“Hon, lets go 2 tagaytay 2day. Pls…..”
yan ang natanggap kong message sa kanya. I don’t get it, ang alam ko may pasok siya when I received her message.
“Pls pck me @ home hon.”
ang sunod na message niya sa akin.
“Ok. w8 4 me. B der n 30.”
yun nalang ang naisagot ko sa message niya.
We travelled to Tagaytay that day, nag stroll lang kami, kumain ng bulalo sa Mahogany. Buong araw kami na nag stay doon.
“Hon, thank you pinagbigyan mo ako sa trip ko today.” ang sabi nito sa akin habang naka upo kami at nag overlooking ng Taal Volcano sa Picnic Grove.
“You’re welcome. Bakit naisipan mo mag out of town ng weekdays?” ang tanong ko sa kanya.
“Wala lang. I thought it would be fun. Di pa naman natin nagagawa ng weekdays mga lakad natin.” ang sagot niya sa akin na nakangiti habang nakatingala sa akin.
“Naisip ko lang, what would you do if, mawala ako or mag break tayo?” ang tanong niya sa akin bigla. May mga ganito naman siyang mga random questions for me, kaya hindi narin naman bago.
“Bakit, mawawala ka ba? Or you’ll break up with me na ba?”
“…just asking. So ano nga?”
“I don’t know. Likely, malulungkot ako, magtatanong, why. Ganun. But I really don’t know. Maybe I’ll test the waters once I cross the bridge.” ang sagot ko sa kanya at napatango tango nalang siya.
Halos araw araw kami kung mag date that time. Sobra niya akong ipamper nun, which she always does naman din. I think, nakwento na dito previously what happened during her last three days bago siya lumipad ng US.
“I love you Liam.”
“Thnx u 4 evrythng. 4 loving me..”
“Lagi q nmn cnsb sau 2, bt still thnx u.”
Yan ang mga huling messages na natanggap ko sa kanya that night. I even sent her messages kinabukasan as part of our daily routine. Tanghali na pero wala padin akong na re-receive na sagot sa kanya. Siguro baka busy lang siya, kaya sinubukan ko siyang tawagan during my lunch break, but to no avail. It was very unusual na unreachable ang phone niya. I sent her multiple messages, pero wala talaga. I tried calling her again kinagabihan, to no avail.
Kinabukasan, it was all the same. Wala akong natanggap na message sa kanya or kahit return call. Then I decided to visit her kinabukasan sa bahay nila. Pagdating ko sa bahay nila, I was shocked to learn na walang tao doon. Medyo kinakabahan na ako nun, dahil kung ano na ang nangyari sa kanya. I contacted her cousin, si Kuya Dan para sana malaman kung ano ang nangyayari, his phone just kept on ringing. Buong week akong tuliro at pabalik balik sa bahay ni Lanz, to check. Buong week din akong walang makuhang sagot kay Kuya Dan. Another week passed, Kuya Dan contacted me at nakipag kita sa akin.
“Kuya, anong nangyayari, asan si Lanz?”
“I told her this is going to be messy pero di siya nakinig. Hai.”
“So ano nga?”
“She’s in the US now. Hindi dapat sa akin manggaling lahat ng information na need mong malaman.”
“I’m sorry Liam. Kung ako man din ang nasa position mo right now, magagalit din ako.”
“It is her responsibility to tell it to you. Ayokong makialam pero let me say this, hindi ko rin gusto ang ginawa niya.”
“Sinabihan ko na siya noon pa nung sabihin niyang kayo na.”
“Fuck!” napahilamos nalang ako ng kamay that time. Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
I was a wreck that time, sa bahay tinatanong ako kung bakit di na dumadalaw si Lanz. Ang sinabi ko nalang ay naghiwalay na kami. Even my studies were affected, hindi ako makapag concentrate. Lagi lang akong tulala, kung hindi man ay lagi kong tinatanong ang sarili ko kung ano ba ang nagawa kong mali, bakit hindi niya sinabi sa akin lahat. Even sa school journo, wala din akong matinong magawa, at umabot ng tatlong buwan bago ako masita ni ate Lyka, dahil siya na ang EIC ko.
I was browsing sa email ko isang hapon using the computer sa headquarters. I saw an email na galing kay Lanz. I clicked the subject and read it.
My Dear Liam,
I know I should have told you about this. I’m sorry. I’m really really sorry.
Andito na ako ngayon sa US. I am continuing my studies here for good.
Kalimutan mo na ako, at kalilimutan na din kita.Again, I am sorry.
Lanz.
I signed out immediately, closed the browser at saka ko nahampas ang table ng computer. The nerve of that woman. She never cared for me, yun ang naiisip ko that time. Yes, galit ako. Ganun ganun niya lang akong iwanan at sabihing kalimutan na namin ang isa’t isa. Napatulala nalang ako sa harap ng pc. After some time, pumasok si ate Lyka at may dala dala itong mga papel.
“Liam, what’s happening to you? Lahat ng gawa mo rejected.” ang sabi nito sa akin. Tulala lang ako sa harap ng computer noon at nilalaro ang hawak kong pen.
“Liam!”
“Oh my God, I don’t know what to do with you.” ang sabi pa niya sa akin nang di ko parin siya sinasagot.
Maya maya pa ay naramdaman ko nalang na niyakap na niya ako mula sa likod ko. Naramdaman ko ang pagkabasa ng batok ko, at ang mumunti niyang paghikbi. Dito na ako nag umpisang maiyak din. It was the first warm feeling I have felt simula nung huli kaming magkita ni Lanz.
“Liam, you don’t have to be like this.” ang sabi sakin ni ate Lyka.
“Please Liam. Ayokong nakikita kitang ganito. Nasasaktan din ako.”
