Aswang! Aswang!!! Ito nalang lagi ang mga balitang nasasagap ko sa mga tambayan at tsismisan sa aming nayon. Ewan ko ba kung bakit sa tuwing nalalapit ang November 1, eh palagi nalang may lumabas na balita tungkol sa aswang sa aming lugar. Mula pagkabata ko naririnig ko na ang tsismis na ganyan, ngayon ako’y 19 anyos na ganito pa rin! Aswang, aswang! Eh ni anino nga nung aswang hindi ko pa nakikita!
“Kuya Icko! Kuya Icko!” narinig kong sigaw ni Toni sa akin. Jerico kasi pangalan ko kaya palayaw ko Icko.
“O bakit Toni?” tanong ko sa pinsan ko nang lumapit ako sa kanya. Nagwawalis siya sa bakuran sa harap ng bahay nila ng mapansin akong dumaan.
“Nasagap mo naba yung balita na may aswang na naman daw dito sa atin” tanong sakin ni Toni
“Ows? Naniniwala ka naman! Eh mula nga nung bata pa tayo eh aswang nayan hindi pa naman natin nakikita o nahuhuli hangga ngayon!” paasar ko pang tugon kay Toni dahil hindi nga ako naniniwala sa mga balita.
“Oo nga, hindi rin naman ako naniniwala pero mas maigi na yung nag-iingat, di ba? Mga matatanda na ang nagsasabi na meron nga daw aswang?” paliwanag ni Toni
“Eh yung ngang matatanda dito sa atin eh wala paring malinaw na kwento, puro tsismis lang at haka-haka, sus ginoo! Modern time na ngayon kalimutan mo na yan!” tugon ko ulit sa aking pinsan
“Sige na nga maniniwala na ako sa iyo pero sa isang kundisyon” sabi ni Toni
“Pa kondi-kondisyon kapa, maniniwala rin pala! Ano ba ‘yun?” tila nagtataka kong tugon
“Samahan mo naman akong matulog mamaya dito sa bahay oh? Lumuwas kasi ng Maynila si Carlos para asikasuhin yong pag-aabroad niya, sige na please?” pakiusap ni Toni
“Eh ano naman kung matulog kang mag-isa dyan? Andito naman tayo sa bario natin wala namang mga addict at magnanakaw dito. Anong kinatatakot mo?” medyo nairita ko nang tugon
“Di ba dalawang buwan na ang pinagbunbuntis ko, baka kasi aswangin ako eh!” sagot naman ni Toni na mukhang nagpapaawa at natatakot pa.
“Ay sus ginoo ka talaga day!! kala ko ba naniniwala ka sa akin na walang aswang, tapos hihiritan mo ako ng ganyan!!” asar ko na namang tugon
Medyo sumimangot si Toni at halatang sumama ang loob sa aking sinabi. Nagdadabog itong pinagpatuloy ang pagwawalis at hindi ako pinansin. Nahalata ko naman na nagtatampo siya kaya’t hindi ako nakatiis at pumayag na rin ako.
” Sige na nga! kundi ka lang malakas sa akin!” pagsang-ayon ko para mawala ang simangot ni Toni sa akin
Napatingin siya sa akin at similay ang ngiti sa kanyang manipis na labi.
“Salamat kuya Icko! Ambait talaga ng kuya ko!” tuwang tuwang pambobola pa ni Toni at napayakap pa sa akin sa labis na kasiyahan.
Matapos pa ang ilang usapan ay tumuluy na ako sa aming bahay.
Habang nag-aaral ako, naiisip ko ang pinsang buo kong si Toni. Nanghihinayang ako sa kanya, matalino naman siya pero hindi na naipagpatuloy ang pag-aaral dahil sa napasubo sa maagang pag-aasawa. Sa idad na labing pito, ito ngayon at dalawang buwan nang buntis! Tsk, tsk, parang ayaw na niyang mangarap na umalis sa baryo namin, hindi tulad ko pursigidong matapos sa kolehiyo.
Naiisip ko naman ang asawa niyang si Carlos, mabait naman ito at sa idad na beinte-tres ay pursigido ring makapag-abroad, siguro dahil sawa na sa pagiging magsasaka. At lalong hindi ko masisisi si Carlos nang hindi na pakawalan si pinsan, eh kasi naman, si Toni ang pinakamaganda sa aming lugar, balingkinitan at kahit na morena ay makinis naman ang balat. Maraming binata ang nangligaw sa kanya at swerteng si Carlos ang nakasungkit!
Hindi hamak naman na magandang lalaki ako kung ikukumpara kay Carlos, siguro kung ako nanligaw sa pinsan ko eh tiyak ako ang sasagutin non! Kya lang problema eh pinsan ko sya eh!
Natigilan ako sa pag-iisip nang maalala kung buntis si pinsan, naging malisyoso ako. Oo nagagandahan ako sa pinsan ko pero hanggang doon lang dapat yun, hindi dapat haluan ng pagnanasa!
Magtatakipsilim na nang magpaalam ako sa aking ama’t ina, tungkol sa hiling ni Toni na samahan ko siyang matulog sa bahay nila. Hindi naman nag-atubiling pumayag kaagad sila.
Nagkwentuhan muna kami ni Toni ng kunti at pagkatapos pinasya na naming matulog. Sa salas ako nagbanig at siya naman ay sa kwarto nilang mag-asawa.
Lumipas ang mga oras, nasa kahimbingan ako ng tulog nang maramdaman kong parang may yumuyugyog sa aking balikat, napadilat ako
“O Toni bakit?” tanong ko kay Toni na gumigising pala sa akin
“Kuya, parang may kumakaloskos sa bubong! Natatakot ako! baka aswang na yan!!’ bulong niya sa akin
Senenyasan ko si Toni na tumahimik at binuksan ko lahat ng ilaw. Kinuha ko ang gulok sa kusina at lumabas ako na dala pati ang flashlight.
Dahan dahan akong lumapit sa lugar na may kumakaluskos, at nang sigurado na akong doon yon, ay agad kung tinanglawan ng ilaw! Ay sus ginoo dalawang pusa lang palang naglalampungan!