Heaven Or Hell Ep V ( Act Xvix ) Finale

Balderic

“Bitawan mo sya? Um! ” “Pak! ” sinuntok ng batang si Karen ang isang malaking bata na umaapi kay Gabriel.

Araaaayyy, walang hiya ka Karen, di porke’t pulis tatay mo, nagmamatapangan ka na! Isusumbong kita kay inay! “ sabay takbo ng bata.

Utot mo! Isama mo pa tatay mong panot! Hahaha! ”

Napatingin si Karen sa paslit na si Gabriel.

Hay Gab-gab bakit ba di ka marunong lumaban? “ tinulungan nito ang kaibigan.

Nakita mo ngang ang laki nun di ba? “ palusot ni Gabriel.

“Mataba lang yun.”

“Eh ganun na rin yun.”

“Nakalimutan mo ba yung tinuro ko sayo? Dapat yun ang ginawa mo! “

“Alin? Yung sipain sa bayag? Ayoko nun. Masakit.”

“Eh dapat lang masakit. Alangan namang masarap? Sira ulo ka ba? Tara na nga. May biling Joybee si inay. Hihihi tara kain tayo.”

“Um…” napahinto si Gabriel at hinde sumunod kay Karen.

“Oh bakit? ”

“Karen… ano kasi…”

“Ano? “

Napatingin si Gabriel kay Karen.

“Sa tingin mo ba lalakas pa ako? “

Napangiti si Karen.

“Oo naman! Darating ang araw na mas malakas ka pa sa akin! ”

“Ta.. Talaga? Edi maliligtas kita kung ikaw ang nasa panganib? ”

Umiling si Karen at tumingin kay Gabriel.

“Hihi mas marami pang tao! ”

———-

By: Balderic

Nagkaharap muli sa wakas si Gabriel at SAMAEL. Saksi ang buong mundo sa kaganapan. Animo’y tumigil ang oras nang makita nila live sa screen ang isang matindeng labanan na mangyayari sa dalawang magkatunggali.

Whose the young guy? “ tanong ng isang heneral habang nanonood sa screen. Lumapit sa kanya ang kasama nyang opisyal.

That’s Gabriel Marasigan.” Sagot nito.

The Gabriel Marasigan? The man behind the capture of Cifer Black?”

“Yeah. He’s also the one who stopped the rampage of the Silent Eight and one of the few people that defeated SAMAEL in a one on one battle.”

“So he’s our last hope huh.”

“Here’s us hoping.”

Dumating ang isang platoon ng mga COS sa likod ni SAMAEL at tinutok ang mga baril kay Gabriel.

“Hiding behind your men?” tanong ni Gabriel na may halong pang aasar.

“ANY ONE WHO CAN DRAW BLOOD ON THIS MAN WILL BE REWARDED HANDSOMELY. NOW GO! ”

“GRAAAAHHH!! “ sigawan ng mga COS members at pinagbabaril si Gabriel.

SHOOOM!!” sumugod at naglaho sa sobrang bilis si Gabriel. Nag iwan ito ng after images sa bawat isang COS member na madaanan nya.

Nag slide ang mga paa ng binata sa lupa matapos ang napakabilis na atake nang daanan nya ang buong hukbo ng COS. Hinde agad naka galaw ang mga tauhan ni SAMAEL.

S.. So… ss… troonggg… uuunngghh!! “ isa isang bumagsak ang mga myembro ng COS.

Tinitigan ni Gabriel si SAMAEL. Nakita nya ang expression ng mukha ng emperor. Mukha itong na susurpresa.

“That really surprised you? “ nakangiting tanong ni Gabriel.

“YOUR LIGHT STEP HAS TREMENDOUSLY IMPROVED. I ALMOST BARELY LOST YOU DURING YOUR ATTACK ON MY MEN. BUT REGARDLESS OF THAT, NOT EVEN YOUR SPEED CAN SAVE YOU FROM MY MURAMASA.”

“the infamous katana of the Ashura. Not a bad weapon Emperor.”

“HE WAS THE STRONGEST WARRIOR WHO EVER LIVED AND I SURPASSED HIM. MY POWER, MY STRENGTH, MY SKILLS, ALL WILL BOW BEFORE ME.”

“you’re an abomination SAMAEL. An evil that will destroy this world. Your sixth realm, the Asura. I know all about it.”

“GOOD! THEN YOU KNOW YOUR TRUE NIRVANA IS INFERIOR TO THE ASURA. I HAVE MASTERED THE CYCLE OF LIFE AND DEATH. COMBINED WITH MY LIMITLESS POWER, I HAVE BECOME A TRUE IMMORTAL! A GOD! HAHAHAHAHA!!!! ”

“Give me a break. The Asura realm grants its user the ability to revive the five realms it lost. That means I will have to kill you six more times now in order to stop you permanently. You’re not a God, you’re just a man obsessed with immortality and you only delayed the inevitable. ”

“ENOUGH TALK! YOU SHOULD BOW BEFORE A GOD!” nag stance si SAMAEL at hinawakan ng maayos ang katana sabay atake.

PHOOOMM!!!” nag dash ito head-on. Mabibilis na mga taga ng Muramasa ang ipinamalas ni SAMAEL. Tumagingting ang blade nito nang masalag ni Gabriel ang bawat atake gamit lamang ang dalawang daliri ng kanang kamay nya habang nakatayo lang. Mas pinabilis ni SAMAEL ang mga taga at animo’y lumalagpas lang sa katawan ni Gabriel ang katana dahil after images na lamang ang kanyang nakikita dahil sa bilis ni Gabriel.

“THIS IS MASTERED ZERO POINT FOCUS TECHNIQUE!!” bulong ni SAMAEL nang ma mangha sa talas ng bawat kilos ng binata.

KTANG!!! “ nahawakan ni Gabriel ang blade at hinde ito maigalaw ni SAMAEL.

WHAT!?”

Ngumiti si Gabriel.

“Octa Dragon Strike. “ simpleng wika ni Gabriel.

BRAGAM BRAGAM BRAGAM BRAGAM BRAGAM BRAGAM BRAGAM BRAGAM!!!!! ” “SHRRRIIIIEEEEEEKKK!! “ parehong napa atras ang dalawa nang magbanggaan ang kanilang mga kamao.

THAT WAS CLOSE. IF I DIDN’T USE MY HELLZONE, I WOULD HAVE BEEN DONE THERE. “ bulong ni SAMAEL. Nabigla ito nang maglaho si Gabriel. Nanlaki ang mga mata nya nang maramdaman ang presensya ng Positive Karma sa likod nya.

“Looking for me? ”

“WHA!?” “KRAAAGAAAMMMMM!!! “ tinanggap ni SAMAEL ang isang malakas na sipa mula sa likod at tumilapon sya palayo. Biglang lumitaw si Gabriel sa paroroonan nya at sinundan ito ng suntok.

“BRAKKK! !” “UURRRGGHHH!!! “ bumalik ang talsik ni SAMAEL at sinundan sya ni Gabriel. Parang tennis ball ang katawan ng Emperor sa pag bounce nang sunod-sunod itong suntukin ni Gabriel at mas lalong lumayo ang distansya ng pagtilapon nito.

Tinusok ng Emperor ang katana sa lupa para mahinto ang momentum nya at gumawa ito ng malalim na linya sa lupa. Nasundan sya ni Gabriel at nagtapon ng kamao. Ginamit ni SAMAEL ang Dark Step para mailagan ang suntok kasabay ng mabilis na counter attack nang tagain nito ang binata. Nahawakan muli ni Gabriel ang blade. Dalawang swiping kick ang tumama sa maglabilang pisngi ni SAMAEL at kasunod ang isang frontal kick sa dibdib nya. Nasalag nya ito gamit ang kabilang braso.

