By: Balderic
Tumakbo ako. Hinde ako makapaniwala sa narinig ko. Agad akong pumunta sa bahay nila. Nang makarating ako ay kumatok ako kaagad sa pinto. Pinagbuksan naman ako ni tito Fernando. Dito ko nakita si Tita Serina. Naka upo sya sa sofa at umiiyak.
“Ano pong nangyari? “ tanong ko sa kanya. Kinakabahan ako. Natatakot ako sa sasabihin sa akin ni tita.
“Wala na si Gabriel, Karen. Naglayas sya.” Patuloy sa pag iyak si tita Serina. Niyakao nalang sya ni tito Fernando.
“hinde nyo ba alam kung saan sya nagpunta tito Fernando? Baka nasa tropa nya? ” tanong ko. Alam kong useless ito. Kilala ko si Gabriel. Kakaunti lang ang barkada nya. Madalas ito mag isa. Umiling lang si tito Fernando.
“Tinutulungan na ako ng mga kasamahan ko. Mahahanap din natin ang anak mo Serina.” Wika ni tito Fernando.
Dalawang araw nang hinde pumasok si Gabriel. Akala ko noon nagkasakit lang sya. Inisip ko kung ano nangyari. Inisip ko kung bakit sya umalis. Isang araw bumisita sa bahay ang boyfriend ko. Niyaya nya ako lumabas kasama daw tropa nya. Putang ina. Putang ina talaga. Galit na galit ako sa sarili ko.
Ilang taon din ang lumipas. Ilang taon akong nagalit sa mundo. Sa mga tao. At lalo na sa sarili ko. Pero hinde ako nawalan ng kaibigan. Hinde ako nawalan ng mga taong tumutulong sa akin. Nakilala ko ang mga taong tulad nina Jed at Ben. Mga kaibigan. Mga kapatid. Pero isa isa din silang nawala. Nagsi-alisan. Bakit ako iniiwan ng mga minamahal ko? Ng mga taong napapalapit sa akin? Baka naman talagang malas lang ako. Karma ko ba ito? Dahil ba sinaktan ko ang puso ng taong tunay na nagmahal sa akin? Noong umamin si Gabriel ng nararamdaman nya. Kinabahan ako. Dinaan ko nalang sa tawa. Napaka awkward sabi ko. Magkapatid ang turingan namin di ba? Bakit? Bakit sya nagkagusto sa akin?
“Hinde pwedeng maging magkaibigan lang ang babae at lalake. Darating ang panahon, may isa ring mahuhulog ang loob.” May narinig akong nasalita nito noon. Ayoko maniwala.
Naging pulis ako. Isa sa pinaka una kong assignment ay ang ma solve ang kaso ng isang murderer. Isang psycho killer. Pinatay nito ang isang dalaga. Si Mara Arceni. Awang awa ako sa ina ng biktima. Kakaibang galit ang naramdaman ko noon. Galit na gusto ko ilabas.
Pero nagulat ako sa isang katotohanan. Biglang bumalik ang lalakeng akala ko ay wala na.
“Hello Karen, long time no see.” Wika nya. Ito ang pinaka unang salitang narinig ko mula sa boses nya. Hinde ko ito agad na process. Tulala ako. Nakatitig lang ako sa mukha nya. Ibang iba na sya. Ang mga mata nya, ang bibig nya, ang ilong nya, ang buhok nya, ang kutis nya, at ang katawan nya.
Shit, si Gabriel Marasigan ba itong nasa harapan ko? Isang lalakeng adonis na akala mo ay makikita mo lang sa mga magasin at pelikula. Nakatayo lang sya. Nakangiti. May suot na brown jacket at kitang kita ang tindig nyang punong puno ng kompyansa sa sarili. Malayo sa binatilyong naa-alala ko na nakayuko at mahiyain.
Nananaginip ba ako? Naghalo ang saya at pagkagulat sa isipan ko. Wala akong maisagot.
“Kelan ka pa dumating? ” tanong ko. Shit, yun lang ba? Wala bang, gabriel saan ka nang galing? Gabriel, ikaw ba yan, bakit ang gwapo gwapo mo na? Gabriel, may jowa ka na ba? Gabriel… tang ina.
