“Hon, lets go 2 tagaytay 2day. Pls…..”
yan ang natanggap kong message sa kanya. I don’t get it, ang alam ko may pasok siya when I received her message.
“Pls pck me @ home hon.”
ang sunod na message niya sa akin.
“Ok. w8 4 me. B der n 30.”
yun nalang ang naisagot ko sa message niya.
We travelled to Tagaytay that day, nag stroll lang kami, kumain ng bulalo sa Mahogany. Buong araw kami na nag stay doon.
“Hon, thank you pinagbigyan mo ako sa trip ko today.” ang sabi nito sa akin habang naka upo kami at nag overlooking ng Taal Volcano sa Picnic Grove.
“You’re welcome. Bakit naisipan mo mag out of town ng weekdays?” ang tanong ko sa kanya.
“Wala lang. I thought it would be fun. Di pa naman natin nagagawa ng weekdays mga lakad natin.” ang sagot niya sa akin na nakangiti habang nakatingala sa akin.
“Naisip ko lang, what would you do if, mawala ako or mag break tayo?” ang tanong niya sa akin bigla. May mga ganito naman siyang mga random questions for me, kaya hindi narin naman bago.
“Bakit, mawawala ka ba? Or you’ll break up with me na ba?”
“…just asking. So ano nga?”
“I don’t know. Likely, malulungkot ako, magtatanong, why. Ganun. But I really don’t know. Maybe I’ll test the waters once I cross the bridge.” ang sagot ko sa kanya at napatango tango nalang siya.
Halos araw araw kami kung mag date that time. Sobra niya akong ipamper nun, which she always does naman din. I think, nakwento na dito previously what happened during her last three days bago siya lumipad ng US.
“I love you Liam.”
“Thnx u 4 evrythng. 4 loving me..”
“Lagi q nmn cnsb sau 2, bt still thnx u.”
Yan ang mga huling messages na natanggap ko sa kanya that night. I even sent her messages kinabukasan as part of our daily routine. Tanghali na pero wala padin akong na re-receive na sagot sa kanya. Siguro baka busy lang siya, kaya sinubukan ko siyang tawagan during my lunch break, but to no avail. It was very unusual na unreachable ang phone niya. I sent her multiple messages, pero wala talaga. I tried calling her again kinagabihan, to no avail.
Kinabukasan, it was all the same. Wala akong natanggap na message sa kanya or kahit return call. Then I decided to visit her kinabukasan sa bahay nila. Pagdating ko sa bahay nila, I was shocked to learn na walang tao doon. Medyo kinakabahan na ako nun, dahil kung ano na ang nangyari sa kanya. I contacted her cousin, si Kuya Dan para sana malaman kung ano ang nangyayari, his phone just kept on ringing. Buong week akong tuliro at pabalik balik sa bahay ni Lanz, to check. Buong week din akong walang makuhang sagot kay Kuya Dan. Another week passed, Kuya Dan contacted me at nakipag kita sa akin.
“Kuya, anong nangyayari, asan si Lanz?”
“I told her this is going to be messy pero di siya nakinig. Hai.”
“So ano nga?”
“She’s in the US now. Hindi dapat sa akin manggaling lahat ng information na need mong malaman.”
“I’m sorry Liam. Kung ako man din ang nasa position mo right now, magagalit din ako.”
“It is her responsibility to tell it to you. Ayokong makialam pero let me say this, hindi ko rin gusto ang ginawa niya.”
“Sinabihan ko na siya noon pa nung sabihin niyang kayo na.”
“Fuck!” napahilamos nalang ako ng kamay that time. Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
I was a wreck that time, sa bahay tinatanong ako kung bakit di na dumadalaw si Lanz. Ang sinabi ko nalang ay naghiwalay na kami. Even my studies were affected, hindi ako makapag concentrate. Lagi lang akong tulala, kung hindi man ay lagi kong tinatanong ang sarili ko kung ano ba ang nagawa kong mali, bakit hindi niya sinabi sa akin lahat. Even sa school journo, wala din akong matinong magawa, at umabot ng tatlong buwan bago ako masita ni ate Lyka, dahil siya na ang EIC ko.
I was browsing sa email ko isang hapon using the computer sa headquarters. I saw an email na galing kay Lanz. I clicked the subject and read it.
My Dear Liam,
I know I should have told you about this. I’m sorry. I’m really really sorry.
Andito na ako ngayon sa US. I am continuing my studies here for good.
Kalimutan mo na ako, at kalilimutan na din kita.Again, I am sorry.
Lanz.