Hinablot nya si Gabriel para e headbutt pero naunahan sya ng binata. Hineadbutt ni Gabriel si SAMAEL. Tinapik ang katana at umikot-ikot ito sa ere at nang bumagsak ay sinipa ito ng binata.

“TSAAAGGGG!!!” “AAARGGHHHHHH!!!” baon ang katana sa dibdib ni SAMAEL. Kumukuryente pa ang blade nito nang dahan-dahang hugutin ng Dark Emperor.

That’s one realm gone SAMAEL.”

“HAH! THEN I SHALL PAY YOU IN THE DOUBLE! “ hawak muli ang sandata nya, umugat ang buong katawan nya at mabilis itong nagtata-taga sa ere kung saan biglang lumagablab ang blade at naghagis ng mga apoy patungo kay Gabriel.

Katulad ito ng technique ni Himeko pero mas malakas na version. Inilagan ng binata ang doble dobleng mga apoy na tinatapon sa kanya. Namangha naman ang mga nakakakita sa pangyayari.

“How is SAMAEL doing that? Is that magic? ” pagtataka ng heneral.

“SAMAEL’S attacks are so fast and strong that it made friction with the dust and small stones in the air as he slashes it. That resulted in the blade igniting fire and throwing it to Gabriel.” Paliwanag ng isang babae. Napatingin sa kanya ang mga heneral.

Who are you? ”

“Class S Sting Agent Mindy Bond. “

“How old are you? “

Nagroll lang ang mga mata ni Mindy.

You’re one of Talia’s people. Why are you here? I thought the Stings are out there fighting.”

“I supported the rear units. But after the retreat command came, I’ve been assigned in the war room as an assistant adviser.”

“Heh, really? You’re too young to be playing with the big boys here.” Mayabang na wika ng matandang mataba na general.

I’ve been in the front lines fighting alongside Gabriel Marasigan during the Black Rebellion. My team also assisted various key missions that resulted in the defeat of the biggest crime organizations like the Silent Eight and we’ve also infiltrated Purgatory a couple of weeks ago. I’m no stranger to tactics General. I suggest you leave your ego at home to your mamma and focus on the mission at hand because once SAMAEL managed to break in here and see you eye to eye, I doubt you and your loud mouth will be enough to stop HIM.”

Hinde nakasagot ang heneral. Napa punas nalang ito ng panyo sa panot nyang ulo. Tumalikod ito at humarap sa screen. Matalas namang pinanood ni Mindy ang mga pangyayari.

Makikitang umaapoy ang paligid matapos ang mabibilis na mga atake ni SAMAEL. Walang ni isang tumama kay Gabriel. Masyado itong mabilis gamit ang Light Step. Magaan ang katawan nito at matalas ang focus.

“YOUR MASTERY IN THE ARTS OF THE LOTUS IS COMMENDABLE. SERAPH WOULD BE PROUD.”

“he’s already proud of me even before he died. My master taught me well.”

“BUT YOU COMPLETED YOUR TRAINING WHEN YOU RETURNED IN KUNLUN. I THOUGHT I HAD DESTROYED THE PLACE. THOSE WRETCHED MONKS AND THEIR STUPID NEUTRAL MINDSET. THE LOTUS SHOULD BE CONQUERING THE WORLD. AND I BROUGHT IT HERE ALONG WITH THE SAMSARA.”

“they believed in equality and peace. You only bring chaos and destruction.”

“I BRING STABILITY AND PROGRESS. LOOK AT MY EMPIRE! YOU SEE HOW FAR IT CHANGED SINCE THEN? THIS VERY SOIL WAS NOTHING BUT A BARREN WASTELAND, ROTTING AND USELESS. A MERE SHADOW FROM ITS FORMER GLORY DURING THE COLD WAR. AND I CAME HERE, AND I SAVED THEM FROM POVERTY AND DEATH! “

Napa isip si Gabriel. Malaki nga ang pinagbago ng Ukraine simula nang sakupin ito at nang kumalat pa ang borders ng Emperyo ay mas lalong naging progresibo ang kaharian nya. Napangiti si Gabriel.

“Your glorious Empire’s foundations are made of the million corpses of your victims and your crime is being a plague of humanity itself! ”

“THEN TRY AND STOP ME OF YOU CAN!!! GAAABRRIEEEEELLL!!!” sumugod si SAMAEL at sinalubong sya ni Gabriel.

KRAGAM!! BRAGAMMM!! BAKAAMMM!!! “ sabog-sabog ang lupa at konkreto sa malalakas na mga atake ng Katana ng Emperor. Ubod ng bilis na naiilagan ito ni Gabriel. Kumunekta ang mga malulutong na mga suntok ng binata sa bodega ni SAMAEL. Bawat suntok ay tila nahirapan makahinga ang Emperor. Bumagal ito ng kilos. Naging open ang depensa nya. Na elbow block ang kamay ni SAMAEL na may hawak ng katana at bumukas ang dibdib nito. Nanlaki ang mga mata ng Emperor sa paparating na combo ni Gabriel.

BRAGAM BRAGAM BRAGAM BRAGAM BRAGAM BRAGAM BRAGAM BRAGAM BRAGAM BRAGAM!! “ sumabog ang malalakas na mga suntok ni Gabriel sa katawan ni SAMAEL. Buga nang buga ng dugo ang Emperor sa matitindeng impact sa katawan nya. Nagliyab ang mga mata ni SAMAEL. Sinakluban ito ng sobrang galit.

GGGRRAAAAAAAAAAAAHHHH!!!!” tinaga nya si Gabriel gamit ang buong lakas nya. Sinalubong naman ito ni Gabriel ng isang kamay.

KPAK! “ nahawakan nya ang blade.

“KTAANNGGGG!!!!!” naputol ang katana sa lakas ng palm strike ni Gabriel dito. Tumilapon ang dulo ng katana sa ere. Naghanda ng counter strike si Gabriel. Pero bigla syang niyakap ni SAMAEL.

“NOW YOU’RE MINEEEEE!!! GRAAAAAAARRR!! “ sinalo ng bibig nya ang dulo ng naputol na katana nang bumagsak ito at agad itinarak sa kanang balikat ni Gabriel.

“TSAAAGG!!!” “AAAAAAGGHH!!! “ sigaw ng binata. Napangiti naman si SAMAEL at isang mabilis na hiwa ang ginawa nya para mas malaki ang sugat na ibibigay nya.

“SSHRRIIPP! ” “UURRGGHH! ” “KTAAGG! “ hineadbutt agad ni Gabriel si SAMAEL at nakahiwalay silang dalawa.

Hinihingal na binunot ni Gabriel ang talim. Nag fighting stance si SAMAEL. Isang stance na familiar si Gabriel. Gagamitin ni SAMAEL ang Deathzone. Isa sa pinaka deadliest na technique ng isang samsara user. Bawat atake nito ay nakadesenyo para tapusin kaagad ang kalaban. Naghanda rin ng sariling Lotus stance si Gabriel.

“SSHHOOMMMM!!!” naglaho ang dalawa sa isang pikit-mata. Kasunod nito ang malalakas na shockwaves ng mga suntok at mga atake sa iba-t ibang dako. Hinde masundan ng mga mata ang bilis nila at animo’y invisible na ang mga ito. Laglag ang mga panga ng mga taong nanonood sa laban. Tanging ang mga mandirigma at bihasa sa labanan ang tanging nakaka kita sa dalawa pero kahit sila ay hirap ding sundin ang kilos ng magkatunggali. After images nalang ang naaabutan nila.

