Ganti Ng Kahapon III: Ang Sikreto Ni Chie 1

” Akin lang Iho” ang seryosong tono ng pananalita ni Mommy Alice.

” Ayos ka lang daddy?” ang boses ni Chie na bumasag sa akin katahimikan habang kumakain kami ng hapunan.

” Ah eh, ayos lang” ang sagot ko naman dito.

” Jr, desert” ang sabi ni Mommy alice habang palapit ito.

Kinuha ko ang fruit salad at pasimple itong diniin ang dibdib niya sa akin. Hindi naman ito napansin ni Chie na busy din sa pagkain ng fruit salad.

Sinimulan ko ng kumain habang si Chie naman ay patapos na.

” Chie, easy lang sa desert iha. Remember buntis ka” ang saway ni Nanay Lyka dito.

” Oo nga, baka mabangungot ka” ang saway din ni Ate anna dito.

” Last na lang po” ang sabi ni Chie at kumuha ito ng isa pang sandok ng fruit salad.

Ako naman ay kumain na din ako.

Wala pang isang oras ay nasa kama na kami ni Chie at nanoond ito ng tv sa kwarto namin habang ako naman ay iniisip ko pa din.

nagpapaantok na kami sa harap ng TV. Niyakap ako ni Chie tapos hinalikan. Pagkapa niya sa tite ko,

“Oops, kuluntoy,” sabay tawa. Tumawa rin ako pero balik seryoso din. Di kasi mawala sa isip ko yung sinabi ni Mommy Alice.

“Gusto mong magpalabas sa kamay ko?” tanong niya kung babatehin niya ko. Umiling ako.

“Ano, kaya mo bang makatiis hanggang manganak ako?” Tumango lang ako.

“Sige, talagang ikaw good boy masyado. Pero kung magyaya ang mga friends mo, sama ka lang oks lang. Kaya lang alam mo na, bawal ang yayari ka ng ibang babae ha?” Nakangiti akong tumango.

Bawal pala sa iba kaya hindi iba ang nireto niya sa akin, hehehe.

“Basta kung talagang hindi ka na makatiis, sabihin mo lang sa akin. Marami namang paraan eh.”

Ang sabi ni Chie sa akin at natulog na ito. Wala pang ilang minuto ay nakatulog na ito habang ako ay patuloy pa din sa pag isip sa mga sinabi ni Mommy alice.

Dahil na rin sa mga sinabi nito ay parang naalala ko ang mga kataga na huling binanggit ni Kit bago ito mamatay.

Tandang tanda ko pa habang nakaakap ito sa anak namin ni Chie. Mali pala, ang inaakala kong anak namin ni Chie.

Nakatutok ang baril sa leeg nito habang si Kit ay nagsasalita.

” Wag ka malikot iha, di ka sasaktan ni Daddy” ang mga kataga na bumasag sa aking mundo.

Pilit kong tinanggap at kinalimutan ang lahat. Pero bakit ganun.

Parang isang mapait na lasa ito sa akin dila na kahit anong inom ko ng tubig ay hindi mawawala sa akin isipan.

Para na akong nasisiraan ng bait at kaya naisipan kong bumaba. Lumabas ng aming mansyon at puntahan ang taong makakasagot sa lahat ng aking agam agam.

” Berto!!!! Berto!!!” ang katok sa kwarto nilang mag asawa. Alam kong nakaka istorbo na ako dahil sa patay na ang ilaw sa kanilang kwarto.

Kaya naisipan kong bumalik na lamang sa amin kwarto pero mga ilang hakbang palang ang aking nagagawa ay bigla bumukas ang pintuan nilang mag asawa.

” Boss, may kailangan ka ba?” ang tanong ni Berto sa akin.

Lumingon ako dito at tumango ako. Lumapit ito sa akin at tsaka ko ito yinaya na umupo sa garden.

” Berto, alam kong parte na lamang ito ng kahapon natin” ang sabi ko dito. Seryoso naman na nakatingin sa akin si Berto.

Parang hinihintay kung ano man ang susunod kong sasabihin.

” May isang katanungan na bumalot sa akin isipan, isang katanungan na gusto ko ng sagot” ang sabi ko kay berto.

” Ano yon boss?” ang tanong nito sa akin.

” Anak ba ni Kit ang panganay namin ni Chie?” ang tanong ko dito.

Tumango ito at nagsimula magkwento.

++++++++++++++++++++++++++++++++++

Berto’s POV

Ilang taon na ang nakakaraan.

” Boss, mukhang masaya naman si Miss Beautiful sa yowa niya” ang sabi ko habang pinagmamasdan namin ni Boss kit ang babae na ang pakilala niya sa akin ay asawa niya.

