Lea’s POV
Badtrip!
I’ve got a bad day!
Sobrang saya ko pa naman pagdating namin dito sa Bohol. But what to expect? Sobrang complicated ng buhay ko eversince.
Kanina pa ako upset, mula nung makita ko pagmumukha ni tito Arthur nung sunduin nya kami ni Sebastian sa Airport. I could’nt at all believe na pinatulan sya ni Mama, at kung bakit ko nga ba tinatawag na tito yon! Dati lang namin syang driver!
Ngayon naman parang tinataboy ako ni Sebastian. Nilibot ko sya sa buong mansyon pero pagdating naman namin sa kahuli-hulihang room, which is his old room, bigla nya akong pinaalis.
“Lea, pwede bang ako muna yung pumasok? Iwan mo muna ako dito.” hiling nya sa akin pagtapat namin sa pinto ng kwarto nya.
Ako naman itong parang tangang nagtataka, “Huh? Bakit naman?”
“Lahat ba ng gagawin ko kailangan may dahilan?” masungit nyang sagot.
Parang biglang tumaas prisyon ko sa narinig ko, “Ang sungit mo naman Sebas–” hindi pa man ako natatapos sa sinabi ko tinapalan na nya ako, “Please Lea…please try to understand me…”
Lungkot ang nakita ko sa kanyang mga mata. Muntik ko nang makalimutang hindi pa pala sya nakakarecover sa pagkakaroon nya ng amnesia. At sa tingin ko kahit napakarami kong gustong itanong sa kanya, mukhang hindi pa ito ang tamang oras, mukhang magulo pa rin ang isip nya.
“Okay.” sabi ko sabay hinga ng malalim, I think he really needs time to his own, “Anything you wish. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka, nandun lang ako sa kitchen. Alam mo na kung saan yun diba?”
“Okay.” maiksing tugon nya.
Sa loob-loob ko ayoko pa sana syang iwan. Gusto ko syang samahan sa bawat minuto ng paghihirap nya, gusto ko nasa tabi nya lang ako every second of his life. But I guess for now he truly need a wide space.
Sa ikalimang hakbang ko paalis nilingon ko si Sebastian. Nandun pa rin sya, quietly standing in front of the door of his old room. Parang may malalim syang iniisip habang nakatitig dun sa doorknob nung pinto.
Dumiretso na ako sa paglalakad, downstair to kitchen. Palingon-lingon ako sa paligid, sa bawat madaanan ko. Yung mga vases, mga paintings na nakasabit sa dingding, pati yung mga curtains, tables, chairs, lahat ng makita kong bagay na nagpapaalala sa akin na, ‘wala pa ring nagbago’.
For almost two years naaalala ko pa rin ang lahat ng mga ito. Tingin ko talagang nasa akin na ulit yung mga memories na minsang nawala.
Pagdating ko sa kusina, nadatnan ko si, fucking hell sya na naman, si Arthur na abalang nagtitimpla ng coffee. Aatras sana ako dahil ayoko syang makita, the hell I hate this shit, o makausap pero napansin nya ang pagdating ko.
“O, Lea, nandyan ka pala.” napahinto ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko boses nya, his irritating voice.
“Gusto mo ba gawan kita ng kape? Masarap ‘to, brewed coffee, ano gusto mo may creamer o–” patuloy nya pero bigla kong binara at ayaw ko na syang patapusin pa.
“Stop it tito!” kumukulo talaga dugo ko sa kanya, “Cause it’s not working!” atsaka na ako umalis.
Ayokong maging bastos sa harapan ng kung sino man. Sadyang masama lang talaga ang loob ko sa lalaking yon, lalo na sa twing maaalala ko yung panlolokong ginawa nila sa akin, sa amin ni Sebastian.
Wait! Son of a witch!
Fucking crapshit!
Kung two years nila akong niloko, it only means na pagkamatay ni Daddy may kapalit na agad sya sa puso ni Momma? Kase namatay si Daddy two years ago, sa mismong 18th birthday ko, same day nung ma-accident kami ni Sebastian, and a weekafter na nagising ako sa ospital.
Yun yung day na nagsimula ang panloloko sa akin at pinakilala sa akin ni Mama si Arthur as my own father. Si Arthur daw ang totoo kong ama sabi nya sa akin paggising ko sa ospital, sinamantala nya kalagayan ko at hindi ko alam kung bakit.
Pero ilang buwan lang noon nadiskubre ko na stepfather ko lang sya, kung hindi pa nadulas si Marlon noon hindi ko pa nalaman. Hindi pa bumabalik alaala ko non kaya hindi ko pa nagawang magalit.
