos ko ang ginagawa ko. Nagpunas ako ng kamay gamit ang damit kong suot habang papunta ako sa sofa. Tumabi ako sa kanya…

Ako: “Keisha, I filed an annulment case… Sorry”

Keisha: “hah?”

Hinding-hindi ko makakalimutan ang hitsura niya, she was confused. But from the look in her eyes, it says a lot. She knew that I knew what was going on.

Ako: “I know about you and your manager”

Keisha: “…..”

Ako: “It’s done. A lawyer will file an Annulment case”

Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Nakatungo ang kanyang ulo at nakatakip ng kanyang mga kamay. I felt sorry for us. There, I broke it. Para akong nagbato ng isang galong gasolina sa apoy at pinanood itong magalit. Dahan-dahan na kaming tinutupok ng apoy na sinimulan ko.

Tumayo ako at lumabas sa driveway. Umupo ako sa gutter. Para akong sasabog. Malalim ang bawat hinga at nanginginig ang bawat hibla ng katawan ko. Parang gusto ko na lang talaga mawala that time, gusto kong bumukas ang lupa at lamunin ako. Nakapangalumbaba lang ako na nakaupo gutter ng driveway namin. Biglang nag-ring ang cellphone ko sa bulsa ko.

–RRRIINNNNGG– RRRIIINNNNGG–

Ako: “….”

Keisha: “….. ano’ng mangyayari sa’tin”

Ako: “… I don’t know”

Keisha: “I’m sorry babe. Please, patawarin mo ako”

Ako: “Sorry din”

Keisha: “I’m really, really sorry. I–ah.. I wish I coul–“

Ako”–it’s okay. We’ll be fine.”

Keisha: “…Sorry Kent. I’m sorry, I’m sorry”

Ako: “………”

Hindi maitatama ng “sorry” ang lahat nang ginawa niya. Hindi ko na siya pinatapos, hindi ko kailangan ng dahilan niya. What she did was wrong. ‘Yun na lang. I was angry, gusto ko siyang murahin. Gusto ko siyang sumbatan. Gusto kong ipamukha sa kanya na siya ang nagkamali. Is there a reward in doing that? Masa-satisfy ba ako kung gagawin ko ‘yan? I had so much to tell her but it’s done. I chose to let it burn in silence.

Binaba ko na ang tawag dahil wala namang dapat na pag-usapan.

Unti-unting nawala ang liwanag ng hapon. Sumapit ang gabi, 8:30PM, nasa driveway pa rin ako at nakaupo. I kept thinking about the good ol’ days namin. ‘Nung una kaming nag-lease sa bahay na ‘to, tuwang-tuwa kami. We had so many plans. Una kaming nagsama sa isang maliit na kwarto, ‘nung pareho pa kaming unlicensed college graduates, napakaliit ng kwarto na inupahan namin. Pagtayo mo lang sa kama ay kusina at banyo na agad. Everything we own was packed in cardboard boxes, mga damit at mga review materials. But we made it, we were so happy when she passed the licensure exam, sumunod ako, tapos pareho kaming nagkatrabaho. Until we can afford the “wants” at kinaya na rin namin makakuha ng malaki-laking bahay.

This driveway never had a car on it, naaalala ko pa dati maaga akong lumalabas sa trabaho para lang sunduin si Keisha. We only had a motorcycle back then. Sobrang hassle ng alikabok sa lansangan, papasok at pauwi. Nangarap kami ng 4-wheels, and here we have it kahit secondhand, we had to sell the motorcycle para makakuha ng sasakyan.

There were so many memories.

M…