“Oo naman, sis..sinong hindi makakaalam sa storya nun eh..sikat naman din yan si”
“Oy, wag mo na ituloy, baka mawalan tayo ng trabaho sa pagkachismosa mo”
“Gaga, hindi naman yan chismis, sis pero sige maya na lang tayo mag usap. Workmode muna”
Marahil ay masyado lang akong abala sa pagtype para sa mga deadlines mamaya pero kanina pa ako nakikinig sa mga bulongan sa mga katabi kong cubicles. Masyadong mainit ang balita para di ipagkalat. Matatabil man o tahimik, lahat sila ay nagsalo salo sa balitang kaninang alas syete ng umaga sumabog.
Alas dos na ngayon. Ilang oras na lang ay makakauwi na rin ako. Masyado akong napagod kagabi buti na lang nakauwi pa ako ng buhay. Ang sakit nang likod ko. Kailangan ko na ring tanggalin ang tattoo sa likod.
“Miss Cabrera, ” ani nang secretary ni Mrs. Buenaventura”
Medyo nanginig ang kalamnan ko pero hinarap ko ito.
“Tapos ka na po ba sa files, miss. Mag aalas singko na po kasi”
“Ay, My apologies. I’m about to send it in via email pero pwede ko naman ding iprint” I smiled genuinely. I’m fucking sure that she’s also one of the victims of that fucker.
“I see. Kindly send it to email, miss, ako na lang bahala magprint pasensya na po sa abala.” She smiled shyly and walk past by me to go ahead with her direction.
Ilang minuto na lang ay makakauwi na rin ako. Habang abala ko sa paglilinis sa desk ko ay nakarinig ako ng sigaw mula sa office ng asawa niya. Nagtinginan ang lahat ng mga empleyado sa direkyson ng office. Maririnig mo ang mga sigaw, iyak, hagulgol at mga tunog ng pagkabasag sa mga gamit.
Gulantang ang lahat. Masyadong mabait ang asawa para mag amok ng ganyan.
“Tangina ka Paolo! TANGINAAA KA!” sigaw ng asawa nito. “Gago ka, binigay ko lahat lahat sa iyo. Gaganituhin mo lang ako”.
Tumaas ang kilay ko. “Nakauwi na pala ang gago, nakapasok na rin sa opisina” sa isip ko at pumila para sa biometrics. Masyadong pagod ang aking mga paa at bibig para makipag chismis.
“Grabe naman, siguro hihiwalayan na talaga ni madam si sir ano”
“I didn’t know, our boss can act like that here”
Iilan lamang sa mga komentong aking narinig habang binabaktas ko ang hallway. Eto yata ang first time kong makaramdam ng nerbyos sa ginawa ko, pero nawala naman ito sa alaala ko sa kapatid kong isa sa kanyang minolestya.
I smirked and went out of the office hanggang sa nakalabas ako ng building. Masyadong masikip ang trousers sa akin. Buti na lang ay sleeveless ang aming uniform at trousers. Hindi ko kailangang lagyan ng concealer ang mga pasa ko sa braso. Punyetang gago, ang lakas ng trip. Buti na lang talaga, tapos na ako sa kanya.
Makalipas ang halos isang oras sa paghihintay at pagbyahe ay nakauwi rin naman ako ng buhay. Wala na naman si mama, nasa sugalan na naman or baka kila lola. Wala din pala si itay, baka nasa trabaho pa. Wala pa rin ang aking kapatid, buti na lang ay tinext ako na malalate dahil sa school project.
Kumain lang ako ng kanin at natitirang adobo na nireheat ko na lang at kinain. Nagshower at kinuha ang isang cellphone sa aking kabinet….