Homewrecker – Chapter 8

CHAPTER 8

MICHELLE’s POV

Akala ko ay mauuwi sa mainit na tikiman ang nakaraang gabi, ngunit bigla na namang nakaramdam ng tawag ng moral si Ian. Bitin na bitin na naman ako. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa lalo na ngayong sigurado akong mahina siya pagdating sa mga panunukso ko. Kailangan ko lang maging matiyaga hanggang sa siya na ang sumabog sa sobrang pagnanasa sa akin. Hindi ako pwedeng tumigil dahil ito ang isang paraan para mawasak si Tita Melba. Ang makitang nagdurusa ang anak nito rahil sa pagkasira ng pamilya. Kaya titiyagain ko si Ian. Kahit papaano naman ay nag-e-enjoy ako sa init na hatid niya.

Dahil sa pagkabitin ko sa nangyari kagabi ay nagpunta ako rito sa bahay ng kapitbahay nila Rannicia na si Renz para magpalabas ng init ng katawan. Alam kong tipo ako nito unang pagkakita pa lang sa akin. Sa ilang araw na pananatili ko sa bahay nila Rannicia ay ilang beses na ako nitong nasilayan sa may bakuran habang inaalagaan si Baby Levi. Sa tuwing nakikita ako nito ay hindi maaaring hindi siya makipag-usap sa akin o kaya magpa-cute. Hindi na ako lugi sa kanya. Hot naman talaga siya at sa karakas niya, mukhang marami na siyang napaiyak na babae.

Isinama ko ang tulog na si Baby Levi sa bahay ni Renz. Sinigurado kong tulog siya sa kanyang stroller bago namin sinimulan ni Renz ang pagpapalabas ng init sa loob ng kanyang kwarto. Hahayaan kong isipin ni Renz na type ko rin siya rahil mukhang pwede ko siyang gamitin para sa mga plano ko.

Renz: Ah, tangina! Ang sikip ng biyak mo, Michelle! Parang hinihigop ang burat ko!

Mabilis at madiin akong umiindayog sa ibabaw ni Renz habang tuluy-tuloy ang pagtaas-baba ng pagkababae ko sa kanyang pagkalalaki. Mabilis at madiin niya ring sinasalubong ang kaselanan ko kaya naman damang-dama ko sa loob ko ang bawat parte ng kanyang alagang naninigas dahil sa sobrang sarap na ipinararanas ko sa kanya.

Michelle: Fuck! Give it to me harder, Renz! Yes! That’s it! Deeper! Yes! Faster, Baby!

Renz: Aaaaaahhhhhh… Ang sikip mo, Michelle! Ang init! Grabe ka maglawa. Shit! You’re so wet!

Parang naiiwan pang nakakapit sa katawan ng burat ni Renz ang laman ng loob ng perlas ko sa tuwing umaangat ang katawan ko at parang along mabilis na raragasa pabagsak sa kanyang kandungan.

Halos bumaon ang mga kuko ko sa malapad na balikat ni Renz sa tindi ng paghahabol namin sa sukdulan. Tumatagaktak ang tulo ng pawis sa maskuladong katawan ni Renz at makurbang katawan ko habang papalapit na kami sa ikapitong glorya.

Niyuko ko si Renz at inabot ang kanyang labi. Halos lamunin ng bibig ni Renz ang bibig ko sa paraan ng kanyang paghalik. Sabik na sabik at puno ng pagnanasa. Kapit na kapit ang dalawang bisig ko sa leeg ni Renz na parang ayaw ko nang kumawala sa sarap na idinudulot niya sa aking katawan.

Matindi rin ang kapit ni Renz sa aking baywang habang tuluy-tuloy at walang tigil ang pagsasalubong ng aming maselang parte sa katawan. Sarap na sarap ako sa ipinararanas ni Renz sa akin. Siya na yata ang pinakamasarap sa lahat ng lalaking pumasok sa mainit na pintuan sa pagitan ng aking hita.

Michelle: Reeeeenz…

Renz: Michelle… Aaaaahhhhh… Ito na ko…

Michelle: Sa loob ko, Renz. Sa loob ko…

Hindi ako nangangambang mabuntis ni Renz dahil sa mga pills na iniinom ko. Sigurado akong safe kahit sa loob ko siya magpaputok.

———-

IAN’s POV

Muntik na naman akong bumigay sa tukso kung hindi ko napigilan ang sarili ko kagabi sa init na dulot ng mga halik ni Michelle. Humihina ako sa tukso pagdating sa kanya. Iniisip ko kung magsasabi na ba ako sa asawa ko, pero nangangamba akong masira ang relasyon nilang magpinsan gayong ngayon lang sila muling nagkita matapos ang mahabang panahon. Hindi ko alam kung paano ko patitigilin si Michelle. Sa tuwing nasa malapit siya, naeengganyo akong magkasala sa misis ko. Sa lalong madaling panahon ay kailangan kong makaisip ng paraan para mapigilan ang mga ginagawa ni Michelle. Gusto ko siyang kausapin, pero nangingibabaw ang init ng katawan ko sa tuwing nagkakalapit kaming dalawa.

