“Beth, ‘wag kang maingay. Si Paulo ‘to.”bulong ng binata.
Naging agresibo ang isang kamay ni Paulo. Pinisil niya ang isang suso ni Beth habang tila hayok na sinisiil nang halik ang batok ng ginang. Pumalag si Beth. Nanlaban siya sa kapangahasan ni Paulo. Hindi nagustuhan ng binata ang ginawa ni Beth. Sinampal niya ang babae.
“Hayup ka. Malandi ka ‘di ba? Ito naman ang gusto mo ‘di ba? Bakit ayaw mo na akong pagbigyan ngayon?”galit na wika ni Paulo. Itinulak niya si Beth. Natumba sa sahig ang babae. Sinundan siya roon ng binata at muli nitong itinuloy ang makamundo nitong balak sa babae.
“Hayup ka, Paulo… Napakawalanghiya mo…”nanlalabang wika ni Beth. Pilit niyang itinutulak palayo ang lalake subalit sadyang mas malakas ito sa kanya.
“Puta ka! Wag kang magmalinis. Alam ko ito ang gusto mo. Gusto mong sabihin ko sa mister mo ang mga milagrong ginagawa mo kapag wala siya?”ani Paulo.
“Hayup ka, Paulo. Hayup ka.”umiiyak na wika ni Beth. Nagtangka siyang sumigaw subalit agad tinakpan ni Paulo ang bibig niya.
Nabigla si Paulo nang may humila nang malakas sa kanyang likuran. Si Gudo. Nagkalat malapit sa paanan nito ang mga gulay at prutas na ibibigay sana niya kay Beth sa umagang iyon. Halos mag-apoy ang mga mata ni Gudo sa galit kay Paulo.
“At dumating na rin sa wakas ang lalake mong puta ka.”tila nang-iinis na wika ng binata.
Bago pa man makapagsalitang muli si Paulo ay sinuntok siya nang malakas ni Gudo sa kanyang panga. Parang trosong nabuwal si Paulo sa sahig. Nawalan nang ulirat ang binata. Makalipas ang ilang saglit, nahimasmasan si Paulo. Nalasahan niya ang dugo sa loob ng kanyang bibig. Sinubukan niyang bumangon subalit umiikot ang kanyang paningin. Nakita niya si Beth na nagtatago na sa likuran ni Gudo.
“Kayo ang hayop.” ani Paulo habang pinipilit niyang bumangon. “Isusumbong ko kayo sa mister mo, Beth. Mga putang ina nyo. Magbabayad kayo sa ginawa nyo sa’kin.”
“Tigilan mo na kami, Paulo.” ani Beth, “Oras na gawin mo ‘yan ay idedemanda naman kita ng attempted rape sa ginawa mo sa akin ngayon.”
“Ako pa ang idedemanda niyo ng attempted rape?” ani Paulo, “Ang kapal naman ng mukha niyong gawin sa’kin ‘yan sa kabila nang mga naitulong ng lolo ko sa inyo. Mga wala kayong utang na loob.”
“Wagas ang utang na loob namin sa lolo mo. Isa siyang mabuting tao.”ani Gudo, “Pero sa demonyong kagaya mo dapat sa’yo hindi na lumalabas ng impiyerno.”
“Ah, ganun ba. Impiyerno pala, ha. Sige tingnan natin kung sinong mauuna satin sa impiyerno. Diyan ka lang Gudo at babalikan kita. “wika ni Paulo. Umalis ito ng bahay ni Beth.
“Gudo, umalis ka na. Baka patayin ka ni Paulo.” umiiyak sa takot na wika ni Beth. Ipinagtutulakan niya palabas ang lalake, “Parang awa mo na, Gudo. Umalis ka na baka patayin ka niya,”
Hindi na napigilan ni Beth ang sarili, niyakap niya nang mahigpit si Gudo.
“Wag kang mag-alala, Beth. Ako nang bahala. Pinapangako ko sa’yo na maaayos din ang lahat.”ani Gudo. Lumabas siya ng bahay ni Beth. Haharapin niya si Paulo malayo sa bahay nito. “Isarado mong mabuti ang pinto ng bahay mo. Kahit anong mangyari huwag kang lalabas.”
Halos hindi makakilos si Beth dahil sa matinding takot.