I signed out immediately, closed the browser at saka ko nahampas ang table ng computer. The nerve of that woman. She never cared for me, yun ang naiisip ko that time. Yes, galit ako. Ganun ganun niya lang akong iwanan at sabihing kalimutan na namin ang isa’t isa. Napatulala nalang ako sa harap ng pc. After some time, pumasok si ate Lyka at may dala dala itong mga papel.
“Liam, what’s happening to you? Lahat ng gawa mo rejected.” ang sabi nito sa akin. Tulala lang ako sa harap ng computer noon at nilalaro ang hawak kong pen.
“Liam!”
“Oh my God, I don’t know what to do with you.” ang sabi pa niya sa akin nang di ko parin siya sinasagot.
Maya maya pa ay naramdaman ko nalang na niyakap na niya ako mula sa likod ko. Naramdaman ko ang pagkabasa ng batok ko, at ang mumunti niyang paghikbi. Dito na ako nag umpisang maiyak din. It was the first warm feeling I have felt simula nung huli kaming magkita ni Lanz.
“Liam, you don’t have to be like this.” ang sabi sakin ni ate Lyka.
“Please Liam. Ayokong nakikita kitang ganito. Nasasaktan din ako.”
Doon ako nahimasmasan. May isang oras pa siguro noon, until we get back to our senses and feet. Lumabas kami at naghanap kami ng makakainan. Walang nag iimikan sa aming dalawa sa loob ng taxi, habang papunta kami ng Timog noon. Dumiretso kami sa Pier One, at doon na kami kumain at Tinuloy na namin sa pag inom.
Ayokong iopen up sa kanya ang nararamdaman ko o ang storya namin ni Lanz. Alam ko naman that time, na she’s not the right person to talk about it. I was able to confirm din naman ang sinabi sa akin ni Lanz noon, and it’s true, may gusto sakin si ate Lyka even noong maging kami ni Lanz, but she remained silent all throughout. Yun ang nagustuhan ko sa kanya naman bilang kaibigan, nirespeto niya ang mga choices ko noon.
Nag inom kami nang nag inom ni ate Lyka hanggang sa magkalasingan kaming dalawa. Hindi naman talaga ako madaling malasing, pero nung gabing yun, mas pinili ko ang magpakalunod sa kalasingan, baka sakaling makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko that time. Hindi ko na rin namalayan kung anong oras na yun nung magkaayaan kaming umuwi.
“Liam, makakauwi ka pa ba?”
“Ka-hic-ka-ya ko hmmm”
“My goodness.”
Hindi ko na alam yung sumunod na nangyari, ang alam ko lang ay nakasakay kami sa taxi pero hindi ko alam kung saan kami papunta that time. Nang mahimasmasan ako, nakahiga ako sa kama, at ang bango ng kwarto. Medyo masakit padin ang ulo ko at nahihilo hilo pa ako that time. Pinilit ko naman aninagin ang kwarto, pero di ko talaga kaya. Maya maya pa ay may dumamping basa sa braso ko ngunit di ko din naman pinansin. Next was there was another something went na bumabagtas sa chest area ko. Maya maya ulit ay sa mukha ko. I tried opening my eyes to check what was going on. May naaninag lang akong parang babae, at napapikit ako muli at nakatulog.
Nang maalimpungatan ako, pinilit kong bumangon at hawak ko ang noo dahil sa kirot. Medyo dim ang, dahil sa ang liwanag ay nanggagaling lang sa street lamps sa labas. I tried checking my surroundings at hindi talaga familiar sakin ang kwarto. I was about about to get up from the bed, nang may maramdaman akong may nakayakap sa akin. I removed the comforter at nakita ko si ate Lyka, walang kahit anong suot.
Fuck.
Lalong sumakit ang ulo dahil sa nakita ko. What happened? What have I done? Pilit kong inaalala ang mga nangyari at ang tanging naalala ko ay ang pagsakay namin ng cab.
“L-Liam…”
Napalingon ako kay ate Lyka that time. Gusto kong magalit sa kanya that time, but I could not remember what happened.
“Ate…anong ibig sabihin nito?” ang tanong ko sa kanya.
“Li..Liam let me explain.” inaantay ko siyang magsalita and explain what happened. All she could do was to cover her naked body under the comforter.
“Liam, lasing na lasing ka kagabi at dito na kita dinala sa bahay namin.”
“Wa-wala pang nangyayari. Gusto sana kitang magising muna…”
“So may plano kang gawin? May plano kang may mangyari sa atin? Why? Bakit ate?”
“..Lyka” natahimik ako sa sagot niya, mahinahon, mahina pero may authority. But I need to keep up my composure. I drew a deep sigh.
