Gaano Kadalas Ang Minsan 2

Episode 2
Ang Pagduda

Lunes at nasa opisina na ako at para akong kahoy na di makagalaw. Nakatulala at nakatingin lang sa malayo. Hinde ko maipaliwanag kung paano nagkaroon ng condom sa basura namin. Ni minsan ay di ako gumamit nun lalo pa sa kundisyon ni misis.

“Oh pre bakit nakatulala ka dyan? May problema ka ba?” Tanong sakin ni Simon. Dumating sya at may dalang dalawang bote ng softdrinks at dalawang pagkain na naka styrofoam foodpack. Nilapag nya sa harapan ko ang isa sa bawat dala nya.

“Snak muna tayo tol. Pinabigay ni gov samin. Kay absent kasi kaya sayo nalang yan. Sayang naman.”

“Salamat. Teka, anong oras ka na pala naka alis nung nag inuman tayo?”

“Di ko na alam eh. Basta umuwi nalang ako. Kwento pa ako ng kwento sayo, kaso bumibyahe ka na pala sa ulap kaya iniwan nalang kita.”

“Hinde ko kasi masyadong matandaan ang nangyari eh. Nag blackout ako.”

“Eh syempre di ka pa sanay. Natural lang naman yan. Wag ka mag alala, masasanay ka din haha.”

“Gagu la ako planong maging lasenggo.”

“Hinde naman sa lasenggo, pero yung sakto lang na may tolerance ka na sa alak. Kumbaga drink moderately hehe.”

Sa totoo lang nakakapanibago ang pagiging friendly ni Simon. Dati talaga hinde sya ganito. Ngayon parang walang problema eh. Pero nasa loob ko parin ang di mapalagay. Yung feeling na may panganib pero di mo alam kung saan. Ganito ba ang feeling ng may spider sense?

Umalis din kaagad si Simon dahil sa duty nito. Mukhang may lakad ulit si Gov at isa sya sa mga security escorts ng politiko. Tinignan ko ang porma ng uniporme ni Simon. Kakaiba talaga ang angas ng isang naka unipormeng parak. Kaya siguro maraming nahuhumaling na babae sa kanila eh.

Sa pag iisip ko nun ay bigla akong kinabahan. May lumabas sa isipan ko pero pilit kong binubura. Wag naman sana. Hinde ganun si Megan. Hinde ganun ang misis ko.

Pag uwi ko sa bahay, nasa loob na si misis at lumapit sya kaagad sakin.

“Kamusta araw mo?” hinalikan nya ako sa labi at niyakap. Mukhang nasa mood ang lambing ni misis ah.

“Okay kung ganito palagi.” Sabay ngiti ko.

“May niluto ako. Yung paborito mo.”

“Ginataan?”

“Hinde, adobo gagu. Hihi.”

“ah okay haha. Edi kumain na tayo.”

Dumiretso kami sa hapag kainan at doon namin tinuloy ang usapan. Tulad ni Simon, bakit parang kakaiba din ang friendliness ng misis ko? Bakit ganun? Di kaya masyado lang akong nag iisip?

“Ano palang okasyon?” tanong ko kay misis.

“Naku wala naman hon. Actually meron talaga akong kailangan sayo.”

“Oh? Ano naman yun?”

“Kasi hon, nagkasunod kami ng mga kaibigan ko na lumabas sa byernes ng gabi. Magpapa-alam sana ako. Sandali lang naman kami hon promise.”

“ganun ba?” napa isip ako sandali. Ngayon lang nagpaalam si misis ng ganito. Hinde mahilig si misis sa mga Friday nights na gimmick. Mas normal pa siguro kung magpapa-alam sya para sa isang bible study. Medyo nag aalangan ako pero ang hirap tanggihan ni Megan lalo pa at malagkit ang mga titig nya sa akin.

“Sige na hon. Ano? Payag ka na?”

“Basta wag ka masyado magpa gabi ha.”

“Yeheey! Thank you hon. Hihi. Kumain ka na dyan, may surpresa pa ako sayo mamaya.”

Nang gabing yun ay nagsiping kami ni misis. Kakaiba ang init ng asawa ko. Kakaiba ang kanyang lambing. Ang kanyang mga halik. Mapusok at agresibo. Ang mga kilos ng kanyang balakang na animo’y ahas. Hinde ako makapaniwala sa tinde ng alindog ni Megan. Ang galing nya gumiling sa ibabaw ko at talagang binobomba nya ang balakang nya sa katigasan ko.

Basang basa na kepyas nya at dulas na dulas ang titi ko. Sagad sa bawat pasok at ang init sa loob. Napapa lakas ang ungol ko sa sarap.