Doon ako nahimasmasan. May isang oras pa siguro noon, until we get back to our senses and feet. Lumabas kami at naghanap kami ng makakainan. Walang nag iimikan sa aming dalawa sa loob ng taxi, habang papunta kami ng Timog noon. Dumiretso kami sa Pier One, at doon na kami kumain at Tinuloy na namin sa pag inom.
Ayokong iopen up sa kanya ang nararamdaman ko o ang storya namin ni Lanz. Alam ko naman that time, na she’s not the right person to talk about it. I was able to confirm din naman ang sinabi sa akin ni Lanz noon, and it’s true, may gusto sakin si ate Lyka even noong maging kami ni Lanz, but she remained silent all throughout. Yun ang nagustuhan ko sa kanya naman bilang kaibigan, nirespeto niya ang mga choices ko noon.
Nag inom kami nang nag inom ni ate Lyka hanggang sa magkalasingan kaming dalawa. Hindi naman talaga ako madaling malasing, pero nung gabing yun, mas pinili ko ang magpakalunod sa kalasingan, baka sakaling makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko that time. Hindi ko na rin namalayan kung anong oras na yun nung magkaayaan kaming umuwi.
“Liam, makakauwi ka pa ba?”
“Ka-hic-ka-ya ko hmmm”
“My goodness.”
Hindi ko na alam yung sumunod na nangyari, ang alam ko lang ay nakasakay kami sa taxi pero hindi ko alam kung saan kami papunta that time. Nang mahimasmasan ako, nakahiga ako sa kama, at ang bango ng kwarto. Medyo masakit padin ang ulo ko at nahihilo hilo pa ako that time. Pinilit ko naman aninagin ang kwarto, pero di ko talaga kaya. Maya maya pa ay may dumamping basa sa braso ko ngunit di ko din naman pinansin. Next was there was another something went na bumabagtas sa chest area ko. Maya maya ulit ay sa mukha ko. I tried opening my eyes to check what was going on. May naaninag lang akong parang babae, at napapikit ako muli at nakatulog.
Nang maalimpungatan ako, pinilit kong bumangon at hawak ko ang noo dahil sa kirot. Medyo dim ang, dahil sa ang liwanag ay nanggagaling lang sa street lamps sa labas. I tried checking my surroundings at hindi talaga familiar sakin ang kwarto. I was about about to get up from the bed, nang may maramdaman akong may nakayakap sa akin. I removed the comforter at nakita ko si ate Lyka, walang kahit anong suot.
Fuck.
Lalong sumakit ang ulo dahil sa nakita ko. What happened? What have I done? Pilit kong inaalala ang mga nangyari at ang tanging naalala ko ay ang pagsakay namin ng cab.
“L-Liam…”
Napalingon ako kay ate Lyka that time. Gusto kong magalit sa kanya that time, but I could not remember what happened.
“Ate…anong ibig sabihin nito?” ang tanong ko sa kanya.
“Li..Liam let me explain.” inaantay ko siyang magsalita and explain what happened. All she could do was to cover her naked body under the comforter.
“Liam, lasing na lasing ka kagabi at dito na kita dinala sa bahay namin.”
“Wa-wala pang nangyayari. Gusto sana kitang magising muna…”
“So may plano kang gawin? May plano kang may mangyari sa atin? Why? Bakit ate?”
“..Lyka” natahimik ako sa sagot niya, mahinahon, mahina pero may authority. But I need to keep up my composure. I drew a deep sigh.
“Ate, this is….”
“I SAID …Lyka. Lyka, Liam!”
“I’m going ate.”
Agad kong kinuha ang mga damit ko at sinuot iyon. When I was about to wear my polo shirt, she held my hand and turned to face her. I was looking at her eyes that time, alam kong mali ang mga nangyayari na that time.
“Uuhhhhmmmppphhhhh” she moaned nang maglapat ang mga labi namin. It was a hot torrid kiss.
On a normal circumstances, walang lalaki ang hindi magkakagusto sa kanya. Tisay, sexy, maganda. I told you, she looks like Cheska Garcia. But I only see her as my ate. Hinawakan ko siya sa balikat, and we stopped kissing. We were both panting after that kiss.
“This is wrong.” yun lang ang nasabi ko at nagbihis na ako.
“Liam…” she tried to stop me pero hindi talaga, I left her crying in her room.
After that incident sa bahay nila, I submitted my resignation sa org. I felt like pag nag stay pa ako, it will no longer be good for us, lalo na kay ate Lyka. Everyone was shocked when I submitted it, hindi ko na rin inentertain ang mga tanong nila. Ang sabi ko lang ay conflict na yun sa schedule ko. Dumating din si ate Lyka at binigay ko sa kanya ang request ko, which she immediately approved, without asking me. Without looking at me. And that was the last time that I saw her. After the semester, lumipat na daw ito sa Ateneo.
From that time on, I’m no longer bound by the school journo. From there on, nag focus ako sa studies ko. Mabilis lang lumipas ang semester at enrollment nanaman for the next semester. During the span of that time, aside from studies, nag gym din ako as per Kuya Dan’s advise para na rin malibang ako. And true to his words, na divert ang attention ko. Kahit papaano ay nagkalaman laman naman ako, and nag mature ang katawan ko. During that time also, Kuya Dan asked me if gusto ko ng sideline jobs. Hindi ko naman kailangan that time since di naman ako kapos sa pera, may kaya naman ang pamilya namin, but I took it. He helped to get familiarized sa mundo ng real estate.
Isinabay ko ang pag aaral ang sideline job ko sa real estate at kumuha din ako ng sideline bilang isang IT since yun naman ang inaaral ko that time. After more than six months, maganda naman an…