Pero ngayon, alam na alam ko na kung paano nila ako pinaikot, at sagad sa buto ang galit ko!
Parang hindi ko na kilala si Mama. Ano naman pumasok sa isip nya at nagawa nya yun? Bakit nya nagawang palitan si Daddy ng ganun kabilis? Hindi man lang nya nirespeto yung marriage nila! At ang malala pa don, bakit pinakilala nya sa akin si tito Arthur bilang tunay kong Ama?
Oh, geez! Oo nga pala… Muntik ko ng makalimutan. Dapat pala, first thing first is to visit the remains of my father. Bakit ngayon ko lang naisip!
Nagmadali akong naglakad pabalik sa taas, sa room ni Sebastian. Dapat pinuntahan muna namin yung puntod ni Daddy kanina pagdating namin dito.
Pagdating ko sa tapat ng pinto ng room nagdalawang isip naman ako. Baka kase maabala ko si Sebastian sa kung ano mang ginagawa nya sa loob.
But this is so much important than any matter, sabi ko na lang sa sarili ko, ‘bahala na’ sabay katok sa pintuan.
Medyo matagal bago ako pinagbuksan ni Sebastian, pero mga ilang minuto din, after ng ikalawa kong katok pinagbuksan din nya ako.
Pagkabukas ng pinto bigla akong nag-alala nung makita ko si Sebastian. Namumula kase mga mata nya, parang katatapos lang nyang umiyak.
“Are you alright?” kinumusta ko sya.
Imbes na sagutin nya ang tanong ko, iba sinabi nya, “Lea, gusto ko sanang puntahan yung puntod ni Daddy.” malungkot nyang bigkas.
Malamang may kung anong bagay syang nakita dito sa room nya na nagpaalala kay Daddy. Nakakalungkot naman. Masakit sa akin ang pagkamatay ni Daddy, pero mas nasasaktan ako para kay Sebastian.
“Yan nga rin gusto kong sabihin sayo kaya ako bumalik dito.” sabi ko sa kanya.
Dahil pareho naming hindi alam ni Sebastian kung saan ang libingan ni Daddy, si Mama ang una naming naisip puntahan. Although ayoko pa syang harapin. Hindi ko kasi alam kung paano ko sya haharapin at tatanungin sa mga bagay na nagawa nya, and i’m pretty sure that we’ll just end up fighting.
Papunta na kami ni Sebastian sa room ni Mama nang makasalubong namin ito sa may corridor. Ayoko ng iligoy kaya diniretsa ko sya, “Ma, saan yung puntod ni Daddy?”
Mabuti na lang at sinabi nya agad kung saan. Sabi nya sasamahan daw nya kami, ayoko sana kaso mapilit sya, ayoko namang magkasagutan kami sa harap ni Sebastian kaya hinayaan ko na lang sya sa gusto nya. Ang masama lang sinama pa nya si tito Arthur. Sya yung nag-drive papuntang cemetery.
Medyo nabagalan ako sa biyahe. Ang boring kasi, napakatahimik ni Sebastian. Ayoko namang kausapin si Mama o makakwentuhan, lalo na yung pangit na driver, kaya mas pinili ko na manahimik na lang din.
Almost half hour nung makaramting kami sa Good Shepherd’s Memorial Cemetery. Napaka-common ng lugar na parang ordinaryong sementeryo lang, pero sa nakikita ko kay Sebastian parang namamangha sya.
Pagbaba namin biglang sumigaw si Sebastian, “T-teka!”
Ginulat nya ako sa malaking boses nya. Nung tingnan ko sya nakatingin sya sa malayo, yung parang may pinipigilan syang umalis.
“What’s wrong Sebastian?!” tinanong ko sya pero hindi nya ako pinansin.
Tapos non bigla syang tumakbo palayo, “Wait Sebastian, where are you going?!” sinubukan ko syang hablutin pero hindi ko sya nahawakan sa braso.
Nung makita ko ang direksyon kung saan sya tumakbo, nagulat ako nung makita ko ang isang babae na tumakbo din. Sa tingin ko sya yung hinahabol ni Sebastian.
Sino naman kaya yung babaeng yon at ganun na lang kung habulin sya ni Sebastian?
“Hey! Wait!”
Ginawa ko hinabol ko rin sya. Tumakbo rin ako kahit naka-heels ako.
“Lea, what’s going on?” pagtataka ni Mama.
“Wala Ma, babalik din kami agad.” sabi ko nalang.
Sinubukan kong tumakbo ng mabilis pero hindi ko magawa dahil tumutusok heels ko sa bermuda grass. Okay lang, as sure as natatanaw ko pa rin si Sebastian. Nakakarandam na ako ng pagod pero pinilit ko pa rin syang mahabol.