“Ate, this is….”
“I SAID …Lyka. Lyka, Liam!”
“I’m going ate.”
Agad kong kinuha ang mga damit ko at sinuot iyon. When I was about to wear my polo shirt, she held my hand and turned to face her. I was looking at her eyes that time, alam kong mali ang mga nangyayari na that time.
“Uuhhhhmmmppphhhhh” she moaned nang maglapat ang mga labi namin. It was a hot torrid kiss.
On a normal circumstances, walang lalaki ang hindi magkakagusto sa kanya. Tisay, sexy, maganda. I told you, she looks like Cheska Garcia. But I only see her as my ate. Hinawakan ko siya sa balikat, and we stopped kissing. We were both panting after that kiss.
“This is wrong.” yun lang ang nasabi ko at nagbihis na ako.
“Liam…” she tried to stop me pero hindi talaga, I left her crying in her room.
After that incident sa bahay nila, I submitted my resignation sa org. I felt like pag nag stay pa ako, it will no longer be good for us, lalo na kay ate Lyka. Everyone was shocked when I submitted it, hindi ko na rin inentertain ang mga tanong nila. Ang sabi ko lang ay conflict na yun sa schedule ko. Dumating din si ate Lyka at binigay ko sa kanya ang request ko, which she immediately approved, without asking me. Without looking at me. And that was the last time that I saw her. After the semester, lumipat na daw ito sa Ateneo.
From that time on, I’m no longer bound by the school journo. From there on, nag focus ako sa studies ko. Mabilis lang lumipas ang semester at enrollment nanaman for the next semester. During the span of that time, aside from studies, nag gym din ako as per Kuya Dan’s advise para na rin malibang ako. And true to his words, na divert ang attention ko. Kahit papaano ay nagkalaman laman naman ako, and nag mature ang katawan ko. During that time also, Kuya Dan asked me if gusto ko ng sideline jobs. Hindi ko naman kailangan that time since di naman ako kapos sa pera, may kaya naman ang pamilya namin, but I took it. He helped to get familiarized sa mundo ng real estate.
Isinabay ko ang pag aaral ang sideline job ko sa real estate at kumuha din ako ng sideline bilang isang IT since yun naman ang inaaral ko that time. After more than six months, maganda naman ang financial return sa akin ng dalawang sideline jobs ko, di ko naman pinabayaan ang pag aaral ko dahil graduating na din ako that time. Another six months passed, and I met Ari.
Client ko siya na naghahanap ng condo within Katipunan or Cubao. She;s a young, start up entrepreneur at that time. She’s four or five years older sa akin. Hindi naman ako nahirapan na hanapan siya ng unit na gusto niya because she gave a list preferences. After closing out the deal, we became friends. She’s an outgoing person kaya hindi siya mahirap kausap o pakibagayan. Akala niya nga din nung una ay magkaedad lang kami, but when she found na mas bata ako sa kanya, medyo na disappoint siya. Crush daw niya na sana ako kaso mas bata pala ako.
After my graduation, she invited me to have dinner with her, treat daw niya for my graduation.
“Congrats Liam!”
“Salamat. Ate….”
“Ate ka dyan. You can still call Ari lang. Besides, di naman tayo mapagkakamalang parang magkapatid.”
At nag tawanan lang kaming dalawa. Marami kaming napag kwentuhan, nag open up kami sa isa’t isa bit by bit. Dun ko lang nalaman na half Chinese pala siya, kako hindi man halata dahil hindi pang Chinese ang last name niya. It was because her mom ang half Chinese and her dad is a pure Filipino. Nagkwento rin ako ng tungkol sa akin at sa personal life ko, until umabot kami sa usapang lovelife.
“I think, naka move on ka na.”
“Really, how could you say so?”
“Kasi nakukwento mo na. And I don’t feel animosity.” napag isip isip ako sa sinabi niya. It has been two years since that fateful day.
“What if bumalik siya, anong gagawin mo?” I was caught off guard ng tanong niya. Di ko na muna sinagot at nagkibit balikat lang.
“Come on Liam, answer my question. So, pano nga?” ang pangungulit niya.
“I don’t know. Deadma I guess?”
“Hm, really deadma? Di mo na ba siya mahal? Wala ka nang nararamdaman for her?”
“Ari, let’s not talk about it. Saya saya ng occasion natin, graduation ko eh. Hahaha!”
Nang pauwi na ako, habang nag da drive, napag isip isip ko ang tanong ni Ari sa akin. So what will I do if one day we’ll meet again? Do I still love her?