“KRAGAMMM!! KRAAAAGG!! “ wasak ang mga pader at nagsitalsikan ang debris nang mahagip ito ng dalawa. Nagkaroon ng streaks ang lupa sa bawat dash at galaw ng dalawa. Lumitaw si SAMAEL at dinampot ang isang kotse saka hinagis. Nahati ito sa gitna nang daanan ni Gabriel at naglaho muli ang dalawa.

“Holy shit! What the hell is going on!? They’re practically disappearing! How can they move so damn fast? “ mangha ng heneral. Napatingin sila kay Mindy.

“Don’t look at me. I have no idea what the fuck I’m watching right now.” Sagot ng dalaga. Napa iling nalang sila.

Samantala, sa loob naman ng Medical Bay, tahimik na nanonood si Yumiko habang may oxygen mask ito at nakahiga sa kama. Napaluha ito habang pinapanood ang laban ni Gabriel at SAMAEL. Hinde nya mapigilang mapapiga ng kamao at nanginginig ang kanyang braso.

“Master….please… .do your best… .don’t lose!! “ bulong nya sa sarili.

“KRAKOOOOMMMM!!!” sumabog ang isang pader nang bumangga dito ang katawan ni Gabriel pero agad itong tumayo at sumugod. Nagtagisan muli ng mga atake ang dalawa. Parehong naka activate ang malalakas nilang technique. Ang Deathzone ni SAMAEL at Mastered Absolute Zero.

Tinamaan ng tadyak si SAMAEL at tumilapon ito sa isang gasoline truck.

“BRAAAGGOOOOOMMM!!!! ” sumabog ang truck at nagdulot ito ng malakas na bolang apoy na makikita ng ilang kilometro. Mula sa apoy ay lumabas ang nasusunog na katawan ni SAMAEL. Dahan dahang nagregenerate ito matapos matupok. Isang realm nanaman ang natanggal ni Gabriel.

Ngumiti lang ang EMPEROR kay Gabriel.

PERHAPS I’VE BEEN UNDERESTIMATING YOUR SKILLS BOY. HEH! YOUR MASTER DIED AFTER USING NIRVANA BUT YOU’RE KEEPING UP WITH ME USING ITS HIGHEST TECHNIQUES. HOWEVER, UNLIKE ME, YOUR BODY DOES NOT REGENERATE ONCE ITS EXHAUSTED OF POWER. SO MY QUESTION IS, HOW LONG CAN YOU KEEP THIS UP BOY? ”

“long enough to kill you.”

“HAHAHAHA! WE SHALL SEE.”

Biglang naramdaman ni Gabriel ang kakaibang negative karma. Narealize nyang nasa loob sya ng range ng Deathzone. Nagawa nyang maiwasan ang bawat atake ni SAMAEL sa paghaharpa nila dahil sa Mastered Absolute Zero at ang bilis nya gamit ang Light Step, subalit ngayon ay nakatayo lang sya at walang kadepe-depensa.

Shit.” Bulong nya at agad syang umatras pero nasa likod na nya si SAMAEL.

GRAAAAH! !” isang wild arm swing mula sa likod ang nailagan ni Gabriel pero nasundan ito ng isang suntok sa tagiliran nya.

BRAAGG!!!” “AARRGH!! ” tumalsik si Gabriel at nagpagulong-gulong sa lupa. Ramdam nya ang pag crack ng tatlong ribs nya. Mabilis na nakalapit ang Emperor at tinadyakan sya pero agad nya itong na block at lumayo. Nakalabas sya sa Deathzone para magrecover. Hinawakan nya ang tagiliran. Ramdam nya ang hapdi nito at hirap ng paghinga.

———-

By: Balderic

Sa kabilang bahagi ng labanan ay patuloy ang gyera ng NWA at COS. Isa sa mga tumutulong sa NWA ay si Alexia. Nasa likod ito at patuloy ang pag snipe sa mga kalaban. Napasok na nila ang teritoryo ng Purgatory at tila alon na walang hinto sa pag atake. Dahil sa tinde ng mga pinsala ng Emperyo at ang dami ng napatay sa hanay nila, nawawalan na ng morale ang COS.

Subalit, nang makapasok ang NWA ay sinalubong ng QWAD units ang mga sundalo. Umulan ng bala sa paligid. Light armor vehicles versus QWADS. Gamit ang high velocity penetrating bullets ni Alexia, wasak ang bawat ma target nyang mga QWAD units. Pero sadyang mobile ang mga artificial anti personnel weapons na mga ito. Mabibilis at ang advanced AI mainframe nila ay kayang makareact ng kilos at desisyon sa laban sa loob lang ng ilang nano seconds.

Marami ang napatay na mga sundalo. Masyadong accurate ang QWAD units. Umatras at gumawa ng oerimeter line ang NWA para hinde sila mapalayo ng atras. Isa isang bumagsak ang mga tanke na dala nila. Nabuhayan naman ng loob ang COS at sumugod muli.

We’re pinned! We need artillery support now! Tag the targets and radio the coordinates!” utos ng ground commander. Gamit ang mga red lasers, tinutukan ng mga ito ang targets nilang QWAD units at tumawag ng support.

Negative on the artillery support commander, our rear forces were decimated by SAMAEL earlier. We will however bring additional local militias to support your forces. Hang tight.”

“What the fuck? Local militias? What the hell can they do? Throw garbage bottles at these damn things!? ”

“This is Alexia Romanova, hold your forces in line Commander. I’ll destroy QWAD units as many as I can. Meanwhile, mobilize your demolition team and create a funnel so the enemy forces are forced to attack you in a limited space. Proceeding on foot will be too dangerous as long as these robots are on the way.”

“Okay….thanks for the advice. We’re on your mercy now Alexia.”

“Roger that Commander. “ sabay asinta ng isang QWAD. Napadila ng labi si Alexia at binaril ang QWAD unit. Tinamaan ito sa main body at sumabog. Tumagingting ang malaking basyo ng sniper rifle ng babae nang ito ay magreload.

———-

By: Balderic

Mainland China

Isang malaking kahihiyan para sa Chinese army ang hayaang mapasok sila ng NWA forces sa Asian War Theater. May kalakihan na ang porsyento ng teritoryong nasakop ng NWA forces. Mas marami man ang mga sundalong tsino, mas advanced naman ang kagamitan at skills ng NWA forces.

Upang maiwasan ng NWA forces na ma overrun sila ng napakaraming sundalong Tsino, hinati ng NWA forces ang mga tropa nito para mapilitang hatiin din ng Tsina ang mga pangkat nila at sa isang short duration firefight at mine maintain ang mobilization ng NWA para hinde sila ma stuck sa iisang lugar lang.

Masyado namang kompyansa ang mga Tsino dahil teritoryo na nila ito at daan daang pambobomba ang ginawa nila gamit ang mga fighter jets sa kinaroroonan ng mga NWA forces. Hinde ito masyadong epektibo dahil nakakapag tago ang mga ito sa mga gusali.

Ipinag utos ni Pres Guang Han Yang na ubusin ang mga NWA forces at walang ititirang buhay. Isang malaking hukbo ng mga Tsino ang nakasagupa ng platoon ni Aidan. Bukod sa laki ng pangkat, may mga kasama pa itong armored division at QWAD units mula sa Emperyo.

