Fuck Fianceé: Nowhere Girl

Part Twenty One: Nowhere Girl

Angie’s POV

Kailangan kong tumakbo…

Kailangan kong makalayo sa kanya upang makatakas…

Ito lang ang tanging paraan na naiisip ko upang mabilis ko syang maiwan…

Hanggang ngayon hinihingal pa rin ako. Napagod ako sa kakatakbo, buti na lang nakapagtago ako sa isang malaking puno.

Sumilip ako upang alamin kung sumusunod pa sya sa akin, pero sa mga oras na ito parang mas gusto kong malaman kung bakit nya ako hinahabol. Nakilala nga kaya nya ako?

Natanaw ko si Sebastian na napahinto sa pagtakbo, hinihingal din sya habang palingon-lingon sa paligid. Malamang hinahanap pa rin nya ako.

Nakita ko rin si Lea, magkasunod lang sila, pero dahil medyo malayo ako hindi ko marinig yung usapan nila.

Shocks!

Biglang hinawakan ni Lea yung kamay ni Sebastian!

Okay lang sa akin yun eh, ang masakit lang, nginitian ni Sebastian si Lea…

Okay lang sa akin kahit hawakan si Sebastian ng ibang babae, pero yung magustuhan ni Sebastian yung hawak sa kanya. Yun! Yun ang masakit!

Okay lang sa akin kahit may kasamang ibang babae yung lalaking pinakamamahal ko, ang masakit lang eh yung makitang masaya sya sa piling nito.

Sa nakikita ko mukhang okay na ang takbo ng buhay ni Sebastian, kung ano man ang dahilan ng paghabol nya sa akin, natitiyak kong kaawa-awa yun sa part ko.

Maaaring may gusto lang syang itanong sa akin, o ‘di kaya, gusto lang nyang magpaalam ng maayos sa akin. Tangna, I hate damn farewells and the fucking word goodbye!

Mas okay na yung ganito. It’s better to leave things this way. Isa pa wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa kanya. Sobrang importante nya sa akin kaya nahihiya talaga ako sa kanya ng sobra.

Nung nakaalis na sila umuwi na rin ako. Alam kong pupunta sila dito sa bohol pero hindi ko talaga inaasahan na makikita ko si Sebastian dito sa memorial ngayon, na kasama si Lea. Kailan pa kaya sila dito?

Ako kagabi lang ako dumating dito sa bohol. May jetlag pa ako pero ginusto kong pumunta ng maaga dito upang puntahan yung puntod ni Sir David. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya, alam ko walang ibang tao sa mundong ito na higit kong kailangang hingin ng tawad kundi ang kapatawaran ni Sir Dave.

Feeling ko trinaydor ko sya, sinaksak sa likod. Malaki ang utang na loob ko kay Sir Dave, sya ang tumulong sa pamilya namin, kung tutuusin tinurin nya kaming kapamilya, hindi nya kami minaltrato at sya lang tanging naging sandigan namin sa twing may pinagdadaanan kami. Sobrang nagsisisi talaga ako sa nagawa ko, at sa tingin ko ito na yung parusa ko.

Ang maglakad na luhaan…

Tangna! Parang naglalakad ako sa bubog na may nagbabagang apoy.

Ang sakit…

Ang sakit sakit!

Ngayon bumalik na si Sebastian sa tunay na nagmamay-ari sa kanya. Bakit ko ba sya minahal ng ganito? Ni hindi ko magawang alalahanin yung mga oras na masaya naming pinagsaluhan, masakit kase eh.

Kapag tunay ang pag-ibig, tunay din ang sakit na mararamdaman mo kapag nagkahiwalay kayo…

Sana panaginip na lang ang lahat ng nangyayari ngayon sa buhay ko. Pero sa twing maiisip ko, yung nangyari sa buhay ko noon kasama si Sebastian, yun ang panaginip, at itong nangyayari ngayon, ito yung reyalidad.

I wanna die!
I don’t wanna die every seconds of my life!
The hell i’m dying…

Ayoko ng ganito! Tangna! Tangna ko!

Kinakabog ko ang dibdib ko habang paulit-ulit na sinasabi sa sarili ko ang mga katagang, “Tangna mo ka Angie, nararapat lang sayo yan, ang selfish mo! Ang tanga mo!”

Walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko, kase choice ko yun, and now I realised that I made a wrong decision. Pwede akong tumanggi dun sa offer sa akin ni Sir Marlon noon, pero dahil nabulag ako ng pagkakataon pumayag ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ayoko munang umuwi sa bahay, iniiwasan ko yung sandamakmak na tanong sa akin ni Nanay. Hindi kase nya alam ang pinaggagagawa ko, ang alam lang nya nagtrabaho lang ako sa maynila, hindi ko inamin sa kanya yung kagagahan ko.

