By: Balderic
Sa balcony ng isang hotel, nakatayo si Karen at tinitignan ang paglubog ng araw sa kalayuan. Malalim ang iniisip neto. Parang nasa ulap ang isipan ni Karen. Kung ano anong bagay ang nag labas masok sa kanyang ulo. Tahimik lamang sya at halos paghinga na lamang ang tanging galaw na kanyang ginagawa. Hinde nakalampas sa pansin ni Gabriel ang kasalukuyang ginagawa ni Karen.
Nag lagay ng alak sa dalawang glass si Gabriel at lumapit sa kababata. Tumabi sa kay Karen at inalok ang isang basong may alak. Ngumiti naman si Karen. Napa buntong hininga itong tinanggap ang baso. Uminom sya ng marahan.
“Bakit parang ang lalim ng iniisip mo? Me bumabagabag ba sayo? “ bakas sa mukha ni Gabriel ang pag aalala kay Karen.
“Di ko alam kung ano pa iisipin ko Gabriel. Simula nung nabalitaan kong nawawala ka, hinde ko alam ang gagawin. Hanggang sa napagdesisyunan kong sumama kay Yumiko at tulungang hanapin ka.”
“Hmm, at nagtagumpay naman kayo di ba. Nahanap nyo akong naliligaw at walang memorya.” Pilit na nilabas ni Gabriel ang ngiti nya para mapangiti si Karen subalit seryoso parin ang mukha neto at nakatingin lang sa malayo.
“Oo Gabriel, at malaki ang pasalamat ko sa Diyos dahil sa milagrong yun. Pero ngayon, nakita man kita, hinde parin mawawala ang pangamba ko. Lalong lumalala ang sitwasyon. Si Cifer, ang DRAKE, yung STING at ang mga biktima ng karahasan. Parang wala nang katapusan. At natatakot akong baka sa susunod eh mawala ka ulit at hinde na bumalik pa.”
“Alam kong nakakatakot Karen. Maging ako man ay natatakot sa mga mangyayari. Hinde ako perpekto. Marami rin akong pagkakamali pero hinde ko kayang tumalikod at hayaan si Cifer sa kanyang kasamaan. Nanumpa ako para ipagtanggol ang mundo laban sa mga masasamang loob. Kahit ano pang mangyari sakin, tatanggapin ko.”
Hinawakan ni Karen ang isang kamay ni Gabriel. Nagkaharap sila at nagkatitigan.
“Pinapabalik na ako sa Pilipinas Gabriel. Gusto kong samahan ka rito Gabriel. Ayokong mawalay sayo at mag alala dahil alam kong isang madugong digmaan ang haharapin mo. Gusto kong nasa tabi kita habang nakikipaglaban para sa paglaya ng London.”
Umiling si Gabriel at hinimas ang pisngi ni Karen.
“Salamat sa pag aalala mo Karen. Pero kailangan ka rin sa Pilipinas. Ayoko ring mag alala sayo ang pamilya mo. May sinumpaan karing tungkulin bilang isang pulis. Kaya sige, bumalik ka muna sa Pilipinas. Kami nang bahala kay Cifer.”
“Umaasa akong tutuparin mo ang pangako mo sakin noong nasa airport tayo Gabriel. Babalik ka. Yan ang pangako mo sakin. Babalik ka sakin.”
“Oo naman, hinde ko kakalimutan ang pangako ko sayo.” Nilapit ni Gabriel ang mga labi nya kay Karen.
Pumikit si Karen at dinama ang halik ni Gabriel sa kanyang labi. Parehong mabilis ang tibok ng kanilang mga puso. Maingat na hinahalikan ni Gabriel ang mapulang labi ni Karen.
Kasunod naman nito ang malambing na yakap ni Gabriel. Napayakap na din si Karen sa kanya.
“umnnhh… “ marahang napa ungol si Karen. Mainit ang kanilang mga halik. Subalit hinde rin agresibo. Sadyang romantiko lamang ang dating neto.
Natigil sila ng mag ring ang cellphone ni Gabriel. Bumalik sa pagtanaw sa malayo si Karen.
“Yes, what is it Alex? “
“I’ve just made contact with General Murray.”
“Okay good. I’m coming down.” Pinasok muli ni Gabriel ang cellphone sa bulsa.
“Baba muna ako. Kailangan kong makausap si General Murray.”
“Okay, susunod na lamang ako.” Bahangyang naka ngiti si Karen at bakas parin ang malalim na hininga nya dahil sa intimate moment nilang dalawa.
Lingid sa kaalaman nila ay bahagyang naka bukas ang pinto ng kwarto at nakasilip si Yumiko sa labas. Sinara nya ng maingat ang pinto ng maramdaman nyang palabas na si Gabriel.
—-
Bumaba si Gabriel sa isang silid kung saan naroon sina Alex at ang iba pang kasamahan nila. Nakabukas ang isang laptop sa isang lamesa. Naka video log dito si General Murray.
“Good evening General. My name is Agent Gabriel Marasigan.”
“Yes, I know. I have heard of your great exploits. It’s good to know that STING is still in order even though you have limited manpower.”
“Yes sir. Our agency has been compromised and we are left here to fend for ourselves.”
“I can see that. So, what is it the you needed Agent Marasigan? “ Tanong ni General Murray. Seryoso ang mukha neto. Napabuntong hininga sandali si Gabriel.
“Sir, I would like to request that you hold your advance against DRAKE for now.”
“Hold our advance? What’s the reason behind this request?”