Alistong nag set up ng ambush site ang grupo ni Aidan. Sa isang highway na may matataas na mga gusali nagtago ang grupo. Dumaan ang malaking pangkat ng mga Tsino at nang nasa mismong kill zone na sila ay pinagsabog nina Aidan ang pillars ng mga gusaling nakapaligid. Animo’y parang mga dagang nagsipulasan ang mga Tsino dahil sa pabagsak na malalaking gusali. Buong natabunan nila ang Armored Division na nasa unahan ng convoy.

Matapos ito ay nabalot ng makapal na usok at alikabok ang paligid pero hinde ito naging hadlang sa grupo at rinatrat nila ito ng mga machine guns. Marami ang napatay na mga kalaban habang hirap ang mga itong makarecover ng formation. Pinalibutan ng grupo ni Aidan ang mga ito at isang matindeng sweeping assault ang inilunsad. Makalipas ang ilang minuto ay wala nang nakitang gumagalaw sa mga debris at ang nasa huling hukbo ay walang nagawa kundi ang sumuko. Daan daang tsino ang napasuko ng grupo.

Goddammit Lt. Torres, this is one hell of an accomplishment.” Wika ng isang amerikanong officer na kasama sa operation. Nag radio sila sa nagawang mission at agad nag mobilize ng mga tropa para kunin ang mga POW nila. Samantala, nagpatuloy naman sina Aidan na pumasok sa teritoryo ng Tsina.

Forbidden City

“This cannot go on! We lost an entire army from a small group of NWA forces. If it keeps up, we will lose not only our reputation but our influence to the entire country! “ wika ng isang adviser.

Tahimik lang na nakikinig si Pres Guang Han Yang habang patuloy sa pagbabangayan ang kanyang inner circle.

“How do we stop the NWA? They’ve proven their effectiveness in frontal assaults and their operations are being done in almost guerilla type tactics that avoids our main forces and attacks in fast and short confrontations.”

“Use the Black Sun.” maikling wika ni Pres Yang. Napatingin sa kanya ang mga tauhan nya.

“You mean, the Tetragrammaton Bomb?”

“Use it on their main forces and wipe them off the planet.”

“But the NWA forces are scattered in different locations. And targeting them could potentially kill our own troops as well.”

“I don’t care! I want them all killed! “ sigaw ng presidente. Nagkatinginan ang mga advisers nya.

“Mr. President, if I may….”

“BLAM! “ isang bala ang tumapos sa adviser nang barilin ito ng bodyguard. Tumayo ang Presidente.

Don’t forget who you’re talking to. I command the entire people’s republic red army. If I say, use the Black Sun then do it. Destroy all those who oppose us and make them all suffer.”

Tahimik ang inner circle. Takot para sa mga buhay nila. Hanggang biglang bumukas ang isang pinto at pumasok ang grupo ng mga armadong pangkat.

“What is this!? “ gulat ng presidente. Pumasok ang isang babaeng tsino na naka general uniform. Mukhang bata pa ito para sa kanyang ranggo.

“General Ling Gong Li?” gulat ng presidente at ng mga kasama nya. Tinutukan sila ng baril.

“President Yang, in the name of the People’s republic of China, you are under arrest for your crimes to the people.” Wika ni Gen Li.

“You dare to arrest me? Guards! Kill them! “ utos ng Presidente subalit hinde nakapalag ang mga bodyguards nya nang tinutukan na ang mga ito ng baril. Walang nagawa ang presidente kundi ang sumuko. Hinuli ito at pinusasan.

“You’ll pay for this treachery Gen Li. I swear it in the name of my family.” Wika ng presidente.

“Your failures in containing the conflicts has led the republic to replace you as its supreme leader. You are a weak leader Pres. Yang.”

“And who will replace me? You? What a pathetic excuse for your coup d etat.”

“The people will decide, not me.” Sabay ngiti ni Gen Li.

“The people, hah! You’re going to sacrifice me for your own political ambition.”

“The sacrifice is necessary to save the republic.”

———-

By: Balderic

Bumulusok ang isang steel bar na parang palaso at inilagan ito ni Gabriel. Bumaon ang bakal sa isang pader. Tatlo pang mga steel bars ang magkakasunod ding inilagan ng binata at pare-parehong tumuhog sa pader. Isang malaking tipak ng semento ang hinagis pa ulit papunta sa kanya. Hinugot ni Gabriel ang steel bar at mabilis na tinapik ang semento. Durog ito sa impact at mabilis na winawasiwas ni Gabriel ang steel bar na parang bo staff ng isang shaolin monk at nag stance ito.

Lumipad ang ilan pang debris patungo kay Gabriel. Bawat isa ay pinalo nya ng steel bar. Isang dagger ang biglang hinagis ni SAMAEL kay Gabriel at tinapik nya ito sa ere at agad sinipa. Bumalik ito kay SAMAEL pero iniwasan nya ito. Nagulat sya nang makitang nasa gilid nya na si Gabriel at akmang papalo gamit ang steel bar.

KTANGGG!!!” hinampas si SAMAEL ng steel bar sa likod at bumagsak ito sa lupa. Malakas naman ang vibrate ng bakal dahil sa impact. Inikot ni Gabriel ang steel bar at ang kabilang dulo na nasa lupa ay paitaas na papalo sa Emperor.

Nahawakan ito ni SAMAEL at binali ng isang mabilis na palm chop. Nahati sa gitna ang steel bar. Kinuha ni Gabriel ang kaputol at ginamit ang dalawang parte ng steel bar bilang pamalo. Sumugod muli si Gabriel at mabilis nitong pinagpapalo ang Emperor. Sinalag naman ni SAMAEL ang bawat atake at hinuli ang mga kamay ng binata. Isang drop kick ang binigay ng binata at tinamaan sa dibdib si SAMAEL.

Napa atras ang Emperor at nagulat ito nang hatawin ang likod ng tuhod nya gamit ang steel bar. Natumba si SAMAEL at sinalubong ang isang pababang palo sa katawan. Pina ikot-ikot ni Gabriel ang mga steel bars at sinaksak sa nakatumbang Emperor.

Sinakal bigla si Gabriel at tumayo ang Emperor. Sinubukan nyang saksakin ang katawan nito pero umilag si SAMAEL at hinampas sya sa isang pader. Nag crack ang pader at isang backhand ang pumalo sa mukha nya. Tinadyakan nya sa tagiliran at panga ang Emperor para makawala pero ibinagsak sya sa lupa. Inagawa ni SAMAEL ang mga steel bars at hinagis.

I KNOW THE FEELING, BOY!” hinablot ni SAMAEL si Gabriel at binuhat lampas sa ulo nya.

“THAT’S THE FAMILIAR FEELING OF DEATH! FACE IT! ” binagsak nya na parang sako ng bigas ang katawan ng binata sa lupa. Kasunod nito ang pag apak nya sa ulo ni Gabriel. Pinigilan ito ng binata git ang buong lakas nya.

Ungghhh!!!” ungol ni Gabriel habang nakikipagtagisan ng lakas. Napasilip sya sa steel bars na nasa gilid.

“IT ALL STARTS WITH PAIN, THEN YOU START DOUBTING YOURSELF, YOUR MOVEMENTS TURN SLOW, AND YOU REACT POORLY TO PRESSURE. THAT’S WHEN YOU’LL FACE YOUR MORTALITY! ”

shut up!! ” “KTAG!! “ tinadyakan ni Gabriel ang tuhod ng kabilang paa ni SAMAEL. Na dislocate nito ang tuhod ng Emperor at nakawala sya. Inabot nya steel bar at bago pa maka recover si SAMAEL ay sinaksak nya ito sa gilid ng tenga.

TSAAAG! ” tagos sa kabilang tenga ang steel bar nang matumba si SAMAEL. Medyo mahina si Gabriel na umatras sa katawan ng Emperor. Dito nya narinig ang malagim na tawa ni SAMAEL.

