By: Balderic
“The world is shocked! No words can describe the horror that befell the United States of America. The once considered the strongest nation in the world was put down to its knees when a nuclear bomb detonated on Las Vegas Nevada that cost the loss of millions of lives. Now America is in shambles, crimes rate high, lootings on nearby cities, power outages and total destruction of humanity within the American borders. What will be next to this once great nation? “ wika ng isang reporter sa tv.
Marami ang nagimbal sa pangyayari. Ang buong mundo ay hinde makapaniwala sa ginawang pambobomba sa amerika gamit ang sarili nilang nuclear bomb. Dalawang araw matapos ang pagbomba ay nagpakita si Cifer sa international television at inako ang pambobomba dahil sa pagsuway ng presidente ng Amerika sa mga utos nya.
Samantalang nangako naman ang presidente ng amerika na babangon sila at tutugisin ang terroristang grupo ni Cifer.
“Grabe naman yan. Ano nang susunod? World war 3?” wika ni Adam habang kumakain ng lomi sa isang karenderya.
“Naku wag naman. Pero nangangamba parin talaga ako. Kung totoo man ang sinasabi ng lalakeng si Cifer na yun, ay naku pano na tayong mga bansang mahihirap? Eh yun amerika nga walang nagawa para pigilan sila, tayo pa kaya.” Sagot naman ni Karen at kumakain rin ng lomi.
“Lam mo bok, malaki parin ang tiwala kong madadakip rin yang Cifer na yan eh. Tsaka di ba sabi mo sakin, misyon ni Gabriel ang tugisin yang DRAKE na yan? “
“Sana nga mahuli na nila yang taong yan. Nag aalala ako sa kalagayan ni Gabriel.”
“Naku, wag mo masyadong aalalahanin yun. Kung naaalala mo, natalo nya ang mga taong nasa likod ng pag baril sayo.”
Tahimik lang si Karen. Tinuloy nya na lamang ang pagkain ng lomi at inisip isip kung ano ang posibleng maging hakbang ni Gabriel. Alam nyang hinde basta basta si Cifer kalaban at sila rin ang dahilan kung bakit nabaril sya ilang buwan na ang nakalipas.
“All units please advice, may isang shooting na nagaganap sa kahabaan ng West Del Pilar road. All units nearby please respond, over.” Tawag sa radyo at napansin ito nina Karen. Pumunta sila ni Adam sa police car at sinagot ang radyo.
“This is Inspector Babaylan, acknowledged. Reresponde kami ni Inspector Ramos over and out. “ matapos makapagbayad ay sumakay kaagad sa kotse ang dalawa at hinanap ang pinangyayarihan ng shooting.
Pinatakbo kaagad nila ang sasakyan. Ilang minuto pa at nakakarinig na sila ng putukan. Isang kotse ang hatalang nabangga sa gilid ng pader at nakatago ang mga pasahero sa likod ng kotse habang may ilang grupo ng kalalakihan ang nasa kabilang bahagi ng daan na nakatago sa gitna ng road island. Pareho silang nagpapalitan ng putok.
Inobserbahan ni Karen ang dalawang panig. Mukhang mayaman ang mga tao sa kotse dahil naka kurbata ang isang matabang dayuhan at pinoprotektahan sya ng dalawang bodyguard nya at mukhang riding in tandem naman ang kabilang grupo na may ilang motorsiklong nakaparada di kalayuan sa pinagtataguan ng kalalakihan.
“Itigil ang putukan! Mga pulis kami!” sigaw ni Karen. Nakita sya ng mga lalake at pinagbabaril rin sya.
“Blam blam! Papak! Ratatatat!!! “ magkahalong klase ng baril ang nagpaputok sa direksyon nina Karen. Mabilis nagtago sina Karen at Adam sa likod ng sasakyan nila.
“Pucha, bok e cover mo ako. Titirahin ko tong mga gagong ito! “ wika ni Karen kay Adam.
Tumango si Adam at tumayo. Pinaputukan nya ang mga kalalakihan. Nagsitago ang mga ito. Tumakbo naman si Karen papunta malapit sa dulo ng road island at nagtago roon. Matapos maka tyempo ay pinqgbabaril din nya ang mga lalake. Dalawa dito ang natamaan at umatras naman ang iilan sa mga kasama nito. Sinubukan nilang sumakay ulit sa motorsiklo nila pero pinagbabaril din sila nina Karen at Adam. Tatlo pa ang natamaan sa kanila subalit nakatakas naman ang isang naka motor.
Matapos ang putukan, lumabas ang mga bodyguard ng nakasakay sa kotse. Tumaas sila ng kamay at lumapit naman si Adam para kumpiskahin ang mga baril. Tinignan ni Karen kung may buhay pa sa mga nabaril nila subalit wala na itong mga pulso. Lumapit si Karen kina Adam.
