His Mistress Versus Me

“May mga bagay na may kanya-kanyang dapat kalagyan. Kung sakaling hindi mo alam kung saan ka lulugar, mas mabuti pang magpatangay ka na lang sa hangin sa himpapawid, kaysa salubungin ang agos ng tubig sa ilog. Sa paglubog ng buwan, matatanaw mo ang bukang-liwayway na nananahan sa gitna ng dalampasigan.”

(Wanna feel the pleasure while reading? Relax your mind. Take your time, read it slowly. Do not skip lines, understand the plot. Use your imagination. Get your senses involved. Try to feel what those characters felt, to see what they saw.)

Once there was a Witch who fell deeply in love with a Soldier, but the Soldier doesn’t love her in return because he was in love with a Princess.

The Witch had been doing everything since then, just to make the Soldier love her. And with all her hope and spell, she made it, and a miracle came which made the Soldier chose the Witch over the Princess.

It was a starlight when the Soldier finally learned to love her with all his heart, and the Witch was living a happy life after she got married.

*** *** *** *** ***

Nagpasabog sya ng isang malaking bomba, at talagang tinamaan ako noong makita ko ito. Napaka-deadly ng ginamit nyang sandata at aminado akong walang panama pati secret weapon ko.

Pagbukas ko ng pinto, gulat na gulat talaga ako sa nasaksihan ko. Magkasiping sila, talagang nagsisiping sila! Sa sarili pa naming pamamahay! Though, romansahan pa lang nadatnan ko pero natitiyak kong sa sex din ang uwi nito!

Tangna parang napuruhan na ako sa espada ng babaeng ito na tumagos sa puso ko! Nasaktan ako! Sino’ng hindi masasaktan kung mahuli mo ang taong pinakamamahal mo na nakakulong sa kwarto kasama ang kalaguyo nya?

“A-ano’ng ibig sabihin nito?!” I really don’t understand kung bakit nakukuha ko pang magtanong.

Nataranta ang magaling na lalaki at hindi malaman kung paano ibubutones ulit ang polo nyang kamuntik ng mahubad ng bruhang parang ayaw pang tumayo sa kama kahit nakita na nya ako!

“Denisa, let me explain!”

“No!” bigla akong napasigaw, “How could you do this?”

Umatras muna ako sa laban. Gagamutin ko muna ang sugat ko. Paghahandaan kong mabuti ang bruhang ito sa susunod naming pagkikita. Sa ngayon hinila ko muna ulit ang pinto atsaka na ako tumakbo ng mabilis palayo.

This is where the war begins.

(This is a work of fiction. Any resemblance of any material used in this story to an actual living or non-living is definitely coincidental. Please do not continue reading if you are below 18 years of age.)

Mistress.
I hate the word.
I hate the woman behind the word.
And I hate the man beyond the word.

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko dito. Parang tangang nakaupo dito sa isang pangit na resto somewhere in San Fernando. Hinihintay ko yung manager na lumabas. Sana tama yung info na nakuha ko na dito nagtratrabaho yung Mistress na yun!

Since last night na mahuli ko sila sa akto hindi na sya matanggal sa isip ko. And now, i’m here, like a fool, trying my luck to talk to her na lumayo na sya at huwag ng magpakita pa sa amin forever. Hangga’t nakokontrol ko pa anger ko!

I put my Gucci shades on, nung matanaw ko na syang lumabas doon sa pinto ng counter. Her beauty made her the most disgusting whore i’ve ever seen. If I only have the rights na ilampaso sya sa sahig, sisirain ko talaga ang pagmumukha nya.

“What are you doing here?” ask nya nung makalapit sya sa akin. Hindi na ako magtataka kung bakit nakilala agad nya ako. Kagabi lang kami nagkita, in the most horrible way pa, pero tinandaan na agad nya ako.

“What do you guess? Did you bring your brain para isiping kakain ako sa bulok na restong ito?” pagsusungit ko, “Nandito ako para tingnan kung anong klaseng putahe ba ang pinapakain mo sa kanya at parang nabaliw sya sa iyo.”

O diba ang angas ko, parang scene lang sa movie.

Umupo sya sa tapat ko, “Denisa, ayokong makipag-argue sayo, please open up your mind and consider that i’m just a woman who fell in love.” aba hindi ko inasahang pati name ko alam nya.

“Mukha neto! Pwe!” I sigh, “Ang kapal naman talaga ng mukha mo eh noh! Hindi yan love! Libog lang yan walanghiya ka!”

“Denisa, please, huwag ka naman sanang masyadong harsh sa akin!”

Ang arte ng malditang ‘to! Tinanggal ko shades ko at nakipagtitigan ako sa kanya, “Ayoko ng pahabain pa ang usapang ito, I wanna go straight to the point, layuan mo na kami please lang, huwag mong sirain ang pamilya namin!” nanggigigil na talaga ako.

Gigil na gigil na talaga ako. Bakit nga ba ako nandito at nagagawang makiusap sa babaeng ito? Napupuno na ng inis ang utak ko, at napupuno na rin ng galit ang palad ko.

“Denisa, wala akong balak sirain ang pamilya–“

PAK!

Hindi pa nya nagagawang matapos magsalita sinampal ko na agad sya. Kating-kati na talaga ang kamay ko na masampal sya. Hindi na talaga ako nakapagpigil pa.