GAHAHAHAHAHAHA!!!! EXCELLENT PERFORMANCE BOY! BUT THE DAMAGE ONLY MADE ME MUCH STRONGER! THE MORE TIMES YOU KILL ME, THE STRONGER I BECOME!” tumayo si SAMAEL na naglalagablab ang mga mata at katawan. Tila mas lumaki ito at mas tumibay. Bawat pinsala nya ay naglaho at bumalik ang lakas na nawala habang si Gabriel naman ay tila humihina.

SHALL I DEMONSTRATE IT TO YOU!?” nakangiti pa ito.

Napapiga ng mga kamao si Gabriel.

GRAAAAAAAAAHHHHHH!!!!!” “SSHHOOOMMM!!” sumugod ito KAY SAMAEL at ibinagsak ang Octa Dragon Strike nang paulit-ulit. Dumipensa si SAMAEL pero pumasok lahat ng mga suntok ng binata. Matitindeng suntok ang tumama sa vital points ni SAMAEL na parang kasing lakas ng bala ang bawat tama.

BRAGAM BRAGAM BRAGAM BRAGAM BRAGAM BRAGAM BRAGAM BRAGAM BRAGAM BRAGAM!!!! “ sumabog ang lupa at debris sa likod ni SAMAEL dahil sa shock waves mula sa mga suntok ni Gabriel.

KRAGAAMM!!!” tumilapon si SAMAEL sa ikahuling atake at bumangga sa mga sasakyang nakatambay sa gilid ng wasak na kalsada. Umuusok ang katawan nito at namuti ang mga mata.

Napaluhod ang isang tuhod ni Gabriel sa panghihina. Simula palang ng laban nila ay matindeng techniques na ang ginamit nya na syang kumuha ng lakas nya sa katawan. Sa ikatlong pagkakataon ay napatay nyang muli si SAMAEL. Sa ika apat nitong buhay ay biglang tumilapon ang mga debris at wasak na sasakyan. Lumabas sa makapal na usok si SAMAEL na nakangiti at animo’y kumukuryente ang katawan habang nagsisilabasan ang mga ugat nito sa balat.

YOUR STRENGTH IS LEAVING YOU. ALL THOSE TECHNIQUES YOU USED HAS DRAINED YOU COMPLETELY AND NOW YOU’RE POWERLESS. NO MATTER HOW STRONG YOU GET, YOUR MORTAL BODY WILL ALWAYS HAVE ITS LIMITS. ME ON THE OTHER HAND WILL ONLY KEEP ON GETTING STRONGER. THIS TIME BOY, YOU WILL FALL.”

“KRAGOOMM!!!” umatake si SAMAEL at pareho silang naglaho ni Gabriel. Nagpa ulan ng mga suntok ang Emperor habang si Gabriel naman ang umiilag. Nagagamit parin nito ang Mastered Absolute Zero. Paatras na dumepensa ang binata. Tumalon ito sa iba’t ibang sasakyan at sa mga nakatayong pader. Nawasak ang mga ito nang madaanan ni SAMAEL habang hinahabol sya.

YOU’RE GETTING SLOW, BOY! ”

“KRAAGG!! KRAGAMM! “ tumama ang dalawang suntok ni SAMAEL sa tiyan at tagiliran ng binata. Bago tumilapon ang katawan ng binata ay inabot sya sa paa at ibinagsak sa ibabaw ng isang sirang tanke.

KLAGG! ” “aaagh! “ bumuga ng dugo si Gabriel nang bumagsak ang likod nya sa ibabaw ng tangke.

“HERE’S MORE! “ bumulusok si SAMAEL habang naka turo ang tuhod papunta sa nakatihayang binata.

“KTAAGG!!” “AAAAAAHHH!!!” sigaw ni Gabriel nang bumaon ang tuhod ni SAMAEL sa sikmura nya.

Napasinghap ng hangin ang mga nanonood. Hinde makapaniwala sa mga nangyayari. Iisang bagay ang nasa isipab nila. Matatalo pa kaya si SAMAEL ngayong ang taong inaasahan nilang gagapi sa emperor ay tila wala nang lakas para lumaban pa.

Binuka ni SAMAEL ang mga braso at tumingin sa paligid. Hinarap nya ang ilang camera drones na nag oobserba sa labanan.

“IS THIS YOUR SAVIOR!? THE MAN WHOM YOU GAVE HOPE TO STOP ME? WHAT A WEAK DISPLAY OF POWER! AND NOW I WILL SHOW YOU HOW I DESTROY YOUR LAST GLIMMER OF HOPE AND BURY IT INTO OBLIVION!” sinakal ni SAMAEL si Gabriel at inangat sa ere. Dinsplay ang katawan nito para makita ng lahat. Walang imik ang mga taong nanonood sa screens nila. Maging ang ina ni Gabriel na si Serina at kapatid ng binata ay hinde kayang panoorin ang gagawin ni SAMAEL.

YOUR END IS NIGH GABRIEL. BUT DON’T WORRY. PEOPLE WILL REMEMBER THIS DAY AS THE DAY THAT FOOLISHNESS TRIED TO STOP DESTINY.” Pinatigas ni SAMAEL ang kamao nya para tapusin si Gabriel.

“No, Gabriel fight back! “ sigaw ni Mindy.

“Kuya laban! “ sigaw din ni Aidan habang nagpapahinga sa isang kuta.

“Anak.. Wag kang susuko… “ wika ni Serina.

“Gab.. rielll… ” inangat ni Ben ang kamao habang nasa kama ito at mahina.

“Gabriel… fight back…. ” wika ni Talia.

“..come on.. Fight back man! ” bulong ni Cifer.

“Fight back… ”

“Gabriel.. .fight… back… “

“Fight back. ..”

Bulong ng di mabilang na mga taong naniniwala kay Gabriel Marasigan.

“…Master…..don’t lose!!” bulong naman ni Yumiko.

“KRAGAAMMM!!!!” sumabog ang malakas na suntok mula kay SAMAEL. Tumama ito sa mukha ni Gabriel. Namuti ang mga mata ng binata. Bunagsak ang mga kamay at paa nya nang mawalan na sya ng lakas.

Hinagis si Gabriel na parang basura. Kasabay ng pagbagsak nya ay ang pag asa ng milyon milyong mga tao na naniniwala sa kanya.

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! “ malakas na tawa ng Emperor. Nalalasahan na nito ang tagumpay. Nanahimik ang lahat. Nanghina at nanlumo. Napa iyak at natakot. Ito na ba ang katapusan ng lahat? Ito na ba ang wakas ng kabutihang lumalaban para sa mga inosente at katarungan?

Lumapit si SAMAEL sa tila wala nang buhay na katawan ni Gabriel. Hinatak ito at hinagis pa itaas.

“KRAGAM!! KRAGAM!! BAKAMMM!! “ magkakasunod na mga atake ang pinakawalan ni SAMAEL sa defenseless na katawan ni Gabriel. Para itong manikang pinaglalaruan. Sinipa ni SAMAEL sa ulo si Gabriel at muntik nang mabali ang leeg nito sa lakas ng impact. Bumulusok ang katawan ng binata sa isang wasak na bakery shop. Basag ang salamin nito nang mapasok ng katawan ng binata. Bumangga pa ang katawan ni Gabriel sa mga lamesang kahoy at nagkabali-bali ang mga ito.

Ilang internal bleeding, multiple fractures, muscle tearings at bruises ang ilan lang sa mga pinsalang tinamo ni Gabriel sa malalakas na atake ni SAMAEL.