Buti na lang at huminto na rin sya sa wakas! Damn it!
“Wait Sebastian, sino ba yung hinahabol mo?” tanong ko nung maabutan ko sya, while catching my breath.
Palingon-lingon pa rin sya sa paligid, tulad ko, pero wala na akong makitang ibang tao bukod sa aming dalawa.
“Bakit ka pa sumunod? Napagod ka tuloy.” sabi lang nya.
“Just answer my damn question!” medyo nairita ako.
Hinarap nya ako, “Wala, parang may nakita lang akong kakilala.” sagot nya.
“Kakilala?” medyo nagduda ako kase, “Bakit, bumalik na ba memories mo para sabihing may nakita kang kakilala dito sa Bohol?”
Another minute bigla kong naisip, “Ah, don’t tell me si Angie ang nakita mo?” kase mahaba yung buhok nung nakita kong hinahabol nya kanina eh.
Hindi pa sya makasagot nung una pero napilitan ata, “Oo Lea, si Angie nga ang nakita ko.”
“Talaga?” so nandito na pala ang babaeng yon! “O ano’ng balak mo ngayon? Hahabulin mo sya, ganon?” tanong ko sa kanya.
“Sorry Lea, gusto ko lang matiyak kung sya nga yung nakita ko.”
“Bakit, para sa’n pa? Don’t worry Sebastian, natitiyak kong okay lang si Angie.” sinabi ko yun para mapanatag sya, parang kasing nag-aalala pa sya sa babaeng yun eh.
Hindi na sya kumibo kaya niyaya ko na sya pabalik, “So, let’s go?” sabay hawak sa kamay nya.
Nginitian ko na sya para maging okay na, ayoko din naman na nag-aaway kami, lalo na kung wala naman kwentang bagay o tao. Nginitian din naman nya ako, pero hindi ko alam kung ano ang nasa isip nya ngayon.
Ang mahalaga sa ngayon kasama ko si Sebastian, at magka-holding hands na naglalakad pabalik sa puntod ni Daddy.
Nadatnan namin sina Mama na nagaayos ng dala naming bulaklak sa tabi ng lapida, habang si tito Arthur nagtitirik ng kandila.
Ang kakapal talaga ng mukha! Hindi na nahiyang humarap sa puntod ni Daddy, lalo na si Arthur! Sus! Bumalik na naman pagkabanas ko!
“What happened?” sabi ni Mama, hindi ko alam kung sino tinatanong nya sa amin ni Sebastian, abala kasi sya sa ginagawa nya.
“Wala lang po yon. Huwag nyo na pong isipin.” si Sebastian sumagot.
Lumapit ko sa lapida, pinagmamasdan ko ito. Inaalala ko sa imahinasyon ko ang mukha ni Daddy at yung gabi na huli ko syang nakita.
Kung tutuusin ako ang dahilan kung bakit nawala si Daddy. Binigyan ko sya ng sama ng loob nung ihayag ko yung nararamdaman ko para sa kapatid ko.
Sobrang nagulat siguro sya kaya inatake sya sa puso.
“Okay ka lang?” biglang natanong sa akin ni Sebastian.
Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko.
“Ah, sorry, naging emosyonal lang ako.”
Pero ang totoo talagang nasasaktan ako. Feeling ko tuloy napaka-selfish ko, nawala si Daddy para sa sarili kong kasiyahan. Hindi ko na naisip noon na may sakit pala sya sa puso.
Pagtingin ko kay Sebastian, umiiyak din pala sya.
“Siguro kung hindi kita nagustuhan Lea, malamang buhay pa rin sya hanggang ngayon, at hindi sana ako nagkaroon ng amnesia.”
“No Sebastian! Don’t say that!” yumakap ako sa braso nya, “Huwag mo namang ipadama sa akin na nagsisisi kang minahal mo ako…” sabi ko sa kanya.
“Hindi naman sa ganon Lea…”
Alam ko marami pa syang gustong sabihin pero hindi lang nya masabi-sabi, siguro dahil ayaw nya akong masaktan, siguro dahil ayaw nyang ipamukha sa akin na ako ang may kasalanan kung bakit namatay si Daddy.
Ayaw nya akong sisihin pero bakit pakiramdam ko parang sinisisi nya ako?
Bigla namang nag-react si Mama nung mapansin nyang nakakapit at nakasandal ako sa braso ni Sebastian, “Lea, hindi komo hinahayaan kita sa gusto mong gawin ibig sabihin okay na sa akin yang pagyakap mo sa kuya mo!”
