Karl: Kath, update mo ako kung asaang lugar ka na. Para ma guide kita yung way papunta sa venue.
Ako: Sige. Basta yung usapan naten huh. Hindi ako mag jojoin. Inom lang ako. Gusto ko lang mapanood kung paano nangyayare yung ganun. At yun din ang usapan namin ni Sam. Clear?
Karl: Yes, madaam! Maliwanag pa sa buwan. Pag assure naman sa akin ni Karl.
Ako: Okay. See you then. Bye!
Alas kwatro pasado na ng umalis ako sa office para bumyahe papunta sa venue. Nag update na din ako kay Sam na kinabukasan na ako makakauwi. Pumayag naman sya. For my own safety na din. Nag update na din ako kayna Karl at Fhae na on the way na ako. Before 6pm, malapit na ako sa Q.C. Saka ulit ako nag update sa mag asawa..
Ako: Fhae, nandito na ako sa may caltex na sinabi nyo na babaan ko. Saan na ako pupunta?
Fhae: Sige. Dyan ka lang. Papasundo kita kay Karl.
Ako:Okay sige, salamat.
Mayamaya ay nakita ko na ang motor ni Karl.
Karl: Hi Kath! Ui, sexy naman. Ang sarap mo talaga damitan.. Hehe
Ako:. Nye. Ano ka bading? Joke. Ano, san na tayo? Basta usapan ay usapan huh. Pag pinilit nyo ko, bukod sa hindi nyo mapipilit, friendship over. Okay?
Karl:. Copy madaam. Tara na.
Sumakay na ko sa motor nya. Mga 15 minutes lang ay andoon na din kame sa venue. Isa pala syang hotel. Buong 5fth floor ang kinuha nila.
Ako: Karl, paano mangyayare pag ganyan. I mean, hindi naman pwedeng lahat sa isang room lang diba?
Karl: Oo. Kaya nga buong floor e. Lahat ng susi ng bawat room dito, hawak namin ni Fhae. Tapos may designated room lang na meetup kapag may nadating. Usually hindi naman lahat nadating. Tapos dun sa designated room na yun doon ang inuman at games.. Tapos pag may gusto na magplay, bibigyan ng susi dun sila pupunta.
Ako: Ai ganon. Okay. Gets.. So hindi naman pala sya isang room. Para kasing mxadong crowded.
Karl: Hindi naman. Chaka for sure, madaming di makakarating. Swerte na kung may 50%.
Ako: Talaga? Eh paano yung nagastos nyo dito.
Kaya nga may chip in na tinatawag. Minsan, hindi sumasapat. Abonado kame, pero ang purpose naman dun is magkakilanlan lahat eh. Kaya carry lang. Si Fhae na nasa likuran na namin..
Ako: Ikaw pala yan. Saan ka galing?
Fhae: Doon sa room naten. Tara. Doon tayo. Para mamaya pag gusto mo na magpahinga, pwede ka doon. Walang ibang pwede pumasok don kundi tayo apat.
Ako: Apat? Sino yung isa? Pagtataka ko naman.
Karl: Relax.. Si Sheena yun. Friend ni Fhae na buntis. Ka group din namin ang tatay ng bata.
Ako: Oh, I see. Senxa naman. Basta usapan ha..
Fhae: Oo na. Trust me. Okay..
At pumunta na nga kame sa room na yun. Dalawang kama ang nandoon. Inabutan nga namin si Sheena na nakahiga at nanonood ng tv. Bigla naman sya tumayo nung pumasok kame. Ipinakilala namam kame ni Fhae sa isat isa. Medyo napapansin ko na hindi naalis sa akin ang paningin ni Sheena. I dunno. Maybe she doesn’t like me, or nasusungitan sa awra ng mukha ko. Hindi naman nagtagal ay nagpaalam sa amin ang mag asawa.
