“Tang-inang matanda talaga ‘to. Buwisit.”bulong ni Gudo habang may nakapasak na yosi sa kaniyang bibig.
“Anong sabi mo? Iluwa mo kasi yung sigarilyo mo hindi yung daig mo pa ‘yung tambutso ng barko sa lakas ng usok mo dito.”
Inalis ni Gudo ang yosi sa bibig at pinatay niya ang baga nito sa lupa.
“Ang sabi ko po, dapat pinapalitan niyo na ‘tong bentilador niyo dahil nung panahon pa yata ni Quezon niyo huling pinaayos ito eh. Mas matanda pa yata sa tatay ko ‘to eh.”
“Ay putang-ina, Damuho ka, Gudo. Huwag mong minamaliit ‘tong bentilador ko at wala ka nang makikitang ganyan ngayon sa bayan. Subok ko na ang tibay niyan kaya nga dapat ayusin mo.”utos ng kabesa.
“Eh kung subok niyo na pala ang tibay eh bakit nasira?”pilosopong wika ni Gudo.
“Anong sabi mo? Lakasan mo nga?”ani Kabesa.
“Ang sabi ko po, mukhang kelangan nang palitan mga piyesa nito. At saan naman ako makakabili ng piyesa nito eh sa sobrang antigo nito baka sa museo pa ako sa Maynila makahanap.”ani Gudo habang panay kalikot sa ginagawang bentilador.
Naiinip na lumapit ang matanda at yumuko sa ginagawa ni Gudo. Isinuot ni Kabesa ang kaniyang makapal na salamin at mabusising tiningnan ang ginagawa ni Gudo. Dahil isang retired electrical engineer si Kabesa, itinuro nito kay Gudo ang dapat nitong gawin sa bentilador. Makalipas ang ilang saglit, isinaksak ni Gudo sa kuryente ang bentilador at nabigla siya nang gumana ang lumang electric fan.
“Tang-inang matanda ‘to, ang galing ah.”wika ng isip ni Gudo.
“Hay naku, Gudo. Kung bata-bata lang ako eh ako na mismo ang nagkumpuni dyan.”wika ng matanda.
“Paano, Kabesa, puwede na po ba akong makauwi at may gagawin pa ako sa bahay.”ani Gudo para siya’y makasingil na rin sa matanda.
“At ano namang gagawin mo sa bahay?
“Magluluto pa ako ng pagkain ko.”
“At kelan ka pa nagluto? Dito ka na kumain at marami pa akong ipapagawa.”
“Pero dumidilim na, Kabesa. Babalikan ko na lang bukas yung ibang ipagagawa niyo.”
“Eh ano ngayon kung dumilim? Tapusin mo na ngayon ang pwede mong gawin dito at mahihirapan na naman ako sa kakahanap sa’yo bukas.”
“Puking ina naman talaga o.”bulong ni Gudo sa sarili na walang magawa kundi ang sundin ang matanda. Wala lang siyang magawa dahil nakakautang siya kay Kabesa kapag kapos siya o mahina ang kita niya sa anihan.
Lumabas ang matandang maybahay ni Kabesa, si Aling Mercy, “Nakaluto na ako ng hapunan.”wika nito kay Kabesa.
“Tamang-tama, sige at bigyan mo rin nang ulam natin si Beth. Hindi pa naman makakauwi ngayong gabi si Rogelio.”
Nagpanting ang tainga ni Gudo sa sinabi ni Kabesa. Iyon ang dahilan kung kaya’t atat na siyang makaalis sa bahay ni Kabesa. Pupuntahan niya si Beth.
“Paulo, apo. Pumarine ka nga muna’t may ipapakisuyo ako sa’yo.”sigaw ni Kabesa.
Ilang saglit pa, lumabas ng bahay ang isang guwapo at matangkad na binata… Si Paulo. Maganda ang morenong pangangatawan nito sa suot nitong sando at shorts. Hawak pa nito ang librong reviewer nito para sa nalalapit nitong board exam para sa kurso nitong civil engineer. Sa Maynila naninirahan si Paulo kung saan din ito nag-aral. Nasa States na naninirahan ang magulang niya at solo lang siyang anak. Ang ama niya ay ang bunsong anak ni Kabesa. Nagbakasyon lamang ang binata kina Kabesa upang makapagreview ito nang mabuti bago ang exam nito sa makalawang buwan.
“Lo, ano po iyon?”magalang na wika ng guwapong binata. Dumako ang tingin niya kay Gudo. Hindi niya gusto ang hilatsa nang asta nito. Mas matangkad siya ng ilang pulgada kay Gudo.
“Naalala mo yung itinuro ko sa’yong bahay nung isang araw na sabi ko mabait yung mag-asawang nakatira?”ani Kabesa.
“Yun pong maliit na bahay sa dulo malapit sa bukid?”