Ang buong akala ko gaganti sya, pero hinawakan lang nya pisngi nya at biglang tumulo ang luha nya. Then pinigil pa nya yung guard na lalapit sana sa akin.

“Are you happy now?” sabi nya sa akin, mata sa mata, tagos sa kaluluwa.

Parang naawa ako nung punas-punasan nya ang luha sa pisngi nya gamit ang daliri nya. Nakatingin lang sya sa akin. Sinaktan ko sya pero sa nakikita ko parang wala syang balak na saktan ako pabalik.

Hmpf! Malamang parte lang ito ng bait-baitan na palabas nya, at ako pa ang palalabasin nyang masama!

Naging matigas ako. Sinuot ko ulit ang shades ko, “Well, that’s a mild relief I guess! Kapag hindi mo pa sya tinantanan, mas malala pa d’yan ang aabutin mo sa akin!”

Pagkasabi ko tumayo na agad ako at hindi ko na hinayaang makasagot pa sya. Ang cool ko lang maglakad at sinusupladahan ko ang bawat empleyadong madaanan ko.

Hindi naman talaga ako masamang tao. Actually that was my first time to slap somebody’s face. Minsan kahit gaano ka pa kabait may mga tao talagang nakakaya kang gawing masama, kahit ayaw mo hindi mo pa rin mapipigilang mangyari iyon, kasi nasasaktan ka eh.

Siguro naman may karapatan akong maging animal sa babaeng iyon. Siguro naman makatarungan lang na pagsalitaan ko sya ng masama at saktan, kase sinaktan nya ako eh. Mas nanaisin ko pa ngang masampal sa mukha eh, kesa masampal sa puso.

Jelousy.
Iyan ang puno’t dulo kung bakit nagkakaganito ako. Ayokong may kahati sa oras nya. Kung papatol sya sa babaeng iyon siguradong mapang-iiwanan ako. Katawan ang puhunan nya, wala akong ganon, hindi ko sya malalabanan sa ganoong paraan. Ang maari ko lang ibigay ay contentment, pero ang bruhang iyon, hawak nya ang satisfaction.

Pagdating ko sa bahay nararamdaman ko pa rin ang nerbyos. Kapag nagsumbong ang babaeng iyon, siguradong masasabol na naman ako.

Dumiretso ako sa kusina para sana uminom ng tubig. Nagulat na lang ako nung may datnan akong nagkakape sa dining habang nagbabasa ng dyaryo sa tablet nya. Ano kayang ginagawa nya dito?

“Why are you here?” tanong ko, alam ko kase nasa office sya sa ganitong oras.

Nilingon nya ako at binitawan nya hawak nyang kape, “O, Denisa, can we talk?”

“So nagsumbong na sya sayo? Ang bilis ah!” sabi ko, sa pagaakalang tungkol dun ang pag-uusapan namin. Baka kako tinawagan na sya ni bruha kaninang pag-alis ko sa resto kaya napauwi sya sa bahay ng ganito.

“Ano’ng nagsumbong? Sino?”

“Sus! Sino pa ba? Ede yung magaling mong kabet!”

Biglang nanlisik mga mata nya, “Will you stop calling her kabet! At ano ba dapat ang isumbong nya? Nagkita ba kayo? May ginawa ka bang masama?”

OMg hindi pala nya alam, means, hindi pala nagsumbong ang bruha.

“Sino ba kasi ang babaeng yon?!” pag-iiba ko sa usapan.

Pinaupo nya ako sa tapat nya. Mukhang napakahalaga ng sasabihin nya kaya naupo na lang ako at nakinig sa kanya.

“She’s Matilda,” tangna infairness bagay nya name nya ah! Maldita! “And I will marry her as soon as possible.”

“WHAT?!” napatayo ako sa sobrang gulat ko at napahampas sa ibabaw ng mesa, “Just what did you say? Are you out of your mind?!”

“Denisa, calm yourself down.”

“But how can I calm down? Ni hindi ko kilala ang babaeng yon, ni hindi mo nga sya pinapakilala ng pormal sa akin diba? And now you’re telling me na pakakasalan mo sya?” muling nabuhay ang galit ko, “Ganoon mo na ba talaga ako binabalewala, Dad?”

“Denisa, look, please listen to me. About what you saw last night, i’m sorry. Hindi ko rin gusto na sa ganoong tagpo mo makita si Matilda. Ipapakilala ko naman talaga sya sayo, naghahanap lang ako ng magandang pagkakataon, but then, ayun, you saw us. Kaya naman nag-set ako ng dinner sa labas mamaya, para makilala mo sya ng maayos at pormal.”

“No! Ayoko Dad! Ayoko sa babaeng yon! Malandi sya!”

“Denisa, please, respetuhin mo naman sya, o kaya, irespeto mo naman ako bilang daddy mo.” naku napasobra ata yung sinabi ko. Sabagay sino ba naman yung babaeng iyon para reapetuhin ko?!

“You know how much I respect you Dad, but i’m sorry, hindi ko matatanggap ang babaeng yon!”

Sa usapan naming ito ni Daddy, si Mommy ang nasa isip ko. Paano naman ang respeto nya kay Mommy? At sa pangako nya sa akin na hindi na sya mag-aasawa ulit dahil ako na lang ang aasikasuhin nya?