“Bakit Ma, hindi na ba ako pwedeng yumakap sa kapatid ko?”
Napailing-iling sya, “Don’t make fool out of this matter, Lea. Alam ko namang hindi yakap kapatid yan eh! I understand na kagagaling mo lang sa amnesia, and I know na fully recovered ka na dahil bumalik ka na naman sa ganyang ugali mo!”
“Ma, ayoko ng away okay?!” I rolled my eyes to her.
“This is too much Lea! Bakit ba ang tigas ng ulo mo? You can’t change the fact na magkapatid kayo ni Sebastian!” then hinarap nya si Sebastian, “At ikaw naman, kahit pa may amnesia ka, alam mo naman ngayon na kapatid mo si Lea, pero bakit hinahayaan mo pa rin ang ganito? Bakit, mahal mo na ba talaga si Lea?”
Hindi kumibo si Sebastian. Tahimik lang sya at parang hindi talaga nya alam ang isasagot nya.
Ayokong malito ang damdamin ni Sebastian kaya ako sumagot sa tanong ni Mama, “Ma, mahal ako ni Sebastian.” then lalo ko hinigpitan yakap ko sa braso nya, “Ma, may nangyari na sa amin, kaya pwede ba pabayaan mo na lang kami?!”
Napatindig si Mama at biglang napatayo, “What?! What did you just say?!” galit na galit sya sa sinabi ko, “This is insanity! You’re insane Lea, you really are!!”
Nag-walk out sya at sumakay na sa sasakyan.
Mahal ko si Mama. Hindi ko gusto ang saktan sya, at alam kong nasasaktan sya ng husto. Sino ba namang ina ang hindi masasaktan kung malalaman nyang nagmamahalan ang sarili nyang mga anak?
Pero magkapatid lang naman kami ni Sebastian sa Ama, ako lang naman ang tunay na anak ni Mama kaya okay lang naman siguro yon.
Sinundan ni Tito Arthur si Mama sa sasakyan, naiwan kami ni Sebastian na nakaupo sa tapat ng puntod ni Daddy.
Masyadong tahimik si Sebastian, hindi ko tuloy mabasa kung ano ang nasa isipan nya ngayon.
“Are you worried?” bigla kong natanong.
Napatingin sya sa akin, bigla akong kinabahan sa titig nya.
“Ikaw, Lea, hindi ka ba worried?”
“Alam mo Sebastian, marami din naman akong kinatatakutan, but as sure as you’re with me, kaya kong labanan lahat ng fears ko.”
“Hindi kaya nagiging selfish na tayo Lea?”
“Shhush… Don’t say that… You see, when you give up on love, sasabihin sayo duwag ka, but when you fight for it, sasabihin naman selfish ka! Fighting for love is fighting for truth, sa labang ito Sebastian alam kong marami tayong masasagasaan, but please, be with me ’till end and make this love worth fighting for.”
“Lea, ayoko lang naman na dumating tayo sa punto na pareho tayong masaktan, o kung hindi man, baka ang ending nito magkasakitan lang tayo. Ni hindi nga tayo pwedeng ikasal eh, fiscal man o simbahan.”
“Si Adam at Eve nagkaroon ng dalawang anak, si Cain at si Abel. Sa tingin mo sino napangasawa ni Cain? Please Sebastian, huwag mo munang isipin ang kasal, makakahanap din tayo ng solusyon para d’yan.”
Sobrang mahal na mahal ko si Sebastian, hindi ko alam kung paano at bakit pero talagang matindi ang nararamdaman kong pag-ibig sa kanya.
Ni minsan hindi ko sya tinurin bilang kapatid, noon pa man crush ko na talaga sya, mula pa nung mga bata kami. Mahirap paniwalaan pero ni minsan hindi ako nagkagusto sa ibang lalake na katulad ng pagkagusto ko sa kanya.
Hindi na rin kami nagtagal sa memorial cemetery bumalik na kami sa mansyon. Pahero kaming tahimik ni Sebastian. Pinapakiramdaman ko lang sya. Natatakot ako na baka may gumugulo sa isip nya at mag-iba ang pagtingin nya sa akin.
Pagkatapos naming mag-lunch bumalik si Sebastian dun sa kwarto nya. Gusto ko sana syang samahan pero minabuti ko na lang na hayaan ko muna syang mapag-isa. Para na rin makapag-relax sya doon.
Alam kong pagod sya at maraming iniisip. Alam ko nalilito pa sya kaya mas maigi na rin na magpahinga muna sya, at para makapag-pahinga na rin ako.