Ang hinde ko maintindihan ay imbes na sagotin ako, dumiretso lang sya para kausapin ang nanay ng biktima. Todo ngiti pa at relax na relax. Hinde ko maintindihan ang inis ko. Napaka yabang naman nito? Tinanong ko ulit sya pero di parin ako sinagot.
“Excuse me Gabriel, tinatanong kita! “ tinaasan ko na ang boses ko. Naka ngiti pa sya sa akin. Nanunukso.
Bumalik sya sa buhay ko. Para syang kabuting nawala at sumulpot. Ganun ganun na lang? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? O sadyang kasama ito sa karma ko? Kasunod nito ang kakaibang talino na ipinamalas nya. Napakatalas nya mag isip. Diretso kung magsalita at walang pag aalinlangan. Naalala ko noon, minsan nabubulol pa sya magsalita kapag ako ang kausap nya.
Ilang araw din ang lumipas at hinde mawala sa isipan ko ang komprontasyon namin noon.
Dito ko nakita ang kasama nyang sunod ng sunod na akala mo kung aso. Si Yumiko Ashura. Infairness, maganda sya at seksi. Nakikita ko mga kasamahan ko kung paano tumitig sa katawan nya kapag napapadaan sya. Pero mukhang masungit. Seryoso palagi at tipid magsalita.
Ipinakilala sya sa akin ni Gabriel. Assistant nya daw. Ang hirap naman paniwalaang assistant lang ang ganung kagandang babae. Saang sulok ba ng mundo merong mga ganun?
“Nice to meet you Yumiko, how was the assistant life? “ pasimpleng tanong ko? Ewan ko ba kung bakit ito lumabas sa bibig ko. Para tuloy akong defensive na di maintindihan.
“Fine thank you. How was the single life? “ sagot nya agad sabay tutok sa akin. Walang hiya! Ang kapal ng mukha ng haponesang ito! Harap harapan ba ang labanan? Para akong inapakan sa paa putang ina.
Ang sarap manapak ng babae sa totoo lang. Pumagitna si Gabriel. Ramdam nya ang tensyon. Isa pa at talagang makakatikim na sakin ang asong sakang na yan. Di porke’t single ako, ganyan ang ibubulaga sa akin? Pero teka, paano nya nalamang single ako? Sinabi ni Gabriel? Paano naman nalaman ni Gabriel yun? Nang e stalk ba sya sa social media account ko? Ang daming tanong. Ni isa, walang sagot.
Pinatawag ko pa sya para lang kausapin ko. Gusto ko syang makitang muli. Ewan ko ba kung bakit. Parang ang saya saya ko kapag naiisip kong makikita ko sya. Saan ba sya nakatira ngayon? Binista nya ba si tita Serina?
Sinabi ko sa kanya ang latest findings ko sa kaso. Wala akong ma topic. Alangan sabihin ko, Gabriel punta ka dito gusto lang kitang makita. Eew. Di ako ganun ka desperada. Pero mabilis lang akong binara ni Gabriel. Alam na nya lahat. Actually mas marami pa syang findings kesa sa akin. Feel ko napaka useless kong pulis. Private investigator lang si Gabriel pero mas marami pang nalalaman sa kaso.
“Pwede mo namang sabihin ito sa telepono kanina eh. Pinapunta mo pa ako dito. ” mayabang na sagot ni Gabriel. Di ko na kaya. Halos sumabog ang utak ko sa galit. Tumalikod nalang ako. Iniwan sya. Tang ina. Nawala ka ng ilang taon tapos nagpakita ka at napakayabang mo na.
Bigla nya akong hinabol. Tinawag nya ako. Pero wala na. Nabalot na ako ng galit. Gusto ko nang sumabog. Binuhos ko sa kanya lahat.