Araw araw kong naiisip yun, simula nung gabing yun. Hindi ko alam ang sagot din, pero alam kong may makirot sa dibdib ko whenever I ask myself if still do love her. I was trying to look for an answer pero wala. Maybe unless nga na magkita kami.
Ari and I continuously met on random days and occasions. Minsan pinakikiramdaman ko din ang sarili ko if this woman, if may chance na ma inlove ako sa kanya. At that time, platonic sa akin ang lahat, siguro nasanay nalang din ako. I never had any love interests sa loob ng dalawang taon, because I know deep down inside me, I am longing for answers. Those answers can only be answered by Lanz.
One day, nagkita kami ni Kuya Dan, kumustahan and what not.
“So, have you moved on na ba kay Lanz?”
“I think so.”
“Really?”
Hindi ko na nasagot ang tanong na yun. Di rin ako sigurado.
“Eh bakit wala ka pang nagiging girlfriend sa loob ng two years? Is that by choice or change of preferences? Hahaha!”
“Sira ulo! Haha! Choice ko lang talaga. Hindi ko priority ang pag gi girlfriend.”
“So bakit nga? Are you still waiting for my little cousin?”
“Siguro. I don’t know. May mga tanong pa kasi ako na alam ko siya lang ang makakasagot.”
“Like kung bakit ka niya iniwan? Bakit hindi niya sinabi sayo?”
Natahimik ako sa mga sinabi niya. Totoo naman din talaga yun. Yun ang mga tanong ko na hindi pa nasasagot at that time. Maybe, pag nasagot niya na yun, then that’s the time siguro na open na ako para makahanap muli ng mamahalin.
“You know what, we will be having a get together, kasama ang barkada. I was hoping that you’d join this time.”
“Kailan ba yan?”
“In two weeks time. I’ll send you details nalang siguro days before the event.”
“Okay.”
Yun lang at naghiwalay na kami dahil may kanya kanya pa kaming lakad. May client pa siya na imi meet samantalang ako ay papasok na sa part time job ko. That time, I kept the two sidelines that I have. Hindi matakaw sa oras pero good pay siya, its just that hindi sustainable in the long run. Kailangan ko padin makahanap ng proper job, but heck I want to enjoy my own time na muna din.
Two days before yung get together, naka receive ako ng message mula kay Kuya Dan telling me all the details. I was with Ari that time, and I asked her if she wants to join, ipapakilala ko sila sa barkadahan namin. She declined dahil meron siyang mga aasikasuhin during that week. May mga shipments daw kasi siyang darating at need niya mag inventory, next time nalang daw.
On the day of the get together, nagkita kita muna kami sa Gateway Mall, dahil dun ang meeting place pero sa 19East talaga ang event. Nauna na kaming dumating sa Paranaque. Nagstay lang muna kami sa kotse ng mga sinabay ko para tumambay samantalang yung iba naman ay nauna na sa loob at nagpa reserve na ng table for us. All in all, ang alam ko ay 11 lang kami, pero ang sabi ni Kuya Dan ay 12 daw talaga kami, so hindi ko alam kung sino yung isa pa. It used to be Lanz pero alam ko naman na wala siya dito. I was smoking nang dumating sila Kuya Dan at si ate Denise.
I think that’s the longest one minute of my life, nang lumabas sa back passenger side si Lanz and our eyes locked. Yumuko din ito at hindi makagalaw sa kinatatayuan niya. Nabitawan ko pa ang yosi ko that time. Hindi ako namamalik mata. It was Lanz. Napatingin ako kay Kuya Dan at ate Denise, asking for explanation of what on earth is going on.
“Come on guys, let’s go inside na.” hinila pa ako ni Froy so that I could get back to my senses.
Fuck.
What is going on?
The moment I saw her, bigla akong nablangko. I don’t know what to think, what to say, or what to feel at that time. Nang hinila ako ni Froy, bumalik ang senses ko. Bakit siya andito?
Nang nasa loob na kami ng venue, I was trying to gauge myself if galit padin ba ako sa kanya. Di ko maramdaman. I was trying to assess my feelings then, pero bakit ganun. It was as if I was delighted to see her. May mali sa akin. I shouldn’t be feeling that way. But why?
Habang kumakain kami, nahuhuli ko siyang tumitingin tingin sa akin. Hindi ko alam kung ganun din ba ang pakiramdam niya. Hindi ko naiintindihan na kung ano ang pinag kukwentuhan nila until ang topic ay si Lanz. Muli siyang napatingin sa akin, and I was looking at her din pero binawi niya agad ang tingin niya, was it just my imagination, na pinamumulahan siya ng mukha? Why?