Dumating ang ilang fighter jets mula sa Naval Carriers ng NWA, at nag hulog ng bomba kay SAMAEL. Dinaanan ng mga ito ang Emperor.

BRAGOOOMMM!!” sumabog ang mga bomba nang hinde man lang napinsala si SAMAEL.

May dumating pang isang squad ng snipers na pumwesto sa mga gusali para huntingin si SAMAEL. Sinipat ng mga ito ang Emperor at sabay na binaril ito.

SHOOOM! SHOOM SHOOM!!” naglalaho sa pwesto si SAMAEL habang iniilagan ang mga sniper bullets. Biglang nag dash ang Emperor at sa isang iglap ay nakalapit na sa pwesto ng snipers.

“What! ?”

“COWARDS.” “KRAKOOOMMM!!” wasak ang katawan ng sniper team nang pagsusuntukin ang mga ito. Kahit nakasuot pa ng kevlar armor ay wala itong nagawa sa mga suntok. Sumabog ang mga internal organs ng mga snipers dahil sa impact.

Dumating ang isang drone.

“LORD SAMAEL, the VOLT is almost ready for another attack.” Report ng isang COS.

“GOOD. ONCE IT IS READY TO FIRE, DESTROY THE NWA HEADQUARTERS.”

“yes my LORD.”

Sa loob naman ng NWA headquarters na detect nila ang Olympus.

“Shit! Olympus is operational once again.” Wika ng isang operator.

“I thought that’s been shut down.” Wika naman ng isang heneral.

“It was hacked and disabled by Galatea from the Albatross but the airship was destroyed so maybe that’s how they managed to gain control of it once again.”

“Is there any way we could stop it? “ tanong ni Mindy. Umiling lang ang operator.

This is the end of the line boys.” Wika naman ng isang heneral.

“We did try our best.”

“It’s not over yet.” Wika ni Mindy.

“Evacuate as much people as you possibly can. We can’t allow them to kill all of us in one go. We must let the fire of freedom lit so that the future descendants will not stop fighting.” Payo pa ni Mindy. Nagkatingina ang mga heneral at sumang-ayon.

———-

By: Balderic

Naka handusay si Gabriel at hinde parin gumagalaw. Tuluyan na itong nawalan ng lakas. Humihina na ang tibok ng puso nya at patuloy ang pagdurog ng katawan.

Habang patuloy na may nakikipaglaban na mga NWA forces kay SAMAEL, tahimik naman ang paligid ng pinaghimlayan ni Gabriel.

“……………..”

Sa loob ng kweba kung saan sekretong nagsanay si Gabriel para ma kamit nya ang mastery ng Lotus Sutra, taimtim syang nag meditate. At sa loob ng kanyang tahimik na training ay nakamit nya ang Enlightened state na kung saan bumukas ang kanyang pisikal at espiritwal na pagkatao sa mundo, sa paligid at sa kabilang buhay.

Isang estado na syang nagbigay kay Gabriel ng landas para mapuntahan ang mga bagay na hinde pa nararating ng sino man. Na kung saan ang boundaries at limitasyon ng kaisipan at karunungan ay pawang balewala sa lawak nito.

Dahil nasa kadiliman si Gabriel, tanging patak ng mga stalactites ang kanyang naririnig. Bawat patak nito ay bumabagal hanggang sa tila naging tahimik na ang lahat at huminto ang oras. Handa na ang pagkatao ni Gabriel. At sa loob ng kadiliman ay may naaninagan syang isang imahe ng tao. Nakatayo ito ng ilang metro sa kanya pero alam nyang nakaharap ito sa kanya.

Madilim man ang paligid ay nakikita nya ito. Hinde man malinaw pero pamilyar sya. Isang pamilyar na presensya.

“Sino ka? “ bulong ni Gabriel at nag echo ang boses nya sa paligid na parang bumasag sa makapal na katahimikan.

Naramdaman nyang ngumiti ito. Isang lalake.

“Gabriel.” Wika ng lalakeng ito.

“Kilala mo ako? Sino ka? ”

“Sa wakas ay nagkita tayo.” Lumapit ang lalake at mas luminaw pa ang paningin ni Gabriel.

“Namumukhaan kita… .pero… hinde ko matandaan….bakit parang kilala kita?”

“Kilala mo ako Gabriel….kilala mo ako…”

“….Adam….i.. Itay? “ wika ni Gabriel. Ngumiti si Adam.

“Kamusta ka na anak? Ang laki laki mo na.”

“Itay! “ lumapit si Gabriel at sinubukang yakapin ang ama pero lumagpas lamang sya.

“Teka. .nasaan ako? Bakit nakikita kita? “ pagtataka ni Gabriel.

“Nasa pagitan ka ng mundo ng mortal at mundo ng espiritwal. Pasensya na iho, medyo mahirap intindihin ang mga bagay na ito at limitado lang ang oras ko…”

“Okay lang ho… hinde lang talaga ako makapaniwalang makikita ko kayo at makaka usap ng ganito.. Parang napaka imposible… ”

“Gabriel, tandaan mo na ang kaisipan ng tao ay may limitasyon kaya dapat manatili kang bukas sa mga bagay bagay na makakaharap mo… ”

“Okay po… pero bakit po kayo narito? ”

“Ikaw ang nagtawag sa akin iho….ako ang dapat magtanong nyan… “

Napa isip ang binata. Hinimas nya ang dibdib. Dito nya napagtanto na sa kaloob-looban nya ay nagsusumamo sya at nangangarap na masilayan ang ama. Isang pangarap na syang nagpakita nang buksan nya ang puso’t isipan pati espiritwal na bahagi ng pagkatao nya.

“Itay…..gusto ko sana itong sabihin sayo….maraming salamat sayo… at mahal na mahal ko kayo….kahit hinde tayo nabigyan ng pagkakataong magkasama habang lumalaki ako….nagpapasalamat ako sayo ng buong puso dahil narito ako ngayon at kung ano ako…. Itay….”

Napaluhang nakangiti si Adam.

“Mahal na mahal din kita anak….pero ito ang pakatatandaan mo….marami ka pang pagdaraanang hirap sa buhay… pero kahit ano pa man yan… habang tumitibok pa rin ang puso mo….lumaban ka….hanggang sa huling patak ng dugo mo….lumaban ka….kahit pa sa tingin mo’y imposible… .lumaban ka….at sa kahuli-hulihang pagkakataon anak….tahakin mo lang ang landas na alam mo ay tama….at tanggapin mo ang lahat ng pagkakamali mo….dito mo mabubuksan kung sino ka ngang talaga at ano ang kaya mong gawin bilang isang tao….” Tuluyang naglaho si Adam matapos ang mga huling salita nya.

Sa kasalukuyan naman ay na ubos na ni SAMAEL ang buong pwersa ng mga sundalong ipinadala para labanan sya. Bawat isang taong nanonood ay tuluyan nang nawalan ng pag asa. Hanggang sa makita nila sa screen ang isang liwanag na lumabas sa isang gusali.

“I don’t believe it… “ wika ni Mindy.

“Good Lord… .this is nothing but pure miracle now… “ sabat naman ng isang heneral.

Nasa labas ng gusali si Gabriel at nagliliwanag ang katawan nito. Isang makabagong estado ang kanyang na unlock matapos ang lahat lahat.

“PHOOMM!! “ dumating si SAMAEL para kaharapin syang muli.

“WHAT IS THIS? WHERE DID YOU GET THIS POWER!?? “ galit na tanong ni SAMAEL. Nakatitig lang sa kanya si Gabriel.