Nagulat nalang ako nang matapos na sya at tumigil na sya. Hinde pa ako natapos pero muntik na akong mauna. Agad natulog si Megan at sinubukan ko na ring matulog kahit bitin ako.

———-
By: Balderic

Mabilis dumaan ang mga araw. Byernes ng hapon at isa-isa nang nagsi-uwian ang mga kasamahan ko sa trabaho. Inaasahan kong yaya-yain ako ni Simon na mag inuman ulit pero hinde sya nagpakita sakin buong araw.

Pagkalabas ko ng building ay nakita ko sa may kanto si Simon at kasama ang ibang mga pulis. Nilapitan ko ito.

“oh ano pre? Byernes na ulit. Tagay nanaman ba?” pabiro ko sa kanya.

Sensya pre di muna ngayon. May nights out kami ng mga tropa eh. Exclusive kaya pasensya na. Sa susunod nalang tayo.” Wika nya. Para akong napahiya sa mga kasama nya. Nag mukha akong tanga.

Ganun ba. Okay sige. Mauuna na ako.”

“Sige pre, ingat pa uwi “ wika nya sakin. Di na ako kumibo at umuwi nalang ako.

Nasa daan ako nang maalala kong nag paalam din pala si misis sa akin. Saktong dating ko sa bahay at wala sya. Tinext ko si misis at tinanong kung naka uwi na ba sya. Agad naman syang nagreply na oo. Tinanong ko sya kung kumain na, ang sagot naman nya ay hinde na kasi sa labas na sya kakain.

Tulad ng napag usapan, naghintay ako kay misis. Matapos akong kumain ng hapunan, nanood muna ako ng tv. Bandang alas nuebe na pero wala parin si misis kaya tinext ko sya ulit. Hinde sya sumagot. Baka nag eenjoy pa sya sa gimmick. Sabagay, minsan lang naman. Tinaasan ko pa ang pasensya ko.

Alas onse ng gabi at medyo nininerbyos na ako. Tinawagan ko si misis. Nag ring ng ilang beses ang cellphone nya. Naka tatlong tawag ako bago sya sumagot.

Hello hon?” sagot nya at rinig ko ang ingay ng musika sa background.

“Hon gabi na. Di ka pa ba uuwi?”

“pauwi na hon. Sorry ha.”

“okay sige. Maghihintay ako sayo.”

Pinatay nya na ang tawag. Ni hinde na sumagot sa sinabi ko. Feeling ko tuloy para akong dinedma. Naghintay pa ako kay misis. Ni anino nya wala pa. Umuusok na ang tenga ko sa galit. Pinagbigyan mo lang minsan, aabusuhin kaagad ng ganito. Ala una na pero wala parin. Tinawagan ko sya ulit. Nagriring lang ang cellphone. Ano bang problema ni Megan at parang nakalimot na yatang may asawa na sya?

Nakatulog na ako sa kakahintay kay misis. Sa sofa na ako nakatulog. Nagising ako ng alas syete ng umaga. Nakita ko ang sapatos ni misis sa gilid ng pinto kaya umakyat ako sa kwarto namin. Naabutan ko syang mahimbing na natutulog. Naka suot parin sya ng kanyang panglabas. Mukhang pag uwi nya ay diretso na sya sa pagtulog. Tinitignan ko ang katawan ni misis. Kakaiba ang ganda nya. Naka sleeveless sya na damit na kulay cream at naka fit jeans. Nabigla ako nang mapansin kong may mapulang marka sa leeg nya. Nilapitan ko ito at nakumpirma kong chikinini ito. Walang hiya, sinong humalik sa leeg ng misis ko!? Gusto kong gisingin si misis at paaminin pero di ko magawa. Naghintay nalang ako na magising sya.

Alas dose na nang magising si misis. Nasa lamesa ako at kumakain nang madatnan nya ako. Lumapit sya sa akin.

Hi hon, sensya na kagabi ha. Di na ako nakareply.” Hinalikan nya ako sa gilid ng nuo pero di ko sya kinibuan. Naramdaman naman nya na di maganda ang timpla ng ulo ko.

Hon? Galit ka ba? I’m sorry okay. Di na mauulit.”

“Hinde na talaga mauulit. Masyado kang nag enjoy sa lakad mo, nakalimutan mo nang may asawa ka nang tao.” Sagot ko sa kanya.

Ha? Anong ibig mong sabihin?”

Tinignan ko sya sa mukha.

“Anong ibig kong sabihin? Yang chikinini sa leeg mo? Anong ibig sabihin nyan?”

Nagulat si Megan at kinapa nya ang leeg nya. Humarap sya sa salamin para tignan ito.