“7 years Gabriel. Seven years na walaan lang text, tawag, email, messages oh kahit picture kung amo na ang nangyari sayo? May internet naman, hinde ka man lang marunong magparamdam? Tapos bigla kang susulpot at ito ang itatrato mo sakin? ”
Natigilan sya. Para syang binuhusan ng malamig na tubig. At umiksena naman bigla ang asungot nyang assistant. Akala mo kung sino. Dinuro duro ko sya at tinapik pa nya kamay ko. Muntik ko pang masampal ang maamo nyang mukha. Pinigilan lang ulit kami ni Gabriel. Malaki na nga ang pinagbago nya. Ramdam ko yun at nasasaktan ako. Hinde ko nga lang masyado maintindihan noon. Alam mo yung feeling na makita mo bestfriend mo pero parang ibang tao na sya. Masakit. Parang nawala ang gana ko nung araw na yun.
Lumipas pa ang panahon. Dito ko unti-unting nakilalang muli ang bagong Gabriel. Diti ko nalaman kung sino na sya at kung ano ang tunay nyang pakay. Isa na pala syang secret agent. Isang myembro ng Sting. Muntik pa akong mapahamak. Natamaan ako ng isang sniper shot mula sa isang notorious na kalaban ni Gabriel. Mabuti at nailigtas nya pa rin ako. Gusto kong ipaliwanag nya sa akin ang lahat pero bigo ako.
Masyadong masekreto si Gabriel. Iniiwasan nya ang mga tanong ko tungkol sa buhay nya. Wala ba syabg tiwala sa akin? Hinde naman siguro. Nakikita ko ang saya nya kapag kasama ako. At ako rin naman. Masaya akong kasama sya. Subalit biglang naputol ang aming pagsasama. Pa alis na pala sya ng Pilipinas. Mabuti nakuha ko ang flight schedule nya at hinabol ko sya.
Naaalala mo ba ang panahong iyon Gabriel? Tinawagan kita sa intercom ng airport para lang mahanap ka. Buti nalang na delay pala flight mo. Nagkaroon pa tayo ng kaunting panahon para sa isa’t isa. Dito mo ako unang nahalikan. Dito mo rin inamin sa akin na mahal mo parin pala ako tulad ng dati. At dito ko na rin inamin sa sarili ko kung ano ang tinitibok ng puso ko.
Kasunod neto ang napakaraming kaganapan sa buhay nating dalawa. Ito ang panahon na wala pa sa sariling katinuan si Cifer Black. Imagine, ang taong gusto mong patayin ay sya rin pala ang taong kakarga ng anak natin kalaunan. Kung sasabihin mo sa akin ito sa nakaraan, siguradong hindeng hinde kita paniniwalaan.
Pero iba ang laro ng tadhana. Nagbago nga si Cifer. Matapos mo syang mapigilan, nagkaroon na tayo ng panahon sa isa’t isa. Pero naging maikli parin ito. Dahil dumating naman ang panibago mong kalaban.
Ang Silent Eight. Noong panahong inakala kong patay ka na, naguho ang mundo ko. Hinde ako maka kain o makatulog man lang. Ngayong may isa nanamang panganib, hinde ko kayang isipin na baka mangyari na nga ang kinakatakutan ko. Tinugis ka nila at ng mga dati mong kasama sa Sting dahil sa ginawang panlilinlang gamit ang imahe mo.
Pero buti nalang at marami kang kasama. Maraming sumuporta sayo. Pero hinde ko rin maiwasang magalit sayo at magtampo dahil na rin sa mga naging babae ng buhay mo lalong lalo na si Yumiko. Alam kong mahal ka rin nya. Nakikita ko yun sa mga mata nyang singkit. Hinde aali-aligid yun kung walang nararamdaman sayo.
Dito tayo nagkahiwalay. Ilan buwan din ang lumipas at nagkaroon na ako ng bagong kasintahan. Isa nanamang maling desisyon. Gusto kong kalimutan ka. Gusto kong mag move on. Sinubukan kong mahalin si Troy pero hinde pala maganda ang pagkatao nya. Kalaunan lumabas din ang tunay nyang kulay.
Buti nalang at naging ligtas ka parin. Sa dinami-dami ng mga pagsubok na ibuhos sayo, nalampasan mo ang lahat ng ito. Nagawa mo parin ang misyon mo at bumalik ka sa akin ng buhay.
