Hamon Ng Pagnanasa

Ang Simula…

Limang taon na ang nakalipas matapos ang di inaasahang pagpanaw ng ama ni Scarlet. Isang aksidente ang kumitil sa buhay nito habang papauwi galing opisina. Naiwan silang mag ina noon na nagluluksa at di makapaniwala sa sinapit ng haligi ng kanilang tahanan. Tanggap na nilang mag ina na dalawa nalang silang magkasama sa buhay at patuloy na iikot sa takbo kung saan man sila dalhin nito.

Ang buong akala ni Scarlet ay magiging masaya pa rin ang kanyang buhay kasama ang kanyang ina, na sa kanya na lamang nito ibabaling ang atensiyon at oras, na magiging matatag at bubuin nilang muli ang dating masayang pamilya nila kahit na sabihin pang kulang na ng isang bahagi ang kanilang pamilya.

Nagbago ang lahat ng muling bumalik sa buhay ng kanyang ina si Diego, ang naging unang kasintahan nito at ang una nitong pinagkalooban ng pagmamahal. Sa pakiramdam ni Scarlet ay parang inagawan siya ni Diego ng pagmamahal ng ina na dapat ay sa kanya na lamang nakatuon, sapagkat siya na lamang ang natitirang kasama nito sa buhay buhat ng mawalan ito ng asawa. Kaagaw sa atensiyon at kaagaw sa pagmamagal, iyan ang tingin niya kay Diego, ang bagong asawa ng kanyang ina.

Hindi niya kailanman naisip na muling magpapapasok ng panibagong lalake sa buhay nito ang kanyang ina. Oo naman, hindi niya maitatanggi na hindi pa naman napaglilipasan ng panahon ang kanyang ina sapagkat maaga itong na biyuda subalit hindi pa ba sapat ang kanilang buhay na sila lang dalawa o sa darating na panahon ay ang buhay kasama niya at magiging mga apo nito sa kanya.

Walang pagpapahalata si Scarlet sa nararamdaman niya sa biglaang desisyon ng kanyang ina sapagkat ayaw niyang magkaroon sila ng di pagkakaunawaan. Pero di niya maitatanggi na ang lalakeng ito talaga ang magiging balakid sa gusto niyang buhay kasama ang kanyang ina, na maging masaya sila. Si Diego na wala namang kasalanan kung di ang buhayin muli at ibigay ang naunsiyaming pag iibigan nila noong kabataan nila.

Ilang mga linggo pa ang nakalipas ay kasama na niya sa iisang bubong ang lalakeng sa tingin niya ay hindi niya kailanman matatanggap bilang bahagi ng kanyang pamilya. Pinapansin siya nito ngunit para lamang itong anino para sa kanya na dadaan daanan at bibigyan ng konting pansin ay tapos na.

Ngunit paano kung sa pagdaan ng panahon ay hindi niya maitago sa sarili ang katotohanan na may nag aapoy na pagnanasa siyang nararamdaman sa lalakeng tinuturing niyang kaagaw at di niya magawang tanggapin o makipagkasundo man lamang, na hindi niya magawang pigilan ang sarili na sa tuwing makikita niya ang katakam takam na kakisigan ni Diego ay may namumuong init sa kanyang katawan.

Nadadarang siya at napapaso sa tuwing mapapalapit o madidikit man lang sa lalakeng ito. Punong puno ng apoy si Diego at unti unting nasusunog ang pakiramdam ni Scarlet dito. Alam niyang nang dumating si Diego sa kanilang buhay na mag ina ay nagdala ito ng apoy na maaaring makatupok sa kanila o sa iba pang tao na mapapabilang sa kanila…

Ipagpapatuloy…