Hereafter I (Case #1: Si Malakas At Si Maganda)

Authors note: Hello once again and apologies for my long absence. Naaksidente kasi ako sa motor kaya hindi ako makasulat. Anyways, now that I’m fine na maraming nagtatanong about sa MFFL (My Future Father in Law) kung kelan ba yung karugtong? Medyo maghintay lang po tayo dahil nawawala yung flashdrive sa drafts ko. In the meantime here’s a new story, lowkey same universe sa MFFL and you’ll see soon.

P.S. Medyo may inaccuracies lang siguro sa “actual work” pero story lang naman to so please give me a pass. Also, yung title sa story nato is named after my favorite song by Architects.

This story is purely fictional and a concoction of my deranged thoughts.

———————————–

“Alvin… Talk to me. Partner moko at alam mong nasa likod mo ako palagi. Pero kelangan mo talagang humingi ng tulong. Yang pinanggagawa mo? Ikakasira ng career at pamilya mo yan. Please lang Alvin… Let me help you.”

Napapiga siya sa nasal area nang maalala niya yung dati niyang partner na namatay dahil sa drug overdose, napatingin siya sa dating upuan ng partner niya at naalala yung dating maingay at masayahing tao na nalugmok sa kalungkutan hanggang sa kamatayan dahil sa pinagbabawal na gamot. Simula nang mamatay si Alvin ay naging napakatahimik na ng opisina niya.

“Sir Vasquez? Nandyan ka ba?”

Sinuot niya yung salamin niya at sinabihan yung kumakatok na buksan yung pinto, sumaludo naman yung binatang pulis sa kaniya nang makapasok ito sa opisina niya.

“Oh Portigo… Ano na naman ang kelangan mo sakin? Ibaba mo na yang kamay mo.”

Parang naging tropa na niya yung binatang pulis na ito kaya hinahayaan niya nalang minsan na binibiro siya.

“Nananaginip ka na naman ba dito sa opisina mo sir? Siguro yung sexy na si Maam Sanchez ng IA (Internal Affairs) na naman?”

“Yang bibig mo Portigo, talagang ikakapamahak mo yan. Nakita ko si Amanda sa firing range kanina lang, mas magaling pa yun kesa sayo.”

“Pinagpapantasyahan mo ba na gamitin yung “Baril” mo sa “Firing Range” niya? Ikaw talaga sir kaya idol kita eh.”

Napabuntong-hininga siya. “Portigo… May pupuntahan ba tong kalokohan mo?” Sabi niya sa binatang pulis.

Tumango lang sa kaniya si Portigo at napaturo siya sa opisina ng Hepe nila.

“Oo sir… Pinapatawag ka ni Hepe sa opisina niya.”

Bumuntong-hininga ulit siya. “Oh siya… Salamat Portigo. Bumalik kana dun sa post mo.” Sabi niya sabay na napatayo sa desk.

“Yes sir!” Sabi ng binatang pulis at napasalute sa senior niya.

Bago umalis si Portigo ay tumigil siya sa labas ng pintuan at humarap sa senior niya, nagtaka naman si Vasquez kung bakit nasa labas pa yung binatang pulis.

“Ay siyanga pala sir…”

“Ano na naman Portigo?”

“Nakita ko lang naman yung kasama ni Chief sa opisina niya, napakagandang babae.” Medyo inexaggerate ng binatang pulis yung huli niyang sinabi. “Siguro bagong recruit yun dito sa istasyon natin… Baka naman… Ipakilala mo siya sakin sir.”

Pinitik niya yung noo ni Portigo. “Basta talaga pag babae napakausyoso mo. Bumalik kana dun sa post mo kung ayaw mo magpush up buong maghapon.”

“Yes sir!” Sabi ng binatang pulis at tuluyan nang umalis.

Pumunta agad siya sa opisina ng Chief nila at namangha siya sa magandang babae na nakaupo sa harap ng Hepe nila. Lumipad na naman yung isipan niya at inimagine na nagstistrip tease yung babae sa harap niya, pasimple din siyang napatingin sa nakaumbok nitong hinahanarap na bumabakat sa uniporme niyang suot.

“Aba… Mukhang malaki yung haharapin ko dito ah.” Sabi niya at sinilid yung mga kamay sa bulsa niya.

“Ha?” Napansin ng babae na nakatingin yung lalaki sa dibdib niya at pasimpleng sinandal yung kaliwang kamay niya sa upuan. “Hoy Inspector… Yung mata dito.” Sabi ng babae na tinuturo yung mukha niya.

“Hindi naman sa tumitingin ako sa dibdib mo iha. Napansin ko lang yung way na sinablay mo yung kaliwang kamay mo sa upuan, diyan mo ba sinusuot ang shoulder holster mo?”

Gulat na napatingin yung babae sa Chief.

“Galing niya hepe ah… Paano niya nalaman yun?”

Napasimangot lang yung mukha ng Chief nila. “Vasquez! Umupo ka nga dito”

Napaupo naman siya sa harap ng Chief at sabay na napatingin sa magandang babae na kabilang upuan.

“Tsk… Sana dito ka nalang umupo sakin.” Bulong ni Vasquez sa sarili niya at napangiti.

“Corporal Byrnes, ito nga pala si Inspector Simon Vasquez. Vasquez… Corporal Raven Byrnes. Kakapasok niya lang dito sa istasyon natin matapos siyang itransfer dito galing Bulacan.”

“Bulacan?” Napatingin siya ulit sa kay Corporal Raven na pormal lang na nakaupo. “So… Ito na ba yung bago kong partner, Hepe?” Sabi ni Simon na napaturo yung daliri kay Corporal.

