For Formality

Hi guys! It’s me, Kent. Silent reader ako since 2015, may iba akong account dito sa FSS pero dinelete ko na since magsusulat na ako ngTrue Story namin ng wife ko. Hope you guys enjoy this. Thanks! *Note: not our true names, pero malapit sa names namin *wink* *wink*

Uumpisahan natin sa taong 2017 (26 pa lang ako nyan)

Ako nga pala si Kent, 26 years old, moreno at may pagka-dad bod (hahaha), may height na nasa pagitan ng 5’3 at 5’4. Nagtatrabaho ako sa isang construction company bilang junior engineer. 50-50 ang ginagawa ko sa trabaho bilang engineer, minsan nasa office kasama ang ibang engineers at architect, minsan naman ay nasa field para i-check ang mga trabaho. I’ve been married for two years, wala pa kaming anak kasi parang oks lang na mag-enjoy muna kami sa married life namin at 30’s na mag-anak since hindi naman kami nahihirapan sa buhay at gusto lang namin magpundar ng disenteng pag-aari at maging stable na talaga muna bago magkaroon ng responsibilidad. Ang asawa ko naman si Keisha, licensed pharmacist sa isa sa pinakamalaking drugstore sa ating bansa (alam niyo kung ano yan hehe), may katamtamang haba ng buhok (hanggang shoulder blades sa likod), super puti at super kinis, may pagka-chinita at may height na 4’11. Medyo sexy siya, medyo chubby na kasi siya mula ‘nung nagpakasal kami talagang medyo napabayaan at inenjoy namin ang buhay mag-asawa na kain ng kain ng gusto namin. May pagkamalabo ang mga mata niya, nagsasalamin siya kapag nasa trabaho siya. Now, hindi ko dinescribe ang asawa ko na mala-dyosa, ganyan lang talaga siya. Mukhang ordinaryong babae lang pero the more na titigan mo siya, dun mo lang makikita na maganda pala talaga siya.

Somewhere around August 2017, Junior Engineer pa lang ako sa construction company na pinagtatrabahuhan ko, 7AM binaba ako ng asawa sa tapat ng office building namin, siya ang nagmamaneho papasok sa work namin kasi sa office nila ipapark yung sasakyan at ayaw ko rin siyang mapahamak kaka-commute or kakahintay sa pagsundo ko at mas maaga naman siya nauwi sa’kin.

Ako: “oh babe, paano ba ‘yan… see you later ha. Mag-iingat ka sa pagmamaneho”

Keisha: “yes sir, hehe I love you. See you later.”

Ako: “ay saglit, uhmm maaga ka uuwi mamaya ‘di ba? Friday ngayon eh.”

Keisha: “hindi siguro babe, maaga lang mag-out pero as usual, inventory na naman kami nyan.”

Ako: “ah ok, very well, ingat sa biyahe papasok. I love you.”

At umalis na siya.

Tinulak ko ang glass door ng office building namin at may sumunggab sa’kin galing sa likod…

Si Steven, kapwa ko Junior Engineer, ‘yun nga lang tasked siya as Electrical Engineer sa mga projects namin.

Steven: “bro, ang aga mo ah. Tang ina ka, hindi talaga kita maunahan.”

Ako: “gago pre, hinahatid kasi ako, tsaka ayaw kong gabi na umuuwi si misis since flexi time naman sila dun.”

Steven: “ay ayos ‘yun pre.. by the way, Friday naman today, oks lang ba mag-inom tayo?

Ako: “oks lang naman, saan naman tayo pupwesto?

Steven: “parang bago ka ng bago pre, edi sa apartment ko.”

Ako: “Tang ina, ilan naman tayo dun? Social drinking lang ‘tol ha. Ayaw ko magwalwal.”

Steven: “ikaw masusunod ‘tol, beers in can naman tayo. Drink at your own pace.”

Ako: “Ok sige.”

