Fuck Fianceé: Living Ghost

She is the love of my life.
She is the life of my love.
I came to the point that I have to forget this lovelife.
I came to the point that I have to accept this lovelost.

Forgetting someone is the hardest part of moving on, and the most painful part is accepting the fact that you have to forget this someone.

And the most questionable thing about it, is when no matter how hard you try to forget this someone, you simply just can’t. You hate it but still you can’t. And even though you know that time can erase the feelings, you know within your heart that you really can’t forget.

* * * * * * *

Part Twenty – The Living Ghost

“Kumain na lang tayo sa labas.” sabi sa akin ni Lea pagkatapos naming magbihis.

“Ok. Tutal mukhang wala ng time para magluto pa.”

“Bakit, gutom ka na?”

“At sino namang hindi magugutom don?” pagbibiro ko, tinutukoy ko yung katatapos lang namin mag-sex.

“Ha Ha Ha” napatawa lang sya.

Gamit yung Nissan X-trail nya naghanap kami ng makakainan sa bayan. Nakakatawa kase para talagang matagal na matagal na kaming magkakilala ni Lea, napaka-kumportable kase namin sa isa’t-isa. Sana ganito din ako kakumportable sa sitwasyon ko ngayon.

“Ah, alam ko na.” bigla syang nagsalita while driving, “Kainin na lang natin yung favorite food mo?”

Napatingin ako sa kanya, “Bakit, alam mo ba favorite food ko?” pagtataka ko.

“Yes, of course! I just know everything about you, from head to toe.”

“Talaga? Sige nga, ano?”

“Ano ka ba?! Ede Japche (chap chae).”

Biglang nawala yung ngiti sa labi ko. Nagtataka ako kung anong klaseng pagkain yung sinabi nya, kase ngayon ko lang yun narinig sa buong buhay ko.

“Ha? Ano yun?” tanong ko.

Iba kase yung nasa isip ko eh. Favorite ko kase Shawarma at siomai, hindi yung tinutukoy nyang yon. Madalas namin yun kainin ni Angie. Twice o trice a week pumupunta kami sa bayan para lang makakain non. Kahit saan kami mamasyal o magpunta, yun lang ang lagi naming kinakain. Yun talaga yung favorite food namin ni Angie.

“Ha Ha Ha” napahalakhak sya, “Sorry babe, hindi mo nga pala maalala. Yun yung palagi mong pinapabili sa akin noon. Japche.”

Ah, yun lang pala yon, paborito ko noon. Oo nga noh? Ano kaya yung food na kinakain ko noon? Pareho lang kaya nung kinakain namin ni Angie? Puro lutong-bahay lang kase niluluto sa akin ni Angie, pero masarap talaga yung sinigang na hipon nya. Naalala ko pa kahit simple lang ulam namin sarap na sarap pa rin kami, basta lagi kaming magkasamang kumain, tapos isang plate lang gamit namin.

“I’ve got an idea.” sunod na sinabi ni Lea, “Pano kaya kung ikwento ko sayo yung mga simpleng bagay na katangian mo noon? Baka makatulong sayo yon sa pagbalik ng alaala mo. What do you think?”

“Okay. Minsan ka nang nagka-amnesia, tingin ko mas alam mo gagawin.” sagot ko na lang, pero hindi ko sure kung uubra yon.

Minsan na rin kase naming ginawa ni Angie yon. Pinapaalala nya sa akin yung mga bagay-bagay pero wala pa ring kwenta. Leche! Sabagay puro kasinungalingan lang naman pinagsasasabi sa akin ni Angie, pano ko nga naman maaalala yung mga bagay na hindi naman talaga nangyari sa akin? Baka sakaling sa katotohanang dala ni Lea may chance na makaalala na ako.

Nag-park kami sa isang korean restaurant, so korean food pala yung tinutukoy nya.

“Madalas ka ba dito?” tanong ko kay Lea nung makapasok na kami sa loob.

“Actually ngayon lang ako napadpad sa lugar na ‘to, but since it’s korean restaurant, siguro naman may Japche sila dito!”

Umupo kami dun sa table na malapit sa window, gusto daw kasing nakikita ni Lea yung nasa labas habang kumakain. Eh mga palakad-lakad na tao lang naman at dumadaang sasakyan ang makikita sa kalsada, pero siguro gusto lang nyang makita ang kagandahan ng gabi, yung nightlife ba.

Si Angie naman star gazing ang trip twing gabi. Madalas ko nga yung makita sa taas ng bubong nung apartment namin twing fullmoon at newmoon eh. May pagka-romantic talaga sya.