“Ooh thank you, thank you very much. I owe you my life.” Wika ng isang indyanong mataba na lalake.
“Who are you? Why are those men shooting at you? “ tanong naman ni Adam.
“Oh, I am Grim Glendajar, I’m a businessman. I’ve just recently arrived here to seal a contract deal but while I’m on the way to my hotel, some men ambushed us. I don’t know who they are.” Wika ni Grim.
“Mister Glendajar, we want you to come with us on the precinct for investigation.” Wika naman ni Karen. Napatitig si Grim sa kanya at napa ngiti na mukhang nakakita ng anghel.
“Um.. Yes of course.”
Sa presinto naman, ay kung ano anong pinagsasabi ni Grim kina Karen. Tila kumbensido naman sila sa kwento ni Grim dahil may mga ipinakita pa itong mga papeles na patunay ng kanyang kinukuhang kontrata at ilan pang business related na datos. Matapos ang initial na pagtatanong ay lumabas muna sandali si Adam. Naiwan sa loob si Karen at Grim.
“Um, excuse me madame police but if I may, I would like to ask for you a proposition.”
“Okay what is it mr Glendajar? “
“Can you become my head of security while I am still here in the Philippines?
“I’m sorry sir but I cannot.” Pagtanggi naman ni Karen. Mukhang nalungkot naman si Grim.
“Well, if my contract will go smoothly, I am planning to celebrate it in my hotel suite. I would like to invite you there as a token of my gratitude. I do owe you my life.”
Napa isip naman si Karen. Tila maganda ang offer ni Grim subalit hinde rin basta basta makaka attend si Karen dahil sa obligasyon nya bilang isang police.
“I cannot promise you that I can go sir. It will all depend on my superiors since I have otber duties here in my precinct.”
“Oh I see. Well, I will try to handle that. Don’t you worry. Anyway, can I go now? My business partner is probably worried.”
“Yes of course sir. Goodluck with your contract.” Naka ngiting nagpaalam si Grim kay Karen. Hinde naman alam ni Karen ang isang maitim na budhi ni Grim at isa sa mga kalabang mortal ni Gabriel.
—-
France
Matapos ang madugong barilan sa mansion ni Cifer, matagumpay na nakuha nina Gabriel ang lugar. Nagsimula silang mag imbestiga at maghanap ng mga impormasyon na maaaring makatulong sa kanilang misyon.
Pumasok si Gabriel at Ken sa computer room ni Lin-lin. Tulad ng inaasahan, sira lahat ng mga computers sa silid. Naghalungkat sina Gabriel at Ken. May natagpuan si Gabriel na isang hard drive ng cpu na mukhang intact pa. Kinontak nya kaagad si Alex.
“Alex, I got a hard drive here that seems to be salvageable. Can you use it and get datas from it? “
“Well, it depends. Send me a picture and I will assess it.”
“No need. I want you to come with us. Since STING is pretty much crippled for now, I want you on my team as my tech assistant.”
“Ah sure but what about Director Krauss? Won’t he be pissed? “
“Don’t worry man. I will handle him. Just come here asap.”
“Oh okay.”
Nag ikot ikot pa sina Ken at Gabriel sa second floor. Natagpuan nila ang personal office ni Cifer. Naghalungkat sila ng mga gamit sa loob. Binuksan nila ang mga cabinets at ilang drawers.
“Hey, come look at this.” Tinawag ni Ken si Gabriel. Lumapit naman ang lalake at nakitang may hawak na floor plans si Ken.
Nilatag nila ito sa desk at tinignang maigi.
“Where is this? It looked like building plans or something.” Wika ni Ken.
“Hmm the plans seems to not much this mansion. It looks elongated, a building perhaps. Or an underground facility.” Sagot naman ni Gabriel.
“I don’t think it’s a facility. It looks like an office building and look at this other papers.” Pinakita ni Ken ang ilang papeles at resibo.
“Hmm, it looks like Cifer bought himself a tanker ship. But why would he needs a ship? And… .wait….this floor plans could be for this ship! He’s gonna change the ship’s interior into this ones on the floor plans. Ken, try to find where he bought this ship.”
Nag hanap pa ng ilang papeles si Ken at may nahugot ito.
“This one, King Star Shipping Lines. I’m gonna look into where this is and who owns the company.”
“Okay, let’s wrap this up. Something tells me that this ship will be a key to one of Cifer’s plans.”
—-
Dalawang araw ang makalipas at dumating na si Alex sa France. Nakipag kita na ito kina Gabriel at Ken. Nagset up kaagad ng laptop si Alex para e report ang kanyang mga natuklasang bagong impormasyon.