Let me continue my story with my full name Denisa Fuentes. I’m 19 years old student. Ang kwento ko ay hindi nalalayo sa kwento ng iba. Namatay si Mommy five years ago dahil sa sakit na cancer, at sa pagkawala nya, nangako sa akin si Daddy na hindi na daw sya mag-aasawa pang muli.

Noong una hindi ko pinapansin ang pangakong iyon, masyado pa kasing masakit sa akin ang nangyari. Para sa akin kasi, ang pangako ay parang pagsasalita ng tapos ng isang taong hindi naman alam kung ano ang susunod na mangyayari, hindi iniisip na baka maaring mag-iba ang lahat pagdating ng panahon.

At hindi nga ako nagkamali. Limang taon pa lang ang lumipas pero parang nakalimutan na ni Daddy ang pangako nya. Hindi ko alam kung ano ang nakita nya sa babaeng iyon, isa lang ang alam ko, ayaw ko sa kanya!

Ayaw ko sa kanya kasi ayokong isipin na papalitan nya si Mommy sa puso ni Daddy, ayoko ring makasama sya sa bahay at gampanan nya ang papel ni Mommy. Parang horror movie sa akin ang dating nun.

Pero kilala ko si Daddy, kung may isang bagay sya na gustong gawin, gagawin talaga nya yon, pero gagawin ko rin ang lahat para pigilang mangyari iyon.

Pumunta ako sa sinasabing dinner ni Daddy. Pumunta ako hindi dahil gusto ko, pumunta ako dahil may naisip akong magandang counter attack. Parang chess game lang iyan eh, kung hindi mo alam kung paano maglaro ang kalaban, ede gayahin mo yung tirada nya! Kaya gagayagin ko na lang yung bait-baitan moves nya.

“Denisa,” sinalubong ako ng besobeso ni Daddy, “I’m glad you made it.”

“Of course Dad.”

Pag-upo ko nginitian agad ako ni Matilda na nakaupo sa tabi ni Daddy. Ang plastik ha! Kung umasta parang walang nangyaring sampalan sa amin kaninang umaga, as if hindi sya nagalit sa lakas ng sampal ko sa kanya.

“Denisa, I’d like you to meet Matilda,” then hinarap nya si bruha, “She’s my daughter.” may kasama pa talagang ngiti.

Ngingitian ko lang sana sya kunyari, pero ang best actress natin, na pang-Oscar Award ang acting, kinamayan pa talaga ako.

“I’m glad to finally meet you, Denisa.”

Aba gusto ata nyang masampal ulit? Ang galing nyang magdrama eh! Nagtataka lang ako bakit hindi nya binabanggit yung nangyari kaninang umaga.

“About what happened earlier, i’m so sorr–” ako na sana magsasabi pero,

“Shhuhh. It’s okay. Just let it pass.” nakangiting sabi nya.

Nalilito na ako, naguguluhan, ano bang gusto nyang palabasin? Ano ba talagang plano nya at nagbabait-baitan sya ng ganito?

“Ano ba yon?” usisa ni Daddy.

“Ah wala,” si Matilda sumagot, “Huwag mo ng alamin.”

Dalawang bagay ang naiisip ko kung bakit nya ginagawa ito. Baka ayaw nya akong isumbong kay Daddy dahil ayaw nyang mapagalitan ako nito at maging dahilan para mag-away kaming mag-ama, o kaya naman, baka gusto nyang ilihim iyon kay Daddy at gawin itong alas sa akin na pang-blackmail nya. Pero hindi mangyayari iyon dahil hindi naman ako natatakot na malaman ni Daddy ang pananampal ko sa kanya.

Tahimik lang ako habang kumakain kami. Tahimik lang din sila, pero napapansin ko na maya’t maya nagsusulyapan sila. Parang nagpapakirandaman kaming tatlo sa gitna ng kainan namin sa mesang ito. Ayoko namang magkwento, o magtanong tungkol sa buhay ng babaeng ito.

“Sana sinama mo si Julius para sana nakilala din sya ni Denisa.” pagbasag ni Daddy sa katahimikan.

“Ah, wala sya eh, kasama nya lola nya, alam mo naman kapag weekend nasa kanila sya.”

“Ah. Next time isama mo sya sa bahay para makabonding ni Denisa.”

Muntik na akong mabulunan sa narinig ko. Kahit hindi ko kilala kung sino yung Julius na pinag-uusapan nila parang may ideya na ako ayon na rin sa tema ng pananalita nila. Malamang anak sya ni Matilda. Kainis si Daddy, bakit pa nya pinapapunta sila sa bahay?

“What do you think Denisa?”

“Ha?” nanlaki mata ko, “Okay lang Dad, whatever you want.” sabi ko na lang, pero wala naman akong balak maka-bonding yung Julius na yon.

After naming kumain nagyaya na agad akong umuwi. Ayoko ng magtagal pa dito para lang makinig sa kwentuhan ng dalawa, at lalong ayokong makita pa ang paghaharutan nila sa pamamagitan ng malagkit na tinginan.

Ngayon sigurado na ako na malapit ng magbago ang takbo ng buhay ko, unti-unti ko na itong nararamdaman. Pag-uwi kasi namin ni Daddy sa bahay yung cellphone nya ang agad nyang inasikaso. Ano pa nga ba? I’m sure na katext nya si Matilda. Grabe naman, kahihiwalay lang nila kanina ah!

