Hapdi Ng Katotohanan

Ang kuwentong ito ay hango lamang sa aking malikot na kaisipan, ano mang bagay, pangalan, lugar o pangyayari na nahahantulad sa iba ay nagkataon lamang at hindi sinasadya.

Dahan-dahan, maingat ang mga paa sa paghakbang upang hindi makalikha ng ano mang ingay habang paakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay, habang papalapit sa pinaka mataas na hakbang ng hagdanan ay lalong lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib na parang sasabog, halos mahilo siya sa dami ng pumapasok sa kanyang isipan.

“Sana mali ako…Lord please sana po mali ako..” Sa isip nya nang marating niya ang ikalawang palapag.

Ilang sandali siyang huminto habang nakatitig sa nakapinid na pintuan, halos hindi niya maihakbang ang mga paa papalapit dito pero nagawa niya, nanginginig ang kamay na kinuha ang sariling susi…dahan dahang ipinasok sa seradura.

Huminga siya nang malalim sabay unti-unti ay ipinihit niya ito para bumukas…at nang may sapat nang espasyo para sa kanyang ulo ay maingat siyang sumilip sa loob ng silid.

Halos panawan siya ng ulirat sa kanyang nasaksihan, nag-unahan sa pag-agos ang kanyang mga luha, kinailangan niya pang takpan ang kanyang bibig upang pigilan ang paghagulgol…parang sasabog ang kanyang dibdib…sapagka’t nasaksihan niya ang pinaka masakit na pangyayari sa kanyang buhay.

Kung paanong maingat niyang binuksan ang pintuan ay ganoon din niya isinara ito, kung ano ang ingat niya sa pag-akyat sa hagdanan ay ganoon din niya tinahak ito pababa hanggang sa makarating sa sala, lumabas siya ng bahay, hindi niya na nagawang isara ang pintuan..basta naglakad siya habang patuloy sa pag-agos ang mga luha.

“Bakit…bakit…?” Sa isip niya habang patuloy sa pag-iyak.

Hanggang makarating siya sa isang bahay, sa pintuan ay may nakaabang sa kanya at sa paglapit niya dito ay kusang bumuka ang mga braso nito upang siya ay yakapin. Ginantihan niya ito ng yakap, mahigpit na mahigpit, isinubsob niya sa leeg nito ang kanyang mukha at patuloy na humagulgol.

Nang makapasok sa loob ng bahay ay patuloy parin siya sa paghagulgol, iniwan siya ng sumalubong sa kanya upang ikuha siya ng maiinom pero huli na dahil isang sigaw ang kanyang pinakawalan at nagdilim na ang kanyang paningin.

Limang taon na ang nakaraan…..

“Des tara na baka ma late tayo..kayo talagang mga babae ang bagal kumilos kainis!” Nag gagalit-galitang sabi ni Dan sa kanyang matalik ba kaibigang babae.

“Oo na heto na kala mo naman mawawala yung jowa mo.” Natatawang sagot nito sa binata habang pababa ng hagdanan.

“Ma alis napo kami ni Dan!” Pasigaw na paalam nito sa ina.

Mula sa kusina ay lumabas ang kanyang ina at agad namang nag bless dito si Dan.

“Alis napo kami Tita.” Magalang na paalam nito sa matanda.

“O sige mag iingat kayo ha.”

“Opo Ma wag ka mag-alala mag iingat kami ng future manugang mo hihi!” Biro ni Des sabay abre-siete sa braso ng binata.

“Landi mo talaga anak! O siya alis na kayo, mag-ingat ha.”

“Opo.” Sabay na sagot ng magkaibigan at lumabas na sila ng bahay.

“Bagalan mo naman lakad mo Dan baka naman madapa ako.” Angal ng babae dahil sa bilis ng lakad ni Dan.

Halata dito ang pagmamadali, halata ang kahalagahan ng pupuntahan, pero inaalalayan niya pa rin ang kanyang kaibigang babae, ang kanyang matalik na kaibigan na kasama niyang lumaki mula pagkabata.

Sa wakas ay narating na nila ang sadya, kita ang magagarang sasakyan na nakaparada sa maluwag na kalsada, marahil ay hindi na nagkasya sa malaking garahe sa loob. Nakangiting pumasok sila sa nakabukas na mataas at malaking gate, dumiretso siya sa guard house at hinanap si Mang Nards.

