Na-post ko na 2 years ago ang first three chapters ng kwentong ito. Ngayon ko lang nadugtungan.
Advance Happy Halloween! `Love you guys! 😉
KABANATA I – Ang Pagsilang
Quezon Province, November 28, 1996
“Aaaaaahhhhhh! Hindi ko na kaya, Philip! Manganganak na ‘ko!” Sigaw ni Melissa kasabay ng pag-agos ng tubig sa kanyang hita.
“Please, konting tiis nalang, Hon. Dadating na si doktora,” nag-aalalang tugon ng kanyang asawa.
Nasa probinsya sila ngayon, sa ancestral house ng kanyang mga magulang. Payo kasi ng kanyang OB-Gynecologist na makabubuti kung magbabakasyon muna siya sapagkat maselan ang kanyang pagbubuntis at makakasama sa kanya ang polusyon sa Maynila. Tatlong buwan na siyang nananatili roon at dinadalaw siya ng kanyang asawa tuwing Sabado.
Sa susunod na buwan pa siya nakatakdang manganak. Nagtataka siya bakit napaaga ang pagsakit ng kanyang tiyan.
Nakarinig siya ng mga yabag papalapit sa kwarto nila.
“Tito, Tita, may emergency daw po sa ospital sa bayan. Hindi raw po makakapunta si doktora. Pero sinundo na po nina papa ang kumadrona,” humihingal na pagsasalaysay ni Kristine, ang kanyang dalagitang pamangkin
Napakagat-labi siya dulot ng sakit na nararamdaman at ng impormasyong hatid nito.
Mayamaya ay dumating na ang kanyang kapatid kasama ang matandang kumadrona.
“Diyos ko…” bulalas ng kumadrona habang nagmamadaling isinara ang bintana na nakaharap sa malaking puno. Inutusan nito ang mga katulong na maghanda ng mainit na tubig, bimpo, lampin at kumot.
Nilapitan siya nito at sinabing, “Hindi mo pa kabuwanan, hija.”
Hinawakan nito ang kanyang tiyan at nag-aalalang tumingin sa kanya.
“Aaaahhhhhhhh!” napakapit siya rito. Sadyang napakasakit ng nararamdaman niya.
Inayos nito ang kanyang pagkakahiga at ibinuka ang kanyang mga hita.
“Huminga ka ng malalim, hija,” utos ng kumadrona.
“Nakikita ko na ang ulo ng ba—“
“Aaaaaahhhhhhhhhh! Uuuhhhhhhhh,” napakapit siya magkabilang dulo ng kama.
“Sige pa, konti na lang, hija.”
Humuhugot siya ng puwersa upang umire nang bigla siyang nawalan ng malay.
* * *
Nakamasid ang dalawang lalaki sa labas ng malaking bahay. Tatlong buwan na rin nilang sinusubaybayan ang bawat kilos ng babaeng buntis. Sabik na sabik na silang makita anak nito.
* * *
Manila, November 28, 2004
“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!”
“Make a wish before you blow your candles, sweetheart!” bulong ng mommy ni Nicole na si Melissa.
She smiled. Sa kanyang murang edad, wala na siyang maihihiling pa. Mahal siya ng kanyang mga magulang at ibinibigay ng mga ito ang lahat ng gusto niya. Ramdam niya rin ang pagmamahal ng kanyang yaya at ng iba pa nilang kasambahay.
Marami ang dumalo sa kanyang Barbie-themed birthday party. Yumuko siya at hinipan ang mga kandila sa kanyang cake. Pagtingala niya, ngumiti siya sa kanyang mga bisita. Napadako ang tingin niya sa dalawang lalaking nakatayo sa gilid ng punong mangga kung saan nakasabit ang kanyang paboritong swing.
Ngumiti ang dalawang lalaki sa kanya kaya ngumiti at kumaway din siya sa mga ito.
“Yaya, tawagin po natin yung dalawang mama,” aniya sa kanyang Yaya Mercy habang tinuturo ang dalawang lalaki na nakatayo sa may punong mangga.
“Ha? Wala namang tao roon ah. Naku, ‘tong batang ‘to. Aba’y hindi mo na naman kinain ang almusal mo kanina,” sagot ng kanyang yaya.
“Pero, yaya…” pagpupumilit niya.
“Halika na,” hinila na siya nito papasok sa kanilang bahay.