“Sir, Cifer and his organization is not someone we can underestimate. He has proved his tactical capacity time and time again. And we have limited knowledge as to what he has under his sleeve. Attacking him head on is very dangerous.”
“And what are you suggesting young man?”
“I will lead a very small saboteur team to infiltrate their territory. We will sweep and gather enough intel as to what we are up against. This way, we can avoid heavy loses.”
“Nonsense! Look agent Marasigan, I have gathered a massive fleet and army consisted of the best soldiers around the world. We outnumber them 1 to a hundred. We have a new secure network that their Phantom Drive cannot hack. And the whole world is watching us. We will attack DRAKE and liberate London in less than a day.” Ramdam nina Gabriel ang kompyansa ni General Murray.
“But sir, all we need is just a couple of hours. And after that, you can continue your advance.”
“No, that will not be necessary. You are compromised, undermanned, and your mission is too risky. We need you to stay put and meet us once we land ashore. Your infiltration skills will prove useful if Cifer Black will get a chance to escape.”
Dito nagtapos ang usapan nila at hinde na nabigyan pa si Gabriel ng pagkakataon para makombinse si General Murray.
“What do we do master? “ tanong ni Yumiko.
“Cifer has something in his sleeve. I know it! And General Murray is walking into a trap! “ wika naman ni Krauss.
“Look man, whatever you’re planning, we’re with you. We’ve been through worst you and I. Just tell us the mission and we will deliver.” Wika naman ni Ken.
Humarap si Gabriel sa grupo at tinignan nya sila ng isa isa.
“We are going to infiltrate their defenses and bring back any intel we can.” Wika ni Gabriel.
“And how are you going to do that? This mission is suicide Gabriel, and you know it.” Sagot naman ni Krauss.
“Yeah, and we can’t afford to lose you again. Losing you is a real pain in the ass you know that. Just seeing Yumiko’s depressed mug is driving me nuts.” Kasunod naman ni Natalie Miller. Tumingin lang si Yumiko kay Natalie sandali at lumingon ulit kay Gabriel.
“I have an idea.” Sabat ni Alex. Napatingin ang grupo sa kanya.
“Um, well… my proto phantom drive can hack into the same template programming as the mother Phantom Drive. But it will only work for a small amount of time. If we’re going to do this, we need to target a key area as to not waste our chance.” Dagdag paliwanag ni Alex.
“Alright. If we’re gonna do this, we need to come up with a plan. The UN forces are already within the English waters and God knows this war will start any minute now. So, if we are to help them, we will need to get enough info of their weapons schematics, resources and defense layouts.” Sagot naman ni Krauss.
—-
Sa loob ng flagship ng UN naval fleet. Nag aantay lamang si General Murray ng oras ng kanilang pagdating sa effective range ng kanilang mga kanyon.
“Twenty minutes sir. And we will arrive to our ranges.”
“Prepare the Titan Cannons. We will crush their defensive turrets and stations within the beachfront.”
“Yes sir.”
Samantala sa DRAKE command center naman, naghahanda na rin sina Cifer. Naka upo lamang si Cifer sa kanyang malaking upuan at nakaharap sa mga lcd screens. Lumapit sa kanya si Lin-lin.
“Sir we are at range.”
“Is the shock cannons fully charged? “
“Yes sir.”
“Then fire.” Kalmadong utos ni Cifer.
“Fire the shockwave pulsar cannons! “
“Firing! “ sagot naman ng operators.
Ilang metro ang layo mula sa dalampasigan, may apat na malaking kanyon na puti ang kulay at may ilang linya ng tubo na nakapalibot dito. Umilaw ng light blue ang mga tubo at nag ingay ito na parang may nag ha humming. Umikot ang mga kanyon sa dagat at nagpaputok.
“Pufz! Pufz! Pufz! Pufz! “ apat na bilogang bala ng kanyon ang lumabas dito at umarkong tumilapon sa malayo.
“Sir, four bogeys incoming! “ wika ng isang nag momonitor sa flagship ng UN.
“Deploy flares! “
“Deploying! “
Nagpaputok rin ang mga barko sa papalapit na bala ng kanyon. Sinalubong ng kanilang flares ang mga bala na galing sa DRAKE. Subalit biglang nagwatak watak ang mga bala ng shock cannons. Natamaan ng flares ang ibang maliit na parte ng bala. Para itong mga granada na papalapit sa mga barko.
“Bzzzzzzttt!!!! “ nag detonate ang mga ito sa harapan ng mga barko at gumawa ng maliliit na emp bursts. Biglang namatay ang mga electronic systems ng mga barkong natamaan ng emp.
“Sir! Our systems are down! Radars, weapons systems, and even the power! They’re all gone! “ tila nagpapanic ang isang operator ng flagship ni General Murray.
“It’s an emp burst! How the hell did they get such a weapon!?” nagulantang si General Murray at di nya maisip na merong kakaibang sandata ang DRAKE.
“Sir, all ships within the emp detonation range are disabled! “ wika ni Lin-lin.
“Fire the Gran Ray Missile Launcher!! “
“Firing!!!! “
Sa gitna ng apat na shockwave pulsar cannons ay may isang malaking missile launcher na singlaki ng isang gusali. Pahaba ang korte nito at kulay dark green at khaki. Umikot rin ito at tumutok sa naval fleet sa kalayuan.
“POM POM POM POM!!!! “ sunod sunod na series ng mga missiles ang kumawala sa launcher.
Samantala sa looh naman ng flagship ni General Murray may pumasok na Ensign at hinihingal.
“Sir!!! Multiple missiles! Approaching!!!”…