Yun pala ay kapatid ng syota niya. Naglalakad ito kasama ang kasintahan nito at ang tatlong kaibigan ng lalaki.

” Sila masaya pero paano ako, ang sabi ni Boss kit sa akin habang para kaming mga spy sa loob ng kotse.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++

” Naalala ko ito, nasa parking kami noon ng campus at sobrang saya ko dahil pasado kami sa exams” ang sabi ko kay Berto habang tinigil ko ito sa pagkwento.

” Pero boss, naalala mo din ba yung insidente na muntikan na kumitil sa buhay mo” ang tanong ni berto sa akin.

” Kaya galit na galit sila boss Cesar kay Kit” ang pagpapatuloy nito.

” Naalala ko ang lahat” ang sabi ko kay Berto

+++++++++++++++++++++++++++++++++++

” Boss wag” ang pagpigil ko kay Kit habang pinahaharurot nito ang sasakyan namin tungo sa tumawid na grupo niyo.

Muntikan na namin tamaan ang grupo ng kasintahan ng babae. Lumabas pa sa driver seat si Boss kit kaya nakita siya ng kasama ng lalaki kaya naman galit na galit ang mga ito.

++++++++++++++++++++++++++++++++

” Kasama ka pala noon” ang sabi ko kay Berto.

” Oo boss, kaya hiyang hiya ako sa iyo ngayon eh” ang sabi ni Berto sa akin.

” hayop talaga lalaki na ito, kahit inaagnas na sa lupa at parang gusto ko hukayin para patayin ng paulit ulit” ang sabi ko dito.

” Boss, baka magulat ka pa sa mga susunod na mangyayari” ang sabi nito sa akin.

” Bakit?” ang tanong ko dito.

” Boss, naalala mo na nasa impluwensya lang si Maam Chie noon kaya niya pinatulan kami ni Boss kit” ang sabi ni berto sa akin.

” Oo, tandang tanda ko pa lahat ng video na iyon” ang sabi ko dito.

” Nasa iyo pa ba lahat ng usb na kinuha mo noon sa hideout ko?” ang tanong nito sa akin.

” Oo, bakit?” ang tanong ko dito.

” Tawagin mo ang tropa boss, at may dapat kayong malaman” ang sabi ni berto sa akin.

” Pupunta tayo sa isang lugar na nandoon ang lahat ng kasagutan” ang sabi ni Berto sa akin at tumayo na ito.

Pero bago siya tuluyan umalis ay isang kataga ang sinabi nito sa akin na mas lalong gumulo sa akin isipan.

” Sabihin mo ako boss kapag handa ka na, wala ng balikan pa ito” ang sabi ni Berto sa akin at tuluyan na itong pumasok sa kanilang kwarto.

Ilang minuto din akong nagstay sa garden.

Nag muni muni sa mga nangyari sa akin buhay.

Tama ba na inako at tinanggap ang anak ni chie kay kit.

Tama ba na kahit alam kong iniputan na ako sa ulo ni Chie ay minahal ko pa din ito.

Panahon na ba para aminin ko kay Chie na alam ko na ang lahat.

Mga tanong na gumugulo sa akin isipan.

Pumasok na ako sa loob ng mansyon. Sinilip ko ang anak namin ni Chie na panganay.

Himbing na himbing ang tulog nito habang kayakap ang mga stuff toy nito.

Ang mukhang ng isang anghel, anghel na hindi ako sigurado kung sa akin ba o sa demonyong si kit.

Tumabi ako dito at hinaplos ko ang buhok nito.

” Daddy?” ang tanong nito sa akin ng maalimpungatan ito.

” Sleep ka na baby, sinilip ka lang ni daddy” ang sabi ko dito at hinalikan ito sa kanyang noo.

Tumayo na ako at lumabas ng kanyang kwarto.

Bumalik na ako sa aming kwarto. Pinagmasdan ko ang tulog na tulog na si Chie.

” Tama ba na ilihim ko sa iyo ang aking nalalaman” ang tanong ko sa akin sarili.

” Ano pang lihim ang tinatago mo?” ang tanong ko dito at tuluyan na akong natulog.

+++++++++++++++++++++++++++

Kinabukasan.

Patulog na kami ni Chie.

” Mommy, may lakad kami ng barkada ah” ang paalam ko kay Chie habang nasa kwarto kami.

” Sure, sama niyo naman si berto” ang sabi nito sa akin.

” Oo naman, para tuluyan na itong maging parte ng grupo” ang sabi ko dito.