Nanonood kami ng TV sa sala. Isa ito sa bonding namin ni Daddy. Pareho kasi naming nakahiligang manood ng basketball game. Sabay pa kaming nagchi-cheer sa paborito naming Barangay Ginebra.

Kaso parang iba ata ngayong gabi. Katabi ko si Daddy sa sofa pero parang nasa ibang dimensyon ang utak nya, hindi na kasi nya tinigilan ang cellphone nya. Ang malala pa hindi ko na sya makausap ng maayos. Puro ‘Ah’, ‘Okay’, ‘Oo naman’, ‘hindi eh’ ang tinutugon lang nya sa akin sa twing may sasabihin ako.

Ang nakakainis pa, tawa sya ng tawa sa tapat ng cellphone nya, hindi ko alam kung ano ang usapan nila ng babae nya pero naaasiwa na ako sa kanya, parang syang teenager na kinikilig.

Sa inis ko pinatay ko na lang ang TV at padabog akong umalis papuntang room ko. Akala ko napansin nya ang pagka-irita ko nung ibagsak ko yung remote ng TV, pero iba yung narinig ko sa kanya.

“O, matutulog ka na?” yan lang sinabi nya.

Sinadya kong hindi sumagot, para sana mahalata nya na hindi ako okay. Pero bigo ako, ni hindi man lang sya nagtataka na iba ang kinikilos ko ngayong gabi. Patuloy lang sya sa kilig nya sa babaeng kalandian nya sa cellphone.

Noong gabing iyon umiyak ako…

Mom, sana nandito ka, sobrang miss na miss na kita…

Sa paglipas ng mga araw naging malungkutin ako. Palagi akong umiiyak mag-isa sa loob ng kwarto ko. Sobrang affected ako sa sitwasyong alam kong hinding-hindi ko mapipigilan. May malaking tampo ako kay Daddy pero ni minsan hindi nya ito nahalata.

Akala siguro nya okay lang ako, at ayokong isiping hindi na nya pinapansin ang kaisa-isang anak nya. May mga oras din na naiisip ko na baka hindi na ako mahal ni Daddy at tuluyan na syang nalulong sa bisyo nya sa babae nya.

Sa edad kong ito, nauunawaan ko na may pangangailangan si Daddy bilang isang lalake, kaya hindi ko sya masisi kung mambabae sya. Okay lang sana kung sex lang ang habol nya sa babaeng iyon, na ginagamit lang nya pamparaos, pero sa nakikita ko kay Daddy mukhang seryoso sya sa babae nya, and it seems to me that he already have strong feelings for her.

Paano ba naman tinotoo nya yung sinabi nyang pakakasalan nya si Matilda. Dalawang buwan lang ang lumipas at iniharap na nya sa Altar ang hanggang ngayong kino-consider kong Mistress nya. Itinuloy pa rin ni Daddy ang kasal na iyon, sa kabila ng malaking pagtutol ko. Hindi na nya naisip kung ano ang mararamdaman ko, wala syang pake kahit nakikita na nya akong nasasaktan.

Hindi sana ako dadalo sa kasal nila, pero may sinabi sa akin yung classmate ko na medyo nakatulong sa akin to change my mind. At sya si, Roji, yung classmate ko at the same time, crush ko.

Nasa school corridor ako non. Nagbabasa ako ng pocketbook. Iyon talaga ang pampalipas oras ko, lalo na’t isa akong lonewolf sa school. Walang kaibigan, laging nag-iisa. Hindi kasi ako yung tipo ng tao na sumasama sa mga grupo grupo, hindi ako palabarkada pero wala naman akong nakaaway.

Pero sa buhay estudyante ko may mga lalaking pumoporma din sa akin. Ako kasi ang muse sa school, at kapag sinabing muse, syempre alam na. But those guys didn’t catch my attention. Mas nahihiwagaan kasi ako sa lalaking hindi pumapansin sa akin. Alam mo yun, yung parang may gayuma ka at nahuhumaling lahat ng guys sayo, pero may isang guy na hindi tinatablan ng gayuma mo. At ang kaisa-isang guy na iyon ay walang iba kundi si Roji.

Simpleng araw lang iyon. Habang hinihintay namin yung Professor namin tumatambay muna kami sa corridor. Yung iba nagkukwentuhan, may naghaharutan at ako ang bukod tanging nagbabasa…ng pocketbook. Alam ko nasa paligid lang si Roji, pero hindi ko inaasahan at hindi ko lubos akalain na noong araw na iyon kakausapin nya ako.

“Ah, Denisa,” nagulat ako nung kinalabit nya ako sa braso, tapos paglingon ko may inaabot syang panyo sa akin, “Sayo ata ‘to.” sabi nya.

Nung mapatingin ako sa kanya parang may fireworks sa loob ng mga mata nya, “Ah, hindi naman akin yan.” sagot ko sa kanya nung marecognized kong hindi ko pagmamay-ari ang panyo.

“Hirap noh?” sunod nyang sabi.

“Ha?” nagtaka ako kung ano tinutukoy nyang mahirap.