Ikinasal din tayo. Napakasaya ko noon. Gusto kong ihinto ang oras. Gusto kong e enjoy ito ng lubos. Pero imposible. Napaka imposible pala. Dahil na intindihan ko rin ang katotohanan na hinde talaga tayo pwedeng maging lubos na masaya at malaya. Dahil ang puso mo ay nasa panig ng kabutihan at kapag sumisigaw ng katarungan ang mga naaapi, nariyan ka at tutugo sa kanila. Sa totoo lang, tinanggap ko na din ito.
Nakita ko sa sarili kong mga mata kung paano ang iisang taong tulad mo ay kayang baguhin ang mundo. Nakita ko ang pagbabago. At nagpapasalamat ako dahil sa akin hinde nagbago ang puso mo. Ang panalangin ko lang ay sana bumalik ka sa akin ng buhay.
Ngayon, tila naging totoo nga ang panalangin ko. Bumalik ka ngang buhay. Binigyan mo ako ng kaligayang hindeng hinde ko makakalimutan Gabriel. Kaya okay na ako dito. Okay na ako umabot hanggang dito na kasama ka. Ayokong magpaalam dahil alam ko dadalhin mo parin ako sa puso mo.
At sayo naman Yumiko….. Hinde kita sinisisi sa ginawa mo dahil alam kong hinde ikaw ito. Alam kong hinde mo kayang gawin ang manakit ng taong minamahal mo. Sana magkaroon ka ng kapayapaan at mailigtas ka sa kadiliman. Dahil alam kong isa kang mabuting tao.
Gabriel….
Mahal na mahal kita at sana kapag dumating ang panahong magkikita tayong muli, sana naka ngiti ka.
———-
By: Balderic
Mabilis ang mga araw. Walang oras na dapat sayangin pa. Pero naririto sila sa isang libingan. Alas onse ng umaga at maaram pero tila dininig ng langit ang kanilang pagluluksa. Dumilim ito at nagsimulang pumatak na parang mga luha ng mga taong iniwan ni Karen.
Nag ipon ang lahat ng nagmamahal sa kanya. Ang pamilya nya, at mga kaibigan. Natapos ang misa at isa isang lumapit ang mga ito kay Gabriel. Ang lalakeng minahal ni Karen. Sa buong panahon na nasa libingan sila ay tahimik lang ito. Walang luha o pag tangis ang lumabas sa kanyang mukha. Tahimik lang sya. Nakatingin sa ataol ng kanyang minamahal na dahan dahang ibinabaon sa hukay. Ang huling hantungan ng babaeng kanyang sinumpaang protektahan at ibigin.
Ang nakababatang kapatid ni Karen na si Phoemela ay may hawak ng isang laptop kung saan naka kabit ito sa isang camera para makita rin nina Serina ang pagburol kay Karen dahil nasa amerika na ang mga ito. Walang tigil sa pag iyak ang karamihan sa kanila. Lumapit si Phoemela kay Gabriel at niyakap ito.
“kuya wala na si ate ko… ” patuloy ang iyak ng nakababatang kapatid ni Karen. Niyakap din sya ni Gabriel. Hinde ito kumikibo at nakatingin lang sa kabaong habang ang iba ay naghuhulog ng mga bulaklak.
Lumapit ang isa pang kamag anak ni Karen. Tiyo nya ito at nakipagkamay kay Gabriel.
“Nalulungkot ako, napaka bata pa ni Karen para mawala.” Wika nito.
“Kayo nalang ho ang bahala sa pamilya ni Karen manong.”
“Oo iho. Doon ko sila dadalhin sa Baler. Sa probinsya namin. Doon tahimik at malayo sa karahasan.”
“Mabuti po kung ganoon. Paparating ang isang matindeng digmaan at masyadong delikado na dito sa syudad.” Sagot pa ni Gabriel. Nagpaalam ang tiyo ni Karen at kinuha na si Phoemela. Isa isang nakipag kamay ang iba pang kamag anak ni Karen. Kalmado at tahimik lang si Gabriel. Hinarap nya ang bawat isa.