Paglingon niya sa punong mangga, wala na ang dalawang lalaking ngumiti sa kanya kanina. Pumasok nalang siya sa kanilang bahay at nakipaglaro sa mga kaibigan niya. Excited na siya dahil marami na naman siyang bubuksang regalo mamaya.
* * *
Two months before Nicole’s 18th birthday…
“Mom, dad, please, I don’t want a traditional debut with 18 candles , 18 roses, or 18 whatever! I just wanna celebrate my birthday in a bar,” nakangusong reklamo ni Nicole sa kanyang mga magulang.
“Hindi pwede, anak. Ano nalang ang sasabihin ng lolo’t lola mo,” sagot ng kanyang ama.
“You have to have a cotillion, Nikki. Hindi pwedeng sa bar ka mag debut, okay?” dagdag pa ng kanyang ina.
Napalabi nalang siya.
* * *
Manila, November 28, 2014, Nicole’s 18th Birthday
6:00am
Maagang gumising si Nicole. Plano niyang kausapin ang kanyang mga magulang. For the nth time, magsusumamo siya na sana hindi na ituloy ng mga ito ang kanyang debut.
Masama ang kanyang pakiramdam. Sa katunayan, kagabi pa siya nakakaramdam ng kakaiba. Nagising siya eksaktong alas dose ng gabi at pakiramdam niya na para bang may nagmamasid sa kanya. Pinagpapawisan din siya kahit pa malakas ang aircon sa kanyang kwarto.
She woke up despite the unexplainable feeling she has. Before she could step on the floor, she felt dizzy. Napayuko siya at doon niya napansin na puno ng iba’t-ibang klase ng rose petals ang kanyang kama pati na ang sahig ng kanyang kwarto. Napangiti siya.
Nagmamadali niyang tinungo ang kwarto ng kanyang mga magulang. Bago pa siya makarating dito, natagpuan niya na ang mga ito na nagkakape at nagbabasa ng newspaper sa kanilang terrace.
“Mommy! Dad!” nilapitan niya ang mga ito.
“Happy birthday, sweetheart!” sabay na bati ng kanyang mga magulang sa kanya.
“Thank you! You smothered my room with roses! You’re so sweet!” aniya sabay pupog ng halik at yakap sa mga ito.
Napatitig ang mga ito sa kanya, naguguluhan.
Napakunot-noo siya.
“‘Yung bed and floor sa room ko, it’s covered with roses,” paliwanag niya.
Napangiti ang kanyang ina at sinabing, “Naku, suitor mo siguro, anak. Baka nakisuyo kina yaya mo na ipanhik ang flowers sa kwarto mo,” wari’y kinikilig na turan ng kanyang ina.
She blushed.
Ngumiwi naman ang kanyang ama at nagpatuloy sa pagbabasa ng newspaper.
Biglang umihip ang malakas na hangin at tinangay ang ilang pahina ng diyaryo patungo sa kinaroroonan ng punong mangga.
Tinakasan ng kulay ang kanyang mukha. Napakapit siya sa railing ng terrace. Hindi siya maaaring magkamali. May nakita siyang dalawang pamilyar na pigura na nakatayo roon. Nakita niya ang dalawang lalaking dumalo sa kanyang ikawalong kaarawan. Kinusot niya ang kanyang mga mata. Paglingon niya ay naroon parin ang mga ito at nakangiti sa kanya. Ang ipinagtataka niya ay animo’y hindi tumanda ang mga ito. Pareho pa rin ang itsura at tikas ng pangagatawan, walang pinagbago.
“Anak? Are you okay?” tanong ng kanyang ama.
“O-opo,” nauutal at tila wala sa sariling sagot niya.
“Come on, let me see the roses,” anyaya ng kanyang ina.
Tinungo nila ang kanyang kwarto. Ngunit tulala pa rin siya. Pagbukas niya ng pinto, wala na ang mga rosas sa sahig.
Napatingin sa kanya ang kanyang ina.
“O, where is it?” tanong nito.
“I swear, nandito lang ‘yun, mommy!” hysterical na sigaw niya.
KABANATA 2 – Ang Enkantong Itinaka
“I swear, nandito lang yun, mommy!” medyo hysterical na siya.