Pagkatapos ng usapan naming ‘yon sa elevator at nakarating na kami sa floor namin at pumasok sa kanya-kanya naming cubicles. nagtext agad ako kay misis na umuwi na lang agad since dala niya naman ang sasakyan at may happy-happy na magaganap later after working hours dito sa office. OK at mag-ingat lang naman ang reply niya. Kampante ako dahil dala naman niya ang sasakyan namin, at sa subdivision naman kami nakatira. Ang nasa isip ko lang ay makipagkilala sa mga tao na makakasama namin dahil sa trabaho, nandun ang mga senior engineers at ilang key officers ng kompanya kung sakali. Ayaw ko naman maging party-pooper na pupunta lang saglit at uuwi rin, at higit sa lahat ay mabansagan akong outsider or others sa office namin.

Mabilis na lumipas ang buong araw sa office, pagpatak ng 4PM, nagtext ang asawa ko na mag-out na siya sa work at mag-iinventory sila hanggang late 8PM daw. Ako naman gusto na rin umuwi pero may happening kasi na magaganap kaya kailangan kong mag-anticipate ng yayaan mamaya. Gusto ko na lang mag-out na at puntahan ang asawa ko at hintayin siyang makauwi sabay sa sasakyan namin.

4:45PM, tumayo na ako at pumunta sa biometrics para mag-out. Lumabas ako ng office at sumakay ng elevator pababa. Paglabas ko sa elevator ay naghihintay na si Steven sa’kin, inakbayan niya ako papunta sa isang van na pagmamay-ari ng Senior Engineer namin. Pagpasok sa loob, nasa pitong kaming mga empleyado na nandun. ‘Yung Lead Architect namin, dalawang senior engineers, tatlong bagong engineers, si Steven at ako. Medyo maingay ang biyahe namin papunta sa apartment ni Steven. Pinakilala ng Senior Engineer yung mga bagong engineers. Anyway, hindi ko na papangalanan ang mga officemates ko, hindi sila relevant sa story namin, for now.

Dumating kami sa apartment ni Steven ng 6:30PM, nagpahinga muna kami at pinagluto nila ‘yung mga bagong engineers sa kusina ni Steven. Malawak ang apartment ni Steven, since binata siya at kasing edad ko lang, parang bachelor’s pad talaga ang datingan ng apartment niya. Minimalist at spacious. May dalawang pinto lang ako na nakita sa loob na sabi niya ay parehong bedroom.

Naluto na ang mga pagkain habang nakatabi naman sa kitchen counter ang mga pulutan na tila nakahanda na ihain pagkatapos namin kumain. Ilang sandali pa ay hinatak ni Steven ang isang malaking cooler na punong-puno ng yelo at may mga nakabaon na beer-in-can. So eto na, mag-uumpisa na yata kami ng inuman. Hindi naman ako malakas uminom at lalong hindi ko trip na uminom ng walwalan o talagang gagapang pauwi. Social drinker ako, tulad ng sabi ko. Gusto ko ng good time kasama sila at makauwi ng nasa wisyo at matino.

8:40PM, nakakalimang beers pa lang ako. Ang mga kasama kong uminom puro namumula at pinagpapawisan na. Para bang nagbabadya na walwalan ang gusto nilang mangyari. Dumapo ang topic ng inuman namin sa pag-aasawa ni Steven…

Senior Engineer 1: “So Steven, when will you get married? Get married soon man, tumatanda ka na eh.”

Steven: “ah sir, nako. Wala pa sa’kin ang pag-aasawa. Gusto ko lang talaga muna magliwaliw.

SE2: “tama nga naman engineer, dapat lang ienjoy nila ang buhay na meron sila today, ‘di ba? I mean tayo kasi, we had to scrape and claw to get where we are today. Eh sila kasi, they get it easy since, well, to be frank, available ang lahat ng bagay nowadays kaya madali kayong ma-promote or ma-commend sa trabaho.

SE1: “oo nga eh, I remember nung masters and doctorate degrees ko, walang-wala akong pera.