Matapos magsialisan ang pamilya ni Karen ay lumapit naman ang dating partner nito na si Shelly at kasama ang iba pang mga pulis sa team nya.
“Ako nga pala si Inspector Shelly Toledo. Ako ang huling partner ni Karen bago sya umalis sa serbisyo.”
Tumango lang si Gabriel at nakipag kamay dito.
“I’m sorry Gabriel. Kung kelan pa sana kayo nagkasama, tsaka pa nangyari ito. Sana makamit mo kaagad ang hustisya dahil kaming mga kasama nya ay talagang nalungkot sa pangyayari. Kung pwede lang sana na kami nalang din ang pumatay sa taong gumawa nito kay Karen… “
“Ako nang bahala Shelly. Maraming salamat sa pakikiramay ninyo ng dating team ni Karen. “
“Alam kong hinde basta basta ang gagawin mo Gabriel. Mag iingat ka palagi.” Nag paalam si Shelly at sa likuran naman ni Gabriel ay lumapit si Ben. Tumabi ito sa kaibigan at tahimik na tumingin sa kabaong ni Karen na sinisimulan nang tabunan ng lupa.
“Alam mo ang masakit? “ wika ni Gabriel. Tumingin si Ben sa kanya.
“…ang gusto mong maghiganti pero alam mong mali. Dahil alam mo sa sarili mo na ang taong pumaslang sa minamahal mo ay hinde nya din alam ang kanyang ginagawa. Ang hirap ng sitwasyon ko Ben. Nangako ako sa sarili kong poprotektahan ko sya pero nabigo ako. Sa mismong harapan ko pa sya nawala. Gustohin ko mang mag move on na lamang pero paano ko gagawin yun kung alam kong dapat kong pakawalan ang minamahal ko? “
“Hinde ko masasabi sayo kung gaano kasakit ang pinagdadaanan mo Gabriel. Pero ito lang ang masasabi ko…hinde pa tapos ang laban. At walang ibang paraan para makamit ang hustisya kundi ang pairalin ang batas ng bala. Nasa likod mo lang ako Gabriel.”
“Ikaw pala si Gabriel Marasigan.” Isang boses ng matanda ang narinig ng dalawa at nang nilingon nila ito ay si Carding ang lumapit sa kanila. Inabot nya ang kamay nya kay Gabriel.
“Malugod akong makilala ang anak ng dati kong tauhan si Adam Marasigan.”
“Naging tauhan mo ang ama ni Gabriel? “ gulat ni Ben.
Nakipagkamay si Gabriel kay Carding at tumango ang matanda.
“Si Adam Marasigan ang isa sa pinakamahusay na sundalong sinanay ko noon. Ang class nila ang pinaka unang batch ng Valkyrie project. Isang magiting na mandirigma ang ama mo Gabriel. Hindeng hinde ko makakalimutan ang mukha nyang kawangis mo iho.”
“Maraming salamat ho mang Carding.”
“Ikaw pala ang nagsanay kay Benjamin ng tinatawag nyang Niraya. Masyadong delikado ang taktikang ito iho. Nakikita kong may isang madilim na katauhan ang lumalabas sa sino mang gumagamit ng taktikang ito.”
“Ibayong pagsasanay ang kinakailangan para ma master ang technique na yun Mang Carding. Hinde ko naituro kay Ben ang lahat. Masyadong maiksi ang panahon ko noon para ituro sa kanya ang nalalaman ko.”
“Gabriel, ito lang ang masasabi ko… alam ko ang galit at kalungkutang nadarama mo. Ang masasabi ko lang ay huwag kang magpapadala sa tawag ng karahasan. Nakikita ko sayo ang isang mandirigmang nakikipaglaban para sa kabutihan. Mag iingat ka iho.”
“Salamt ho sa payo nyo. Gagawin ko ang makakaya ko.”
“Anong plano mo ngayon Gabriel? “ tanong naman ni Ben.
“Pinatay nila si Karen dahil alam nyang nakamit ko na ang Nirvana. Sa katunayan, hinde ako handang kalabanin sya sa kalagayan ko ngayon. Kaya simula bukas, dadaan ako sa isang taimtim na meditation. Kailangang mawala ang negatibong karma sa katauhan ko.”
