Ano ka ba? since high school mo pa pinagpapantasyahan si Cass ayaw mo pang diskartehan.
Pano ba naman, nung high school kami ay sinubukan kong diskartehan si Cass, kaso supalpal agad ako, di pa nakakapag umpisa.
Tandang tanda ko pa yung pangyayaring yun.
Hi Cass, bungad ko sa kanya.
Hoy lalake, ako nga ay lubay lubay lubayan mo, di porke’t sikat ka, at maraming babaeng may gusto sayo eh pati ako ay mahuhumaling sayo! Iba na lang landiin mo, wag ako, marami pa kong pangarap sa buhay. Sabay alis at naiwan akong nakayuko.
Pagkatpos ng pangyayaring yun, nabago ang buhay ko. Mabilis akong magpalit ng girl friend, syempre di ko binibitawan ng di ko natitikman.
Ako nga pala si Jamiir De Leon, Di naman sa pagmamayabang ay may itsura naman ako. Anak ng isa sa pinaka mayamang tao sa bansa.
Lahat na siguro ng luho at pangarap ng ibang tao ay meron ako, pero parang kulang talaga. Si Cass!
Kahit ilang babae dumaan sa buhay ko, ewan ko ba at di ko makalimutan ang babaeng yun.
Oo aaminin ko, maganda sya, sexy, sa tingin ko 36-25-35, panalo talaga, mukhang koreana, balita ko kasi ay Koreano ang lolo nya. Sa tingin ko sa mga artista o model sa atin ay si Jinri Park ang kahawig nya.
Working student si Cass, Hindi mayaman sila Cass, or should I say hindi na mayaman, nalugi kasi ang negosyo nila nung bata pa sya.
Kaya lang ditto pa rin sya nag aaral sa mamahaling university ay dahil scholar sya, at ayaw din syang ilipat ng nanay nya, kasi ay gusto daw talaga nila na makatapos si Cass sa magandang eskwelahan para kahit di nila naibigay ang marangyang buhay, magkaroon man lang ng magandang edukasyon.
Stalker yata to ni Cass kaya alam ko ang mga bagay na yan.
Isang araw, habang naglalakad kami ni Raymond sa university ground, natawan naming si Cass na nag iisa sa bench, lagi naman syang nagiisa, pero iba ang araw n…