GRETCHEN HO SPECIAL REPORT: The Legend Mang Kanor (Ang Original na Hokage)
By Yes Man
Part 2
Gamit ang kanyang van, tinatahak ngayon ni Gretchen ang isang dirt road sa isang probinsya sa parteng hilaga ng Luzon. Ayon sa isang impormasyon na kanyang nakuha ay meron posibilidad na dito nagtatago si Mang Kanor.
Madami na ding beses na ginawa ni Gretchen na tungunin ang isang lugar na maaring pinaglalagian ni Mang Kanor na palagi namang mali o hindi totoo. Kaya naman hindi masyado umaasa si Gretchen sa kanyang lakad na ito. Ganun pa man ay nagbabakasakali na din ang dalaga dahil hindi naman niya malalaman kung tama o mali ang impormasyon kung hindi niya ito pupuntahan.
Kahit meron si Gretchen na personal driver, hindi nya ito ginagamit kapag ang lakad niya ay may kaugnayan kay Mang Kanor dahil nadin sa tingin niya na sensitibo ang bagay na ito at baka hindi ito maintindihan ng ibang tao kung bakit niya ito ginagawa.
Hindi pa naman masyado kalayuan nang pasukin niya ang dirt-road na ito mula sa main road nang may makita si Gretchen na bahay sa parteng kaliwa ng daan na tumutugma ang itsura sa impormasyon na kanyang nasagap. Inihinto ni Gretchen ang kanyang van sa may tapat ng naturang bahay at nagmasid-masid sa paligid nito.
Nakita nya na merong nakaparada na isang kotse na meron ng kalumaan ang modelo sa may tabi lang ng bahay na gawa karamihan sa kahoy pero may parte din na gawa sa hollow-blocks at semento.
May pag-aalinlangan na bumaba ng sasakyan si Gretchen dahil ilang na lugar na ito. Meron din siyang ibang bahay na nadaanan pero may ilang daan metro din ang agwat ng mga ito. Napapaligaran ang lugar nang kakahuyan.
Madahan na naglakad patungo sa bahay si Gretchen at tumawag ng ‘Tao po’ ng nasa tapat na siya nito. Ilang bese din itong ginawa ng dalaga pero walang sumasagot. Naisip na ni Gretchen na baka walang tao, nang meron lumabas sa may gilid ng bahay.
“Ano po iyon?” Tinig ng isang lalake. Nakita nito ang isang magandang dalaga na nakasuot ng puting tank-top at fitted length pants.
Nilingon ni Gretchen ang pinangalingan ng tinig at nakita niya ang isang matandang lalake na nakasando na pangbahay at lumang maong na shorts. Magtatanong sana si Gretchen ngunit natigilan siya sa kanyang sasabihin ng magrehistro na sa kanya kung sino ang lalakeng papalapit sa kanya.
‘Ano po kailangan nila?’ Tanong muli ng matandang lalake.
Kailangan pa ni Gretchen ng ilang segundo para makahanap ng lakas para muling magsalita.
“Mang Kanor?…..” Nang magawa na ni Gretchen makapagsalita.
Meron bumalot na katahimikan sa paligid. Hindi na alam ni Gretchen kung ano ang susunod na sasabihin ngayong kaharap na niya ngayon si Mang Kanor, ang Original na Hokage.
“Tuloy po kayo, dito po tayo mag-usap” Magalang na tugon ng lalake kahit hindi nya sinagot ang tanong ni Gretchen na kung siya nga si Mang Kanor.
“Salamat po….” yun nalang ang nasagot ni Gretchen sa paanyaya ng matandang lalake na pumasok sa kanyang bahay. Hindi man sinagot ng lalake ang kanyang tanong, alam ni Gretchen na natagpuan na niya si Mang Kanor.
Sa pagpasok ni Gretchen ay agad na gumala ang kanyang mga mata sa itsura ng loob ng bahay. Sa pagpasok ng pinto ay meron na agad katapat na hagdan na meron lang ilang baytang na tumbok ang sa tingin nya ay ang kwartong tulugan. Dahil hindi ito kataasan kaya alam niyang may silong ang bahay na ito sa ilalim ng kwarto. Sa tabi naman ng kwarto ay merong kahoy na lamesa na dikit ang ang pwesto sa ibaba lang kwarto. Meron ding dalawang pahabang kahoy na banko ang lamesa na nakapwesto sa isang dulo at sa kahabaan nito. Sa may dulo naman nang pasukan ay makikita ang maliit na kusina at hugasan. Meron isang pinto sa tabi ng kusina na sa tingin ni Gretchen ay ang banyo. Nakita din ni Gretchen na meron refrigerator kaya alam niyan may kuryente ang bahay. Sementado ang lugar na kanyang kinakatayuan pero kahoy naman ang lapag ng kwarto. Gawa sa kahoy ang dingding bahay, maliban sa parteng kusina at sa may parte ng banyo na gawa naman sa konkreto.
