Hinahanap-hanap Ni Misis (2-con)

Continuation..

Pagakatapos ng aking trabaho sa university bilang isang prof sa isang subject doon ay dumiretso na ako papunta sa simbahan dala ang aking handbag para tingnan ang nga plano sa lugar ng pagkakasalan namin ni Eric.

Si Erica, nandoon na, naghihintay sa amin. Hindi lang kasi sa botique ang trabaho niya kun’di pati na rin sa pag-aayos ng mga kasal. Business din kasi iyon ni Kyle, ang pagoorganize ng mga kasalan talaga.

Dapat mga alas-quatro ay nandoon na sa simbahan para pag-usapan ang mga mahahalagang detalye.

Nagmamadali na ako paalis dahil baka nandoon na yata si Eric. Siguradong maiinip iyon doon.

Pagkarating ko sa simbahan ay sinalubong ko si Erica kasunod si Kyle.

“Akala ko ba ikaw lang?” pagtatakang tanong ko.

“Kailangan daw kasi makita ni boss ang mga plano ninyo. Hindi kasi niya ako pinagkakatiwalaan na ako lang mag-isa. Wala kasi si Edna, yung lagi kong kasama sa pagoorganize ng mga kasalan.” paliwanag niya at tango-tango lang ako.

“Ah, si Eric?” tanong ko.

“Tumawag si kambal, hindi raw siya makakapunta dahil sa trabaho,” dismayadong ani Erica. “Epal si Eric, ‘no?! Ikaw nageffort pumunta dito at pagod ka rin ta’s sya inuna pa yung trabaho nya sa opisina!”

Ngumiti lamang ako sa kanya.

“Mukhang pagod na pagod ka na misis. Bakit hindi muna tayo magpalamig muna sa isang bar malapit dito,” nakangising pag-anyaya ng guwapong nasa likuran ni Erica. Naka-t-shirt lang na puti si Kyle pero ang ganda ng tindig nya.

Hindi na talaga namin itinuloy ang meeting para sa pagoorganize sa simbahan dahil wala rin naman ang groom ko. Nakakainis! Panira ng araw!

Sa bar ay may mga kabataan na nagsasayaw sa dance floor pero pinili lang namin na pumirming umupo sa isang tabi.

“Alam mo ang ganda-ganda mo talaga, Alison” pagpuri ni Kyle sa akin. Hindi naman ganoon kalakas ang tunog ng sound system sa dance floor. Marahil siguro ay 5 pa lang naman ng hapon.

Nag-init ang pisngi ko sa sinambit nya. Lalo na ang puti-puti ko pa naman, malamang namumula na ako! Nandito kami sa bar na malapit sa simbahan at ilang metrong layo lang sa condong tinitirahan ni Erica

“Salamat pero totoo naman!” confident kong pagsagot sa puri niya. Kailangan ko na talaga ibahin ang ugali ko. Siguro dahil sa pagkamahiyain ko ay nasasabihan akong boring. Hindi dapat akong mahiya sa katotohanan.

Natawa naman si Kyle.

“I like your confidence, Alison. Ganoon dapat! “

“Naku Boss! Hindi ganyan si Alison. Mahiyain talaga yang babaitang yan. Dalagang Pilipina yan, eh!” tawa naman si Erica.

“Well ibahin mo ako ngayong araw, Erica” sabay ngisi sa kanya.

Uminom na naman ito ng isa pang shot ng kung anong alak.

“Alam mo minsan, Alison, alisin mo na ang pagiging dalagang Pilipina mo. 2019 na, gurl”

“I know naman. Kaya nga iniiba ko sarili kong style. Starting tonight!” sambit ko.

“Ooohh… you’re getting wilder, Alison!” tukso sabay lagok ng beer ni Kyle, “You’re sister-in…