Pumanhik na rin ako sa old room ko. Walang nag-iba, nandun pa rin mga gamit ko. Kumpleto pa rin, pati mga damit ko sa cabinet.
Chineck ko rin yung album na ginawa ko para kay Sebastian. Nandun pa rin sa drawer ko. Mamaya ipapakita ko ito sa kanya, baka sakaling maalala nya yung araw na nagtapat sya ng damdamin para sa akin.
Mahihiga lang sana ako sa kama pero hindi ko namalayang naka-idlip na pala ako.
Paggising ko dumungaw agad ako sa bintana. Takipsilim na, mukhang napasarap tulog ko. Dali-dali kong inayos sarili ko, nanghilamos, nagpalit ng damit atsaka na ako bumaba agad.
Una kong hinanap si Sebastian, baka kase hinahanap na rin ako non. Nagtanung muna ako sa mga katiwala sa mansyon bago ko puntahan ang kwarto nya. Baka kako bumaba na sya.
Nagtanong ako sa unang taong nakasalubong ko sa sala.
“Pst!!” isang lalake ang nakasalubong ko, “Ano ka dito?” tinanong ko muna sya kung ano trabaho nya sa mansyon, ngayon ko lang kase sya nakita.
“Gardener po Ma’am.”
“O, asan na si Mang Dencio?” yung dating hardinero.
“Nag-resign na po sya Ma’am.”
“Okay. Teka, ilang taon ka na ba ha?” tanong ko nung mapansin kong totoy pa sya. Ambata pa kase para magtrabaho.
“18 lang po Ma’am… Isa po ako sa napiling bigyan ng scholarship ni Sir David.”
Wow. Ambait talaga ni Daddy. Hindi ko alam na nagbibigay din pala sya ng scholarship. Siguro karamihan sa mga nagtatrabaho dito mga scholar nya.
“Okay. Nakita mo ba si Sebastian?” sana lang kilala nya tinatanong ko.
“Ah, pasensya na Ma’am hindi ko po sya nakita. Pero kung gusto nyo po hahanapin ko.”
“Ah hindi na, ako na lang maghahanap. Ano nga pangalan mo?”
“Denver po…”
“Okay Denver. Thank you na lang. Pagbutihan mo trabaho ha? Lalo na pag-aaral mo.” nginitian ko sya.
“Salamat Ma’am. Umasa po kayong hindi ko bibiguin si Sir David.”
Bumuti ang pakiramdam ko sa kabaitang nasaksihan ko kay Daddy. Kahit wala na sya marami pa rin syang natutulungan. Gumaan ang loob ko at biglang sumigla, nawala yung lungkot.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Dumiretso na ako sa kwarto ni Sebastian. Pagdating ko nadatnan kong bukas ang pinto kaya hindi na ako kumatok at basta na lang pumasok.
Nakita ko si Sebastian na nakaupo dun sa office table nya sa kwarto. Kinakalikot nya yung luma nyang laptop.
“Kumusta naman ang mahal ko?” bungad ko.
“O, ikaw pala Lea.”
“Bakit, may inaasahan ka pa bang iba?”
“Haha Ikaw talaga!”
Lumapit ako sa kanya at nakitingin sa laptop nya.
“Ano ba tinitignan mo dyan mahal ko?” tanong ko, kase mukhang seryoso sya.
“Wala nga eh. Hindi ko mabuksan kase may password. Sumasakit na nga ulo ko sa kakaisip eh, kase sakin laptop ‘to diba? So, akin din yung password.”
“Naku! Problema yan! Kase kahit sa akin hindi mo binibigay password mo eh! Ikaw lang nakakaalam.”
“Sus!”
“Bakit mo pa bubuksan yan? Ginagamit mo lang naman yan sa business. Kung gusto mo bumili ka na lang ng bago.”
“Gusto ko lang makita kung ano laman. Baka kase makatulong ito sa akin na makaalala. Isa pa, wala akong alam sa pagpapatakbo ng kumpanya kaya kakailanganin ko talaga ito.”
Bigla akong nalungkot para sa kanya. Sya yung pinakamagaling na negosyante at ang dating presidente ng kumpanya pero pano pa nya magagawa yon kung nakalimutan na nya yung skills nya?
“Okay. Ganito na lang. Ipa-hack na lang natin yung password mo sa mga IT o technician dito. At huwag mo munang alalahanin yung kumpanya, Sina Mama na muna ang bahala don.”
“Thank you Lea ha?”
“Of course mahal ko… No need to thank me.”
Binigyan ko sya ng mahigpit na yakap at matunog na halik sa pisngi. Mahal na mahal ko sya kaya susuportahan ko lahat ng gusto…