“Meditation? Sa panahong ito mas kailangan natin ang pag kilos Gabriel. “
“Alam ko. Pero wala akong ibang choice. Kapag kalabanin ko si SAMAEL sa kalagayan ko ngayon, mapupunta lang ako sa Samsara. Isa itong kabiguan Ben. Hinde ko gagawin ang kagustuhan ni SAMAEL.”
“kung ganun, magkita nalang tayo kapag handa ka na. Kailangan na naming kumilos dahil nagsimula na ang digmaan laban kay SAMAEL. Alam mo na kung paano ako ma kontak.”
“Ben…tapos na ba ang pagsasanay mo kay Mang Carding? ”
Tinignan ni Ben si Carding at mabilis nyang binunot ang baril at tinutok sa itaas.
“BLAM BLAM!!” pinaputok nya ang magnum nya at ang ikalawang bala ay tumama sa naunang bala at nawasak ito. Pina ikot nya ang revolver at pinasok sa holster nya.
“Mukhang mas naging accurate ka ngayon. “ wika ni Gabriel. Naka ngiti lang si Ben at tumango naman si Carding. Tinapik ng matanda ang balikat ni Ben at umalis na sila. Sumunod naman sa kanila ang Valkyrie members na nasa likod lang nila at nakatambay sa isang puno.
———-
By: Balderic
Los Angeles California
Tumira sa loob ng isang subdivision sina Serina. Sa vacation house ni Lyle. Ang bahay na ito ay isang mansion. May malaking hardin sa harap, at may electronic gate. Nahahati naman sa apat na bahagi ang bahay. Ang gitna nito ay may hugis pabilog at dalawang level ito. Sa itaas ang mga kwarto para sa main host, sa mga pamilya at mga guests. Sa left wing naman ay ang dining area at kusina. Sa right wing ang mismong sala at may isang mini bar sa corner nito. Ang likod naman ay may recreational area, may malaking rectangular pool, may gym, at may tennis court.
Minsanan lang kung pumunta dito si Lyle. Kapag may business trips lamang sya nakakapunta katulad noong may asawa pa ito. Dahil malaki na ang mga anak nya, sya na lang ang nagmemaintain ng vacation house.
Pagkarating nila sa LA ay nagpasya si Serina at Lyle na magpakasal sa lalong madaling panahon. Nakapag book na ang dalawa ng schedule at venue. Ang tila mapayapa at masayang linggo nila ay niyanig ng masamang balita nang malaman nilang patay na si Karen. Hinde man makadalo sa burol, nag direct video feed na lang sila para makita ang burol ni Karen.
Ilang gabing iyak nang iyak si Serina. Bago pa man maikasal si Karen kay Gabriel, anak na ang turing nya sa babae.
Naabutan ni Lyle na nasa mini bar si Serina at umiinom ng alak. Nilapitan nya ang fiancee.
“How are you holding up? ” tanong nito. Nag shrug lang ng balikat si Serina. Inakbayan sya ng lalake.
“Mahirap bang humiling ng kaligayahan Lyle? Bakit lagi nalang akong dumaranas ng ganitong kamalasan? Halos ma ubos na ang mga mahal ko sa buhay dahil isa-isa na silang pinatay.”
“Calm down Serina. Don’t be too hard on yourself.”
“I can’t help it Lyle. I told my son the same thing. Natatakot na talaga ako baka kung ano nang mangyari sa mga anak ko.”
“Your children are strong. Nakikita kong survivor sila especially Gabriel. I see a great fire in his eyes.”
“Thanks Lyle. Ang hirap talaga maging isang ina. Ang pinaka masakit na mangyari para sa isang magulang ay makitang ilibing ang sariling anak.”
Niyakap ni Lyle ang fiancee nya. Mahigpit at hinalikan ito sa labi. Lumaban naman si Serina at nagyakapan muli sila.
Sa kabilang bahagi naman ng mundo, sa Taipei, Taiwan. Na secure na ng amerika ang syudad pero may ilan paring mga pagtangka ang China para mabawi ito. Nag establish ng perimeter sa buong syudad ang US kasama na rin ang dagat. Secured din ang governmeny body ng Taiwan sa mismong capital ng bansa.