“THIS IS THE POWER OF ALL THE HOPES AND DREAMS THAT YOU TRIED TO DESTROY. THIS IS THE PURE ESSENCE OF ALL GOOD AND INNOCENCE THAT CRIES FOR JUSTICE AND SALVATION. SAMAEL, YOUR REIGN OF TERROR ENDS HERE.” Nag e echo ang boses ni Gabriel at ang mga mata nya ay nagliliwanag. Kapansin-pansing nakalutang sa ere ang mga paa nya. Hinde na ito si Gabriel na syang nakaharap ni SAMAEL. Isa na itong nilalang na nalagpasan na ang lahat ng limitasyon ng isang mortal.

“I HAVE NO END! I AM DEATHLESS!!! I AM A GOD!!!”

“KRAAAKKKKOOOMMM!!!!” nag iwan ng shock wave si SAMAEL nang ito ay umatake. Isang napakalakas na suntok ang kanyang ibinigay kay Gabriel.

“KAPHAAAMM!!” huminto ang kamao ni SAMAEL sa isang daliri ni Gabriel at bigla nalang naglaho ang binata at napadaan sa katawan ng Emperor.

“KKRRRGGGGGGGGGGGHHHHH!!!!” isang rapid attack ang bumaon sa katawan ni SAMAEL na hinde nya nakita at napasuka sya ng dugo. Nabg lumingon sya ay kaharap nya ang kamay ni Gabriel na akmang pipitik sa kanya.

“KTAK! ” “SSHRRROOOOOOMMMMMMMHHHH!!!” isang pitik ni Gabriel ay lumipad palayo ang katawan ni SAMAEL at bumangga sa iba’t ibang mga pader at sasakyan na halos hinde mapigilan ng mga ito ang lakas ng pagtilapon nya.

“GUUGGHHKK. ..UUNNGGHH… WHA… WHAT… JUST HAPPENED? “ lasog lasog ang katawan ni SAMAEL at nagulat syang nasa harapan nya na si Gabriel at nakalutang parin ito sa ere.

“MY LORD, the VOLT is firing.” Report ng COS na nasa Drone. Napangiti si SAMAEL.

“THIS IS THE END OF ALL YOUR ALLIES GABRIEL. THEIR DEATH IS ON YOU..!??” biglang naglaho si Gabriel sa kanyang harapan.

Lumitaw ito na ilang libong milya ang layo sa lupa at lumlutang ito sa kaulapan. Hinarap ang paparating na VOLT. Isang Sacred Glyph ang lumitaw mula sa kanyang kamay at naging shield ito na kung saan bumangga ang VOLT at nawasak.

Lumitaw muli sa lupa si Gabriel at bumagsak ang debris mula sa VOLT sa likuran nya.

“Holy Christ… did that just happened? “ di makapaniwala ang Heneral at mga kasamahan nya sa Headquarters.

“Gabriel… what on earth happened? You’ve changed… “ bulong ni Mindy.

Tumayo si SAMAEL matapos mag regenerate sa kanyang mga pinsala.

“YOU CAN’T BEAT ME! I HAVE MANY MORE REALMS LEFT AND YOU WILL ALWAYS HAVE YOUR LIMITS!”

Lumitaw si Gabriel sa harapan nya at diniin ang hinlalaki sa nuo nito.

“SEALING ONE REALM WON’T STOP ME! ”

“ETERNAL SEAL… .” “FFWWWHOOOOMMMMMM!!” nagliwanag ang paligid at sumabog ang palibot ng dalawa sa lakas ng enerhiyang inilabas ni Gabriel.

“AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!” malakas na sigaw ni SAMAEL habang sine-seal ang katawan nya. Nagkatinginan sila ni Gabriel.

“I AM NO LONGER GABRIEL MARASIGAN…. I AM TRANSCENDED….. I AM THE ENLIGHTENED ONE….. AND YOU WILL BE SEALED FOREVER….. SAMAEL…..”

“GGGHHHNNNNNOOOOOOOOOOOOOOOOOOHHHHHHH!!!!!!”

“BBBAAAGGGOOOOOOOMMMMMMMMMMM!!!!! “ sumabog ang enerhiyang umabot sa kalangitan. Isang napakalakas na display ng kapangyarihang hinde maipaliwanag ng sino man. Nabalot ng usok ang lahat.

“FFFWWWOOOOOOOOOOMMMMMMM!!!!” nag iwan ng shock wave ang gitna ng mga usok at napawi ang lahat. Dito nakita muli ng mga tao ang dalawang mandirigmang naglaban. Parehong nakahiga ang dalawa sa lupa.

“Guukkhh…uurrgghh… you…sealed… them… all… ..damn… you… ..Gab… riel… .” namuti ang buong katawan ni SAMAEL at naging abo ito at linipad ng hangin na parang nabura sa mundo.

Samantalang si Gabriel naman ay nakahiga sa lupa at bumalik sa dati nitong estado at hinang hina na.

Walang ano-ano’y dumating na ang medical crew kasama ang ilang NWA forces. Sumama na din si Mindy Bond at maging ang nanghihinang si Yumiko. Naka akay ito kay Mindy.

“Masterrrr!!!” sigaw ni Yumiko.

“Gabriel wake up! ” dumating din si Mindy at parehong nalapitan si Gabriel.

“Make way! Make way! “ sigaw ng medics at agad nilang inassess si Gabriel.

“Please. ..save him… “ pakiusap ni Yumiko.

Mabilis na binigyan ng pang unang lunas si Gabriel subalit nakikita na ng medics na critical na ito at kapag galawin nila ang katawan ng binata ay baka mas lalo pa itong lumala.

Lumapit si Yumiko at niyakap si Gabriel.

“Master. ..please… .forgive me… .forgive me… “ naiiyak na wika ng dalaga. Naramdaman nyang humawak sa kanya si Gabriel at mahina man ay pinilit nitong ngumiti.

“Come on do something guys. Save him! “ pakiusap ni Mindy.

“His body is deteriorating fast. Moving him now will kill him instantly.” Sagot ng doctor.

“So, you’re just gonna watch him die!?”

“I’m sorry… .there’s nothing else we can do… “

Nilagyan ng oxygen mask si Gabriel pero tinapik ito ng binata. Alam nya na ang oras nya. Tumango sya kina Yumiko.

“H.. How’s every.. one… ?” halos pa bulong na tanong ni Gabriel.

“They’re safe… you saved them all… “ sagot ni Mindy.

“….Good…..”

“..Master… please.. Don’t leave me… please… don’t ….. Master… ..Gabriel… don’t do this… .you can’t… .” pakiusap ni Yumiko at nagsusumamong magkaroon pa ng isang milagro.

“Yumi.. ko….”

“Yes… ?”

“..take care.. .of my… daughter……”

“…I will… Master…. I will… ”

“Thank.. You… ….” Pumikit si Gabriel na nakangiti.

“…no… no no no no… .GABRIEEEEEEEEELLLLLL!!!!!! “ sigaw ni Yumiko at halos magwala ito sa pag tangis. Niyakap na lang sya ni Mindy na umiiyak na din. Nalungkot ang lahat ng nasa paligid. Isang magiting na mandirigma ang nag alay ng kanyang buhay para mailigtas ang lahat.

……….

By: Balderic

Buong mundo ay nagluksa at nalungkot sa pagpanaw ni Gabriel Marasigan. Buong mundo ay naging saksi kung paano sila nailigtas ng isang taong walang hinangad kundi ang kapayapaan at manaig ang katarungan.

Tatlong araw matapos ang pagpanaw ni Gabriel ay sumuko ang Emperyo at ang China. Dito nagtapos ang ikatlong digmaang pangdaigdig.