Umorder na si Lea sa waitress habang pinagmamasdan ko ang buong paligid. At habang hinihintay namin yung order bigla kong naalala yung Xclub na pinagtrabahuan namin ni Angie. Ibang-iba yun sa lugar na ito. Dito tahimik pero doon maingay. Magkahalong sound system music at hiyawan ng mga kalalakihang customers. May stage show kase don ng female strippers.

Siguro sa mga oras na ito marami ng customers don, at kung sakaling nandoon pa si Angie siguradong may ka-table na sya ngayon. Medyo nalulungkot pa rin ako sa twing naalala ko yung trabaho ni Angie doon. I just wish na umalis na talaga sya doon.

“Uy!” nagulat ako kay Lea nung bigla nya akong bungguin sa braso, magkatabi kasi kaming nakaupo sa tapat ng isang rectangular table, “Ba’t ka natutulala d’yan?” sunod nyang tanong.

“Ah, eh, wala, may sumagi lang sa isip ko.” sagot ko. Dun ko lang napansin na dumating na pala order namin.

Natawa pa ako sa sarili ko nung makita ko ang nakahaing Japche sa harapan ko, putik! Pansit lang pala eh!

“Ano na naman ba iniisip mo ha?” tanong nya sa akin, na mukhang hindi ko masasagot ng totoo.

“Ah, wala, iniisip ko lang kung ano’ng lasa nitong pinapakain mo sa akin.” palusot ko na lang.

“Ha Ha Ha Masarap yan, i’m sure magugustuhan mo yan, kase yan nga yung favorite mo dati, diba?”

“Ah, oo nga…”

Nakita ko na sanay syang gumamit ng chopsticks, pwes wala akong panahong mag-aral nyan kaya yung tinidor ang dinampot ko. Tinikman ko itong mangitim-ngitim na pansit, matamis ang una kong nalasahan, actually masarap sya, kakaiba yung lasa nya, Ibang-iba sa ordinaryong pansit na kinakain ko.

Parang naalala ko nga na nakain ko na ito dati, parang natikman ko na nga yung ganitong lasa. Sayang, kung natikman lang ito ni Angie siguradong magugustuhan din nya ito, pareho kase kami ng panlasa nung babaeng yon.

Bakit nga ba hindi ko naisipang idala si Angie sa mamahaling resto na tulad nito? Bakit hindi ko sya pinatikim ng ibang cuisine? Nasanay kase kami sa fastfood at yung mga local cuisine na nagse-serve ng eat-all-you-can buffet. Medyo nakakapanghinayang…pero bakit? Tsk!

“So how’s the food? Do you remember its taste?” tanong nitong katabi ko.

“Okay lang. Alam mo Lea parang nakain ko na nga ito dati, hindi ko lang maalala kung saan at kailan.”

“See? I told yah! Unti-unti nyan maaalala mo rin yan, huwag mo lang pwersahin o pilitin, okay?”

“Okay.”

Napatingin ako sa labas ng bintana. Tinitignan ko yung mga taong naglalakad sa kalsada. Iniisip ko kung bawat isa ba sakanila may pinagdadaanang problema, at kung gaano kalaki o kabigat ang dinadala nila.

Ewan ko kung bakit parang napakabigat ng puso ko ngayon. Nalulungkot ako na hindi ko maintidihan. Uminom na lang ako ng iced tea.

Nalamigan lalamunan ko sa iced tea, “Pppffffttt…” bigla akong nasamid nung muli akong mapalingon sa labas ng window. Paano ba naman parang nakita ko si Angie na nakatayo doon sa kabilang kalsada.

Tinitignan ko syang mabuti at minumukhaan, medyo malayo kase sya pero natitiyak kong si Angie yung nakita ko. Kainis lang kase may pumaradang bus. Natakpan tuloy sya at nung umalis na yung bus, wala na yung babaeng nakatayo na sa palagay ko si Angie nga.

Ano ba?!

Si Angie ba talaga yung nakita ko, o namamalik-mata lang ako?

Fuckshit! Namimiss ko ba si Angie? Pansin ko kanina ko pa sya naiisip…

“Hey! Are you okay?” yun napansin na naman ako ni Lea.

“Ah, oo, i’m good.”

“Don’t tell me may iniisip ka na naman?”

“Wala ‘to, ‘wag mo nalang akong pansinin…”

“Is there something bothering you?”

Truthfully, I, myself don’t know exactly what is happening to me. Bakit ba ako nagkakaganito? Si Lea ang kasama ko pero bakit si Angie ang nasa isip ko?