“Hirap kapag kailangan mo ang isang bagay pero hindi mo pagmamay-ari…”

Wow naman, parang may nahugot ako don ah, at ang unang pumasok sa utak ko syempre si Daddy. Kailangan ko sya pero hindi ko sya pagmamay-ari.

“Hindi akin yan, pero paano mo nasabing kailangan ko yan?” sunod kong tanong sa kanya.

“Alam mo kasi, may lahi kami na fortune teller.”

“Ano?”

“Fortune teller, manghuhula.”

“Ah talaga?” napangiti ako, “Sige nga, ano’ng nababasa mo sa akin?” tumindig ako at hinarap ko sya.

“Hmm. Nakikita kong umiiyak ang puso mo, at kailangan na kailangan nya itong panyong dala ko.”

Napatitig ako sa kanya, at noong mga sandaling iyon parang gusto ko syang yakapin at magpa-comfort sa kanya. Hindi ko pinapahalata ang pinagdadaanan ko kahit kanino pero sya, nakita nya iyon. Hindi ko alam kung ano’ng magic spell ang gamit nya, pero napasaya talaga nya ako at nagawa kong ikwento sa kanya ang problema ko kay Daddy.

Pati yung tungkol sa kasal na hindi ko sana dadaluhan sinabi ko. Sabi ko wala na si Mommy, at ngayon magpapakasal si Daddy sa ibang babae, at ayaw ko iyon.

“Ayaw mo bang sumaya Daddy mo?” sabi nya.

“Bakit, hindi ba sya masaya sa akin?”

“Bakit, napapaligaya mo ba sya?”

Nagulat ako sa sinabi nya kaya bigla ko syang nasapak!

BHAG!

Sapul lang naman sya sa mukha.

“Bastos ka ah!” sex kasi ang unang pumasok sa isip ko sa tanong nya.

“Aray ku!” napaatras pa sya, “Bakit mo ako sinuntok?!” grabe ang cute pa rin nya.

“Eh ikaw eh! Bastos ka! Ano bang pinagsasasabi mo dyan!”

“Grabe, bayolente ka! Bakit, may masama ba sa tanong ko? Siguro nga napapasaya mo sya, pero hindi buo ang ligayang nararamdaman nya, natural lang iyon sa isang tao noh!”

“Ah basta! Walang kwenta iyang sinasabi mo!” sabi ko sa kanya, pero ang totoo hindi ko lang matanggap na tama sya.

“Ewan ko sayo! Tigas pala ng ulo mo, hindi ka naman pala mapagsabihan eh! Hindi ka marunong makinig, ang sarili mo lang ang pinapakinggan mo!”

Aba galit na ba sya?

“Bakit, sino ka ba sa akala mo para pagsabihan ako? Wala kang pake sa buhay ko noh!”

Teka, ba’t bigla kaming nag-away?

Pero sa kabila ng sinabi kong wala syang pake sa buhay ko ay nagsalita parin sya,

“Pumunta ka sa kasal kung talagang mahal mo Daddy mo at mahalaga sya sayo, dahil ikaw lang ang kukumpleto sa kasiyahan nya sa araw na yon.” atsaka na nya ako iniwan.

Iyon ang dahilan kung bakit kahit ayaw ko, pumunta pa rin ako sa kasal, para sa kasiyahan ni Daddy. Akala tuloy nya okay na sa akin ang lahat, akala nya tanggap ko na ang kabet nya, thinking na si Mommy ang orihinal na asawa, ang hindi nya alam nagsisimula pa lang mag-init ang tunay na laban between his mistress versus me.

A week after the wedding nagsimula na ang miserable kong pamumuhay kasama ang kabet ni Daddy at ang nag-iisang anak nito. Nagulat pa ako nung una kong nakita ang anak nya.

Palabas ako ng kwarto ko nun, sunday ng umaga. Kagigising ko lang, pagbukas ko sa pinto ng kwarto ko nakita ko sya na nakaupo doon sa may sala at sarap-buhay na nanonood ng TV.

“Teka, sino ka?” tanong ko sa kanya nung hindi ko pa sya kilala.

Hindi nya ako sinagot, tumayo muna sya at lumapit sa akin, “Ikaw siguro si Denisa…” sabi nya at may balak syang kamayan ako, “I’m Julius.”

Pero wala akong balak kamayan sya, kaya iniba ko agad ang usapan, “Ang aga mo naman atang nanonood?” kunyari dinungaw ko ang TV.

“Ah,” nakahalata ata kaya binawi na nya kamay nya, “Naiinip ako eh,” then bumalik na sya sa sofa, “Walang magawa dito eh!” at muling umupo ng sarap-buhay.

Anak nga sya ni Matilda, pareho silang makapal ang mukha eh. Pero akala ko bata pa sya, sa lola pala nya sya every weekend, eh ang tanda na neto, magsing-edad lang ata kami.

“Ako nga pala ang anak ng napangasawa ng tatay mo.” sunod nyang sabi.

“Wala akong pake!” sinungitan ko sya at tinalikuran. Pumunta na ako sa kusina dahil ayoko ng makipag-usap pa sa kanya.

“Hahaha Nice to meet you Denisa.” pang-aasar pa nya.

Pagdating ko sa kusina mas naasar ako sa nakita ko. Nadatnan ko si Matilda na suot yung apron ni Mommy habang naghihiwa ng onion sa tabi ng induction cooker, habang si Daddy nagkakape sa dining table.