Marl: Sheena, baba lang kame ni Fahe ha. Ayusin lang namin yung setup. Tapos sunduin na din namin yung ibang dumating. Andoon lang kame sa room 301, doon na din mag stay yung mag dumating. Andoon na din yung alak, and stuff. Pwede na kayo pumunta doon. Text kita kapag andoon na kame. Paki lock na lang netong room na to para mamaya pag gusto nyo na magpahinga, asa inyo na ang susi. Baka hindi na namin kayo maxadong maintindi mamaya eh. Okay? Ikaw na din muna bahala kay Kath. Kath, kwentuhan lang muna kayo ha. Kita tayo maya.
Fhae: Kath, mabait yan si Sheena. Nangangain nga lang yan. Charot..
Sheena. Loko ka talaga Fhae. Mamaya matakot yan sa akin, hindi na yan magpakain. Este makipagkwentuhan pala. Hehe..
Nagkatawanan naman ang lahat. Sa wakas. Nabasag na din ang pader na nasa gitna namin ni Sheena. Medyo magaan na ang loob ko sa kanya at feel free nako na makipagkwentuhan.
Ako: Ahm, matagal ka na sa community? Panimula ko na tanong..
Sheena: Mag 3 years na din. Sa ganito ko nakilala tatay netong nasa tyan ko. Kaso nag disappear eh. Pero may partner ako ngayon. Dito din sya sa group. Mamaya mamemeet mo sya. Ikaw.. Ngayon lang kita nakita ah. Hindi ka din nababanggit nina Karl. Kanina lang nung dumating ako dito. Sigurado, apple of the eye ka nyan mamaya. Bago ka lang?
Ako: Oo. Actually di pa naman as in certified member.. Curious lang. Chaka may partner ako. Kilala din sya nila Karl. Kaso hindi sya nakasama e.
Sheena: I see.. Pero naka try na kayo ng play.
Ako: Oo. Sina Karl nga. Pero once lang. Gusto ko lang talaga malaman kung paano nangyayare yung eyeball.
Sheena: Ah, well masaya naman. Para ka lang makikipagkita sa long lost friend mo. Normal bonding. Inuman. Kwentuhan. Games. Mag eenjoy ka for sure.
Ako: Hehe.. Tanging tawa lang ang naisagot ko sa kanya. Hanggang sa tumunog ang telepono ni Sheena. Si Karl. Pwede na daw kame pumunta doon sa room. Nagayos ako ng kaunti. At sumunod na din kay Sheena. Dinala ko na din ang bag ko. Para if ever na gusto ko umuwi ng maaga, hindi ko na sila gagambalain pa. Pagpasok namin sa kwarto, may tatlong babae at dalawang lalake na ang dumating. Isa isa naman nila akong pinakilala sa kanila. Si Sheena naman ay may ilan ng kilala sa kanila. Tulad ng kwarto kung saan kame galing, dalawa din ang kama na andoon. May tv din at aircon. May isang lamesa na nasa harap kung saan andoon ang mag inumin at pulutan. Habang natakbo ang oras, unti unti ng nadating ang mga dumalo.
Karl: Guys, medyo gumagabi na. Tutal madami dami na din tayo dito, okay siguro kung simulan na din naten ang inuman. Tapos games tayo. Join join na lang yung ibang dadating pa.
Fhae: Game..
Hindi ako nasabay sa inuman. Hindi kasi ako masyadong nainom ng hard. At si Sheena, hindi din naman sya nainom. Kaya kame lang halos ang nagkkwentuhan. May pailan ilan na tumitingin sa akin sabay bulong kay Fhae o kay Karl. Pero halos lahat iling lang ang sagot ng mag asawa. Siguro dahil bago ako paningin nila. May isang lumapit sa akin para kunin ang number ko.. Pero tinawag sya agad ni Fhae. Sabay kamot lang sa ulo ang naging tugon ni kuya. Isa sa mga bisita ni Karl, beer nag iniinom. Si Tres. Itinuro ako ni Tres sabay kaway sa akin ni Karl..
Karl: Kath, si Tres pala. Nurse namin ni Fhae. Nagtrabaho sya sa isang hospital dito din sa Manila.
Tres: Hi! Nice to meet you, Kath!…