Samantala, walang kamalay-malay ang US Navy na may isang maliit na stealth operation na sinagawa ang China. Isang direktang utos mula kay Chinese president Guang Han Yang na e deploy ang Shadow Dragon squad. Ito ang pinaka elite na secret assassination team ng tsina na mismong presidente lamang ang may hawak. May anim lang itong myembro. Bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang lakas.
Ipinadala sila sakay ang maliit na bangka na dahan-dahang bumaybay sa hilagang dagat ng Taipei. Dahil may built-in stealth technology ang bangka, hinde ito nadetect ng mga radars ng malalaking barko ng US na nakadeploy sa area.
Hinde na lumapit pa ang bangka at bumaba na sila sa dagat na may isang kilometro pa ang layo mula sa flagship ng US ang USMS Kennedy. Nasa loob ng barko ang main commander ng Navy na si Fleet Admiral Charlie Church. Isang batikang US navy general.
May maliit na gathering dahil celebration ito ng birthday ng isa sa mga officers ni FADM Church. Lingid sa kanilang kaalaman ay inakyat na ng anim na assassin ang barko. Pinatay ng mga ito ang mga sentry sa malapit gamit lamang ang patalim na hawak nila.
Ang leader ng anim ay may codename na Silent Devil. Isa itong mute master assassin at senyas lamang ang lingwaheng ginagamit nya. Perfect para sa mga stealth missions. Lahat ng myembro ay naka dark navy blue na suit at may mga night vision goggles. May hawak na mga mahabang patalim at mga suppressed weapons.
Mabilis ang galawa ng bawat isa. May isang nakakitang bantay at nang pumorma ito ay binangga ito sa isang bakal na pillar ng pinaka malaking myembro na may codename Tortoise. Makapal ang armor nito pero lightweight at sa lakas ng bangga nya ay nabali ang spine ng bantay. Inapakan nya ang ulo nito at nadurog itong parang pakwan.
May mga lasing na navy ang napadpad sa bandang likuran ng barko. Limang kalalakihan ang mga ito. Nagulat sila nang makita ang nakabulagtang kasamahan at wasak ang ulo.
“What the fuck!? “ wika ng isa.
Biglang lumabas ang tatlong myembro ng Shadow Dragon. Isa sa kanila ang naglabas ng dual short swords at mabilis na hiniwa ang mga leeg ng dalawang biktimang navy. Humuni ang pagsirit ng dugo ng dalawa. Codenamed Whistling Screamer ang assassin dahil sa style nito sa pag hiwa ng leeg na kung saan napapa sipol ang butas sa leeg mula sa hangin na lumalabas dito.
Sinaksak naman ng walong beses sa dibdib ang isang nalapitan ng codename Red Dragon, ito ang nag iisang anak na lalake ni President Guang Han Yang. Matapos nito gawing pin head ang katawan ng biktima ay pimugutan nito ng ulo sa isang mabilis na hiwa.
Ang natitirang navy naman ay pasimpleng ginilitan ng leeg ng leader na si Silent Devil. Patuloy ang pagpasok ng squad. Mabilis nitong pinagpapatay ang mga nakikitang kalaban. Pero nahagip na ang mga ito ng cctv ng barko.
Agad nagbukas ng alarma ang barko na may mga intruders sila. Nabulabog ang kasiyahan at kanya kanyang takbuhan ang mga ito para kumuha ng armas. Sumenyas kaagad si Silent Devil sa kasama nyang may codename Talos. Gamit ang isang makabagong gear, bumukas ng tila mga pakpak ang backpack nito at may silent propulsion system. Lumipad ito at naglabas ng maliit na rocket at pinasabog ang main bridge. Sumabog ito at sa lakas ng pagsabog ay kita ito sa main land.
Mabilis kumalat ang alarma at nag dispatch kaagad ng attack helicopters para hanapin ang mga kalaban. Agad tumakas ang squad pero nasalubong sila ng napakaraming navy seals na nasa loob ng barko. Halos mapalibutan na ang mga ito.
