PS. Bear with me on this kasi baka panget, pero I’ll make sure na sa susunod, aayusin ko na. Peace!
Di ko alam mararamdaman ko habang tinitignan yung orasan. Kanina ko pa kasi gustong matulog kaya lang ang daming pumapasok sa utak ko tulad na lang ng birthday ko na bukas and I’m turning 25 na and my boyfriend just decided to dumped me over the phone saying na “I need space, sorry and happy birthday btw” like, what the fuck?!
I’m Trisha and yes I’m 25 years old na bukas at ito, single na ulit. Galing ako sa 6 year relationship with my boyfriend at ngayon nga ay nag decide siyang tapusin na kung ano man ang meron samin. 6 years of love, ache, sadness, celebration and stuff pero pinili niya lang wakasan tapos over the phone pa, nice!
Ngayon, mugto na ang mga mata ko sa kakaiyak. Gusto ko siyang tanungin bakit siya nakipag break. Dahil ba wala na ako gaanong oras sa kanya? Dahil ba mas natuon ang pansin ko sa trabaho? Or dahil may nakilala siyang iba na mas nagbibigay ng oras at atensyon sa kanya? Ang daming tanong sa utak ko na siya lang ang makakasagot.
Pumasok ako kinabukasan sa work kahit magang maga yung mata ko. Tinatanong ako ng mga ka workmates ko bakit daw ganito yung mga mata ko, di ko na sila sinagot kasi baka tumulo na naman luha ko.
Nag ta-trabaho ako sa isang company wherein I’m the Social Media Manager na nag ma-manage ng mga content online ng company namin, at dahil yun ang trabaho ko ay palaging busy ang araw ko just to conceptualize sa panibagong content. Araw-araw ko yan ginagawa kaya ang sakit isipin na ngayon pa naisip ng boyfriend kong makipag hiwalay kung kelan nakapag pundar na ako ng sarili naming bahay. Yes, pudpod ako sa trabaho ay dahil gusto kong magkaroon kami ng sariling bahay at hindi lang nakatira sa isang condominium.
But he chose to ignore my sacrifices at piniling makipag hiwalay. If that so, then I need to accept it kasi alam kong makaka apekto lang to sa trabaho ko.
I was posting regularly sa page ng company namin about sa mga ganap and stuff at dahil doon ay sinisingit ko yung sarili kong heartbreak para maka relate ang ibang followers para na rin may karamay ako. Natutuwa ako dahil marami talaga sa amin ang sawi sa pag-ibig. Hay.
Kinagabihan non, out na namin at dahil nga birthday ko, sinabi ng mga ka workmates ko na mag inuman kami sa pinaka malapit na bar at umuwi rin agad para magpahinga. Dahil birthday ko naman at gusto kong mag senti, pumayag ako. Idadaan ko na lang sa alak tong sakit na nararamdaman ko.
Nakarating kami sa “Kahit Saan Resto Bar”. Nakaka engganyo kasi sa labas palang alam mo nang may reputation yung bar at hindi pipityugin dahil sa pangalan nito. Pumasok kami doon at tila nahila ako agad dahil sa lakas ng tugtugan at sa dami ng taong sumasayaw at nag eenjoy sa saliw ng musika. Nakaramdam ako ng konting saya dahil pakiramdam ko di ako iniwan.
Pumili kami ng pwestong malapit lang sa CR dahil baka kung ano mangyari sa amin mamaya, mabuti nang sigurado, ayaw kong magpulot ng suka at sumalo ng suka. Nag order kami ng napakaraming drinks, syempre nag ambagan na kami kasi di kasya tong dala kong cash para magbayad sa mga oorderin pa nila. Uminom ako ng Margarita at inubos ang laman ng isang baso, sinunod kong tunggain yung Martini kaya pakiramdam ko nagasgas ang lalamunan ko.
Tipsy na ako kanina pa kaya parang dumoble ang tama dahil sa dalawang alak na magkasunod kong ininom. Sumandal ako sa couch at saka pumikit. Ito ang kailangan ko ngayon, pero di ko parin makalimutan yung nangyaring pakikipag break sakin ng gago kong ex sa phone. Parang walang pinagsamahan at ganon ganon na lang kung hiwalayan ako.