Someone asked her kung kailan pa siya dumating at muli ay napatingin siya sa akin, bago siya sumagot.
“Mag one week na din siguro or five days?” ang sagot ni Lanz.
Napatingin ako kay Kuya Dan at Ate Denise to confirm what is going on, at umiwas lang sila ng tingin sa akin. I just drew a deep sigh. These people, it was a set up. Kaya pala ganun ang linyahan ng tanong ni Kuya Dan. He was gauging me, was it because of Lanz, dahil darating pala siya o pinapatanong sa kanya?
They just continued whatever they were talking about, wala doon ang attention ko. I stood up at pumunta sa bar para kumuha ng beer at saka lumabas para makapag pahangin. I took out my cigarette and lit up one stick. After some time, nakita kong lumabas si Lanz at doon ko lang siya napagmasdan. She already cut her hair, and you know what does it mean, nakapag move on na siya. Way back, she would have just had her hair trimmed and treated, she loves her long hair. Ngayon, shoulder length nalang. Nag mature ang itsura niya, it was as if marami ang nangyari sa kanya in a span of two years. At that time, I was not thinking of anything, partly, masaya ako, partly malungkot at siguro may galit pa, pero di ko nalang nilalabas sa kanya. Marami akong gustong itanong sa kanya talaga.
Di ko namalayan na lumalakad na pala ako papunta sa kanya at napahawak ako sa kanang braso niya.
“I’m sorry.” mukhang nagulat ko pa siya.
“O-okay lang.” ang sagot niya sa akin.
Silence.
Dead long silence. I just drew a deep sigh, and stared out sa mga naka park na sasakyan. Isn’t she the one who should initiate the talk at hindi ako, I thought to myself. Sa aming dalawa, siya ang mas may kailangang ipaliwanag. I checked on her again. She really has changed.
“I am glad that you have moved on.” ang basag ko sa katahimikan namin. She stared at me in some sort of confusion which made me think na, really, seriously, you are looking at me that way.
“I mean, sabi nila pag daw nagpapagupit ang babae, it’s a sign that she moved on or nasa moving on stage..” ang dugtong ko pa. Muntik nalang akong matawa sa reaction niya, she almost bath her beer dahil na concious siya ata na binati ko ang short hair niya. Hindi parin siya sumasagot. Awkward.
“You must be feeling awkward with my presence, I’m sorry. I am going back inside na.”
“H-hon. Liam!” I was about to walk nang tawagin niya ako at hawakan ang damit ko sa likod.
“I…I…”‘
“You…what?”
“I’m…I’m sorry”
Really? Seriously? Sa isip isip ko. I almost clenched my teeth, how could she say sorry nang hindi man lang ako tinitignan. This is not what I deserved, Lanz. Sa isip isip ko. Pero huminga nalang ako nang malalim. I shouldn’t let my anger take over me. Willing padin akong makinig sa paliwanag niya. I think I deserve that. No, I deserve an explanation. And deep down, I know, pinatawad ko na siya.
“Okay na yun Lanz. It has been more than two years. We both moved on.”
“If iniisip mo na galit ako sayo, I cannot answer that, because I really don’t know. Napatawad na kita. To be honest with you, marami akong tanong. Pero in those two years, my realizations somehow answered those questions and helped me to move on.”
Nakita ko nalang na pumapatak na ang luha niya. Naawa ako sa kanya bigla, after all I know I still love her. Nakakalungkot lang na sa ganito kami umabot. Yes, after some encounters with other women, may puwang padin siya sa puso, dahil mahal ko siya. Inayos ko ang buhok siya sa para maipit sa kaliwang tenga niya.
“Fix yourself Lanz. We should be heading back sa loob, baka hinahanap na tayo.” ang sabi ko sa kanya at nauna na akong pumasok sa loob ng venue.
It took us another hour or two sa loob bago kami mag kaayaan na umuwi. Nang nasa parking lot area na kami nag paalamanan na kami para makauwi.
“Kay Liam na ako sasabay pauwi.” nagulat ako sa narinig ko at napalingon ako sa likuran ko muli para tignan siya and she was locked eye looking at me.
“S-sa Cubao din naman ako nag stay, so sasabay nalang ako sa kanya.” ang dugtong pa niya. I took it as if in queue para hindi rin maging awkward, at ayoko ng eksena.
“Sure. Are you staying sa family house niyo?” ang sagot ko sa kanya.
“Y-yes.”
“Sige, guys, thank you! See you soon again. Ako na maghahatid kay Lanz, Kuya Dan.” napa thumbs up nalang siya sa akin.