“Gudo…” iyak ni Beth, “Hindi ko inaasahang aabot ang lahat sa ganito.”
“Kung anuman ang mangyari mamaya, Beth. Kung kinakailangan mong umalis sa lugar na ito, kunin mo ang pera ko. Nasa ilalim ng isang kahon sa ilalim ng kama. Gamitin mo para magsimulang muli.”
Humagulgol na si Beth. Magkahalong takot at pagkalito ang nararamdaman niya.
“Parang awa mo na, Beth. Isara mo na ang pinto.”pakiusap ni Gudo.
Labag man sa kalooban ni Beth ay dahan-dahan niyang isinara ang pinto. Habang isinasara niya ito ay nakita niya sa kalayuan ang muling pagbalik ni Paulo. Nagmamadali ito. Kinabahan si Beth para kay Gudo. Tunay ang pag-aalalang nararamdaman niya para rito. Sa maikling panahon ay malaki ang ipinagbago ni Gudo dahil kay Beth. Napalingon din si Gudo sa kinaroroonan ni Paulo. Muli siyang tumingin kay Beth. Bago tuluyang isara ni Beth ang pinto ay muli siyang tumingin kay Gudo. Ngumiti ang lalake sa kanya at tsaka ito naglakad papunta sa direksiyon ni Paulo.
“Diyos ko… Diyos ko…”umiiyak na wika ni Beth. Matapos niyang mai-lock nang mabuti ang pinto ay napasalampak siya sa sahig.
Dumaan si Paulo sa isang malawak na bakanteng lote upang mas mapabilis ang pagpunta niya sa bahay ni Beth. Humahangos siyang naglakad doon nang salubungin siya roon ni Gudo na dumaan sa gilid. Huminto si Paulo nang makita niya sa kanyang harapan si Gudo. Ilang metro ang layo nila sa isa’t-isa. Halata na ang pamamaga ng pasa ni Paulo sa panga.
“Tang ina mo ka, Gudo. Ipakita mo sa’kin ngayon ang tapang mo.” ani Paulo sabay bunot ng baril na nakasuksok sa kanyang shots. Itinutok niya iyon sa mukha ni Gudo.
Isang magsasaka na papunta sa bukid ang nakasaksi sa nangyayari. Agad itong umatras palayo nang makita nito ang apo ni Kabesa na akmang babarilin si Gudo. Tumalikod lang ito at naglakad palayo sa takot na baka madamay siya sa gulo.
“Nakita mo ‘yun, Gudo? Kami ang batas dito. Ngayon sino ang mauuna sa’ting dalawa sa impiyerno?”
Nakilala ni Gudo ang baril na gamit ni Paulo. Ang revolver na iyon ang isa sa baril na madalas dalhin ni Kabesa kapag nagroronda sila sa gabi.
“Tang-ina mo ka, Gudo. Nasaan ngayon ang tapang mo? Nasaan”sigaw ng binata.
Hindi natinag si Gudo sa sinabi ng binata.
“Matapang ka lang dahil may baril ka.” ani Gudo, “Magtuos tayo bilang lalake sa lalake. Oras na matalo kita ngayon, titigilan mo na si Beth. Hindi mo na siya guguluhin o iisakandaluhin.”
“Pagbibigyan kita, Gudo. Pero magtutuos kayo ng baril ko. Oras na mapatay kita ngayon, ako na ang makikinabang kay Beth habang nasusunog ka sa impyerno gaya nang pagsunog ko sa bahay mo”
“Ukinam.”galit na wika ni Gudo kay Paulo.
Nagpanting ang tenga ng binata nang murahin siya ng lalake.
“Tang-ina mo rin.”aniya sabay kalabit sa gatilyo ng baril.
Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril sa lugar na iyon. May ilang tao na nagsilabasan sa kanilang mga bahay at nang makita nila si Paulo na may hawak na baril ay muli silang nagsi-pasukan sa kanilang mga bahay dahil sa takot na madamay. Narinig rin iyon ni Beth at mas lalong lumakas ang kanyang paghagulgol para kay Gudo.
Nanatiling nakatayo si Gudo. Ramdam niya ang pagbaon ng bala sa kanyang balikat. Umaagos ang dugo sa tama niya roon.
“Ano, Gudo? Wala ka pala eh. Ipakita mo sa’kin ngayon ang tapang mo at ‘di ka sasantuhin ng baril ko.”