Aba feelingera ang bruha! Bakit nya ginagamit apron ni Mommy? Bakit hindi nya dinala yung kanya?

“O, Denisa, gusto mo ba ng coffee? Gagawan kita, wait lang.” nakangiting sabi sa akin ni Matilda.

“Ayoko!” pasutil kong sabi.

Tinignan ako ng masama ni Daddy, “Denisa, ayoko yang ganyang attitude ha? Pakitunguhan mo ng maayos si tita Matilda mo dahil mula ngayon dito na sila titira ni Julius.”

Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Daddy. Expected ko na ito noon pa. Nalulungkot lang ako kase may ibang taong gumagamit na ng kusina ni Mommy. At may ibang tao ng pagala-gala dito sa bahay. Nakakapanibago na, wala pa man pero sa pinapakita ni Daddy parang ako ang sampid sa bahay na ito. Parang may bago na syang pamilya at ako ang nakikitira.

Ang saya kasi nilang tignan habang nag-aalmusal sila. Niyaya nila ako pero tumanggi ako, mas gusto ko pang mag-isa at nakakulong sa kwarto ko. Hindi ko na gusto ang atmosphere dito, hindi ko na gusto ang vibes, parang gusto kong maglayas na lang.

Sunday ngayon, family day, but I suddenly felt that I’m not belong to this family, and i’m not at home in my own home.

Kinagabihan manonood sana ako ng basketball game pero nadatnan ko silang tatlo na nanonood ng teleserye. Nakiupo ako sa kanila, hindi nila ako napansin kase nakatutok silang tatlo sa TV. Si Daddy, as if nasubaybayan ang kwento ng teleseryeng ito, kung makanood tutok na tutok talaga.

“Dad, championship ng Ginebra ngayon diba? Ilipat mo muna, silipin natin yung game.”

“Mamaya na lang anak, kita mong may pinapanood ang tita mo eh.”

Okay. Nagwagi na naman si bruha. Kahit silip lang sa game ayaw talaga ni Daddy, samantalang patalastas naman. Dati hindi nya mapalampas yung game, pero ngayon pinagpalit nya ang championship sa walang kwentang teleserye!

Buti na lang may TV ang cellphone ko. Sa kwarto ko na lang ako nanood. Pinagtyagaan kong manood sa maliit na screen habang nanlalabo ang mga mata ko sa luha…

Nagseselos ako kina Daddy…sobra…

Mom, sana nandito ka…sobrang miss na miss na talaga kita…

Kahit wala akong ganang pumasok sa school pinilit ko pa ring bumangon, maligo at mag-uniform kinabukasan. Hindi ko alam kung pano ako nakatulog kagabi, sa pagkakatanda ko nanonood ako sa cellphone ko, pero nung magising ako, nasa drawer na yung phone ko tapos may nakabalot ng kumot sa katawan ko.

Nung ready na ako for school lumabas na ako ng kwarto. As expected, nakita ko silang tatlo na sama-samang nag-aalmusal sa dining.

“Kumain ka muna Denisa bago ka umalis.” sabi sa akin ni Daddy nung makita nya ako.

Deadmakels…

“Denisa, I said take your breakfast before you leave!”

“Hayaan mo na,” sabat naman ni Matilda, then hinarap nya ako, “Kung gusto mo, baunin mo na lang, teka, ipaghahanda kita.”

“No!” bigla kong nasabi, napatingin sa akin si Julius, “I mean, no need, dito na lang ako kakain.” mas gusto ko na ito, kesa ipag-baon pa nya ako, si Mommy lang gumagawa nun.

Umupo ako sa tabi ni Daddy, nasa harapan naman namin yung mag-ina. Sa palagay ko hinihintay talaga nila ako, kase may nakataob ng pinggan sa tapat ko. Ang daming nakahain, may cheese omelette pa na paborito ko, ngayon lang ulit ako makakakain ng ganito dito sa bahay since nawala si Mommy. Hindi kasi namin alam ni Daddy lutuin ito, na-try namin pero massacre.

Habang kumakain ako, infairness masarap, biglang, “Mauna na po ako.” nagpaalam na si Julius.

“O, ba’t ‘di ka na lang sumabay sa amin?” sabi naman ni Daddy, “Diba dun ka rin sa school ni Denisa nag-aaral?”

“Hindi na po. Aagahan ko po pasok ngayon kase mangangapa pa ako sa school, first day ko po kasi ngayon as transferee.”

“Hindi. Sabay ka na sa amin.”

Epal itong si Julius! Ang aga pa eh nagmamadali. Pinagmadali tuloy ni Daddy ang pagkain ko. Nyeta naman talaga!

Pagkahatid sa amin ni Daddy sa school humiwalay na agad ako kay Julius. Ayokong may ibang estudyante na makakita sa aming magkasama. Dumiretso na sya papasok sa school, ako naman, kumaliwa sa may canteen.

Ito talaga daily routine ko, maaga akong pumapasok para silipin yung crush ko sa school, mas lalong napaaga ngayon dahil kay Julius. Lagi ko kasi syang nakikitang tumatambay mag-isa dito. Walang ibang estudyante ang may alam na tumutugtog sya ng gitara dito kada umaga.