“Oo. Iyun nga. Gusto kong dalhan mo ng pagkain yung babaeng nakatira doon. Ang pangalan niya ay Beth.”
Muling bumalik ang maybahay ni Kabesa dala ang nakatakip na mangkok ng bagong lutong pagkaing ibibigay kay Beth. Ibinigay niya iyon kay Paulo.
“Magpakilala ka na lang na apo ka kamo ni Kabesa.”wika ng maybahay ni Kabesa.
“Opo.”tugon ng binata. Napatinging muli si Paulo kay Gudo. Napansin niyang nakabusangot ito habang nakatingin sa kaniya.
“O sige at dalhin mo na yan habang mainit pa.”ani Kabesa.
Umalis si Paulo at tinungo ang bahay ni Beth. Sinundan naman siya nang tingin ni Gudo.
“Wag kang mag-alala at kakain ka na rin”ani Kabesa kay Gudo.
Kakamot-kamot sa ulo na lang na naupo sa lamesa si Gudo habang naghihintay ng oras na makaalis na siya sa bahay ni Kabesa.
Naglakad sa madilim na labas si Paulo hawak ang nakatakip na ulam sa mangkok. Napansin niyang madilim nang husto ang kalangitan kumpara sa tipikal na kalangitan sa gabi kung saan maraming bituin ang nagkikislapan sa langit. Nakalabas na siya sa malawak na bakod ni Kabesa nang kumidlat ang kalangitan, kasunod ay ang pagkulog nito. Andap na siyang bumalik upang kumuha ng payong kung kaya’t minabuti na lamang ng binata na bilisan ang paglalakad. Malayo-layo pa ang bahay na pupuntahan niya at kailangan na niyang magmadali dahil ramdam niya ang napipintong pagbuhos ng ulan. Ang iniiwasan kasi ng binata ay ang paglakad sa maputik na daan na idudulot nang pag-ulan.
Sa sandaling iyon, lumabas ng bahay si Beth nang mapansin ang biglang pagsama ng panahon sa gabing iyon. Tinungo niya ang mga alaga nilang kambing sa likod-bahay. Nilagyan niya ng tolda ang lumang nipa na bubong ng kulungan ng mga ito mula sa nagbabadyang pagbuhos ng ulan. Medyo nahirapan ang magandang ginang sa pag-aayos ng tolda dahil bukod sa kinakailangan niyang sumampa sa tuntungan doon ay madilim din sa lugar na iyon kapag gabi. Makalipas ang ilang minuto, naayos na rin ni Beth ang tolda sa bubong. Bumaba na ang ginang at naglakad pabalik sa kaniyang kubo.
Papasok na si Beth ng bahay nang may marinig siyang mga pagkahol ng aso. Isang anino ng lalake ang nakita niyang palapit sa kaniya. Nakasunod dito ang malaking aso ng kanilang kapitbahay na kahol nang kahol dito. Kinabahan si Beth sa pag-iisip na tila si Mang Gudo iyon. Pero biglang naisip ng ginang na malamang ay dayo ang lalakeng iyon dahil kilala ng mga aso sa lugar nila si Gudo. Papasok na sana siya upang maisara niya agad ang pinto nang marinig niya ang nabiglang tinig ng lalakeng iyon nang dambahin ito ng malaking aso.
Mula sa pagkidlat ay lumiwanag ang paligid, dito na nakita ni Beth ang hitsura ng lalake. Guwapo ito. Napaupo ang binata sa lupa nang dambahin ito ng aso. Binugaw ni Beth ang hayop. Tumakbo ang aso palayo nang kumuha ang ginang ng isang pamalo.
“N-Nasaktan ka ba?”ani Beth.
“Okay lang ako.”tugon ng binata at maingat itong tumayo habang hawak ng isa niyang kamay ang mangkok,”Ako nga pala yung apo ni Kabesa. Napag-utusan kasi ako ni Lolo na bigyan ka ng hapunan.”
“Ah ganun ba? Apo ka pala ni Kabesa? Naku pasensiya ka na kanina ha. Natakot kasi ako kaya bigla na sana akong papasok kanina. Mag-isa lang kasi ako ngayon dito sa bahay.”ani Beth.
“Okay lang ‘yun. Naiintindihan kita. Ako nga pala si Paulo.”wika ng binata at muling nasilayan ni Beth ang mukha ng lalake sa muling pagkidlat ng kalangitan.
Magsasalita sana ang batang ginang nang biglang kumulog. Kasunod niyon ay bumuhos ang malakas ang ulan. . Napansin ni Beth na walang dalang payong si Paulo. Nababasa na silang pareho sa tindi nang pagbuhos nito.
“Halika pumasok ka muna sa loob at malakas masyado ang ulan.”ani Beth sa lalake at agad niyang binuksan ang pinto at sila’y tumuloy.
Pagkapasok nila, ibinigay ng lalake ang mangkok kay Beth. Inilagay naman iyon ng babae sa lamesita sa gitna ng mga…