Hollow Earth – Book 1 (Hollow Earth)

Warning: Fiction/Fantasy/Sci-Fi
Nastyxboyz 2022|New Leads 2022

Book 1: Hollow Earth

Biringan – Location [unknown], coordinates [unknown]

Sa isang di kilalang lugar sa ilalim ng ating mundo kung saan naninirahan ang mga kakaibang nilalang na kung tutuusin, sa mga lumang alamat mo lang napakikingan. Sila ang laman nang mga kwento kwento ng ating mga ninuno sa mga henerasyon ng nagdaan.

Kung sa mundo ng mga tao, sila nilalang na tinatawag natin na engkanto, laman lupa at iba, dito ang tawag nila sa isa’t isa ay taong hayop.

Pero ,tulad din sa mundo ng mga tao, May masasama at mamabait rin at di lahat ay mapang api, kung tutuusin, mas marami ang mapayapang naninirahan at nakikipag ugnayan sa kanilang lugar.

Isa na dito ang mga taong pusa, sila ay magkapareho sa normal na tao .Makinis ang kanilang balat parang tao pero may tenga na matatagpuan sa may ibabaw ng ulo na medyo may kalakihan at buntot tulad din ng pusa.

Maliban sa buntot at tenga, sila ay mapuputi, magaganda ang mga babae at patipuno ang mga lalaki. Kutis porcelana at may aura na nakakabighani.

Ang lugar sa ilalim ng lupa ay mapayapa, malinis at maganda.Pero dahil sa epekto ng pag ikot ng mundo,paminsan-minsan, may mga natural na kalamidad rin dumating

Isa na rito ang Lindol, na minsan rin ay may dalang pamiminsala. at may namamatay din dahil sa paglamon ng lupa. Minsan rin ito lilikha nang nga putok na walang hangganan ang lalim. Dahil na rin sa immortal ang mga taong hayop. Isa ito sa naisip nilang paraan kung saan pwede nilang wakasan ang kanilang buhay.

Lahat ng tumalon sa lalim ng putok sa lupa ay di na bumabalik.

Anong mangyari sa mga katawan ng mga tumalon” tanong ni Nia.

“Pag ikaw ay nagpapakamatay dahil gusto mong tapusin ang buhay mo, dadalhin ka sa ibang lugar ng dilim at maging halimaw ka sa susunod mong buhay” Sagot sa Ama ni Nia.

“Paano pag di mo gusto at nahulog ka lang bigla?” tanong naman ni Nia.

“Imposible mangyari yon, dahil tayo kay mga taong hayop ay may taglay na kamalayan at malalaman natin pag dating ng lindol” sagot naman ni ama ni Nia.

” Tayong mga taong pusa, alam natin saan to babagsak at alam na atin kung gaano ito ka pinsala. Malayo paman, alam na atin kung paano umiwas.”

sagot nang inay ni Nia,

“Nay, Tay, natatakot ako, di ko nararanasan ang ganyan, paano pag di ko alam.?” tugon ni Nia.

” Hay naku, bata ka pa, walong taong gulang ka pa lang kaya wala ka pang karanasan sa mga ganyan. Di bale, paglaki mo, darating din ang panahon na matuto kang makinig sa kapaligiran at malalaman mo na lang kung ano at sino ang paparating na pinsala” Tawa nang itay ni Nia.

“Sige na Nia, magpahinga ka na at gabi na.” tugon inay ni Nia.

“Nay mag aasawa na lang ako ng maaga para may sumaklolo sa akin” sabi ni Nia.

“Naku tumahimik ka nga dyan, maghintay ka muna ng isang libong taon bago ka mag asawa” sagot nang ina. “

Inay naman” sabi ni Nia.

“Matulog ka na sabi” galit ng ina.

“Opo” saad ni Lia.

Sampung taon ang nakalipas…

“Nia, anak, gising lilipat tayo ngayon na. May biglang papalapit na lindol,huli na nang malaman namin kung gaano kalaki or kalakas, kailangan natin lumayo sa bahay natin ngayon na” tarantang sabi nang ina ni Nia.

“Sige Nay, kunin ko lang yung mga gamit ko” Sabi ni Nia.

” Wag na anak, dapat na tayong umalis dito ngayon na!” Sigaw nang itay ni Nia.

Yung komot na lang ang dalhin ko” sabi ni Nia.

” Sige at dalian mo” Sigaw ng nanay ni Nia.

Habang naglalakad paalis sa bahay si Nia at di sya makapaniwala na biglang mataranta ang magulang nya. Pati mga kapitbahay nila at kaibigan ay nagsing-alisan di at tila may malaking sakuna na paparating.

“Tay bakit hanggang ngayon wala parin akong maramdaman kung may masasamang magaganap sa lugar natin? Ang mga kaibigan kong taong-ibon alam na nila kahit na may paparating na bagyo, tayong nasa lupa, lahat ay may alam kung may pagyanig pwera ako lang ang wala, nasa tamang edad na ako at wala pa rin – , natatakot ako!”. Balisang tanong ni Nia hanang tumatakbo papalayo sa lugar.

Di ko alam anak, baka siguro isa kang ispecial na nilalang. Darating rin ang panahon at …….aaaaargh” sigaw ng ama ni Nia nang bilang humiwalay ang lupa na dinadaanan nila.

Sa isang banda si Nia na nakapit sa isang bato …

Sa kabilang banda ang kanyang magulang..

“Niaaa, kumapit ka nang mabuti, wag kang bibitaw. Kapit ka sa may bato.” sigaw ng ina ni Nia.”

Inay!, Itay! tulong, huhuhuhu natatakot akong mahulog!” pag iyak ni Nia.

Kahit na nasa ligtas na lugar si Nia ay paunti unti pa rin kinakain ang kanyang kinatayoang lupa.

“Nia, talon ka sa kabila, sa may malaking kahoy” sigaw ang ina.

Ang taong pusa ay may kakayahan na tumalon ng mataas at magaling sa paghahanap na ligtas na lugar.

“Dyan ka lang at ako na lang ang tatalon ako para kunin ka” sigaw ng ama ni Nia at biglang….

Crracckkkkkkkkkkkkkeddd…

Dalawa pang…