Pagdating ko sa canteen, dumungaw lang ako sa bintana para silipin sya. Hindi naman talaga ako nagpapakita sa kanya. Hindi nya alam na may fan sya na pinapanood ang bawat pagkumpas nya sa gitara.

Nandun nga sya, nakaupo sa isa sa mga monoblock chairs. Hawak ang gitara habang kumakanta. Kahit hindi ko alam kung anong pamagat nung tinutugtog nyang kanta aliw na aliw pa rin ako sa panonood ko sa kanya. May talent sya, magaling syang kumanta at mahusay mang-gitara.

Ito ang dahilan kung bakit crush ko sya, hindi sya kagwapuhan, average lang ang looks nya pero parang ibang tao sya kapag tumutugtog, malakas yung dating nya, malakas ang aura.

Nagulat ako nung bigla syang napahinto sa pag-strumming. Nung tingnan ko face nya nakatingin pala sya sa akin. Omg, nahuli nya ako!

“Ano’ng ginagawa mo d’yan? Ba’t ‘di ka pumasok?”

“Ah, eh…”

Tutal nakita na lang din nya ako, pumasok na ako. Tumabi ako ng upo sa kanya, mahiya-hiya and for sure nagba-blush ako.

“Marunong ka palang mag-gitara?” tanong ko kuno pero noon pa man alam ko na.

“Ah, oo. Pastime ko, pero nag-eensayo palang ako.”

Nag-strum ulit sya ng isang pyesang hindi ko alam. Wala naman kasi akong hilig sa mga acoustic songs, lalo na sa mga new songs. Lovesong lang usually pinapakinggan ko at mellows.

“Sorry nga pala nung isang araw…” sabi ko habang tumutugtog sya.

“Sorry saan? Nung sinuntok mo ako?”

“Uhm. Oo eh.”

“Okay na yun. I understand na may dinadala ka kaya bayolente ka.”

Bigla nyang pinalitan tinutugtog nya;

I can tell by your eyes that you’ve prob’bly been cryin’ forever,
And the stars in the sky don’t mean nothin’ to you,
they’re a mirror.

If I stand all alone,
will the shadow hide the color of my heart;
Blue for the tears, black for the night’s fears.

Wow! Tumugtog sya ng lovesong!

“Kumusta na nga pala kayo ng Daddy mo? Okay na ba kayo? Pumunta ka ba sa kasal?” sunod nyang sabi.

“Oo pumunta ako.” nginitian ko sya, “Salamat Roji ha? Kasi kung hindi dahil dun sa sinabi mo sa akin, baka hindi ako pumunta.”

“Syempre naman noh! Tatanggalan mo ba ng Maid of Honor ang kasal ng Daddy mo?”

“Haha Oo nga.”

Tumigil sya sa pagtugtog at ibinaba nya sa tabi nya ang gitara nya, “Ede okay ka na n’yan?”

Napabugtong-hininga ako nung maalala ko si Matilda sa tanong nya. Letseng babaeng yon! Pati ba naman moment sa lovelife ko panira pa rin sya?

“Okay pa naman ako. Naninibago lang ako kasi hindi ako sanay na may ibang tao sa bahay. Dun na kasi sila nakatira sa amin ngayon.”

“Ah, normal lang iyon, asawa na sya ng Dad mo kaya dapat lang na doon na sya tumira kasama nyo. Dapat pakitunguan mo na sya ng maayos n’yan, kase parte na sya ng pamilya nyo.”

“No!” bigla kong naisigaw, “Hindi sya parte ng pamilya namin! Kabit lang sya!”

Bigla syang napatindig sa gulat, “Ninerbyos naman ako sayo! Ayaw mo talaga sa kanya noh? Bakit, hindi ka ba nya tinatrato ng maayos?”

Hmm. Wala pa naman akong matandaan na binastos ako ni Matilda o pinagmaltratuhan ng masama. Sabagay parte nga pala iyon ng bait-baitan moves nya eh.

“Sus! Ang plastik ng taong yon! Alam ko namang nagbabait-baitan lang yun eh!”

“Haha” napatawa sya, “Ano ka ba! Pakisama ang tawag dun! Kaya dapat pakisamahan mo rin sya para walang problema, atsaka step-mom mo sya, hindi sya kabet.”

Biglang uminit na naman dugo ko kay Roji. Nakakainis sya, parang kinakampihan pa nya yung Mistress na yon! Kabit nga sya eh! Kasi si Mommy ang orihinal na asawa!

“Ewan ko sayo Roji, wala ka talagang kwentang kausap! D’yan ka na nga!” atsaka ko na sya iniwan.

Minsan ba dumating na sayo yung punto na feeling mo walang taong nakakaunawa sayo? Yung walang umiintindi sayo? Hindi ko kailangan ng advices o words of wisdom, ang kailangan ko ay yung taong makikinig sa akin. I need someone who will listen to my heart. Si Mommy lang talaga yung someone na yon. Sana nandito sya…

Feeling ko nag-iisa lang ako sa mundong ibabaw. Walang makasama, walang mapuntahan. Minsan mag-pray ako, hiniling ko na sana ibalik Nya si Mommy sa akin. Alam kong imposible iyon, pero iyon ang palagi kong ipinapanalangin.