“Naku hon kung ano ano naman ang pumapasok sa utak mo eh. Wala ito. Dare lang yan ng mga kasama ko. Katuwaan lang. Tsaka babae ang gumawa nyan hinde lalake. Tignan mo nga yung lipstick oh.” Nilapit ito ni Megan sakin. Tinignan ko ito ng maigi at may bahid nga ng lipstick ang marka. Hinde na ako nakipag deskusyon pa pero di parin mawala sa aking isipan ang pangamba.

———-

Pagbalik ko sa trabaho ay tila normal ang lahat. Iisa lang ang napansin kong iba. Ni minsan ay hinde na ako kinausap ni Simon. Nakikita ko sya pero ngumingiti lang tapos aalis na kaagad. Di ko sure kung busy ba sya o iniiwasan lang ako. Hinayaan ko nalang din dahil sino ba naman sya para pag aksayahan ko ng oras di ba? Ano bang pake ko sa kanya. Di ko naman sya crush.

Isang araw, napadaan ako sa tinatambayan ng mga pulis na kaibigan ni Simon. Malapit sa kanila ang water dispenser at umigib ako ng isang litro. Naririnig ko ang usapan nila pero nagpapanggap lang akong walang pake.

“langyang Simon yan, naka ilan ba sya last time?”

“Naka apat siguro. Apat na rounds haha.”

“Kala ko di nya tataluhin eh. Diba may asawa na yun chicks?”

“Alam mo namang walang pake yun kung may asawa o boyfriend. Basta bibigay, pagbibigyan nun.”

“eh mukha namang palaban yun chiks eh. Dikit ng dikit kala mo bagong kasal haha. Sarap na sarap pa halikan sa leeg matapos makipaghalikan sa labi.”

Napansin kong tumahimik sila bigla nang mapansin ako. Ang weird. Alam kong nakatitig sila sakin pero wala akong lakas ng loob na tignan sila. Umalis nalang ako kaagad. Mukhang may bagong chicks si Simon, kaya siguro di na lumalapit sakin. Pero bigla akong kinutuban ulit. Bigla akong nabahala. Bakit parang kumokunekta ang lahat? Bakit parang sumasakto ito sa nangyari kay misis? Wag naman. Please lang.

Araw ng huwebes at umaga palang ay nag aayos ako ng mga gamit na dadalhin ko. Lumapit sakin si misis habang hawak ang cellphone nya.

Hon, may lakad ulit kami ng tropa mamayang gabi ha. Promise di na talaga mauulit yung na una.”

Bigla akong na irita. Umagang umaga nabubwisit ako kaagad. Nakangiti pa sya na kala mo walang problema. Di ba sya marunong makiramdam?

“hon please lang, wag ka nang mag gagagala. May asawa ka na at hinde rin maganda sa health mo yang mag iinom.”

“Eh sandali lang naman hon. Minsan lang naman di ba?”

“Wag na muna hon. Mas mabuti pang dito nalang tayo sa bahay. Pwede tayo manood ng palabas. Or kung gusto mo, tayo nalang ang lalabas mamaya. Sunduin kita sa trabaho mo.”

Nag roll ang mga mata ni Megan na kala mo nababaduyan sa sinabi ko. Tumalikod lang sya at para akong sinampal ng kahihiyan. Gusto kong sigawan sya pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayoko makipag away.

Hinde kami nag kibuan hanggang makarating ako ng bayan. Tinuon ko ang atensyon sa trabaho. Gabi na nang maka uwi ako sa bahay. Pag uwi ko ay wala si Megan. Naisip kong baka pauwi palang yun. Ako nalang muna ang nagsaing at nagluto ng ulam.

Bandang alas otso na ng gabi ay hinde parin nagpapakita si Megan. Tinext ko sya pero di sumagot. Tinawagan ko nalang pero nagriring lang. Kinabahan na ako. Mabuti nalang at may numero ako ng isang kasamahan nya sa trabaho. Tinawagan ko ito.

Hello mare, pasensya na sa isturbo.”

“Oh Dexter? Anong atin?”

“Mare nakita mo ba si misis kanina? Wala pa kasi sa bahay eh.”

“Si Megan? Ang alam ko di pumasok yun eh. Nag message sa manager namin na di raw maganda pakiramdam nya. Naku Dexter, ano pala nangyayari sa kanya? Madalas kasi lumiban na sa trabaho si Megan. Minsan naman kapag uuwi sya, may sumusundo sa kanyang naka motor.”

Nagulat ako sa mga rebelasyon ng katrabaho ni Megan. Anong ibig sabihin nito? Nagtataksil na ba si Megan?

sige mare salamat ha. Susubukan ko ulit tawagan si Megan.”