“Give it up fuckers! Identify yourselves! You have 30 seconds to comply before we blow youe brains out! “ sigaw ng leader ng Seals.
Humarap sa kanila ang isang babaeng Shadow Dragon na may codename Siren. Isang malakas na hypersonic wave ang lumabas sa gauntlets nya at nahilo ang lahat ng nasa paligid. Hinde ito makagalaw sa tinde ng sakit ng mga ulo nila. Kaagad umatake ang squad at pinagtataga ang mga Seals. Hinde umabot ng isang minuto at nawala na parang bula ang grupo.
Kasunod nito ang mabibilis na mga pagsabog ng mga barko mula sa mga torpedoes sa ilang submarines mula China. Nagkaroon ng palitan ng mga putok. Lumipad ang mga F-60 Falcons na makabagong fighter jets ng amerika. Sinalubong nila ang armada ng China.
Mabilis na dog fight sa kadiliman ng gabi ang naganap. Umiilaw-ilaw na lang sa kalangitan ang bawat sumasabog na mga missiles. Isa isang nagsibagsakan ang mga natatamaan. Mula naman sa malayo ay dumating ang mga battlecruisers ng China at nagpasabog ng mga artillery strikes sa naka tenggang mga barko ng US Navy. Dahil walang command, naging mabagal ang response ng amerika sa surprise attack sa kanila.
Ilang segundo lamang ay marami sa kanilang mga barko ang napalubog. Kabi-kabilang pagsabog ang makikita. Nang matransfer na ang command sa next in line ay nag utos itong e atras muna ang mga barko para mapalayo sa range ng mga artillery. Ilang anti artillery gunships ang humarap sa mga missiles ng Chinese Navy.
Nagpalipad ng mga additional jet fighters ang US. Target nila ang malalaking barko ng Tsina. Mabilis ang pagkilos ng mga ito. Iniwasan ang mga sumisirit na missiles sa paligid at mga malalaking bala mula sa vulcan guns ng mga kalaban. Pa ikot-ikot ang mga ito sa pag maneuver at nang makalapit ay naglabas ng mga missiles.
“Eat this! “ series ng missiles ang inilabas ng squadron. Sabog sabog ang tinamaang targets.
Mula naman sa mas mataas na altitude ay may nadetect silang malalaking bagay na paparating. Apat na Makinaria Carriers mula pa sa SAMAELEAN empire ang dumating at naglabas ng daan-daang mga drones. Inatake ng mga ito ang mga F-60s.
“Multiple bogeys coming in! ” nag scramble kaagad ang squadron nang habulin sila ng mga drones.
“You think this is going to be easy huh!? Give them our newest weapons boys! “ bumukas ang ilang ports sa tail ng jet fighters at bumuga ito ng mga flares. Bawat flare ay nagbigay ng emp charge at na disable ang mga papalapit na drones. Agad umatras ang squadron bago pa sila maabutan ng marami pang units.
Sa dalampasigan naman ay bumagsak ang ilang Goliath mechs ng Makinaria legion. Malalaking mecha weapons na may iba’t ibang kalibre ng sandata. Sinalubong sila ng mga bagong modelo ng Abraham tanks at mga infantry units na may dalang emp rockets.
Dumating din ang infantry ng tsina na may mga armor mula pa sa emperyo. Nagkasagupa sa beach front ang magkabilang grupo. Nasa ilang buildings, trenches at makeshift bunkers ang mga kano. Armado hanggang ngipin amg bawat isa. Magiting na sinalubong ang mga kalaban. Kasama nila ang mga sundalong Taiwanese at mga conscripted civilians na nagvolunteer. Habang ang chinese naman ay may mga armas na sinupply ng emperyo. Kasama na dito ang QWAD units na parang mga lobong sumugod at harap-harapang umatake at nagpasabog sa mga bunkers. Unti-unti ay natutulak ang alyansang pwersa laban sa mga Tsino.
Nagkaroon naman ng distansya ang US naval forces at nagsimula silang bumomba sa mga barkong pangdigma ng China. Ang mga drone…