Kristine: Guys, meron bang marunong mag make up sa inyo?
Nang marinig ko ang tanong ni Kristine, sumagot ako.
Ako: Ako po.
Kristine: Halika, pakitulungan kami.
May binulong sa akin si Kristine.
-Bigyan na lang kita ng TF mo.-
Ako: Wag na po, kaibigan ko naman po yung ikakasal.
Kristine: Ah, basta. Sige sige, ikaw na bahala sa mga bridesmaid. Si Gladys na lang ang bahala sa mga groomsmen.
Sinimulan ko ng make up-an ang mga bridesmaid. Pagtapos kong mag make up, bumalik na ako sa kaibigan ko na ikakasal. Ako rin ang nag make up sa kanya. Mas pinaangat ko ang ganda niya.
Nang matapos na ang lahat ng pag aayos, nagsimula na ang kasal. Lumakad na ang bride sa gitna hatid ng kanyang ama. Nang matapos ang kasal, maaga akong umuwi dahil sa hilo.
Kinabukasan…
(Riiiiiiing…riiiinnng…)
Ako: Hello. Sino to?
—Ako si Kristine, manager na wedding planner.—
Ako: Bakit po kayo napatawag?
Kristine: Ahhh, ikaw ba si Angelica?
Ako: Oo, bakit po?
Kristine: Nakita ko kasi yung make up ng bride at ng mga bridesmaid, napakaganda, lalo na sa bride. Kung okay lang sa iyo, isasama kita sa team ko.
Ako: Talaga po? Salamat po. Actually, noong tinitingnan ko kayo, nagugustuhan ko yung ginagawa niyo. Sige po, payag po ako.
Kristine: Okay, sa isang araw, magpasa ka ng resume mo. Yun lang ang kailangan mo, dahil may napatunayan ka na. Hinahanap ka nga namin kahapon, bigla kang nawala. Sige, sa isang araw ahh. Text ko na lang yung address. Salamat.
Ako: Salamat po.
Dumating na sa buhay ko ang magpapatanggal sa akin sa prostitusyon. Isang marangal na trabaho ang ibinigay sa akin.
Nagpasa ako ng resume. Sa mga sumunod na araw, isinama na ako ni Kristine sa isang wedding…