“Easy, sweetheart. It’s your birthday. Maybe you’re a bit stressed out. At bakit ba naman kasi ang aga mong gumising?” Anito sabay haplos sa buhok niya.
She felt dizzy again. Umikot ang paningin niya at nawalan siya ng malay.
As Nicole woke up, she saw her parents sitting on the sofa across her bed. May kausap ang mga ito. Nang mapangtanto kung sino ang kausap ng kanyang mga magulang, bigla siyang napatili.
“What are you doing here?!” sigaw niya sa lalaking kausap ng kanyang mga magulang.
He’s one of the guys she saw standing beside the old mango tree!
Nilapitan siya ng kanyang ina.
“Ssshhhhh, it’s alright, honey. He’s Dr. Enriquez. Pamangkin siya ng ating family physician. Hindi kasi available ang tito niya kaya siya nalang ang pumunta rito to check you up,” paliwanag ng kanyang ina.
Nanginginig siya habang nakayakap sa kanyang unan. Hinila niya ang braso ng kanyang ina at bumulong, “So, nakikita niyo rin siya ni daddy, ‘My?”
“Of course, Nikki sweetheart,” napabuntong-hininga ito, “You’re acting strange, anak.”
Napatingin siya sa lalaki. Nakangiti ito sa kanya. He looks so handsome. Matangkad. Fair-skinned, with mestizo features.
Hinila niya na naman ang kanyang ina at bumulong.
“‘My matagal ko na siyang kilala. Nakita ko na siya noon pa, nung eight years old ako. Bumisita siya rito on my eighth birthday. May kasama siyang lalaki na kasingtangkad niya. Ngayon, 18th birthday ko, andito na naman sila. Nung nasa terrace tayo kanina, nakita ko silang nakatayo sa tabi ng punong mangga,” nanginginig na pagpapaliwanang niya.
Naiiyak na niyakap siya ng ina. “Nicole, please, you’re imagining things…”
“No, mom! I’m telling the truth!” she screamed.
Kumalas sa pagkakayap ang kanyang ina at umiiyak na lumabas ng kwarto. Nilapitan siya ng kanyang ama at niyakap.
“Nikki, sweetheart, you have to rest. Baka dala lang yan ng sobrang stress sa school,” hinalikan siya nito sa noo at lumabas ng kwarto. Naiwan siya kasama ang lalaki.
Akmang lalapitan siya nito nang bigla siyang sumigaw.
“Don’t come near me!” sigaw niya rito. Pero hindi ito natinag at umupo sa dulo ng kanyang kama.
“Nagustuhan mo ba ang mga rosas kanina paggising mo, mahal ko?”
Napapikit siya. Napakaswabe ng boses nito. As if she’s being hypnotized. Sa kabila noon, nangingibabaw pa rin ang takot at kaba sa dibdib niya.
Hinawakan nito ang kanyang kamay. Namangha siya sapagkat biglang gumaan ang kanyang pakiramdam, hindi na siya pinagpapawisan at nawala ang sakit ng kanyang ulo.
Nabighani siya sa maamong mukha ng lalaki.
Hinaplos nito ang kanyang buhok at unti-unti siyang napapikit.
6:00 pm
Nagising si Nicole na magaan ang pakiramdam. Bumaba siya. She headed towards the kitchen. Doon natagpuan niya ang kanyang Yaya Mercy kasama ang iba pang mga kasambahay.
“O, anak, okay ka na ba? Ipaghahanda kita ng makakain. Naku, happy birthday pala!” niyakap siya ng kanyang yaya.
“Thank you, ‘ya. Sina mommy?” tanong niya.
“Nasa sala.”
Tinungo niya ang sala at nadatnan niya ang kanyang mga magulang na masayang nakikipagkwentuhan sa lalaking kinatatakutan niya.
“Nikki, you’re up. Are you feeling well?” tanong ng kanyang ina.
“Sabi ni Doc, dapat magpahinga ka raw muna. Your mom and I decided to postpone your debut. You have to rest,” sabi naman ng daddy niya.
Tumango lang siya.
Tumikhim ang lalaki.
“Uhm, Tita Mel, Tito Philip, I’ll go ahead. Mukhang okay na po si Nicole,” wika nito habang nakatitig sa kanya.
“Maghapunan ka muna rito, Anthony,” anyaya ng kanyang ina.
“Naku, Tita, ‘wag na po. Dito na nga po ako nag-lunch eh,” nakangiting sagot nito.