“Okay, so I looked into the details of King Star Shipping Lines, it’s based on Dubai and owned by this Grim Glendajar. A businesses tycoon from India. He owned a lot of businesses in his home country and some on middle east. The ship that Cifer bought was a former oil tanker and has been on the service for 5 years. The whereabouts of its location is currently unknown. Mr Glendajar seems to be out of the radar.” Paliwanag ni Alex.
“This Grim Glendajar could be an associate of Cifer. I want you to keep track of him and his location. Meanwhile, look into this hard drive I recovered. I want results till tomorrow.” Wika naman ni Gabriel.
“Why the rush? “
“Cause we are going to pay him a visit in Dubai.”
—-
Quezon City
Nasa opisina at nagtatype si Karen, pumasok ang isang lalake at lumapit sa desk nya.
“Excuse me Inspector.”
“Yes? “ tumigil muna si Karen sa ginagawa nya.
“Mr Glendajar would like to give you this invitation card and sign one of this copy to confirm that you will be attending his private party this coming Saturday.”
“Uh… wow I don’t know what to say. This is so sudden.”
“Mr Glendajar already talked to your superior officer and he agreed of your invitation.”
“Um… okay, if that’s the way it is then.” Tinanggap ni Karen ang invitation card at pumirma dito. Binigyan sya ng copy ng card para patunay na makakapasok sya sa private party.
Umalis kaagad ang tauhan ni Grim. Napakamot na lamang ng ulo si Karen at napa ngiti. Kakaibang bagay na nangyari sa kanya at hinde nya alam kung ano ang kanyang isusuot sa party na mukhang para sa mga mayayaman lamang.
“Mukhang malakas ang tama sayo ng bombay na negosyanteng yun ah.” Lumapit bigla si Adam kay Karen.
“Haha sira! Nagpapasalamat lang yun. Dahil sinaklolohan natin sya.”
“Hweh? Eh bakit di ako invited? “
“Haha kaw talaga ang dumi ng isip mo.” Natawa na lamang si Karen pero alam nyang may sense rin ang sinasabi ni Adam. Ramdam nya rin na mukhang interesado sa kanya si Grim.
Makalipas ang ilang oras at pa uwi na si Karen ng may dumating na sasakyan sa harap ng presinto. Lumabas sa kotse si Grim at naka white suit ito. Halos di naman maka galaw si Karen ng lapitan sya ng dayuhang negosyante.
“Good evening miss.”
“Mr Glendajar, what are you doing here? “
“Uh, well I want to ask you for dinner if you don’t mind.”
“Wow, really. But I don’t think I’m wearing the proper clothes.” Tinignan ni Grim ang magandang katawan ni Karen na naka suot pa ng police uniform.
“That won’t be a proble. I will buy you the clothes you needed.”
“Ha? Naku! Um I mean… I can’t. It’s too much.”
“Oh nonsense miss. Do not worry about it. I will take care of everything, now come.” Inalay ni Grim ang kanyang siko kay Karen. Napa buntong hininga na lamang si Karen at kumapit sa siko ni Grim.
Maraming nakatingin na mga pulis ng sumakay si Karen kasama ang mayamang bombay. Umalis naman kaagad ang kotse ni Grim at pumuntang Makati. Habang nasa traffic sila ay nag uusap si Karen at Grim na magkatabi sa likod ng sasakyan.
“I cannot help to say this miss Babaylan but you look very gorgeous in your uniform. You seem proud wearing the badge.”
“Just call me Karen mr Glendajar. And thank you, I do love my work as a policewoman.”
“Karen.. Hmm beautiful name. So Karen, why did you choose being a cop? “
“Well, my father was a police officer and I dreamed of becoming like him and here I am. What about you sir? How did the contract go? “
“Oh it went well as expected. It seems I will be staying here for a couple more days before I go back to India. You know, I never been to Philippines and I want to visit a lot of places here.”
“Wow, that’s good to hear. Yes, Philippines has a lot to offer in case of tourism. You can visit a lot of tourist spots around the country.”
“Can you come with me? “
“Ahh hehe I can’t do that. I have to stay here for my work.”
“Oh that’s too bad. Can’t you do something? I mean, you’re always on the field and a vacation will help you recharge a bit.” Pagkukumbinse pa ni Grim.
“No, sorry.” Napa ngiti lang ng bahagya si Karen.
“That’s too bad. Are you married Karen? Boyfriend perhaps?”
Umiling lang si Karen. Napangiti naman si Grim at umusog palapit kay Karen. Hinawakan nito ang kamay ni Karen at inangat.
“You know, a beautiful woman such as you should be with a man. It’s sad that you do not have a boyfriend.”