Pakiramdam ko ay bumabaliktad ang sikmura ko. Dumilat ako para silipin ang mga ka workmates ko kung tumba na rin or tumutungga parin. Tumayo ako para pumunta ng CR pero dumo-doble na yung paningin ko hanggang sa pakiramdam kong tutumba na ang katawan ko at any minute ay sasaluhin na ako ng sahig pero hindi yon nangyari.
“Miss okay ka lang ba?” Narinig kong sambit ng lalaki habang maingat akong inaalalayan para hindi tumumba.
“Wag mo nga akong hawakan, plish lang. Ishtop touzhing me!” Nag pupumiglas ako para makawala pero parang lalo akong nahilo. Grabe na talaga epekto ng alak sakin dahil di ko na rin masabi ang mga salita ng maayos.
“Miss Trisha, you’re drunk. Let me hold you para di ka matumba. Saan ka ba pupunta?” Ang gwapo ng boses niya pero putangina, sino ba to?! Bakit familiar ang boses niya?
“Am gunna dansh leyk craaazhyyy!! I want chu porgeth my ex!” Sigaw ko on top of my lungs.
Bwoo…
Fuck! Susuka na yata ako.
Gusto kong takbuhin ang CR dahil malapit lang ako pero sukang-suka na ang feeling ko kaya naman…
“Bwaaaaakkk…. Bwoooookk.. pwe!”
Nasukahan ko ang polo na suot ni stranger na umaalalay sakin kanina. Hawak ko ang magkabilang balikat niya at saka bumwelong susuka ulit. Fuck! Di na ako uulit uminom pramis! Inangat ko ang ulo ko para matitigan ang lalaking nasukahan ko nang hindi sinasadya.
“Oh, god! I’m so sorry!” Parang nahimasmasan naman ako at pinunasan ang natirang laway sa gilid ng bibig ko dahil parang matatanggalan ako ng trabaho kinabukasan dahil ang nasukahan ko lang naman ay ang CEO ng company namin, si sir Tyler!
Pinukpok ko nang marahan ang ulo ko para tumino dahil panigurado mawawalan ako ng position sa kompanya bukas na bukas rin. I fucking hate my life!
“Are you okay, miss Trisha?” Tanong sakin ni sir Tyler. Grabe basang basa ng suka ko ang polong suot niya at sasabihin kong hindi maganda ang amoy niyon. Kahit ako nandidiri.
“Oh my god, sir! I’m so sorry. I’m so sorry po talaga! Tara po sa CR para makapag palit ka ng damit” talagang nawala ang kalasingan ko dahil sa kagagahang ginawa ko. Alam kong may konting tipsiness parin sa ulo ko pero hinayaan ko na. Mahal ko ang trabaho ko kaya I can’t afford to get fired.
“It’s okay, I can handle this” shet! Goodbye salary na, and goodbye cozy office na rin. Fuck I screwed up! Goodbye na rin self! Ayoko na sayo! Huhu!!
“What can I do to make it up to you sir?” Last resort ko na to. Pag hindi talaga pumayag and he fired me, then goodbye to all!
“Just go to my office 5 am sharp tomorrow. We can talk about what you can do to recover your position” saka umalis sa harapan ko at dumiretso sa CR. Wasak na reputation na binuo ko for 10 years dahil lang sa isang heartbreak!
Kinabukasan ay inagahan ko ang alis sa condo and went to the company para malaman kung paano ko marerecover ang position ko. Kabado akong sumakay ng elevator and went straight to the highest floor of this building dahil nandoon ang office ng CEO.
Wala ang secretary ni sir Tyler so I just barged in. I knocked 3 times and nakarinig ako ng “come in”. Pagpasok ko ay ang eleganteng office ang nakita ko. Madaming painting sa wall, mga art crafts sa gilid and madami rin ang mga collectibles na halatang mamahalin.
I stood there 1 meter away from his desk while he’s reading some newspaper. I called out his attention by introducing myself. Pagkatapos non ay pinalapit niya ako…
“Come closer” sinabi niya yan habang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Lumapit ako sa kanya, enough for him to recognize my face and remember what exactly I did last night to him. Ibinaba niya ang binabasang newspaper at saka nagsalita.
“Maghubad ka and fuck yourself while I’m here watching you”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Ano daw???
~End of part 01~
Up next!
Heart Break Birthday 02
This is a work of fiction. Any names or characters, businesses or places, events or incidents, are fictitious. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.