Kung kilala niyo ang ang namayapang actress na si Bela Flores, ganun ang datingan ng professor na ito.
Nakasalamin at ubod ng katarayan.
Pinakita niya sa klase ang papel bilang example daw ng mga walang pag asang estudyante.
May mga ilang estudyante ang nakatingin lamang sa kanya. Mayroon din na pasimple sumusulyap sa akin.
Sulyap ng pagka awa at ang mas masakit ang sulyap ng pagkukutsa.Nakaduko na lamang ako sa sulok malapit sa pintuan habang hiyang hiya ako.
” Mr Dela Cruz, get your paper” ang sigaw nito.
Kahit mabigat ang loob ko ay kinuha ko na ang test paper ko.Ito na ang pang apat kong bagsak na exam sa prelims.
” Dismissed” ang sigaw nito at nauna na akong lumabas.
Kaagad akong pumunta sa banyo ng aming paaralan. Tiniyak ko na walang akong kasabay. Ng matiyak ko na wala akong kasabay ay sinara ko ang pintuan nito.
Pumasok ako sa isang cubicle at sinara ko ang takip ng toilet bowl. Umupo ako at kaagad na tumulo ang luha ko.
” Di ko na kaya, bakit ko pa kasi naisipan na kumuha ng kursong Civil Engineer” ang hagulgol ko.
Ako nga pala si Juan Dela Cruz, 19 years old. Isang 4th year Civil Engineering student. Magaling naman ako sa math at science, pero hindi ko alam kung bakit bigla akong humina ngayon taon.
Isang dahilan na din siguro ay pagiging working student ko. Amuyong ako o isang utusan sa isang fastfood katapos ko sa school.
Mahirap lamang kami, ang aking pamilya ay nasa probinsya. Kaya ako lamang ang mag isa dito sa lungsod.
May maliit kaming bahay dito na aking tinutuluyan. Wala halos o minsan ay wala talaga na ipapadala ang aking magulang dahil sa hirap din sila sa buhay.
” Magaling ka, maniwala ka lang” ang laging pumasok sa akin isip kapag nahihirapan na ako at gusto sumuko.
Isa itong salita ng aking maestra sa elementarya bago ako magtapos n…