” Tutal nandyan si Nanay Lyka, she can lend you drivers” ang sabi ko kay Chie.

” Just enjoy and wag ka mag aalala” ang sabi ni Chie sa akin.

At nagpaalam muna ako na lumabas ng kwarto para maghabilin sa mga katulong.

Naabutan ko si Mommy alice at Nanay Lyka na kausap si Ate Salome sa may kusina.

” Salome, gulay ang iluto mo bukas” ang utos ni Nanay Lyka.

” Yes, para sa mga buntis” ang pagsasang ayon namin ni Mommy Alice.

” Yes po senyora, maaga po kami mamalengke bukas” ang sagot ni Ate Salome at napansin niya ako kaya bumati ito sa akin.

” Gandang gabi po Sir” ang bati nito sa akin. Napalingon naman din ang dalawang nanay ko.

” Gandang gabi sa inyong lahat” ang sabi ko naman sa kanila.

” Son, kala ko ba. Magpapahinga na kayo” ang tanong ni Nanay lyka sa akin.

” Yes nay, pero sasabihin ko lang na may lakad kami bukas” ang sabi ko dito.

” and ate salome, kasama kayo ni Berto” ang sabi ko kay ate salome.

” Nasabi nga niya po sir” ang sabi naman ni ate salome.

” Saan ang lakad niyo iho?” ang tanong ni Mommy Alice sa akin.

” Boys bonding and may important kaming lalakarin mommy” ang sabi ko kay Mommy Alice.

” Basta behave” ang paalala naman ni Nanay Lyka sa akin.

Kaya ayun, kinaumagahan ay nakaset na kaming lima.

Si Berto ang magdrive ng Hummer na sasakyan namin.

Sinabi ni Berto dalhin daw namin lahat ng usb na nakuha namin noon sa kanyang hideout.

Kaya dinala ito ni Kuya Cesar, siya kasi ang nagtago nito at kaya may dala siya malaking bag.

May dala din itong laptop.

” Berto, bakit pati kami ay kailangan mo isama?” ang tanong ni Kuya cesar kay berto habang nag drive ito.

Sila kasi ang magkatabi sa harap.

” Oo nga” ang pagsangayon ni Tonton Dito.

” Kailangan namin ni Boss Jr ang lahat ng tulong na pwede namin makuha” ang sabi ni Berto

” Bakit?” ang tanong na ngayon ni Richard.

” Magtiwala na lang kayo sa akin” ang sabi ni Berto at nagdrive na lamang ito.

Hanggang sa napadpad kami sa isang liblib na lugar.

Lugar na kung saan ay madali kang maliligaw kapag di mo ito kabisado. Maraming puno sa paligid. Balot ng mga ligaw na talahib.

Sa simpleng salita, masukal ang daan.

Pare parehas ang hitsura, ni wala ka magagamit na palatandaan.

Bumaba kami sa loob ng hummer. Binitbit ni Tonton ang bag na dala ni Kuya Cesar.

” Teka, pamilyar sa akin itong lugar na ito?” ang medyo may pag agam agam nitong sabi sa amin.

Pumunta ito sa loob ng kotse.Inilabas ni Kuya Cesar ang dalawang hunting rifle.

Inabot niya kay Richard ang isa at binitbit nito ang natira.

Inabot din ni Kuya Cesar ang isang m16 rifle kay Tonton at sinabit niya ito sa kanyang balikat.

Kinuha din niya ang dalawang duffel bag na puno ng armas at bala. Binitbit nila ni Richard ang bag.

Kami ni Berto ay naglabas ng mga gulok at tinabas namin ang masukal na daan. Dahan dahan lang kami dahil sa kasukalan ng daan.

Habang si ate salome ay may dalang mga food supplies namin

Ilang beses din kami natigil dahil sa mga nakasalubong namin na mga ahas sa daan. Hanggang sa naabot namin ang lumang bahay

” Dito niyo malalaman ang mga kasagutan” ang sabi ni Berto.

Pumasok na kami sa loob ng lumang bahay.

” Teka, bat parang isang putahan ito” ang sabi ko ng buksan ni Berto ang generator at lumiwanag ang kabahayan.

May mga kamang malalaki dito. May mga lamesa din na pang inuman at may pole na halatang dating pang pole dance.

Nagkalat pa sa paligid ang mga bote. Kaya nilinis naman nila kuya Cesar at Richard ang paligid.

Pinunasan din nila kahit papano ang mga upuan.

” Dahil isa itong putahan talaga” at tsaka niya kinuha ang dalang bag ni Tonton at pinatong ito sa lamesa.