“Oh iha, upo ka muna at uminom ng tubig at baka ikaw eh nauuhaw” Alok ni Mang Kanor ng ilapag niya ang isang pitsel ng tubig at baso sa lamesa na kalapit ni Gretchen.
“Ay salamat po” Sagot ni Gretchen nang umupo ito at nagsalin ng tubig sa baso.
“Ah iha ano nga ba ang pakay mo sa paghahanap sa akin?” Tanong ni Mang Kanor nang makainom na ng tubig si Gretchen.
Matagal nang nagtatago si Mang Kanor at kampante siya na wala nang naghahanap sa kanya ng sa isip niya ay kinagat ng madla ang palabas niya na siya ay sumakabilang buhay na. Ginawa niya ito sa kadahilanang ayaw niya talagang matagpuan ng mga authoridad na magreresulta ng kanyang pagkakalaboso.
Pero sa mahabang panahon na pagtatago, naging lubos na malungkot ang kanyang buhay. Ang pinalabas niyang kwento na inatake siya sa puso sa labis na kalungkutan ay parang mapupunta din sa katotohanan. Kaya sa paglipas ng panahon parang merong namumuo sa kanyang pagnanasa na sana meron din makatagpo sa kanya. Hindi nya alam lubusan kung bakit pero iyon ang kanyang nararamdaman. Kaya nang makita niya kanina si Gretchen ay parang nasagot na din ang kanyang tahimik na panalangin.
“Ako nga po pala si Gretchen Ho, nagtatrabaho para sa ABS-CBN” pagpapakilala ni Gretchen.
Mula doon ay nagsimula na ang kanilang kwentuhan. Nasabi ni Gretchen kay Mang Kanor ang kanyang idea noon na may posibilidad na pineke nya lang ang kanyang pagkamatay para makaiwas sa pagtugis ng mga authoridad. Naikwento din ni Gretchen ang kanyang mga pinagdaanan na hirap sa paghahanap sa kanya.
Sa parte naman ni Mang Kanor ay sinabi niya ang lungkot ng kanyang buhay sa pagtatago at ang kanyang kagustuhan na din na lumabas at mailahad ang kanyang pagsisisi sa kanyang nagawa.
Nang magtagal ay nakumbinsi din ni Gretchen si Mang Kanor sa isang interview na kanilang ire-record ngayon sa bahay mismo ng matanda. Ang plano ni Gretchen ay ipakita ito sa management ng ABS-CBN bilang patunay na buhay si Mang Kanor. Dahil biglaan ang interview na ito, maari pang magkaroon ng isa pang follow-up interview para mas maging detalyado at pulido ang pagkakagawa. Ito ay kung gugustuhin ng management na ituloy ang istoryang ito ni Mang Kanor.
Sinabihan ni Mang Kanor si Gretchen na ipasok na muna ang van ng dalaga sa kanyang bakuran para hindi maging sagabal sa mga paminsan-minsan na sasakyan na dumadaan sa hindi sementadong daan. Nang maipasok na ni Gretchen ang kanyang sasakyan ay saka nya kinuha ang mga gamit na kakailanganin sa interview tulad ng camera, laptop at notebook na din.
Naka set-up ang interview na si Gretchen ay nakaupo sa isang bangko sa may dulo ng lamesa at si Mang Kanor naman ay nakaupo sa isa pang pahabang bangko na malapit sa bintana sa may tapat ng lamesa. Nakapatong sa lamesa ang DSLR camera ni Gretchen na may gorillapod tripod na nakatutok naman kay Mang Kanor. Nakapatong din sa lamesa ang iba pang gamit ng dalaga.
Sa simula ay sinabihan ni Gretchen si Mang Kanor na magpakilala sa harap ng camera at magsabi ng kaunting background tungkol sa sarili. Sumunod ay tinanong ng dalaga kung paano nakilala ni Mang Kanor si Jill Rose at ano ang naging relasyon nila.
Ganun nga ang ginawa ni Mang Kanor, nagpakilala siya ng kangyang sarili at nagk…