At sana ibalik na Nya sa akin si Daddy mula sa babaeng iyon. Araw-araw kong nakikita si Daddy sa bahay at nakakausap, pero feeling ko hindi ko sya kasama. Nangyari tuloy namimiss ko na rin sya, namimiss ko na yung dating Daddy ko.

Noon, kahit kaming dalawa lang sa bahay masaya pa rin kami. Kahit ako lahat ang gumagawa ng mga gawaing bahay ayos lang sa akin, pero ngayon, may iba ng nagsisilbi sa kanya at napakasakit damhing mas gusto nya ang pagsisilbi ng kabet nya ngayon kesa sa pagsisilbing ginagawa ko sa kanya noon.

May isang umaga na nagising ako na nagwala ako sa bahay. Parang sumabog na yung bombang itinanim ni Matilda sa loob ng puso ko. Iniba kasi nya ang ayos ng mga gamit sa loob ng bahay. Iniba nya ng pwesto yung mga sofa, pati yung TV. Pinalitan nya yung mga flower vases na binili ni Mommy.

Lahat ng naka-display sa kusina ginalaw nya, lahat ng figurines, furnitures, at pati mga photo frame namin nina Mommy winala nya sa pwesto. Sa madaling salita, nag-iba na ang hitsura ng pamamahay namin sa isang iglap lang.

Galit na galit ako, masamang-masama ang loob ko sa ginawang ito ni Matilda, “Ano’ng nangyari sa bahay, bakit nagkaganito?” sigaw ko.

Hinila ko ang mga kurtina hanggang matanggal at masira. Hinampas ko yung mga vases hanggang mahulog at mabasag. Narinig ata nila ang pagwawala ko kaya nagsilabasan sila sa lungga nila.

“Denisa, ano’ng ginagawa mo?” paglabas ni Matilda sa kwarto ni Daddy.

“What’s happening?” nagulat din si Daddy na sunod na lumabas.

“Daddy naman eh! Bakit hinayaan mong pakialaman ng babaeng iyan ang mga gamit dito sa bahay?”

Sumabat si Matilda gayung hindi naman sya ang kausap ko, “Ah, eh, naisipan ko lang ibahin para sana umaliwalas.”

“Paepal ka talaga! Hindi mo ba alam na si Mommy ang nag-ayos sa bahay na ito? Ang kapal mo rin eh noh!”

Bigla akong sinigawan ni Daddy, “Denisa, stop it!” then hinawakan nya ako at pinagsabihan ako sa mukha ko, “Huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang tita Matilda mo!”

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko, “Dad, i’m sorry,” natakot talaga ako sa kanya, kase sa buong buhay ko ngayon ko lang sya nakitang galit, at ngayon lang din nya nagawa sa akin ang hawakan ako sa braso at kaladkarin papasok sa kwarto ko.

Nasasakdal na ako sa pag-iyak, nasasaktan na rin ako sa higpit ng pagkakahawak ni Daddy sa braso ko pero hindi pa rin nya ako binitawan hanggat hindi kami nakarating sa loob ng kwarto ko. Tinulak pa nya ako na parang tinapon ako sa kama ko.

“Ano bang nangyayari sayo?!”

“D-dad, so-sorry po.”

“Bakit ka ba nagkakaganyan ha?”

“Hindi mo ba talaga alam Dad?”

Bigla syang natigilan nung simulan ko ng magsalita.

“Anak mo ako diba Dad? Diba dapat ako po yung kinakampihan mo? Ang gusto ko lang naman Dad ipagtanggol mo rin ako minsan. Tama naman po ako diba? Wala syang karapatan na pakialaman ang mg gamit dito sa bahay.”

“No Denisa, you don’t understand–“

“Dad, this time, you’re the one who don’t understand!” pinunasan ko muna luha ko bago nagpatuloy, “Buti ka pa masaya ka, napansin mo ba yung lungkot ko? Ikaw lang may gusto nito, nagdesisyon kang mag-isa, binalewala mo ako! Kahit alam mong ayaw ko sa babaeng iyon pinakasalan mo parin sya diba?”

“Denisa, I understand na bata ka pa kaya hindi mo pa alam ang lumalabas sa bibig mo.”

Nilapitan nya ako, at sa unang pagkakataon sa loob ng ilang taon, niyakap nya ako ng mahigpit. Lalo akong naiyak. Alam kong hindi showy si Daddy sa love, alam kong ang tipo ng lalakeng tulad nya hindi sanay sa ganitong klaseng drama.

“Anak, darating ang araw na mauunawaan mo rin ako. Sa ngayon gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita.”

Ang dami ko pa sanang gustong sabihin kay Daddy pero hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nahihiya. Ang dami kong hinanakit sa kanya pero hindi ko alam kung paano ko ilalabas. Kahit kailan talaga hindi ko pa nakausap ng matino si Daddy.

After nito, si Matilda naman ang kumausap sa akin. Sinadya nyang makaalis muna ng bahay sina Daddy at Julius. Hindi kasi ako nakapasok sa school, ayoko talaga munang pumasok kahit anong pilit sa akin ni Daddy.

Ayaw ko pa syang pagbuksan ng pinto nung una, pero dahil naaalibadbaran na ako sa kakakatok nya, pinagbigyan ko na. Hindi ko mabasa ang hitsura nya nung magkaharap kami, parang naiirita sya na…