“Sus, don’t bother.”
“Okay lang po talaga, Tita. I still need to run some errands pa rin po kasi.”
“Ah, ganun ba? Sige,” lumingon sa kanya ang kanyang ina at sinabing, “O, Nikki, say thank you to Doc Anthony.”
“Thanks,” kiming pagpapasalamat niya.
Ngumiti lang ito at tuluyan nang nagpaalam.
* * *
Days passed. Nagpapasalamat si Nicole at bumalik na sa normal ang lahat.
Well, that’s what she thought.
Palabas na siya sa kanilang gate nang may tumawag sa kanya.
“Nicole! Nicole!”
Paglingon niya, papalapit sa kanya ang isang duwende.
“Wag kang lumapit sa’kin!” aniya sabay pulot ng bato sa kanilang driveway.
Babatuhin niya na sana ito nang bigla siyang hinila ni Anthony at niyakap.
“Don’t do that. Mabait siya.”
Nagpumiglas siya at kumuwala sa pagkakayakap nito.
“Ihahatid na kita sa school,” alok nito.
Hindi niya alam kung bakit pero napapayag siya nito. Sumakay siya sa sasakyan nito.
“Kumusta ka na?” mahinahong tanong nito sa kanya habang nagmamaneho.
Huminga muna siya ng malalim bago sumagot.
“Akala ko mababaliw na’ko nung birthday ko. I’m hallucinating. Nakikita kita. Pati yung kasama mong lalaki. Yung mga bulaklak. Buti nalang naging okay na’ko pagkatapos nun. Pero ngayon andito ka na naman. May kasama ka pa, oh,” napalingon siya sa backseat ng sasakyan kung saan nakaupo ang duwendeng kasama nito.
Kumindat pa ang duwende sa kanya. Nilingon niya si Anthony. Nakangiti ito.
“These coming days, mas lalawak pa ang third eye mo. Nag-aadjust ka pa kasi mula nung birthday mo.”
“H-ha?” naguguluhang sambit niya.
“Ikaw ang itinakda. Para sa akin. Para sa amin,” sagot nito.
“What?!” tumaas na ang boses niya.
“Ayaw mo ng tagalog?” biro nito.
“Okay, here it goes. The day you were born, you were destined to be my mate as well as Jake’s. He’s the guy I’m always with. Itinakda tayong tatlo para sa isa’t isa. Ipinanganak kami sa magkaibang kaharian sa kabilang mundo. Ikaw naman, dito sa mundo ng mga tao. Pero hindi porket dito ka ipinanganak sa mundo ng mga tao ay mortal ka na. Isa ka pa ring engkanto,” paliwanang nito.
Engkanto?! Ako?!
KABANATA 3 – Ang Mga Itinakda Para sa Isa’t Isa
Engkanto?! Ako?!
Hihimatayin yata siya.
“Sa ngayon hindi mo pa talaga maiintindihan ang lahat ng impormasyong ito. Don’t worry, andito lang ako para gabayan ka,” anito sabay hawak sa kamay niya.
Napanatag naman siya.
“Simula ngayon, sasamahan ka na pala ni Mik, saan ka man magpunta,” nilingon nito ang duwende sa backseat.
“Siya ang itinakda upang maging tagabantay nating tatlo ni Jake,” dagdag pa nito.
Napakunot-noo siya.
“Paano niya kayo babantayan ni Jake kung sasama siya sa’kin?” tanong niya.
Biglang humalakhak si Mik at tumalon-talon. Sa isang iglap ay dalawang Mik na ang nakikita niya.
“That’s one of his powers,” Anthony seemed to have read her thoughts.
Bago pa siya makababa ng sasakyan, napaisip siya.
“Paano kung makita ako ng mga classmate ko na parang tangang nakikipagusap kay Mik? I mean I’m pretty sure magtataka sila na mag-isa akong nagsasalita,” she raised her brow.
“Wag kang mag alala, Mik can also be the master of disguise. Mamaya niyan siya na ang pinakamagandang babaeng estudyante sa campus niyo eh,” sago nito.
Natawa siya. Bumaba na siya ng sasakyan.
“Wait,” hinawakan nito ang kamay niya.
“Don’t be shocked if you see faces which are different from the ones you got used to. Mga engkanto rin yan. Mostly mga…