Steven: “eh today sir, we easily get the same education that you worked hard noon.”

Ako: “oo nga sir, ang dami na ngayong nag-ooffer ng degrees when it was your time, sobrang scarce at ang mahal ng tuition.”

SE1: “that’s why I’m urging Steven to get married na eh hahahaha, so he can stop fucking around sa mga babae sa office!”

Steven: “grabe! hahaha sige sir hindi na hahahha!”

Nagtawanan sila. Ako naman, lumilipad ang isip matapos ang usapan. Tumingin ako sa phone ko. Nagtext ang asawa ko, sabi niya patapos na daw sila. Nagreply ako na baka kami rin dito matapos na, kahit alam kong nasa kalagitnaan pa lang ang mga kainuman ko. Kampante ako na umuwi ang asawa kong mag-isa since dala niya naman ang sasakyan namin. At bigla akong tinapik ni Steven…

Steven: “tang ina tol, tulungan mo nga ako dito hahaha pinag-aasawa na ako ng mga boss natin!”

Ako: “hahaha tama, mag-asawa ka na kasi”

SE1: “look at Kent, he’s having the time of his life with his wife.”

SE2: “eh baka naman kasi may criteria itong si Steven pagdating sa mga babae, what’s your criteria ba Steven?

Steven: “Gusto ko maputi, makinis, medyo chinita at medyo chubby na sexy! hahaha! At Mahinhin ha!”

SE1: “So, it’s someone na may pinagdaanan na? hahaha like a single mom?! hahahah!”

Steven: “hey! there’s nothing wrong with that?! Why not!? hahahaha if she fits the criteria ‘di ba?”

At nagtawanan na naman silang muli, ako naman nakitawa pero naisip ko na parang katulad pala ni Keisha ang gusto ni Steven.

10:30PM, tumayo ako at sinubukang magpaalam. Gusto ko na talaga umuwi. Gusto ko na lang magpahinga at ienjoy ang nalalabing dalawang araw ng weekend.

Steven: “tang ina bro, ang KJ mo naman. Inom pa tayo..”

SE1: “oo nga Kent, wala namang pasok bukas.”

So ayun na nga, hindi ako nakauwi. Nagtuloy ang inuman at nakailang beer ako pero alam kong hindi ako lasing. Drink at your own pace nga eh, so alam kong nakakawalong beer pa lang ako. 11:45PM na, at alam kong nakauwi na ang asawa ko. Nagtext ako na patapos na kami ng inuman. ‘Yung dalawa sa tatlong bagong engineers ay umuwi na, nag-grab sila kani-kanina lang, ‘yung isang Senior Engineer na may sasakyang dala, nagpasunod sa asawa upang ipagmaneho siya pauwi. Ito namang naiwang Senior Engineer, naghihintay na lang ng Grab sa labas para ihatid siya pauwi. Ilang minuto pa ay nagpalaam na rin siya na uuwi at lumabas na ng apartment ni Steven. Tatlo na lang kami, si Steven, ako at isang bagong engineer.

12:10AM, hatinggabi na, tumunog ang phone ng bagong engineer, tumayo siya at nagsabing “OK mga sir, this is my Grab driver, malapit na raw siya. Oh siya mga sir, salamat po. Sir Steven, maraming salamat po. Sir Kent, See you on Monday, maraming salamat din po.” Palakad na siya sa pintuan ng biglang tumayo si Steven at sinabing “oy tol, samahan ka na ni Kent sa labas maghintay ng Grab mo. Kent, balik ka dito ha, tulungan mo akong maglinis ng kalat natin.”

Tumango lang ako at sumunod sa bagong engineer, lumabas na kami at naghintay ng Grab sa labas. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik ako sa apartment ni Steven, pagbukas ko ng pinto ay binigyan niya ako ng black trashbag.

Steven: “oh tol, maglinis tayo ha. Tulungan mo ako.”