Bakit ko ba sya naiisip?

Ayaw ko na syang isipin, gusto ko ng mag-move on sa kanya.

Gusto ko nang kalimutan ang lahat ng panloloko nya sa akin.

But why the hell do I fucking think of her?

“Ahm, Lea…” Hinarap ko sya, “I guess all I ever need is time…” taimtim kong sabi.

“Huh? Time for what?”

Time to forget Angie.
Time to clear my mind.
Time to find a place for you inside my heart.
Time to change my feelings.
Time to learn how to live without Angie, and learn to live with you.
Time to find and replace my self.
Time to ease the pain and to overcome the grief.
Time to gather my emotions.
Time to kill the living ghost of her…

“Time to rest, Lea…” ito lang nasagot ko, “I want to sleep.”

“Ayaw mo na bang mamasyal muna?” tanong naman nya.

“Next time na lang. Now that we finally have each other, marami na tayong time together. Sa ngayon umuwi muna tayo, kase gusto ko ng matulog, inaantok na ako eh!”

“Ha Ha Ha Ikaw talaga! Sabagay may point ka don. We now have much time to do whatever we wanna do.” tapos yung sumunod na sinabi nya binulong nya sa akin, “And we have more time in bed.”

At yun ang una naming ginawa pag-uwi namin sa bahay bago kami natulog. Isa na namang breathtaking anal sex.

“Aaaahhhh Aaaaahhhhhh Ooohhhhh”

Kinabukasan.

Nakaupo lang naman ako sa eroplano pero feeling ko pagod na pagod ako. Medyo nahilo pa ako, shit! Ngayon lang kase ako nakalipad sa ere. Hmm… Ngayon nga lang ba talaga?

Ang aga ng arrival namin sa isang tanyag na airport sa bohol. At habang naglalakad kami palabas ng airport walang tigil sa kakakabog ang dibdib ko. Kinakabahan ako ng hindi ko alam ang dahilan. Ngayon nakaapak na ako sa lugar na kinalakhan ko, sa sarili kong lupain.

May isang lalaking sumalubong sa amin. Sya yung stepfather ni Lea. Nang makita ko si Lea parang nag-iba yung aura nya, kanina jolly sya pero ngayon parang tumamlay nung makita nya yung lalake.

“O, ba’t ikaw ang nandito?” tanong agad ni Lea, “Ba’t ‘di nyo na lang kami pinasundo sa driver?” dagdag pa nya.

Yung lalake naman imbes na sumagot inagaw na lang nya sa akin itong tinutulak kong pushcart ng mga luggage namin.

Muling nagsalita si Lea, “Sabagay, driver ka nga pala sa Mansyon. Hindi ko alam kung pa’no mo napaikot si Mama at pinatulan ka nya.”

Nagulat ako sa narinig ko. Stepdad ni Lea, driveri sa Mansyon? Kahit hindi ko pa maunawaan ang nangyayari between them, para sa akin masyadong harsh yung sinabi ni Lea.

Hindi na lang ako kumibo, tulad ng pananahimik nitong lalake. Napabugtong-hininga lang sya sa sinabi ni Lea. Tuloy lang sya sa paglalakad habang tulak yung cart, hanggang makaabot kami sa dala nyang Hyundai Starex.

Sumakay na kami ni Lea sa backseat habang abala yung lalake sa paglo-load ng mga luggage dun sa likod. Nung nakaupo na kami, pinakilala nya sa akin kung sino ang lalaking yon.

“Sorry Sebastian kung nagtataray ako ha? Naiinis lang kase ako sa lalaking yun eh.”

“I understand Lea, pero, sino ba sya? Ang alam ko stepdad mo sya eh.”

“Oo. Hindi ko alam kung paano yun nangyari. Sya si Arthur. Nung magka-amnesia ako pinakilala na sya sa akin ni Mama na sya daw Ama ko. Nagsasama sila that time, hanggang ngayon, so it only means, na talagang may affair sila diba?” paliwanag nya sa akin.

“Affair? Hindi ba sila kasal?”

“Yan din ang gusto kong malaman. Nakakainis si Mama, kamamatay lang ni Daddy pero nagawa na agad nyang mag-asawa ulit, at ang mas malala pa, bakit sa dinami-dami ng lalake sa mundo, bakit yung driver pa sa Mansyon ang pinatulan nya?”

Sasagot pa sana ako pero naputol na yung usapan namin nung sumakay na yung stepdad nya sa driver’s seat. Baka kase marinig nya yung usapan namin eh. Buti na lang…