INTRODUCTION
Sa isang bayan sa Rizal, may isang dalaga na ang pangalan ay Georgette, 17 years old. Siya ay kasalukuyang nag aaral sa isang University. Second year na siya sa kursong Business Management. Ang kasama ni Georgette sa kanilang bahay ay ang kanyang tita na si Geraldine, 32 tears old. Ang nanay ni Georgette ay nasa ibang bansa at ang kanyang tatay ay hindi niya pa nakikita simula bata pa lang siya.
Teacher: Anong business ang itatayo niyo kapag natapos niyo ang kursong ito?
Georgette: Mag papagawa po ako ng fish pond. Magtitinda po ako ng mga isda na pwedeng gawing pet at pwedeng kainin.
Teacher: Wow, maganda yang ganyang business.
After ng klase, umuwi na si Georgette.
Lagi lang nasa loob ng bahay si Georgette. Kung lalabas man siya, sisiguruhin niyang importante ang pupuntahan niya. Kapag may gala siya, sa mga petshop lang siya napunta o kaya sa mga fish pond upang tumingin at mag tanong about sa mga isda at paano magsimula ng business.
Madalas siya sa isang petshop na ang pangalan ay “Isda You?”
Maraming klase ng isda ang meron dito. Mga live bearers at mga egg bearers na isda.
Bantay: Good Morning, Georgette. Kumusta ang mga alaga mong isda?
Georgette: Dumarami na nga sila, kuya eh.
Bantay: Sa tingin ko magkakapatid talaga kayo ehh, kasi magkakahawig kayong apat ehh.
Georgette: Madalas lang kaming magkakasama. Kaya nagiging magkamukha na kaming apat.
Gab: Tara, kumain muna tayo.
Georgette: Halika.
Kumain sila Georgette at Gab sa isang burger store. After nilang kumain, nagsiuwian na sila.
Sa paglalakad nila Georgette…
Gab: Chat mo sila Wendy at Cindy.
Georgette: Anong saaabihin ko?
Gab: Yayain mo sa inyo. Doon tayo matulog.
Niyaya ni Georgette ang kambal na sa kanila matulog. Pumayag naman ang kambal.
Nakarating na sila sa bahay nila Georgette.
Wendy: Anong plano natin sa debut mo?
Cindy: Oo nga, Georgette, malapit na yun ah.
Georgette: Oo nga ehh. Sabi ni mama, magpapadala raw siya. Eh di yun na ang pag usapan natin ngayong gabi. Wala namang pasok bukas, kahit magpuyat tayo.
Geraldine: Guys, kain na. Mamaya na yang debut debut na yan. Tutulungan ko kayo riyan.
Gab: Sige po, tita.
After nilang kumain, nagplano sila about sa debut ni Georgette. Tinulungan sila ni Geraldine sa pagplaplano.
Wendy: Tita, bakit ang galing niyo sa ganitong pagplaplano?
Geraldine: Eh yung nanay niyan ni Georgette, nagtratrabaho sa isang wedding planner. Lagi niya akong sinasama, mga ilang taon lang ay bumukod na siya, nagtayo siya ng sarili niyang planner, pero about sa mga debut naman. Kahit debut for boys, kaya nun. Yung mga knowledge niya sa wedding planning, naiaapply niya sa ibang party. Kaya natuto rin ako.
Cindy: Wow.
After nilang magplano, nagkwentuhan sila, nanood, at kung anu ano pang mga bagay ang kanilang pinagkaabalahan. Nang makaramdam na sila ng antok, sila’y nag situlog na.
Ang araw bago ang debut ni Georgette.
Angelica: Hindi pwede, anak.
Georgette: Eh, ma, 18 nanaman ako ehh. Saka hindi naman kami magpapakalasing.
Angelica: Tigilan mo ako.
Georgette: Sige na, ma. Kami kami lang naman nila Gab, Wendy at Cindy ehh.
Angelica: Ang kulit mo, anak. Sige na sige na.
Georgette: Yehey! Salamat ma.
Angelica: Siguruhin mo lang na kayo lang ahh. Tawagin mo nga si Geraldine.
Georgette: Tita, tawag ka ni mama.
Geraldine: Ate?
Angelica: Bantayan mo yang pamangkin mo ahh. Parehas kayong malalagot sa akin.
Geraldine: Ano ka ba naman, te? Ilang taon na sa akin yang bata na yan, tingnan mo, sinusuway ka ba kahit malayo ka?
Angelica: May tiwala ako sa pagpapalaki mo. Ang akin kang, dalaga na yan, may sarili na siyang desisyon. Anak, makikinig ka sa tita mo ahh.
Georgette: Opo, ma. Wag po kayong mag-alala. Makikinig po ako kay tita.
Angelica: O sige na, mag handa na kayo, bilhin niyo na ang mga dapat bilhin. Naipadala ko na yung pera. Malaki laking halaga yan, Georgette. Kaya kapag nagpakasal ka, wala kang aasahang tulong sakin pagdating sa pinansyal. Yung magiging asawa mo ang dapat gumastos, kayong dalawa.
Georgette: Opo, ma. Lagi ko yang tinatandaan. Salamat po uli.
Angelica: Sige na, sige na. I love you.