Ang gago ko lang! Nagpakagago sa pag-ibig, lumaban sa tadhana kahit alam na sa bandang huli matatalo din.

And now I have nowhere to run, I even can’t hide from my own fears. Palakad-lakad, hindi alam kung saan pupunta. I don’t deserve another chance, I don’t deserves another journey, I’m totally lost.

Parang bata na nawawala sa isang madilim na kagubatan, hindi alam ang daan pauwi, hindi makakita kahit konting liwanag.

Kung maibabalik ko lang sana ang lahat…

I need a place to unwind and fix my broken heart, and all I can think of the right place is hell.

Malungkot pa rin ako pagdating ko sa bahay. Gabi na nung makauwi ako. Ayoko sanang umuwi pero wala naman akong choice kundi bumalik sa tunay at nararapat kong kalagyan.

Sinalubong ako ni Nanay sa harap bahay namin, “O Angie, bakit ngayon ka lang? Sa’n ka ba nagpupupuntang bata ka?”

“May pinuntahan lang po akong isang matalik na kaibigan.”

“Nag-text ka man lang sana para hindi kami nag-aalala sayo.”

“Nay, wala naman kayong phone eh!”

“Ikaw talaga bata ka pilosopo ka! Nag-text ka sana dun sa kapatid mo para nasabi nya sa amin!” tapos hinigit nya braso ko at kinaladkad ako papasok ng bahay, “Naku bilisan mo, may bisita ka sa loob, kanina ka pa nya hinihintay!”

“Ha? Sino po?”

“Bilisan mo na lang!”

Pagpasok ko sa loob, nagulat ako nung makita ko kung sino ang bisita ko. Walang iba kundi si Sir Marlon David.

Ano na naman kaya kailangan nya ngayon? May bago na naman ba syang plano?

“Ba’t nandito ka?” tanong ko agad sa mataas na tono.

Napatingin sya sa akin, “O, finally, you’re here!” sa hitsura nya may galit, may lungkot, pero wala akong pake.

“I wanna talk to you, let’s go somewhere else.” tumayo sya at mukhang papalabas na ng bahay.

“Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na ngayon dito.”

Napahinto sya sa tabi ko, at matapos nya akong tignan ng matalim, si nanay naman ang tinignan nya, “Are you sure you want me to stress out things here? Huh?”

Sa narinig ko napatingin ako kay nanay. Nakatingin sya sa amin at mukhang pinapakinggan nga nya ang usapan namin. Ah, wala nga pala syang alam sa nangyayari.

Ayokong madamay sya kaya wala akong magawa kundi sumama na lang kay Marlon palabas ng bahay.

“Nay, may pupuntahan lang po kami saglit.” paalam ko na lang kay Nanay.

Pumayag naman sya kase kilala naman nya si Sir Marlon, ang hindi ko lang alam ay kung paano sya nagkaroon ng tiwala sa kanya.

Pumunta kami sa Condo ni Marlon. Sa dinami-dami ng lugar na pwedeng puntahan bakit dito pa sa place nya? Ganito ba ka-confidential ang sasabihin nya sa akin?

“Bakit dito mo ako dinala?” tanong ko sa kanya habang pina-password nya yung pinto.

“Why not here? Alam mo, nasa bohol tayo, ayokong may makakita na nag-uusap tayo. Baka makarating pa kay Lea, mas lalo pa yung maiinis sa akin.”

Sus! Ngayon ka pa talaga nag-alala ng ganyan!

“Would you like a drink?” offer nya sa akin pagkapasok namin.

“Hindi na. Sabihin mo na lang gusto mong sabihin para matapos na!”

“No! I insist, be my guest.” tapos pumunta sya dun sa bar nya upang kumuha ng alak. Whisky ata yun, ewan.

“Bakit ba parang ang sungit mo sa akin ngayon? You don’t even address me ‘Sir’ like the way it should be.”

“Tsshh. Hindi na ako maidservant sa Mendez, so walang dahilan para tawagin pa kitang sir!” kapal talaga ng mukha nya!

“Y’know what, Angie? I think i’m beginning to like you.” tapos inabot nya sa akin yung baso ng alak, “Here.”

Ayoko sanang kunin pero para matapos na kinuha ko na lang. At nung nasa akin na umupo na sya sa sofa, habang ako nanatiling nakatayo sa tabi ng pinto.

“O ano, tatayo ka na lang ba d’yan? Halika dito.” napansin nya ako.

Naiinis na talaga ako. Andami nyang ligoy! Ba’t di na lang kaya nya sabihin yung sasabihin nya, arte!

Umupo na lang ako, malayo sa kanya. Nakapwesto kami sa magkabilang dulo ng mahabang sofa.