“Its okay I guess. I love my work and that keeps me together everyday.”
“That I am proud of you dear.” Marahang hinalikan ni Grim ang kamay ni Karen. Napanganga na lamang si Karen sa ipinapakitang sweetness ni Grim sa kanya.
Nakarating sila sa isang mall sa makati at pumasok sila. Dito inikot nila ang iba’t ibang stores. Pinaniguro naman ni Grim na sya ang bahala sa bayad at si Karen na lamang ang pumili ng kanyang magugustuhan. Naka pili ito ng isang ternong putting dress at darker pants pati na rin bagong sapatos na de takong.
Mabilis na pinagbihis ni Grim si Karen matapos mabili ang mga kasuotan. Paglabas nya sa dressing room ay mas lalo namangha si Grim. Medyo nahihiyang maglakad si Karen dahil sa ito ang unang pagkakataong may nanlibre sa kanya ng mamahaling damit. Subalit makikita sa kanyang ngiti ang tuwa.
“You look stunning Karen. Now, next you will pick the dress that you will wear on my party.”
“Ho? Ah no no, no need sir.”
“Please… .” naka ngiti lang si Grim sa kanya.
Napa tango na lamang si Karen ng bahagya kaya naglakad sila ulit at namili sa mga stores. Di nagtagal ay napili ni Karen ang isang dark blue na backless dress at may mga floral na designs. Pumasok sya uli sa dressing room at sinukat ang dress. Lumapit sa may pinto ng dressing room si Grim.
“does it fit? “
“Yes sir. I think so. “
“Then tag it. It’s yours.”
“You’re not going to look at it? “
“No Karen. I want it to be a surprise on the party.”
“Oh okay.”
Matapos mabili ang kasootan, pumunta naman sila sa isang magarang restaurant. Dito nagpatuloy ang kanilang usapan. Sa buhay buhay nila subalit nakasentro kay Karen ang madalas na topic. Dito nalaman ni Grim ang tunay na katauhan ni Gabriel at kababata ito ni Karen. Lihim na natutuwa si Grim sa mga mahahalagang impormasyon na nakukuha nya. Mga bagay na pwedeng magamit ni Cifer laban kay Gabriel.
Marahang sinusubukan ni Grim na mahawakan ang mga kamay ni Karen. Dahil nahihiya itong tumanggi ay hinayaan na lamang ng dalaga na mahawakan at mahimas ni Grim ang kanyang mga kamay. Matapos silang kumain ay hinatid ni Grim si Karen sa bahay nila. Pagbaba ni Karen ay nagpaalam na ito kay Grim. Subalit bumaba rin si Grim at hinalikan ulit ang kamay ni Karen bago ito umalis.
Pumasok si Karen sa bahay nila at sumalubong sa kanya si Phoemela ang nakababata nyang kapatid.
“Wow te, mukhang mamahalin yang pinamili mo ah! “
“Ui wag mo sasabihin kina nanay ha. Sekreto lang muna natin to. Baka kasi kung ano isipin nya eh.”
“Alin sekreto? Yan ba o yung naghatid sayong matabang bombay? “
“Sira, syempre lahat yun. Basta wag ka muna magsasalita.”
“Teka ate, boyfriend mo ba yung matandang bombay na yun? Mukhang mayaman ah. Naku, pinagpalit mo na ba si kuya Gabriel? “
“Ano ka ba. Wala kaming relasyon ng lalakeng yun no. Tsaka sinusuklian ko lang ang kabutihang pinapakita sakin ng tao.”
“Naku ate, ingat ingat ka sa mga ganyan. Tsaka pag malaman ni kuya Gabriel to, lagot ka rin sa kanya.”
“Oo na. Sige matutulog na ako.”
—-
Dubai
Nasa isang hotel room sina Gabriel at Ken. Pumasok naman si Alex sa silid kasama si Mindy.
“Okay boys, here’s your invitation cards.” Binigyan ni Alex ng electronic cards sina Gabriel.
“What’s this? “ tanong naman ni Gabriel
“That’s some access cards that I hacked into so you can enter the main offices of the King Star building. Also, I’m gonna give you my newly made Phantom Drive.”
“You made a Phantom Drive? “ gulat na tanong ni Ken. Umiling lang si Alex.
“No, not like the ones Cifer got. It’s just a small version where you can plug it in a server and I can easily hack it in from here. I call it Phantom Drive mini. Hmm that sounds like a commercial name doesn’t it? “
“Whatever love. Just get us inside and we’ll do the rest.” Sagot naman ni Ken.
“Okay guys, our mission is to infiltrate the King Star Shipping Lines building. You guys were familiar with the building plans so first, we will enter the building from the Argus Hotel that is next to the King Star building by zipline. Then w…