Georgette: I love you too, ma. Kailan ka uuwi?
Angelica: Basta, uuwi ako sa hindi mo alam na araw. HAHA. Geraldine ah. Sige na.
Geraldine: Oo, ate. Sige na. Ingat ka jan.
After nilang mag usap, namili na sila ng kanilang kakailanganin sa party.
Nang mabili na ang lahat, umuwi na sila at nagpahinga.
Kinabukasan, oras na ng debut party ni Georgette.
Sa kalagitnaan ng celebration.
Emcee: Anong wish mo ngayong birthday mo?
Georgette: Sana umuwi na si mama at sana makita ko at makilala ko ang papa ko.
Maya maya ay pumunta sa kalagitnaan ang isang babae.
Nang makita ito ni Georgette, mabilis na tumulo ang kanyang luha at patakbong lumapit sa kanyang nanay.
Georgette: Ma!
Nagsigawan ang mga tao at nagpalakpakan.
Wendy: Sana umuwi na rin si mama.
Cindy: Kaya nga eh, buti pa si Georgette, kasama niya ang mama niya ngayon.
Babae: Wag kayong mag-alala, hindi naman kayo nakakalimutan ng mama niyo eh.
Paglingon ng kambal sa babaeng nagsasalita…
Cindy & Wendy: Mama?
Kristine: Payakap nga ako, mga anak ko.
Nagyakapan ang mag-iina. Napakahigpit ng yakap nila sa isa’t-isa. Kita mo sa mga mata nila ang pananabik maging sa mata ni Georgette at ng kanyang nanay.
After ng party, naiwan si Kristine at ang kambal, maging si Gladys at ang anak niyang si Gab ay naiwan rin sa bahay nila Angelica.
Kristine: Angue (Angelica), sabihin na natin sa kanila ang totoo.
Gladys: Oo nga, malalaki na sila, at lahat sila ay 18 na. Sigurado akong nasasabik na silang makita ang tatay nila.
Angelica: Haayss, mga anak, makinig kayong mabuti.
Anak ang tawag nila Angelica, Gladys at Kristine sa mga bata.
Georgette: Ano po iyon, ma?
Angelica: Gusto niyo bang makita ang tatay niyo?
Wendy: Opo naman.
Gab: Sabik na sabik na kami.
Cindy: Saan po namin siya makikita?
Gladys: Nasa katabing probinsiya lang siya.
Gab: Wait lang po. “Siya”? Isa lang po ba ang tinutukoy niyong tatay namin?
Kristine: Ang talino ng anak mo, Gladys.
Cindy: Ibig sabihin…
Angelica: Oo, Cindy. Half sisters niyo si Georgette at si Gab.
Kristine: At Georgette, half sister mo rin si Gab.
Gladys: Isa lang tatay niyo.
Ang pagkabigla ng apat na dalaga ay may halong pagtataka at saya.
Nagtataka sila dahil parang wala lang sa kanilang nanay na iisa lang ang tatay nila. Masaya sila dahil magkakapatid pala sila apat na magkakaibigan.
Kaya kinabukasan, maagang umalis ang apat na dalaga upang puntahan ang kanilang tatay. Binigay ni Kristine ang dating address ni Enzo.
Kristine: Mag-ingat kayo, mga anak. Sana dun pa rin nakatira ang tatay niyo.
Wendy: Alis na kami, ma.
Cindy: Wag ka ng umalis, ma ahh. Hintayin mo kami.
Pinuntahan na ng kambal sila Georgette at Gab. Nang magkasama sama na sila, bumyahe na sila papuntang Cavite. Nakarating na sila sa tapat ng bahay na tinutukoy ng address.
Cindy: Tao po. Tao po!
Wendy: Baka hindi na siya nakatira rito.
Georgette: Sabay sabay tayo. Game 1, 2, 3!
Silang apat: TAO PO!!!
May lumabas na isang babae sa bahay.
Babae: Ano yun?
Cindy: Ahh, jan po ba nakatira si Enzo Nicolas?
Babae: Ahh, hindi na ehh. Bakit, anong kailangan nila?
Wendy: Wala lang po. Sige po.
Silang Apat: Salamat po.
Babae: Ayaw niyong sabihin? Kapatid ko yun, hindi ko ituturo bahay nun.
Gab: Tita?
Tinakpan ni Georgette ang bunganga ni Gab.
Babae: Anong tita?
Bumulong si Wendy kina Georgette na sabihin na nila ang totoo.
Cindy: Hinahanap po namin si Enzo Nicolas, kasi po anak niya kami.
Ikinwento nila lahat sa babae at naunawaan naman ito.
Babae: Hmmm, mga pamangkin ko pala kayo. Ako nga pala si Angie. Bunsong kapatid ni Kuya Enzo. Nagkalat ng lahi si kuya ah.
Georgette: Magkakaiba pa kami ng nanay, maliban sa kambal.
Angie: Ang gaganda niyo ahh. Mana kayo sa akin.
Gab: Salamat po. Maganda rin po kayo.
Angie: Kaya nga maganda kayo kasi maganda ako. HAHA
Wendy: Nasa 26 na po ba kayo?
Angie: Huh? HAHAHA…