“Mang Nards kamusta? Nagsimula na po ba?”

“Uy Dan kaw pala, hindi pa pero malapit na tumawag sa’kin si Ma’am dumiretso daw kayo sa likod nandun si Nana Tess.” Sagot ng matandang security guard ng pamilya Ferio.

“Sige kuya salamat ha.” Sagot ng binata sabay hatak sa kamay ni Des at nagmamadaling nagpunta sa likod ng malaking bahay.

Sa likod, sa bandang kusina ay agad niyang nakita si Nana Tess, ang pinaka matagal na katiwala/mayor doma ng pamilya. Nang makita siya nito ay agad silang hinatak papunta sa maids quarter.

“Bakit ngayon lang kayong dalawa? Bilis magbihis na kayo at malapit nang magsimula ang event!” Natatarantang si Nana Tess habang inaabot sa dalawa ang mga damit.

Isang puting amerikana, puting slacks, at puting sapatos na balat ang para kay Dan,samantalang pink na dress naman ang kay Des.

“Labas kayo agad dun sa garden ha pagkabihis niyo, aasikasuhin ko muna sa labas.” Si Nana Tess sabay labas ng silid.

Nagkatinginan ang magkaibigan, wala kasing sariling banyo ang silid kaya wala silang choice kung hindi ang magkasamang magbihis. Agad tumalikod si Dan at hinubad ang lahat ng kasuotan maliban sa brief nito, si Des naman ay hindi agad nakakilos, hindi niya maiwasang panoorin ang kaibigan habang nakahubad ito. Kita niya ang malapad na balikat nito, ang likod, pababa sa matambok na pang-upo.

Natauhan na lamang siya nang magsimula nang magsuot ng pantalon ang binata. Kaya naman mabilis din siyang nagbihis bago pa matapos ang kaibigan.

Matapos makapag bihis ay pareho silang namangha sa mga suot nila, ngayon ay puwede na silang makisabay sa mga bisita sa labas.

Hinawakan ni Dan ang kamay ng kaibigan at sabay silang lumabas papunta sa garden kung saan magaganap ang event.

“Ladies and gentlemen please allow me to welcome the princess of Mr. And Mrs. Roldan Ferio, our debutant Ms. Katelyn Ann Ferio!” Announcement ng MC at kasunod nito ay ang masaganang palakpakan mula sa mga bisita.

Pagkarinig nito ay nagmadali si Dan na halos kaladkarin na ang kaibigan. Napatulala si Dan at unti-unting nabitiwan ang kamay ng kaibigan nang makita niya ang nobya na papalabas sa main door ng mansion patungong hardin habang sa magbilang gilid nito ay ang ama at kapatid na lalake.

Matagal na napatitig si Dan sa napakagandang mukha ng nobya, para itong totoong prinsesa sa suot nito, nang malapit na sa gitna ng hardin ay nagtama ang mga mata nila at napangiti si Kate sabay kindat sa nobyo na halos nagpalambot sa mga tuhod ng binata. Sa kanang banda niya ay nagpalipat-lipat ng tingin si Des sa magnobyo at sa kaliwa naman ay ang kilig na kilig na si Nana Tess.

Nagsimula na ang event at nang si Dan na ang magsasayaw sa nobya ay natuon ng husto ang paningin ng lahat sa kanila, marami ang nag-isip at nakahalata na may relasyon ang dalawa lalo na ang ama at kapatid ng dalaga dahil sa malagkit na tinginan nila, hindi rin maikakaila ang mas malapit na katawan ni Kate sa nobyo. Dahil dito ay kinabahan si Des dahil nahahalata ang kilos ng dalawa. Sikreto ang relasyon ng nila maliban kay Des, Mang Nestor at Nana Tess na siyang tulay ng dalawa para magkita ng pasikreto.

Sa wakas ay natapos ang sayaw, nakahinga na ng maluwag ang dalawang matanda at si Des.

“Loko ka talaga…halata yung kilos niyo kanina…hindi ka nag-iisip, pati si Mang Nestor at Nana Tess kinabahan sa inyo.” Pabulong na sermon ni Des sa kaibigan nang makabalik na ito sa kanilang lamesa.

“Sorry Des hindi kami nakapag pigil e, ganun ba kahalata?” Si Dan.

“Oo..next time ingat naman.” Inis na sagot ng dalaga.

Nakapag bihis na ng damit si Kate at inaa…