Dahan dahan lumapit ang lolo ni adrian, inihahanda ang sarili sa mga susunod na pangyayare. Tinapik nya sa balikat ang apo na blanko at halos nakatulala na sa kanyang lolo. Nag simulang ikwento ni lolo ang mga pangyayare, hinanda ni adrian ang sarili sa katotohanan..
Lolo: apo limang taon ang nakalipas, simula ng lisanin mo ang ating baryo para makipag sapalaran sa maynila , araw araw nag antay si carla sa iyo sa dalampasigan sa may kubo, araw araw matyaga syang nag aabang simula pag sikat ng araw hangang sa paglubog nito. Dumadaan ako rito talagang pansin ko kay carla ang pananabik at kasiyahan , ang lagi pa nyang sinasabe ay babalik ka nangako ka sa kanya.
Adrian: opo lolo alam ko.. lagi nga kame nag kwekwentuhan doon diba sinabe ko na sa inyo magkasama nga kame kagabe , bakit ba parang iba ang punta ng kwento nyo..
Hindi na napigilan ng lolo ni adrian na maluha at yumakap sa apo, ng makabawi ng lakas ang lolo ni adrian bumalik ito sa kwento.
Lolo: apo makinig ka sakin, totoong mahal ka ni carla , kahit na hindi nya ipag sigawan ay ramdam namin.. 4 na buwan makalipas ang pag alis mo napansin namin na andon padin si carla sa kubo kung san ka nya inaantay ngunit may napansin kaming kakaiba, lage syang nanahi ng damit pambata bakas sa mga labi nito ang ngiti na nung una ay hindi namin maintindihan.
Adrian: …. ( tahimik si adrian na nakinig sa lolo nya)
Lolo: may isang beses pa nga na naka kwentuhan ko sya , at tinanong kung para kanino ang mga hinahabi nyang damit at wala namn syang nakababatang kapatid. Tanging ” sekreto po ito lo pero sinisigurado ko na ikakatuwa nito ni adrian at ng pamilya nyo.. nung una ay hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni carla..
Hangang isang araw..
Adrian: lo handa nako ituloy nyo , gusto ko ng maliwanagan..
Lolo: isang umaga sumugod si ka pedring dito sa ating bahay, tila ba may demonyong sumapi sa kanya at nag mamaoy na sumugod dito sa atin , at nangakong kahit kelan ay hindi matatanggap na ikaw adrian ang makakasama ng kanyang anak pang habang buhay ..kahit pa itago ang supl…
Adrian: supling?!! .. lolo ama na ako !!kelangan ko makita si carla ngayon na bakit tinago nya sakin etong magandang balita na to ( halos tumalon si adrian sa tuwa sa pananabik) ..
Lolo: apo makinig ka! (Hindi na napigilan ni lolo na umiyak)
Adrian: lolo?..
Lolo: ng sumugod si ka pedring dito nanindigan sya na itago sayo ang supling at balak na ilayo si carla sayo, halos 2 buwan namin hindi nakita si carla sa kubo malapit sa dalampasigan hangang sa magulantang ang buong brgy sa isang masalimuot na insidente ..
Adrian: insidente?..
Lolo: oo apo , tantya ko ay 5 buwan na ang bata sa sinapupunan ni carla, bumalik si ka pedring dito sa bahay hinahanap si carla na kinagulat namin ng lola mo.
Hangang sa namataan namin si kagawad jepoy na tumatakbong lumapit sa amin , tandang tanda ko pa ang araw na iyon apo.
” LINGGO NG HAPON , ISANG MAULAN NA ARAW, LUMAPIT SI KAGAWAD SA AMIN NI KA PEDRING. TANGING PANGALANG CARLA AT TINURO ANG DIREKSYON NG KUBO”
lolo: dali dali kaming tumakbo ni ka pedring sa kubo, madaming tao .
May kutob nako kung ano ang ngyare ngunit pilit kong iniiba ang nasa isip ko..
Tama ang aking hinala , nakaluhod si ka pedring nag susumamo kay bathala walang ingay ang iyak pero bakas ang hagulgol sa ama ni carla.
” NAABUTAN NAMIN ANG BANGKAY NI CARLA HUBO’T HUBAD , BIYAK ANG TYAN AT NAKALBAS ANG ISANG MUNTING ANGHEL”.
Sa mga oras na iyon, bumagsak sa sahig ang katawan ni adrian. Nanlambot ang mga tuhod neto, lumabo ang buong paligid pinipilit na kumbinsihin ang sarili na isa lamang itong bangungot na kelangan nyang magising, sinuntok suntok nya ang sementong sahig ngunit ramdam nya ang sakit, hangang sa tumulo ang luha sa mga mata nya pero matigas padin na nanindigan na buhay si carla.
Adrian: nagkakamali ka lolo! Magkasama kame ilang araw na makalipas ! Hin..di ya..n to..to.o ( hagulgol ng binata)
Lolo: kumalma ka apo ( yakap nito sa binata) matapos ang incidente hindi nakayanan ng ina ni carla ang ngyare at nag pakamatay ito, at si kanpedring ay sinunog ang bahay nito , alam kong nakita mo si ka pedring na lasing , araw araw gabe gabe sya nag pupunta ss kubobkung saan natagpuan ang bangkay ni carla..
Adrian : lo hindi yan totoo , lo ang anaak ko lo ( hagulgol ni adrian) ..
Dito na parang biglang bumagsak ang sakit ng realidad kay adrian, at nag simula ng mag iba ang mga alaala nya.
Nung marating nya ang baryo naalala nya ang babae sa arko ay si carla , ang dating ngiti na naalala nyang nakita ay napalitan ng muka na puro pasa , ang babaeng laging kausap sa dalampasigan na laging maaliwalas ang kasuotan ay biglang nag iba sa kanyang alaala na parang nawala sa malalim na hypnotismo, isang babae na duguan at may biyak sa t…