Nabigla si Paulo sa biglang pagkilos ni Gudo papunta sa kanya. Muli niyang itinutok ang baril kay Gudo pero nabitawan niya iyon nang hampasin ni Gudo ang kamay niya. Tumilapon ang baril sa lupa. Nagpambuno silang dalawa sa maalikabok na lupa. Sa kabila nang panghihina ng sugatang si Gudo, buong lakas niyang sinuntok ni Paulo. Diniinan nang husto ng daliri ni Paulo ang sugat ni Gudo. Halos manlambot si Gudo sa matinding sakit. Pilit niya iyong ininda at patuloy niyang pinagsusuntok sa mukha si Paulo. Sa bawat suntok niya ay siyang pagbaon pang lalo ng daliri ni Paulo sa tama niya ng baril. Sumirit pang lalo ang dugo mula roon. Sa sandaling iyon nang panghihina ni Gudo ay mas nanaig na ang lakas ng binata sa kanya. Tinuhod ni Paulo sa sikmura si Gudo. Hindi pa nakuntento ang binata. Sa pagkakahiga ni Gudo ay tinadyakan niya ito nang malakas sa mukha.
Humihingal na hinanap ni Paulo ang baril. Nang makita niya iyon ay agad niya iyong pinuntahan para tapusin si Gudo. Nang damputin ni Paulo ang baril ay siyang damba naman sa kanya ni Gudo. Duguan na ang bibig at ilong nito. Muli silang nagpambuno sa pagkakayuko habang nag-aagawan sa baril. Buong lakas na inilalayo ni Gudo ang baril na unti-unting itinututok sa kanya ni Paulo.
Naisip ni Gudo si Beth. Nabigla si Paulo nang unti-unting napupunta ang dulo ng baril sa kanya. Sinakyod ng kanyang balikat ang sugat ni Gudo subalit hindi ito natinag. Bagkus ay tila mas lumakas pa ito.
“Tang-ina mo, Gudo. Ikaw ang mamamatay sa’ting dalawa.”ani Paulo habang pilit niyang inilalayo ang pagkakatutok ng baril sa kanya.
Umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril. Nabigla silang dalawa. Hindi sa baril na hawak nila galing ang putok. Di-kalayuan sa kanila ay nakita nilang dalawa si Kabesa. Hawak nito ang isang .45 na pistola. Nakatutok ang baril nito sa kanila. Umuusok pa ito. Bumitaw ang kamay ni Paulo sa baril nang maramdaman niyang siya ang binaril ng sarili niyang lolo. Nanlalambot na bumagsak si Paulo mula sa tama niya sa dibdib. Nagsidatingan ang mga tanod ni Kabesa gayundin ang maybahay niyang si Lourdes. Nahabag ang matandang ginang sa sinapit ng kanyang apo. Agad niya itong nilapitan at niyakap habang umiiyak.
“Bakit mo ginawa sa apo natin ‘to, Melchor?”aniya
“Kailangan kong gawin, Lourdes. Kailangan kong gawin.”ani Kabesa kasabay nang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
Agad nilang dinala sina Paulo at Gudo sa pinakamalapit na pribadong ospital sa bayan. Kritikal ang lagay ni Paulo sa loob ng Intensive Care Unit. Si Gudo naman ay ligtas na at nagpapahinga sa isang pribadong kuwarto na kinuha ni Kabesa.
Kinagabihan, kasalukuyang nagpapagaling si Gudo sa higaan ng kanyang private ward nang bisitahin siya ni Kabesa.
“Kamusta na ang lagay mo, Gudo.”ani Kabesa nang lumapit siya sa lalake.
“Mabuti naman po, Kabesa.”
Saglit na natigilan si Kabesa. Tila kumukuha siya nang tiyempo sa gusto niyang sabihin kay Gudo.
“Kwan kasi. Nahihiya kasi ako sa’yo dahil sa ginawa ng apo ko. Kung alam ko lamang na magkakaganoon siya rito ay hindi na sana ako pumayag na pagbakasyunin siya ng magulang niya rito.”
Hindi kumibo si Gudo at hinayaan niyang ipagpatuloy ni Kabesa ang nais nitong sabihin.
“Matigas kasi talaga ang ulo ng apo…