Sinetup niya ang mga dala namin. Tinulungan naman ito ni Tonton. Dahil sa parehas silang magaling sa computer at mga gadgets. Nasetup nila pati ang tv malaki para doon lumabas ang screen ng laptop.

Inutusan ni Berto ang asawa nito na maghanda ng makakain namin kaya nagsetup ito lutuan gamit ang butane at ang pan luto ng samgy.

habang nag seset up kami ay nakarinig kami ng ilang putok ng baril.

” Bang !!!!”

” Bang !!!!”

” Bang !!!!”

” Bang !!!!”

” Ano yun?” ang tanong ni Kuya Cesar at mabilis nito kinuha ang hunting rilfe na binaba niya sa lamesa kanina. nakaready ang daliri nito sa gatilyo ng hunting rifle niya.

” Kaya ko kayo isinama, dahil ito ay isang dating kampo ng mga taong labas” ang sabi ni Berto habang sinetup nito ang mga gamit.

” Nagkalat pa rin ang taong labas dito” ang sabi ni Berto at nagets naman nila Kuya Cesar ang gusto nito ipahiwatig kaya nagsetup na silang tatlo.

Iniwanan kami ni Berto at dito ay nagsimula ng kalikutin ni Berto ang mga usb.

Halos napanood ko na lahat ng mga ito. Pero di ko alam na may mga encrypted videos pa pala na nandito.

Napakagaling ng pagkasetup ng mga encrypted videos, di ito lumilitaw kapag isasaksak mulang ang usb.

May mga commands kapang itype sa command prompt para lang lumitaw ang mga ito.

At ng matapos si Berto ay nagsalita na ito.

” Boss, handa ka na?” ang tanong nito sa akin.

Napatingin sa amin saglit si ate salome at pero bumalik din ito sa pagluluto niya. Nagtimpla din ito ng kape ito ng kape at inabot sa amin ni Berto.

Lumabas ito para bigyan din ang tatlo sa labas.

” Wala ng balikan ito boss, kapag sinimulan natin ito. Madedelete ang video kapag hindi natin ito tinapos” ang sabi ni Berto sa akin.

Tinignan ako nito ng may pagkaseryoso at hinihintay ang aking sagot.

” Oo, wala ng atrasan ito” ang sabi ko naman dito.

At pinindut nito ang play button sa laptop. Lumabas naman sa tv sa bahay ang mga sumunod na eksena.

++++++++++++++++++++++++++++

Eksena ito sa parking paaralan namin noon ni Chie.

Nasa tapat ito ng isang itim na toyota corolla. Nakahawak ito sa pinto sa shotgun position ng kotse.

May kausap ito sa telepono. Nakasuot pa ito ng uniforme namin noong college. Ang mga dala niyang libro ay nakapatong sa hood ng kotse.

Nakabackpack ito habang palingon lingon ito sa paligid. Ng masigurado na nito na walang nakatingin tsaka ito nagsalita.

” Hello” ang sabi ni Chie sa kanyang kausap. Nakaloud speaker ang telepono kaya rinig ko din ang pagsagot nito

” Hi Baby” ang bati ng pamilyar na boses. Boses ng demonyong si Kit.

” Hello Baby” ang sabi naman ni Chie at halos magunaw ang mundo ko. Tinigil naman ni Berto ang video at halos maihagis ko ang hawak kong telepono ko.

Ito ang salita na halos sumira sa akin katinuan.

” Hayooopppppp na babae yannnnnnnnnnn” ang sigaw ko at Hinagis ko ang tasa ng kape na hawak ko

Parang isang bomba naman sa akin paningin ang pagtama ng tasa sa sahig. Kasabay ng pagdurog nito ay ang pagdurog din sa akin puso at isipan.

” Malandiiiiii kaaaaa” ang sigaw ko at kasunod noon ay ang tunog ng kulog

” Boom!!!!!!!”

Ang narinig namin ni Berto ang pagpatak ng mga ulan mula sa bubong ng bahay.

” Hindi ko na alam kung ano pang sakit ang kaya mong idala sa akin babae ka” ang sigaw ko habang pumapatak ang luha ko sa sahig.

Kasabay ng tuluyan ng pagbuhos ng malakas na ulan. Nakita ko ang gulat na gulat na hitsura ni Ate Salome sa may pintuan.

Napaluhod na lamang ako sa harap ng tv at umiyak na parang isang bata.

+++++++++++++++++++++++++++++++

Ano kaya ang gagawin ni Jr ngayon na unti unti ng lumilinaw sa kanya ang lahat

Ang kataksilan ni Chie.