Binurol si Gabriel katabi ang libingan ng kanyang mahal na asawang si Karen Babaylan. Kompleto ang pamilyang nakiramay at hinde mabilang ang mga taong lumapit para makiramay din.

“THE LIFE OF GABRIEL MARASIGAN IS BEST REMEMBERED NOT ON HOW HE DIED. NOT ON HOW HE SACRIFICED HIS LIFE FOR GOOD. BUT IT SHOULD BE REMEMBERED AS HOW HE LIVED AND HOW HE FOUGHT FOR ALL OF US. HE IS JUST A MAN BUT HIS EFFORTS TO DO GOOD WILL IMMORTALIZE HIM NOT JUST AS A HERO BUT AS A SAVIOR THAT WILL BE REMEMBERED FOR GENERATIONS. AND WE, THE PEOPLE THAT HE LEFT BEHIND SHOULD NEVER FORGET THE DAY THAT HOPE WAS ALMOST TAKEN FROM US BUT BECAUSE OF HIS UNDYING QUEST FOR JUSTICE, WE LIVE ON. GABRIEL IS A SON OF GOD LIKE ALL OF US. SO WE SHOULD MAKE HIM AS AN INSPIRATION TO DO GOOD. EVEN IN THE FACE OF EVIL. WE STAND. WE FIGHT. WE SURVIVE.” Wika ng pari na nag iwan ng huling mensahe habang ibinababa na sa huling hantungan ang katawan ng bayaning si Gabriel.

Napakaraming mga bulaklak at mga alay ang iniwan sa pungtod ni Gabriel. Marami ang naantig at mas lumakas ang loob na naniniwalang sa bandang huli ay kabutihan parin ang mananaig.

Nakatayo sa gilid ng libingan si Yumiko habang yakap ang anak nyang lalake at nasa tabi nya ang asawang si Akira.

“He’s at peace now.” Wika ni Akira.

“I know.” Sagot ni Yumiko.

Lumapit si Serina habang dala ang apo na si Angela. Tinignan ito ni Yumiko at nakikita nya ang pinaghalong itsura ni Karen at Gabriel dito. Napangiti si Angela kay Yumiko. Ngumiti din ang haponesa.

“I made a promise to Master Gabriel that I will take good care of his daughter.” Wika ni Yumiko kay Serina.

“She needs her family’s love Yumiko. I’m sure my son will understand that.”

“I know mam. But Angela is Gabriel’s daughter. If a time comes that she needs help. I will be there and I will make sure that she will be safe.”

“Okay… .thanks Yumiko.”

Nakipagkamay si Aidan kay Akira at Yumiko. Dito napansin ni Yumiko ang kwentas ni Gabriel na nasa kay Aidan.

“It’s good to know that the legacy of my Master is living in you now young Aidan.”

“Yeah….I can feel like he’s always with me when I wear this.”

“Don’t lose it.” Biro ni Yumiko.

“Ahehe no. Of course not.”

Nag bow ang mag asawang hapon bago nagpaalam sa pamilya ni Gabriel.

———-

EPILOGUE

18 YEARS LATER

LOS ANGELES, USA

“come back here you bitch! “ mabilis na tumatakbo ang tatlong babaeng amerikana at hinahabol ang isang babaeng naka suot ng hoodie jacket, ripped jeans at sneakers. Sa bilis ng babae ay hinde na ito nahabol ng tatlo.

“I’ll make you pay for what you did Angelaaaaaa!!!” sigaw ng isa. Tumigil si Angela at tinanggal ang hoody. Isang magandang dalaga ang nakangiti lang sa tatlo.

“You guys think bullying an old beggar makes you better? It sure shows how small your brains are! ”

“You broke my phone you stupid bitch!”

“That was nothing compared to what you three did to that old man! “

Dumating ang isang grupo ng kalalakihan.

“Is this the bitch that messes with you baby? “ wika ng lalakeng kano na malaki ang katawan.

“Yeah! Beat her up for me baby! ”

“You’re gonna get it now Angela! Hahahaha! “ kantyaw naman ng tropa ng babae.

Lumapit ang kalalakihan kay Angela. Umatras si Angela para magkaroon ng distansya at iniwasang mapalibutan.

“Messing with my girl is a wrong move asian whore. Heh. ”

“Oohh look at you. Tall big and dumb. You think you’re the man now huh? ”

“You think I won’t beat you up because you’re a girl? Nah bitch, I’m gonna make sure you’re gonna eat from a straw once I’m done with you. “

“Yeaaah! Take him back to asia bro! “ sabat naman ng isa.

Lingid sa kanilang kaalaman ay sekretong nagmamasid si Yumiko sa distansya. Naka suot lang ito ng corpo attire at glasses habang nasa loob ng sasakyan. Katabi nya ang anak na lalake.

“That’s her? “ tanong ng anak ni Yumiko.

“Yes.”

“Beat her up baby!! Make her bleed! “ sigaw ng blonde na syota ng lalakeng lider ng gang. Tumango ang lalake sa chicks nya.

“KAPAKKK!!” “auuuuugghh!! “ pumiyok ang lalake nang sinipa ito sa bayag. Yupi itong napaluhod sa kalsada.

“Shit! She got your balls dude! “ wika ng tropa ng lalake.

“Fuck her off!!!” sigaw ng lalake.

Inatake ng grupo si Angela. Umatras ang dalaga at nag stance ito. Nagulat si Yumiko sa nakita.

“The Lotus!” bulong nya.

“KAPAK!! KRAAG!! KTAAAGG!!! “

Bumagsak si Angela matapos makatanggap ng mga suntok at sipa sa grupo ng kalalakihan. Wala itong laban sa mga lalake.

“KYAAAH! ” “SPAAAKKK!! KRAGAMM!! “ dumating ang anak ni Yumiko at inatake ang mga lalake. Hinde nakapalag ang mga ito at sa isang iglap ay bumagsak. Nagsitakbuhan ang mga ito kasama ang tatlong bully na babae.

“You’re alright? “ tanong ng anak ni Yumiko at inalay nito ang kamay. Tumayo lang si Angela.

“I could have dealt with them even without your help dude.” Wika ni Angela.

“Yeah it sure look like it huh.”

“Raiden! “ tawag ni Yumiko. Nag bow ang anak sa ina.

“I’m sorry for the bad intrusion Angela chan. My name is Yumiko Ashura.”

“I know who you are.” Sagot ni Angela.

“Oh, you do? ”

“Yeah, grandma used to tell me stories about you and my Dad.”

“I see.”

“Why are you here? And who’s this? “

“This is my son Raiden.”

“Cool name for a monkey.”

“What did you say!? Show some manners girl! “ galit na sabat ni Raiden.

“I’m here to fullfill the promise I did to your father years ago.”

Nagkatinginan si Angela at Yumiko. Isang makabagong landas ang tatahakin ni Angela na syang pupukaw ng kanyang tunay na pagkatao

Wakas

**********
**********

Author’s Note:
At last, the story of Heaven or Hell is complete. It took me years but here we are now. First of all, thank you for being here with me especially those who had been here from the start. The long story of Gabriel Marasigan has finally been completed and for me, this is very very emotionally memorable. So many things happened during all these years and writing Heaven or Hell is one of the best I did not just as an author but as an artist. Writing is an art after all.

So what’s next for Balderic? Or for the series as well?

There are several open ended situations in the story that I could potentially visit if I continue the series. But for now, I will open to new doors and return to my roots at the same time. There are more stories I want to write and hopefully I will.

Once again, thank you for the support and love for the series. Everything is for you and your entertainment and I am honored to be a part of your time even for just a moment.