“Bakit? May problema ka ba dun, Vasquez?”

“Hindi naman. I was expecting someone within my age pero nagulat lang ako na binigyan moko ng kasing edad lang siguro ng anak ko.”

“At may gana ka pa talagang magreklamo, Vasquez? Punong-puno na ako sa mga kagaguhan na pinanggagawa niyo ni Alvin… Rest in peace his soul…. dito sa istasyon ko! Pasalamat ka nalang sa credentials mo dahil kung hindi pinasibak na kita.” Medyo may galit yung tono ng pananalita ng Chief.

“Chief naman… Ke aga-aga, galit na galit ka?”

Napahawak sa mga kamay ni Chief si Corporal Raven na pinapakalma yung sitwasyon.

“Hepe… Don’t worry po. I have my flaws din naman pero as a team with Inspector Vasquez, we can get the job done.”

Tumango lang si Vasquez at pinuri yung sagot ng Corporal.

“Oh narinig mo yun, Vasquez? Hindi yung puro lugmok ka ng lugmok sa opisina mo.”

“Fair enough. Iha, keep that mentality. Kakailanganin mo yan dito sa istasyon na to.”

“Thank you pero can you stop calling me iha, Inspector? I am not your daugther so you can call me by my name or my rank nalang.”

“At tungkol naman sa skills nitong partner mo, Corporal. For some reason ang magaling na Inspector sa harap mo had failed to notice na gumagamit pala yung dating partner niya.” Sabi ni Chief na nakasimangot parin yung mukha.

“Well… Ako nga pinagbintangan na pumatay sa dati kong partner. Walang perpekto na tao Inspector “

“Eh mabuti naman at nadestino ka dito sa istasyon namin. Oh baka naman… Dinestino ka dito dahil tatanggalin na talaga ako ni Hepe.” Sabi ni Simon at napatingin sa Chief niya.

“You have a death wish, Vasquez? Kung puwede lang sana ginawa ko na. Pero about naman sa sinabi ni Corporal, inimbestigahan naman yung kaso niya at clear siya of any wrongdoings.”

Napakibit nalang ng balikat si Raven sa sinabi ng Chief.

“Ok… At siya narin ba yung uupo sa dating upuan ni Alvin?”

“Oo pero bago muna yun… Heto at may kaso ako para inyo. This is Jane Doe.” Sabi ng Chief nila at nilapag yung litrato sa harap nila.

Tumingin silang dalawa sa litrato at nagulat sa kondisyon ng bangkay, sunog na sunog yung buong katawan.

“What a brutal way to die.” Sabi ni Raven.

“Oo… Marami na akong nakitang bangkay pero ngayon lang ako nakakita ng ganyan.” Sabi ni Simon at tumango lang si Raven sa kaniya.

“See that Inspector? Wala siyang kanang kamay. Did that just fall off dahil sa pagsunog sa kaniya or was it removed by the killer beforehand?”

“Lets find out.”

Inabutan ng Chief si Simon ng brown envelop, binuksan naman agad ni Simon yung laman sa envelop at binasa yung report.

“Lahat ng detalye nasa envelop na yan. In the meantime, puwede niyo nang makuha yung full report sa Pathology.”

“Hepe I just heard na wala si Sammy ngayon dahil sa bali niya sa paa, don’t tell me…”

“Oo… Yung assistant niya yung kumocover sa lahat habang nakasick leave pa siya.”

“Naku… Masaya to.”

“Masaya? Bakit? Anong meron sa assistant niya?” Sabi ni Raven na napatingin kay Simon.

“Sabihin nalang natin na… Kakaiba siya.”

“Vasquez, hayaan mo si Corporal na gumawa ng sarili niyang opinion sa mga katrabaho niya.” Sabi ng chief.

“Oks lang Hepe, kami na ang bahala. Lead the way old man.” Sabi ni Raven at sabay silang umalis sa opisina ng Chief nila.

Bumalik si Simon sa opisina niya habang nakabuntot lang sa kaniya si Raven, nang makapasok silang dalawa sa loob ay biglang nagtanong ang Corporal sa kaniya.

“So… Kelan mo lang nalaman na gumagamit yung partner mo?”

Tinignan ni Simon si Raven. “Trabaho ko yun, Corporal.”

“Pero… Bakit hindi mo siya sinurrender?”

“Kinumbinse ko lang yung sarili ko na tinutulungan ko siya by looking the other way. Alam mo na… Baka magbago pa yung isip niya.”

“And I assume nalang na, it didn’t go the way na you thought it would?”

Napailing nalang si Simon sa kaniya.

“Pinahirapan ka ba ng Internal Affairs?”

Naglakbay na naman yung isipan ni Simon noong iniinterogate siya ni Amanda. Imbes na tanungin siya tungkol sa sitwasyon ng dati niyang partner ay nagkantutan lang sila sa loob ng opisina. Nakaupo sa table si Amanda habang mahigpit na nakayakap sa galit na toro na bumabangga sa kalamnan niya.

Ohh… Yes Simon… Yes… Interrogate me!

“Hindi naman.” Sabi ni Simon.

Matapos isuot ni Simon ang uniporme niya ay nauna siyang naglakad habang nakasunod lang sa kaniya yung Corporal. Nakatingin lang sa kaniya si Raven habang naglalakad sila sa loob ng istasyon, napaubo si Simon at sabay na napatingin kay Raven.

“Ikaw Corporal? Anyare sa partner mo?”

“Nakaundercover kami noon sa isang drug bust, nalaman namin yung kuta nila pero parang may mali. Sinabihan ko nadin siya na huwag muna pumunta doon at tumawag muna ng bac…