“sige pare. Ingat ka.”

Napa buntong hininga ako. Tinawagan ko ulit si misis at talagang nagriring lang. Tinext ko sya.

Megan ano bang problema mo? Asan ka ba? Di ka raw pumasok sa trabaho at madalas na pala ang pag aabsent mo? Ano bang nangyayari sayo? Sagutin mo ang tawag ko at kailangan nating mag usap.” Ito ang text ko sa kanya. Pinagpaliban ko lang muna ang isa ko pang natuklasan dahil wala akong ebidensya. Pero mabigat talaga ang loob ko.

Hinde parin ako sinasagot. Mag aalas dies na ng gabi. Panay tawag parin ako kay Megan. Hanggang biglang sumagot ito ng tawag.

“Megan!?” dinig ko agad ang ingay ng background music.

“Oi sino to?” boses ng lalake ang sumagot.

“Ikaw sino ka? Cellphone ng asawa ko yang hawak mo.” Wika ko.

“Haha okay?”

“Anong okay? Asan ang misis ko? Asan si Megan? Gusto ko syang kausapin.”

“Busy pa si Megan brad. Wag mo syang isturbuhin. Kanina kapa panay tawag, nakukulitan na sya sayo. Kaya ako na pinasagot nya. Sabi nya wag ka daw magulo. Nagpapakasaya sya hehehe.”

“Ano!? Tang ina sino ka ba para isiksik mo sarili mo sa buhay namin? Ibigay mo ang…” biglang pinutol ng lalake ang tawag. Grabe ang galit ko at sinubukan ko tawagan si Megan pero hinampas ko na sa sahig ang cellphone nang marinig kong naka block na ako sa mismong cellphone ng misis ko!

Umakyat sa utak ko ang dugo ko. Sagad sagaran ang galit ko at gusto kong puntahan si Megan pero di ko alam kung nasaan sya. Isa itong napaka laking pagkakamali. Bakit ko pa kasi pinag bigyan si Megan sa hiling nito. Nagtiwala ako tapos ganito ang isusukli sa tiwala ko?

Hinde ako nakatulog dahil sa pag iisip. Halos masiraan na ako ng ulo sa sobrang galit. Alas tres ng madaling araw at nakarinig ako ng motor na huminto sa labas ng bahay at ang mga tawa ni Megan. Agad akong lumabas ng bahay at naabutan ko ang anino ng lalakeng kayakap ang misis ko.

HOY! TANG INA KA ANONG GINAGAWA MO SA MISIS KO!?” Sigaw ko nang makalabas ako. Agad namang kumawala ang lalake at pinaharurot ang motor. Hinde ko ito nakilala at nakalayo na ito agad.

Si Megan naman ay pumasok na sa bahay at di man lang ako kinausap.

Megan! Mag usap nga tayo! Mag usap tayo!” Hinablot ko ang braso nya.

Ano ba!? Pagod ako! Pwede ba, madaling araw na wala ako sa mood kausapin ka. Pabayaan mo na nga ako!”

“Hoy Megan, asawa mo ako! Nasisiraan ka na ba ng ulo!? Ipagpapalit mo ang buhay may asawa mo sa lalake at paglalandi mo sa labas?”

“Ang kapal ng mukha mo pagsabihan akong malandi. Sino ka ba? Special ka? Nagpapakasaya lang ako dahil sawang sawa na ako sa miserableng buhay na binigay mo sakin Dexter! Ilan taon na tayong mag asawa pero walang nangyayari sa buhay natin! Kaya mas mabuti pang ganito at nakakalimutan ko ang mga problema ko!”

“Nagpapakahirap ako magtrabaho para sayo Megan! Ginagawa ko ang lahat para paligayahin ka! Araw araw akong nagsasakrepisyo para ipakita ko sayong mahal kita. Hinde pa ba sapat yun?”

“I’m sorry Dexter pero ayoko na. Sawa na ako.” Biglang lumabas ng bahay si Megan at sinundan ko ito.

Megan sandali! Wag mo akong iwan!” niyakap ko si Misis pero pumalag sya.

“Bitawan mo nga ako! Ano ba!”

“Megan….wag ka namang ganyan…wag mo akong iwan!” umiiyak na ako sa pakiusap kay Megan. Sadyang malakas ang desisyon nya at kumawala sya sakin.

“Kalimutan mo na ako Dexter. Hinde tayo pwede.” Sinara ni Megan ang gate at iniwan akong nakatulala. Hinde ko na maintindihan ang nangyayari. Ginawa ko naman lahat para sa pagmamahalan namin pero kulang parin ba? Iniwan ako ni Megan nang walang pag aalinlangan. Iniwan akong lumuluha.

Itutuloy