Nagluluto ako ng sisig ng narinig ko na lang ang masayang batian sa balkonahe at garahe. Mga 9 pm na ata yun. Nagitla ako at pumasok ang mga bisita ni Rocco at masayang nakipagkilala sa akin. Si Roy ay isa palang amboy at galing sa may kayang pamilya. Palibhasa may dugong espanyol ay matangkad ito at kung sa wari ko at lampas 6′ feet. Halatang vain at mahilig mag gym kita sa defined na mga muscle nito sa braso at binti.Mas malakas ang dugong kastila ni Roy kaya naman sobrang tangos ng ilong at may hawig sa batang Antonio Banderas.
Si Marco naman ay purong pinoy cono rin kung magsalita at gumalaw ngunit likas ang lahing Pilipino dahil kayumanggi ito at sa tangkad na 5’9 sa tantya ko ay talagang halata mo na habulin ng babae. Sweet talker ang dalawa sa unang bungad pa lang.
Bumeso sa akin sa Roy at nagsabi “Sa wakas I finally met the queen of Lord Rocco! It’s a pleasure to meet to you maam.” Si Marco naman nakipagkamay sa akin at nagwika, ” Hello Maam Marissa ako pala po si Marco siguro naman naikwento na ng asawa niyo na ako ang pinapilyo sa grupo.”
‘Abah kayo pala ang bad influence dito sa mister ko. Sainyo natutong mag nightlife yan ha?” sabi ko.
“Club na po Maam. Hehehe. Dapat sumasama ka sa amin maam. You should see the moves your husband makes on the dance floor.” ani ni Roy.
“Hay naku di ko hilig yan. Mag yoga lang ako at mag gardening sa hapon ay masaya na ako. O siya better start the session na at I know this is a boys’night out saka I’ll finish up yung sisig ninyo” sagot ko.
‘Oh sige hon. I’ll entertain them muna ha? igurado super sarap yang sisig mo.” pagpuri ng asawa ko.
Since sa bahay lang naman sila iinom tonight, may dalang hard drinks yung mga bagets. Double Black Label. nag alala lang ako na baka malasing agad ang asawa ko palibhasa hindi sanay masyadong uminom. Naiintindihan ko na kung bakit wiling wili ang asawa ko sa dalawang kaofficemate niya. Bukod sa mga bata at energetic ay mga kalog at todo bale at walang kaartehan.
Hagalpakan nga sila ng hagalpakan kaya naman naisip ko na baka wala namang masamang ginagawa ang mga ito. Kaya mga 10 pm ay nagpaalam na akong magreretire na sa kwarto para naman makabuwela na sil…