PS. Bear with me on this kasi baka panget, pero I’ll make sure na sa susunod, aayusin ko na. Peace!
Di ko alam mararamdaman ko habang tinitignan yung orasan. Kanina ko pa kasi gustong matulog kaya lang ang daming pumapasok sa utak ko tulad na lang ng birthday ko na bukas and I’m turning 25 na and my boyfriend just decided to dumped me over the phone saying na “I need space, sorry and happy birthday btw” like, what the fuck?!
I’m Trisha and yes I’m 25 years old na bukas at ito, single na ulit. Galing ako sa 6 year relationship with my boyfriend at ngayon nga ay nag decide siyang tapusin na kung ano man ang meron samin. 6 years of love, ache, sadness, celebration and stuff pero pinili niya lang wakasan tapos over the phone pa, nice!
Ngayon, mugto na ang mga mata ko sa kakaiyak. Gusto ko siyang tanungin bakit siya nakipag break. Dahil ba wala na ako gaanong oras sa kanya? Dahil ba mas natuon ang pansin ko sa trabaho? Or dahil may nakilala siyang iba na mas nagbibigay ng oras at atensyon sa kanya? Ang daming tanong sa utak ko na siya lang ang makakasagot.
Pumasok ako kinabukasan sa work kahit magang maga yung mata ko. Tinatanong ako ng mga ka workmates ko bakit daw ganito yung mga mata ko, di ko na sila sinagot kasi baka tumulo na naman luha ko.
Nag ta-trabaho ako sa isang company wherein I’m the Social Media Manager na nag ma-manage ng mga content online ng company namin, at dahil yun ang trabaho ko ay palaging busy ang araw ko just to conceptualize sa panibagong content. Araw-araw ko yan ginagawa kaya ang sakit isipin na ngayon pa naisip ng boyfriend kong makipag hiwalay kung kelan nakapag pundar na ako ng sarili naming bahay. Yes, pudpod ako sa trabaho ay dahil gusto kong magkaroon kami ng sariling bahay at hindi lang nakatira sa isang condominium.
But he chose to ignore my sacrifices at piniling makipag hiwalay. If that so, then I need to accept it kasi alam kong makaka apekto lang to sa trabaho ko.
I was posting regularly sa page ng company namin about sa mga ganap and stuff at dahil doon ay sinisingit ko yung sarili kong heartbreak para maka relate ang ibang followers para na rin may karamay ako. Natutuwa ako dahil marami talaga sa amin ang sawi sa pag-ibig. Hay.
Kinagabihan non, out na namin at dahil nga birthday ko, sinabi ng mga ka workmates ko na mag inuman kami sa pinaka malapit na bar at umuwi rin agad para magpahinga. Dahil birthday ko naman at gusto kong mag senti, pumayag ako. Idadaan ko na lang sa alak tong sakit na nararamdaman ko.
Nakarating kami sa “Kahit Saan Resto Bar”. Nakaka engganyo kasi sa labas palang alam mo nang may reputation yung bar at hindi pipityugin dahil sa pangalan nito. Pumasok kami doon at tila nahila ako agad dahil sa lakas ng tugtugan at sa dami ng taong sumasayaw at nag eenjoy sa saliw ng musika. Nakaramdam ako ng konting saya dahil pakiramdam ko di ako iniwan.
Pumili kami ng pwestong malapit lang sa CR dahil baka kung ano mangyari sa amin mamaya, mabuti nang sigurado, ayaw kong magpulot ng suka at sumalo ng suka. Nag order kami ng napakaraming drinks, syempre nag ambagan na kami kasi di kasya tong dala kong cash para magbayad sa mga oorderin pa nila. Uminom ako ng Margarita at inubos ang laman ng isang baso, sinunod kong tunggain yung Martini kaya pakiramdam ko nagasgas ang lalamunan ko.
Tipsy na ako kanina pa kaya parang dumoble ang tama dahil sa dalawang alak na magkasunod kong ininom. Sumandal ako sa couch at saka pumikit. Ito ang kailangan ko ngayon, pero di ko parin makalimutan yung nangyaring pakikipag break sakin ng gago kong ex sa phone. Parang walang pinagsamahan at ganon ganon na lang kung hiwalayan ako.
Pakiramdam ko ay bumabaliktad ang sikmura ko. Dumilat ako para silipin ang mga ka workmates ko kung tumba na rin or tumutungga parin. Tumayo ak…