Naisipan kong pumunta ng mall para magpahangin at mawala sa isip ko ang mga alalahanin tungkol kay Michelle at para na rin mamili ng mga gamit para sa talyer.

Nabigla ako nang may makabangga akong babae sa loob ng mall. Dali-dali kong pinulot ang mga gamit na nalaglag mula sa handbag nito at isinilid muli sa loob ng kanyang handbag. Nang tumayo ako para iabot ang handbag sa babaeng nakabungguan ko ay halata ang gulat sa kanyang mukha nang titigan ako.

Babae: Ian?

Nagulat ako dahil sa pagbanggit niya sa aking pangalan. Inisip ko kung saan ko nakita ang babae na ito ngunit wala akong maalala.

Ian: Ah. Yes. I’m Ian. Pero sorry, Miss, hindi-

Pinutol niya ang pagsasalita ko.

Babae: I’m Kimberly. Best friend ng misis mo at ninang ni Levi. Remember now?

Matinding pagkabigla ang bumalandra sa mukha ko nang hagurin ng tingin ang magandang babae sa aking harapan. Hindi ako makapaniwalang ang laki na nang ipinagbago ng kaibigan ng aking misis pagdating sa physical appearance nito. Nang muling magsalubong ang mata namin ay naroon ang paghanga sa aking mga mata.

Ian: Wow. Is that really you, Kim?

Malakas na tumawa si Kimberly at umiling-iling.

Kimberly: Alam mo kung hindi ka asawa ng kaibigan ko, mao-offend talaga ko.

Bigla naman akong nahiya sa sinabi niya.

Ian: I’m sorry. I didn’t mean to offend you.

Ngumiti lang si Kimberly sa akin.

Kimberly: I know, Ian. Malaki talaga ang ipinagbago ko simula noong huli tayong magkita sa binyag ng inaanak ko.

Umikot pa si Kimberly sa harap ko para ibalandra ang malaking pagbabago sa kanyang physical appearance.

Hindi pa rin ako makapaniwala nang muling hagurin ng tingin ko ang kabuuan ni Kimberly.

Ian: Kailan ka pa umuwi from US? Why didn’t you tell us?

Muling tumawa si Kimberly.

Kimberly: I wanted to surprise you and Rannicia. May inasikaso lang ako agad na ibang mahahalagang bagay pagdating ko rito kaya hindi agad ako nakapagsabi. Pero ako pala ang masu-surprise.

Marami pa kaming napag-usapan ng best friend ng misis ko bago siya nagpatiuna.

Kimberly: So, Ian, maaasahan ko bang hindi mo sasabihin kay Rannicia na nakauwi na ko para naman magkaroon ng sense ang surprise ko sa kanya? Magaling ka namang magtago ng secrets, right?

Kumindat pa sa akin si Kimberly bago ako tumango. Natutuwa namang nagpasalamat sa akin ang kaibigan ng aking misis bago ako niyakap. Sandali lamang iyon pero sapat na para ihatid ng aking tingin ang papalayong pigura niya.

Napailing na lang ako sa nakitang pagbabago sa kaibigan ng aking misis bago tumuloy sa pagbili ng mga kagamitan para sa talyer.

Kinagabihan pagdating ko sa aming bahay ay nakita kong papalabas ng pinto namin si Renz. Inihatid ito ni Michelle papalabas kasama ang aking misis na karga-karga ang aming anak.

Rannicia: Oh, Hon. Nakauwi ka na pala.

Lumapit ako sa mag-ina ko at hinalikan sa labi ang misis ko at sa noo ang aking anak. Napatingin ako sandali kay Michelle at parang gusto ko ring abutin ang malambot niyang labi para halikan.

Napatingin ako kay Renz na nakita kong nakaakbay kay Michelle.

Ian: Oh, pare. Napadalaw ka.

Renz: Ah, oo. Ipinagpaalam ko itong si Michelle kay Rannicia na lumabas this weekend.

Napatingin ako kay Michelle at mabagal na napatango.

Rannicia: Pumayag na ko, Hon, kasi nandito naman tayo tuwing weekend para magbantay kay Baby Levi. Saka para na rin magkaroon ng mga new friends itong pinsan ko. Hindi lang ‘yon. Nanliligaw na rin si Renz kay Michelle.

Hindi ko nililingon ang misis ko habang nagsasalita siya. Nakatingin lang ako kay Michelle na may nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.

Renz: Hindi mo naman mamasamain, pare, right?

Napangisi ako kay Renz.

Ian: Why would I? Michelle is allowed to entertain any guy she wants. Nasa tamang edad na siya. Sige na. Papasok na ako sa loob. Magpapalit pa ako ng damit.

Pumasok na ako sa loob ng bahay kasunod ang mag-ina ko. Pumasok ako ng kwarto. Lumapit ako sa bintana para silipin kung nakaalis na ba si Renz. Nakita kong naghahalikan silang dalawa ni Michelle bago tuluyang lumabas ng bakuran namin ang lalaki.

Malandi.

———-

to be continued…